You are on page 1of 8

JUSTICE CECELIA MUNOZ PALMA SENIOR HIGH SCHOOL

Paseo del Carmen St., AMLAC Ville Subdivision, Payatas B, Quezon City
SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIAL
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Baitang 11
Petsa: Abril 12-16, 2021

Kasanayang Pampagkatuto
 Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin. (CS_FA11/12PU0d-f-92)

Layunin:
 Nakikilala ang synopsis bilang isa sa mga akademikong sulatin.
 Nakasusulat ng synopsis batay sa sinuring teksto.
 Nakasusunod ng tama sa paraan ng pagbubuod.

Subukin
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa papel ang
titik
ng tamang sagot.
1. Ito ay pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak C.Sinopsis
B. Bionote D. Paglalagom
2. Mahilig manood ng iba’t ibang pelikula si Rainnier, nais niyang gawan ito ng
buod at i-post sa social media upang mabigyan ng ideya ang ibang nais manood
ng mga pelikulang ito? Anong uri ng lagom ang puwede niyang gawin?
A. Abstrak C.Sinopsis
B. Bionote D. Paglalagom
3. Ito ay uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba
pang anyo ng panitikan.Isama ang wator at petsa ng sulatin.
A. Abstrak C.Sinopsis
B. Bionote D. Paglalagom
4. Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom. Anong uri ng lagom ang dapat
isagawa rito?
A. Abstrak C. Sinopsis
B. Bionote D. Paglalagom
5. Sa pagsulat ng sinopsis, dapat na ibatay ito sa tono ng pagkakasulat ng orihinal
na sipi. Nangangahulugan lamang ito na______?
A. dapat maramdaman ng mambabasa ang totoong damdaming naghahari mula
sa akda.
B. dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga gampanin.
C. suriin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
D. pagtatala ng mga kaisipan habang nagbabasa.

Balikan
Panuto: Hanapin sa loob ng HANAP-SALITA ang iba’t ibang anyo ng akademikong
pagsulat. Maaaring makita ang mga anyo ng akademikong pagsulat na ito
nang pabaliktad, pahalang, pabertikal, at padayagonal.

Sagot:
1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________
Alam mo ba?

Ang Paglalagom na Sinopsis

 Sinopsis- o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit ng mga nasa


tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula,
parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
- Layunin nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda
kaya’t mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano?
Kailan? Saan? Bakit? Paano? upang mapadali ang pagsulat ng buod.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis

1. Banggitin ang pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda upang


maipaunawa sa mambabasa na ang kaisipang iyong inilalahad ay hindi galing sa
iyo kundi buod lamang ng akdang binasa kaya iwasang magbigay ng iyong
sariling pananaw tungkol sa akda at maging obhektibo sa pagsulat nito.
2. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
3. Isulat batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung malungkot ang
damdaming naghahari, dapat maramdamin din ito sa buod na gagawin.
4. Isama ang mga pangunahing tauhan, kanilang mga gampanin at suliraning
kinakaharap.
5. Maaaring buuin ang nuod ng isang talata, maging ng ilang pangungusap lamang.
Kung higit sa isang talata, gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi
ng mga pangyayari sa ibinubuod.
6. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay, at mga bantas na ginamit sa
pagsulat.
7. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango ang
orihinal na sipi ng akda.
Pagyamanin
Panuto: Basahin at suriin ang teksto. Habang nagbabasa, itala ang ilang
mahahalagang
kaisipan at damdamin na naghari sa teksto.

Ang Talinghaga ng Alibughang Anak (Lucas 15:11-32 Ang Salita ng Diyos


(SND))
Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. Ang
nakababatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama, “Ama, ibigay mo sa akin ang
bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin.” Ibinahagi nga ng ama sa anak ang
kaniyang kabuhayan. Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang
nakababatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang malayong lupain at
doon nilustay ang kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay nang magulong pamumuhay.
Ngunit nang magugol na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa
lupaing iyon at nagsimula siyang mangailangan. Humayo siya at sumama sa isang
mamamayan ng lupaing iyon. Siya ay sinugo sa mga bukirin upang magpakain ng
mga baboy. Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga bunga ng punongkahoy na
ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya.
Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya, “Ang aking ama ay
maraming upahang utusan. Sagana sila sa tinapay samantalang ako ay namamatay
dahil sa gutom. Tatayo ako at pupunta sa aking ama. Sasabihin ko sa kaniya na ako’y
nagkasala laban sa langit at sa kanyang paningin. Hindi na ako karapat-dapat na
tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan.” Sa kanyang
pagtayo, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo pa siya ay nakita na siya nito.
Ito ay nahabag sa kaniya. Tumakbo ito, niyakap at hinagkan siya.

Sinabi ng anak sa kaniya, “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong


paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.” Gayunman, sinabi ng
ama sa kaniyang mga alipin, “Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot
ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak
para sa kaniyang mga paa. Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay
kakain at magsasaya. Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling
nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.” At sila nga ay nagsimulang magsaya.

(Pinagkunan:https://www.biblegateway.com/passag
e/?search=Lucas+15%3A1132&version=SND)
Isagawa
Panuto: Suriin ang tekstong binasa. Alamin ang detalyeng hinihingi sa loob ng kahonsa
ibaba. Isulat sa kwaderno ang kasagutan. Pumili ng kapareha at
magbahaginan,
maaaring sa pamamagitan ng messenger chat o texting kung hindi makapag-
uusap nang personal. Bigyang puntos ang mga ginawa sa tulong ng rubrik sa
pagmamarka sa ibaba.

Pamagat

Sanggunian

Pangunahing
Kaisipan

Sino? (mga pangunahing)


Mahahalagang Kailan? (oras/panahong naganap ang kuwento)
Detalye
Saan? (lugar na pinagganapan)
Bakit? (paliwanag sa mga pangyayari)
Paano? (sitwasyon ng mga kaganapan)

Pamantayan sa Pagmamarka
20 15 10 5
Siksik sa Kumpleto sa Taglay ang Hindi nakasunod sa
makabuluhang impormasyon impormasyon sa hinihinging
impormasyon ang ang nabuong nabuong impormasyon ang
nabuong Pagsusuri. Pagsusuri. nabuong pagsusuri.
Pagsusuri.

Pagtataya
Panuto: Balikan ang isinulat na balangkas ng Pagsusuri sa Isagawa. Batay rito,
sumulat
ng synopsis ng akdang : Ang Talinghaga ng Alibughang Anak.” Isaaalang-
alang
ang mga dapat tandan sa pagsulat nito.

_________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________________________________

Sanggunian: _____________________

Pamantayan sa Pagmamarka

20 15 10 5
Ang uri ng Ang uri ng lagom na Ang uri ng lagom na Ang uri ng lagom na
lagom na nabuo ay nabuo ay nabuo ay di naging
nabuo ay organisado, maingat bahagyang organisado, hindi
talagang na naisulat, wasto, organisado, naisulat maayos ang
organisado, at angkop ang nang may pagkakasulat, hindi
maingat na wikang ginamit bahagyang wasto, at angkop ang
naisulat, bagaman may ilang kaingatan, may wikang ginamit.
wasto, at mga salitang di kawastuhan, at may
angkop ang gaanong lapat sa kaangkupan ang
wikang kwento. wikang ginamit.
ginamit.
Sanggunian
Corazon L. Santos, Gerard P. Concepcion, Ronel O, Laranjo. (2018). Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Pasig City: Vicarish Publications and Trading, Inc.

FILIPINO 12_Q1_Mod4_Akademik.pdf

You might also like