You are on page 1of 31

Pagsulat ng

Bionote
Mga Nagtatanghal: Group 9

Po, Lou Anthony T. Boratong, Jayr S. Gabutero, Brant Orvin Nyll P.


Layunin:
• Maipaliwanag ang Bionote pati ang
kanyang mga layunin.
• Maunawaan ang istraktura ng isang
Bionote.
• Unawain at tukuyin ang tamang
pagsulat ng Bionote.
Sabi ni LOU

Ang buong klase ay tatayo at kung ano ang pinapagawa ni


lou, gagawin ng buong klase.

Halimbawa: Sabi ni Lou tumayo.


Tatayo ang lahat.

Pero pag hindi nag sabi ng “Sabi ni Lou” hindi dapat


gagawin ng klase.

Ang limang mananalo ay makakatanggap ng premyo.


Sa kasalukuyang panahon, ang pagpapakilala sa mga
tagapagsalita, awtor, o kung sinumang kailangan
magpakilala, ay nakababagot sa mga nakikinig o
nagbabasa kaya’t ngayon ay gumagamit na tayo
ng Bionote.
Ano nga ba pala ang
isang Bionote?
Bionote
• Ang Bionote ay isang tala na nagbibigay ng
impormasyon ukol sa “Academic/Professional
Career”, o mga kakayahan ng isang tao.

• Ang ”bio” ay salitang nagmula sa Griyego (Greek) na


ang ibig sabihin ay “buhay”, at ang “note” ay
tumutukoy sa isang tala, kaya masasabi na ang
Bionote ay isang “tala ng buhay”.
Ang Bionote ay madalas nakikita sa mga libro, sa mga
journal articles, o minsan sa mga conference presentation.

Isa siyang Residual na Akademikong Pagsulat dahil hindi


ito karaniwang ipinapagawa sa mga estudyante bilang isang
asignatura, at hindi rin ito nakatuon sa pag-iisip ng
manunulat.
Saan ba ginagamit ang Bionote?
Ginagamit ang Bionote sa:
1. Aplikasyon sa trabaho;
2. Paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog;
3. Pagsasalita sa mga pagtitipon; at
4. Pagpapalawak ng network propesyonal.
Mga Layunin ng Isang Bionote

• Ang layunin ng Bionote ay magbigay ng kapansin-


pansin na impormasyon tungkol sa manunulat.
• Layunin din nito na pag-usapan ang mga
natagumpay, mga talent, at mga kakahayahan ng
manunulat.
• Ang mga mahahalagang detalye ng isang tao ay
ibinubuod at pinapag-usapan sa teksto, sa isang
maikli at nagbibigay-kaalaman na paraan.
Ang Bionote ay hindi dapat ipagkamali bilang isang
talambuhay dahil….
Ang Bionote ay... Habang ang Talambuhay ay…
• Gumagamit ng ikatlong panauhan • Gumagamit ng unang panauhan

