You are on page 1of 1

Name: Norbert Angelo M.

Baluya Student no: 201810544

C/Y/S: BSIT 3-2 Date: June 1, 2021


Reaksyong Papel

Simula noong nag simula ang pandemya, may mga sinusunod na


tayong gawain na kung tatawagin nating ay new normal. Sa panahong ito,
ang karaniwang klase na ating nakasanayan ay napalitan na. Kung dati ay
sanay tayong nag kikita araw-araw, pumupunta pa sa unibersidad, at
malayang nakakalabas. Ngayon ay iba na, lahat ng klase ay ginaganap sa
pamamagitan ng internet. Gumagamit ng iba’t ibang plataporma sa pag ka-
klase ang mga guro. Subalit, dahil walang sariling plataporma na ibinigay ang
ating gobyerno para sa pag ka-klase. Ang mga ginagamit na plataporma
ngayon ay walang gaanong seguridad dahil alam naman natin na marami ang
gumagamit neto at napakadali lang itong pasukin.

Ang nangyare sa bidyo ng Jessica Soho patungkol sa isang online


class na pinasok ng mga masasamang loob ay isa sa patunay na
napakadaling mapasok ito kahit sa kaunting pag kakamali. Nakakatakot na
malaman na posible itong mangyare lalo na’t ang mga biktima sa bidyo ay
mga bata. Ngunit, may mga solusyon pa rin dito upang maiwasan at
maprotektahan ang inyong mga online class.

Ang mga kadalasang ginagamit sa pag o-online class ay ang Google


meet, at Zoom. Para maprotektahan at masigurado niyong ligtas at hindi
mapapasok ng basta kahit sino-sino lang ang inyo mga online class, dapat
niyo munang malaman ang mga dapat at di dapat gawin. Ang settings ng
inyong mga online class ay dapat niyo ring alamin at unawain. Sa
pamamagitan ng mga ito ay makakasigurado kayong hindi basta-basta
mapapasok ang inyong mga online class. Isa pa rito ay dapat siguraduhing
ang link, o ang code sa inyong online class ay naibahagi lamang sa mga
kabilang dito. Dapat din iwasan ng mga estudyante o mga guro ang pag
punta sa kung ano-anong website o pumindot ng mga kahina-hinalang link, ito
ay sa kadahilang dito kadalasan nag mumula ang mga malware na maaring
maging dahilan kung kaya’t napapasok ng mga hackers ang mga online
class. Madali din malalaman ng mga guro kung sino ang mga dapat at hindi
dapat nasa online class niyo kung mayroon siyang listahan ng mga
estudyanteng kabilang sa klase niya.

Upang masigurado niyo ang kaligtasan niyo sa mga taong katulad ng


nasa bidyo. Dapat ay siguraduhing naka pribado lamang sa mga estudyante
at guro ang meet at ang link nito. Laging mag update ng software ng inyong
mga kompyuter at mag install o gumamit ng antivirus. Wag matakot at dapat
mag-aral at matuto tayo kung pano natin mapro-protektahan ang ating mga
sarili laban sa mga hackers at malware.

You might also like