You are on page 1of 13

Konsepto Tungo sa

Pananaliksik
Ang konsepto ay isang plano na nagpapakita
kung ano at saan direksyon ang patutunguhan ng
binabalak na papel na pananaliksik.

Lahat ng gawaing pananaliksik ay


nangangailangan ng konseptong papel:

Isang maikling buod na nagpapahayag sa


mambabasa kung ano ang proyekto, kahalagahan
ng pag-aaral at kung sa papaanong paraan ito
isasagawa.
Mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel
(Spickard,2005)

1. Malinaw na paglalarawan ng paksa ng


pananaliksik. Ang buod o lagom ng mga
impormasyong natutungkol sa paksa.

2. Pangungusap na pahayag ng tanong na nais na


bigyang tugon.
3. Pagpapaliwanag kung bakit mahalagang mabigyan ng
kasagutan ang tanong- anong kabutihan ang
kahihinatnan at kung bakit may kabuluhan ang
naturang pananaliksik.

4. Malinaw na pagsasalarawan ng pamamaraan o


metodolohiya.
a. Datos o ebidensiya
b. Paglalarawan kung sa paanong pamamaraan
susuriin ang datos.
c. Pagpapaliwanag kung paano ang mga datos at ang
pamamaraan ay magiging kasagutan sa tanong.
d. Pagbubuod ng mga isyung etikal.
5. Paglalahad ng limitasyon

6. Mga papel na mas mahahaba ay nangangailangan


na rin ng paunang tala ng mga sanggunian,tesis
masteral, disertasyon at iba pa.
Apat na bahagi ng konseptong papel.

1.Rasyonale - ang unang bahagi ng papel. Inilalahad


kung saan at paano nagsimula ang ideya. Bahagi rin
nito kung sino at paano makikinabang ang mga
mambabasa sa pananaliksik.

2.Layunin - inilalahad at inilalarawan ang suliranin at


mga impormasyong tungkol sa kahalagahan ng paksa.
3. Metodolohiya - mga makabagong dulog,
pamamaraan, o mga proseso.

4. Inaasahang Bunga (output) - inilalahad kung ano


ang inaasahan ng mananaliksik na maging bunga ng
isasagawang pananaliksik.
Pananaliksik, mananaliksik, saliksik
Tunguhin ng Aralin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay:
1. Nagagamit ang wastong pormat at anyo ng isang
sulating akademiko;
2. Natutukoy ang iba't ibang paraan ng pagsasaayos ng
mga datos tungo sa maayos na pananaliksik;
3. Nakasusulat ng mga halimbawa ng mga paraan ng
pagsasaayos ng mga datos;
4. Nakasulat ng iba't ibang uri ng akademikong teksto
tingo sa pagbuo ng isang panimulang gawaing papel
pananaliksik.
Panimulang Gawain.

1. Muling balikan ang konseptong papel na binuo.

2. Mula sa konseptong papel, itala nang isa-isa ang mga


kakailanganing gawin upang maisakatuparan ang
pananaliksik.

3. Gawin itong gabay sa kabuuan ng pagtatalakay ng


paksang pananaliksik tungo sa pagkakabuo ng sariling
gawaing pananaliksik.
Gabay na Tanong.

1. Mayroon ka na bang malinaw na daang tatahakin


tungo sa pagkakabuo ng pananaliksik na isasagawa?

2. Ano-anong paghahanda ang kailangan mong


isagawa upang mabuo ang pananaliksik?

3. Ano-anong mga hanguan ang iyong kakailanganin


upang magkaroon ng lakas at ebidensiya ang iyong
pananaliksik?
Pangkalahatang Pananaw

Research ay hango sa matandang salita ng Pranses na


recherche galing sa recercher na ang ibig sabihin sa
Ingles ay "to seek out" o " to search again".

 Ayon kina O'Hare at Funk ang isang papel pananaliksik


ay isang pangangalap ng impormasyon mula sa iba't
ibang hanguan sa pamamaraang impormatib at
obhektibo.
Ang ideya naman nina L. Brandon at. K. Brandon
na ang papel pananaliksik ay isang mahabang
sulating natutungkol sa isang tiyak na paksa na
may tamang dokumentasyon sa mga
pinanghanguan ng datos/ideya.

Sinuportahan ang ideyang ito ni Good sa


Bernales(2009), na ang pananaliksik ay isang
maingat, kritikal, at disiplinadong inkwiri sa
pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay
sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin
tungo sa klaripikasyon o resolusyo
Ang pananaliksik ay prosesong pangangalap ng
datos/impormasyon.

You might also like