You are on page 1of 4

ASSUMPTION SCHOOL-PASSI CITY, ILOILO, Inc.

Saligumba Street, Passi City, Iloilo

Gov’t. Recognition Nos.: SR-028, S. 2014; ER-098, S. 2014; ER-097 S. 2014
Tel. # 311-6263/5245
S. Y. 2021 – 2022

GAWAING PAMPAGKATUTO BLG. 1

Unang Markahan – Araling Panlipunan 9

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Seksyon: __________________

Bilang ng Araw: _______________________________________ Araw ng Pagsumite: __________________

Paksa: ANG AGHAM NG EKONOMIKS

Kasanayang Pampagkatuto : Sa pagtatapos ng araling ito, iyong mailalapat ang kahulugan ng
ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral,
at kasapi ng pamilya at lipunan.
UNANG ARAW
Paksa: Kahulugan ng Ekonomiks

Konsepto:
Ano ang ekonomiks? Ating tuklasin ang kahulugan, saklaw, kahalagahan, mga kasanayan, at pangunahing
kaisipan ng konseptong ito. Iyo ring aalamin mula sa impormasyon at datos ang mga salik kung paano
magiging produktibo ang buhay ng tao.

Upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks,

basahin ang teksto sa iyong aklat sa pahina 5 hanggang 7 o panoorin sa weblink na
https://www.youtube.com/watch?v=n9j8B_peEUg&pbjreload=101 na makikita rin sa iyong flash drive na at
may pamagat na “Aralin 1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks”

Narito ang ilang halimbawa kung saan makikita ang konsepto ng Ekonomiks
 Pagpili ng kurso sa Kolehiyo
 Pagsapi sa mga organisasyon
 Pagsama sa pamamasyal ng mga barkada
 Pagpili ng magiging kaibigan
 Pagpili ng papasuking trabaho

GAWAIN
A: Bubble Map Organizer
Panuto :Mula sa mga impormasyong napag-alaman mo , punan ang bubble map graphic organizer ng mga
katagang may kaugnayan sa Ekonomiks. Maaring dagdagan ang bilog ng bubble map ayon sa mabuong mga
ideya na konektado sa Ekonomiks.

Ekonomiks

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit malaki ang kaugnayan ng ekonomiks sa pang –araw-araw na buhay ng tao?

_______________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________

Assumption Passi: A home where YOU can be your BEST!

No part of this LAS may be reproduced in any form or by any means without written permission from ASPCI, Inc.. | 1
2. Paano ito makakatulong sa iyo upang maging isang produktibong mag-aaral o miyembro ng pamilya?

__________________________________________________________________________________________________

Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na mayroong layunin na pag-aralan ang mga pagkilos at
pagsisikap ng mga tao at mga paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang yaman upang
matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay.

B: Pie Chart
Panuto: Bawat mag-aaral ay gagawa ng pie chart ng kanilang gastos sa isang linggo. Sa isang papel ay
isusulat nila ang kanilang pagsusuri sa kung paano sila gumastos. Pipili sila ng isang kamag-aral kung saan
ikukumpara nila ang kanilang ginawang pie chart.

Pamprosesong Tanong:

1. Magkano ang kabuang gastos ng iyong pamilya sa isang linggo? Saan Nagkakapareho at nagkakaiba
ang iyong sagot kumpara sa iyong kamag-aral?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Paano mo maiuugnay ang konsepto ng ekonomiks sa gawaing ito?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

IKALAWANG ARAW

Kailan masasabing ang isang desisyon ay nagawa sa pamamagitan ng isang matalinong pagpapasiya?
Ano-ano ang mga hakbang na maaring gamiting batayan sa paggawa ng matalinong pagpapasiya? Ang pag-
aaral ng ekonomiks ay sa tulong ng mga impormasyon, estadistika o siyentipikong pamamaraan upang
maging payak ang kanyang resulta.

C: Ladder Organizer
Panuto: Panoorin ang mga sumusunod na video tungkol sa scientific method gamit ang link na nasa ibaba.
Kung walang internet maaring basahin ang aklat mula pahina 10-14.

