You are on page 1of 19

Bionot

e
Bionote
 Isang maituturing din isang
uri ng lagom na ginagamit
sa pagsulat ng personal profile
ng isang tao.
Duenas at Sanz
•Academic Writing for Health
Sciences (2012)
Bionote
Tala sa buhay ng isang tao na
naglalaman ng buod ng kanyang
academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga journal,
aklat, abstrak ng mga sulating papel,
websites at iba
Kadalasan ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-
data, resume o anumang kagaya ng mga ito
upang ipakilala ang sarili para sa isang
propesyonal na layunin.

Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging


“Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga
social network o digital communication sites.
Halimbawa
Pagpapakilala sa sarili ng mga gumagawa ng
vlog
Ito ang nagpakilala ng ilang mahahalagang
detalye sa buhay kung sino ang nasa likod ng
blog.
Ito rin ay maaaring magamit ng taong
naglalathala ng isang aklat o artikulo.
•Layunin ng bionote na maipakilala
ang sarili sa madla sa pamamagitan
ng pagbanggit ng mga personal na
impormasyon tungkol sa sarili at
maging ng mga nagawa o ginagawa
sa buhay.
Mga Bagay na Dapat
Tandaan sa Pagsulat ng
Bionote
1. Sikaping maisulat lamang ito ng
maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume
kailangang maisulat ito gamit ang 200
salita. Kung ito naman ay gagamitin
para sa networking site, sikaping
maisulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na
pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga
personal na impormasyon o detalye tungkol
sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga
detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala
rin ang iyong mga tagumpay na nakamit,
gayunman kung ito ay marami, piliin
lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong
panauhan upang maging litaw na
obhetibo ang pagkasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat
nito. Gumamit ng mga payak na salita
upang madali itong maunawaan at
makamit ang totoong layunin nito na
maipakilala ang iyong sarili sa iba
samaikli at tuwirang paraan.
4. May iba na gumagamit ng kaunting
pagpapatawa para higit na maging kawili-
wili ito sa mga babasa, gayunman iwasang
maging labis sa paggamit nito. Tandaan na
ito ang mismong maglalarawan kung ano at
sino ka.
5. Basahin muli at muling isulat ang
pinal na sipi ng iyong bionote. Maaaring
ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan
itong gamitin upang matiyak ang
katumpakan at kaayusan nito.
Bionote hinggil sa buhay Gng. Alma
Dayag, ang koordineytor at may-
akda ng aklat na Pinagyamang
Pluma.
Si Gng. Alma M. Dayag ay nagtapos ng
Bachelor of Science in Elementary and Secondary
Education, magna cum laude at ng Master of Arts
in Teaching Filipino Language and Literature sa
Philippine Normal University. Nakapagturo siya
sa Filipino sa loob ng dalawampu’t limang taon at
nakapaglingkod bilang homeroom chairman,
koordineytor ng Filipino at Sibika/Hekasi, at
Assistant Principal for Academics sa St. Paul
College, Pasig.
Nakadalo na rin siya sa iba’t ibang
kumprehensiyang pangguro sa iba’t ibang bansa
tulad ng Amerika, Singapore, China (Macau), at
Thailand. Ang mga makabagong kaalamang
natutuhan niya sa mga kumprehensiyang ito ay
nakatulong nang Malaki sa kanyang pagbabahagi
ng kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-
facilitator ng mga seminar-workshop na pangguro
sa iba’t ibang panig ng bansa.
Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting
Association of Schools, Colleges and Universities o
PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing
pambata gayundin sa mga magasin at journal na
pangguro. Subalit ang itinuturing niyang
pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa
Maykapal ay ang pagiging simpleng maybahay at
ina ng tatlong supling na siya niyang inspirasyon
sa pagsulat ng mga aklat na kanyang iniaaalay sa
lahat ng mga batang Pilipino.
Tanong?

You might also like