You are on page 1of 15

BIONOTE

ANO NGA BA ANG BIONOTE?

• Ang Bionote ay isang maikling impormatibong


sulatin (Karaniwan isang talata lamang) na
naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang
indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang
propesyunal.
ANO NGA BA ANG BIONOTE?

• Taglay nito ang pinakamaikling buod ng


mga tagumpay, pag-aaral, at
pagsasanay ng may akda.
BAKIT NAGSUSULAT NG BIONOTE?

• Upang Ipaalam sa iba hindi lamang ang karakter


kundi maging ang kredibilidad sa larangang
kinabibilangan
• Ito’y isang paraan upang maipakilala ang sarili sa
mga mambabasa
MGA DAPAT LAMANIN NG BIONOTE

• Personal na impormasyon (pinagmulan, edad,


buhay kabataan-kasalukuyan)

• Kaligirang pang-edukasyon (paaralan, digri, at


karangalan)
MGA DAPAT LAMANIN NG BIONOTE

• Ambag sa larangang kinabibilangan


(kontribusyon at adbokasiya)
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA BIONOTE
Maikli ang Nilalaman
• Karaniwan ay hindi binabasa ng mga mambabasa
ang bionote kung ito ay mahaba. Sikapin na
paikliin lamang ang pagsulat ng Bionote para
basahin ito at siguraduhin na ang nilalaman nito ay
ang mga importanteng impormasyon lamang.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA BIONOTE

Gumagamit ng Pangatlong Panauhang Pananaw


• Laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
sa pagsulat ng Bionote kahit na ito ay tungkol sa iyong
sarili.
HALIMBAWA:

“Si Juanito Alfonso ay nagtapos ng kursong


Bachelor of Science in Medicine sa University of
Sto. Tomas. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho
bilang doctor sa University of Sto. Tomas
Hospital.”
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA BIONOTE
Kinikilala ang Mambabasa
• Kinakailangan na isaalang-alang ang mambabasa sa
pagsusulat ng isang Bionote. Kung ano ang hinahanap ng
mambabasa dapat ay iayon sa kanilang hinahanap ang
pagsulat ng Bionote.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA BIONOTE
Gumagamit ng Baligtad na Tatsulok
• Ang pagsulat ng Bionote ay katulad lang rin ng iba pang
obhetibong sulatin. Palaging unahin ang pinakamahalagang
impormasyon sa pagsulat ng Bionote. Ito ay dahil sa ang mga
mambabasa ay binabasa lamang ang unahang bahagi ng sulatin.
Kaya dapat lamang na sa simula pa lang ay ilagay na ang mga
mga mahahalagang impormasyon.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA BIONOTE
Nakatuon Lamang sa mga Angkop na Kasanayan o
Katangian
• Piliin lamang ang mga kasanayan o katangian na angkop
lamang sa layunin ng iyong Bionote.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA BIONOTE
Binabanggit ang Degree kung Kailangan
• Mahalagang isulat sa Bionote ang degree na nakuha ng
isang awtor dahil isa ito sa mahalagang impormasyon na
dapat malaman ng isang mambabasa.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA BIONOTE
Maging Matapat sa Pagbabahagi ng Impormasyon
• Siguraduhin na tama ang lahat ng impormasyon na
ilalagay sa isang Bionote. Huwag magsulat ng hindi
totoong impormasyon para lamang maging kahanga
hanga ang pangalan ng isang tao.
1. Ito ay isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan
isang talata lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng
isang indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyunal.
2-4. Taglay ng bionote ang pinakamaikling buod ng mga
________, ________, at ________ ng may akda.
5-7. Ano ang mga dapat lamanin ng Bionote.
8-14. Ano ang mga katangian ng mahusay na Bionote?
15. Ano ang pamagat ng aming ulat?

You might also like