1. http://www.youtube.com/watch?v=eA86dYxrg4Q – video on scientific method song

2. http://www.youtube.com/watch?v=BVfl1wat2y8 – ito ay naglalaman ng the Scientific Method: Steps,
Terms, and Examples.
3. Kung walang internet connection maaari mong panoorin ang video na may pamagat na “video on scientific
method song, the Scientific Method: Steps, Terms, and Examples.” sa iyong flash drive.
Mula sa video o sa inyong aklat, kompletuhin ang graphic organizer ng mga hakbang sa siyentipikong
pamamaraan.
1.

2.

3.

4.

5.

Assumption Passi: A home where YOU can be your BEST!

No part of this LAS may be reproduced in any form or by any means without written permission from ASPCI, Inc.. | 2
D: Aplikasyon

Ngayong alam mo na ang mga hakbang sa pagsasagawa ng siyentipikong pamamaraan nais kong
gamitin mo ito sa pagsasagawa ng desisyon sa iyong buhay. Narito ang isang gawain na tutuklas sa iyong
kaalaman tungkol sa paggamit ng mga nasabing hakbang.

Ikaw ay gagawa ng mga hakbang ukol sa mga sumusunod na suliranin: (pumili lamang ng isa) isulat ito sa
isang malinis na papel o bond paper.
1. Korupsiyon sa Pamahalaan
2. Pagtatalo ukol sa family planning
3. Pagkasira ng kalikasan
4. Paggamit ng pinagbabawal na gamot
5. Pagtaas ng presyo ng bilihin
6. Kakulangan ng supply ng bigas
7. Polusyon
8. Climate Change
9. Matinding Traffic
10. Pagkalat ng nakakahawang sakit (COVID-19)
Halimbawa:

Pagtukoy sa Suliranin Kakulangan sa Supply ng bigas

Pagbibigay ng Hypothesis Ang suliraning ito ay maaaring matugunan kung bibigyan ng sapat na suporta
ng pamahalaan ang mga magsasaka.

Pangangalap ng mga Datos Makakakuha ng mga impormasyon at datos sa

at impormasyon Department of Agriculture at makipagpanayam sa mga magsasaka.
Pagsusuri ng mga datos at Ang mga impormasyon na nakalap ay susuriin sa
Impormasyon sa pamamagitan ng graph, tsart, at statistics upang maging mabisa at
makatotohanan ang pagsagot sa suliranin.
Pagbibigay ng konklusyon at Batay sa isinagawang pag-aaral at pagsusuri sa mga
rekomendasyon nakalap na impormasyon, inilalahad na ang kakulangan sa suporta ng
gobyerno sa agrikultura ay ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon
ng kakulangan sa bigas at maging ang El Niṅo. Rekomendasyon , hikayatin
ang bawat isa at ang pamahalaan na makiisa sa pangmalawakang gawaing
nauukol sa pagbabalik ng dating sigla at lagay ng ating kapaligiran.

Mga Sanggunian:

 https://www.youtube.com/watch?v=n9j8B_peEUg&pbjreload=101
 http://www.youtube.com/watch?v=eA86dYxrg4Q
 http://www.youtube.com/watch?v=BVfl1wat2y8
 Consuelo M. Imperial, Arthur S. Abulencia PhD, Eleanor D. Antonio, Roel G. Lodronio, Celia D.
Soriano. amanan (Ekonomiks) Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan (Binagong Edisyon)
Rex Book Store Inc.
 Consuelo M. Imperial, Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Maria Carmelita B.Samson, Celia D.
Soriano. Kayamanan (Ekonomiks) Batayang Kagamitang Pampagtuturo (Binagong Edisyon) Rex Book
Store Inc.

Assumption Passi: A home where YOU can be your BEST!

No part of this LAS may be reproduced in any form or by any means without written permission from ASPCI, Inc.. | 3
Assumption Passi: A home where YOU can be your BEST!
No part of this LAS may be reproduced in any form or by any means without written permission from ASPCI, Inc.. | 4

You might also like