You are on page 1of 4

BLOG

Ano nga ba ang blog?


• Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa
weblog (literal na "talaan sa web"). Isa itong websayt o sityo sa
web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga tao ang
makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat
kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa
Ingles na blogger o literal na "taga-blog") ang mga taong
sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero
sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip.
.

• Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o


balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito
para gawing online diary (talaarawang nasa internet). Isang
mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo,
iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa
mga taong nagbasa ng isang partikular na blog.Karamihan sa
mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero
mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog),
larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3
blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging naman ang
tawag sa blog na sobrang ikli.

You might also like