Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region VI-Western Visayas
Schools Division of Passi City
PASSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School Program
Passi City, Iloilo
Lagumang Pagsusulit
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
T.P. 2022-2023
I. Tama o Mali
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang salitang TAMA kung ang
pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi wasto.
II. Pagtukoy
Panuto: Tukuyin ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang M kung ito ay memo, A
kung ito ay adyenda at K kung ito ay katitikan ng pulong. Isulat ang sagot bago ang
bilang.
Para sa bilang 16-30, tukuyin ang ipinapahayag ng bawat bilang. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
16. Bahagi ng memo kung saan makikita ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon
o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang
bilang ng numero ng telepono.
17. Ito ang bahagi ng memo na naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng
memo.
18. Sa bahaging ito ng pagsulat ng memo iniiwasan ang paggamit ng numero ng buwan,
araw at taon.
19. Bahagi ng memo na maikli lamang ngunit dapat nagtataglay ng sitwasyon, problema,
solusyon at paggalang o pasasalamat.
20. Ito ang bahagi ng memo kung saan makikita ang pangalan ng tatanggap o
padadalhan ng memo.
21. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng adyenda ay nakalatag sa ganitong uri
ng pormat kung saan makikita ang paksa, taong magpaliwanang at oras na inilaan sa
kanya.
22. Bilang ng araw na dapat ipadala ang sipi ng adyenda bago ang pagpupulong.
23. Bahagi ng katitikan ng pulong kung saan nakalagay kung sino ang nanguna sa
pagpupulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga
panauhin.
24. Inilalagay sa bahaging ito ng katitikan ng pulong kung sino ang taong nanguna sa
pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
25. Inilalagay sa bahaging ito ng katitikan ng pulong kung anong oras nagwakas ang
pulong.
26. Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng
pulong at kung kailan ito isinumite.
27. Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may
pagbabagong isinagawa sa mga ito.
28. Uri ng memo kung saan mababasang ang nagpadala ng memo ay humihingi ng isang
hiling sa proyekto o programang ipapatupad.
29. Isang uri ng memo na nagbibigay kabatiran gaya ng pagdalo sa miting o pulong.
30. Tumutukoy ito sa legal at opisyal na kasulatan, isa sa mga katangian ng katitikan ng
pulong na maaaring gawing basehan sa mga legal na usapin o sanggunian.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Ang pagsagot sa pagsusulit ay katulad ng pagsagot sa sinisinta; pinag-iisipan, pinagpaplanuhan at pinapahahalagahan”
Inihanda ni:
G. RUSTOM D. PARLE
SST-II/Guro sa Filipino