• Maikli at siksik • Mahaba at puno ng detalye

• Obhetibo • Subhetibo

• Isinusulat upang makapagbigay ng • Isinusulat upang maipaliwanag ang


pang-edukasyon at propesyonal na motibasyon at kaisipan ng isang tao
konteksto sa isang tao
Wastong Pagsusulat ng
Bionote
1. Magsimula muna sa
pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa
iyong buhay (pangalan,
tagumpay na nakamit,
edukasyon).
2. Gumamit lamang ng ikatlong
panauhan sa iyong pagsusulat.
Ginagawa natin ito upang hikayatin natin
sa sarili at pagiging obhetibo habang tayo
ay nagsusulat, at panatilihin ang
obhetibong tono ng teksto sa mga
nagbabasa.
3. Panatilihing simple, maikli at diretso and iyong
mga pangungusap. Ito ang pamantayan dahil ang
ating layunin ay magbigay ng impormasyon sa
pinakamaikli at pinakamabisang paraan.
4. Mahalaga ang pag-proofread upang masuri
natin kung may mga pagkakamali ang teksto o
kung kulang ito at nangangailangan pa ng
karagdagang impormasyon.
5. Dapat tumpak at eksakto ang iyong personal na datos
na isusulat sa Bionote. Hindi pwede ang mga istimasyon o
ang mga hula-hula. Magdala ng listahan ng iyong personal na
impormasyon sa paligid mo habang isinusalat ang iyong
Bionote. Ang listahang ito ay dapat maglaman ng tukoy na
impormasyon na maaring hindi mo maalala sa pagsusulat.
Dapat itong gabayan ka habang nagsusulat ka tungkol sa mga
mas partikular na detalye ng iyong buhay tulad ng iyong
edukasyon, mga tagumpay, atbp.
6. Tiyakin ang layunin. Kailangang malinaw sa
iyo ang layunin ng isinusulat kong Bionote.
Gagabayin ka ng iyong layunin kung anong mga
impormasyon ang mahalagang isama at mula
rito’y matutukoy mo rin ang magandang paraan
upang ilahad ang mga ito.
7. Pagdesisyonan ang haba ng susulating
Bionote. Nakadepende rin sa layunin ang magiging
haba ng Bionote. Dapat itinitiyak muna ang
kinakailangang haba ng Bionote. Halimbawa, kung
ito’y gagamitin sa journal, kadalasang itinatadhana
na ng editor nito ang bilang ng salitang gagamitin
sa Bionote.
8. Ilahad ang propesyong kinabibilangan. Kung
ang pagpapakilala ay sa isang komunidad ng mga
inhinyero, magalagang banggitin na ang
ipinakikilala ay kabilang din sa naturang
komunidad; o kung hindi man, kabilang sa isang
larangan na may kaugnayan sa kanila.
9. Isa-isahin ang mahahalagang
tagumpay. Tanging ang mga nakamit at
nagawa lamang na may kinalaman sa
audience ang kailangang isama sa iyong
Bionote.
10. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye.
Kung mayroong mga detalye ukol sa paksa ng
Bionote na wala pa sa kamalayan ng iyong target
audience o reader, idagdag ito sa Bionote. Mahalga
ang element of surprise sa pagpapakilala sa iyo.
11. Isama ang contact information.
Kabilang dito ang iyong e-mail, social media
account, at numero ng telepono sa trabaho o
personal na numero.
Halimbawa ng Bionote
Pangngalan ng Manunulat

Eksakto at maikling deskripsyon ng kaniyang


edukasyon at propesyon

Larawan Ng Manununulat
Unang Gawain:

Sumulat ng “Personal Profile” para sa


iyong seatmate sa isang ¼ na papel.
Dapat naglalaman ito ng kanilang mga
interes, mga talento, at iba pang mga
kapansin-pansing detalye.
Ang pinakamahusay na mag boluntaryo
ay makakatanggap ng premyo.
Batay sa inyong mga sagot sa gawain…

Paano tayo nagpapakilala sa


ibang tao? Ano-ano ang mga
inuuna nating binabanggit sa
ating introduksyon?
Anong aspeto ng isang tao ang
itinuturing mong mahalaga
pagdating sa pagtatasa ng kanilang
personalidad o pagkatao?
Pagsusuri
TAMA O MALI
1. Ang saliting “bio” ay nagmula sa latin.
2. Kailangan natin ng Bionote dahil ang pagpapakilala ng
tagapagsalita/awtor ay isang nakalilibang gawain.

3. Ang Bionote ay isang residual na akademikong pagsulat.

4. Hindi ginagamit ang Bionote sa paaralan bilang asignatura o


sa libro.

5. Ang layunin ng Bionote ay magbigay ng kapansin-pansin na impormasyon


tungkol sa isang tao.
TAMA O MALI
6. Maikli dapat ang Bionote.

7. Hindi dapat nilalagyan ng mga walang silbing detalye, tulad ng


mga talento, ang Bionote.

8. Ang Bionote ay obhetibo.

9. Isinusulat ang Bionote upang maipaliwanag ang


motibasyon at kaisipan ng isang tao.

10. Diretso dapat ang Bionote sa pagpapaliwanag.


Sa paggawa ng Bionote, tandaan natin na…

ang Bionote ay, higit sa lahat, eksakto, tumpak at


maikli. Ang pangunahing layunin ng Bionote ay ang
pagpapabigay ng impormasyon sa mabisang paraan,
kaya’t dapat isinasaulo ang itong mga katangian ng
Bionote upang makagawa tayo ng epektibo at
maayos na Bionote.
May iba pa ba
kayong mga
katanungan?

You might also like