You are on page 1of 9

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pagkatuto

Ikaapat na Markahan – MELC 4

Katapatan sa Salita at Gawa

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa


Pagpapakatao 8

Manunulat: Dr. Marie Carmel A. Batuampo


Editor: Mrs. Catherine D. Diaz
Tagasuri: Mrs. Marie Paz A. Almalbis
Mr. Alan Vincent B. Altamia
Tagaguhit:
Tagalapat: Mrs. May V. Telesforo
Division of Capiz Management Team: Dr. Salvador O. Ochavo, Jr.
Dr. Segundina F. Dollete
Mrs. Shirley A. De Juan
Mr. Alan Vincent B. Altamia
Regional Management Team: Mr. Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Mrs. Miriam T. Lima
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay
nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa pakikipagtulungan
ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan
ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-
kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at
ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon
sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan
at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.
Gawaing Pagkatuto

Pangalan ng Mag-aaral:___________________ Grado at Seksiyon:_________


Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA


PAGPAPAKATAO 8

Katapatan sa Salita at Gawa

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naisasagawa ang mga mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan


sa salita at gawa. (EsP8PBIIIh-12.4)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Marahil, mula ng ikaw ay nasa elementarya hanggang sa kasalukuyan naririnig


mo ang mga katagang “Honesty is the best policy.” Mula pa sa simula ay itinatanim na ito
sa isipan ng isang bata upang kaniyang isabuhay.
Ang salitang katapatan ay nagpapahayag ng katotohanan sa lahat ng ating
iniisip, sinasabi, at ginagawa, malaking bagay man ito o maliit. Ito ay ang pag-ayon ng
isip at puso sa katotohanan para magawa sa kung ano ang tama. Ito ay isang
makabuluhang gawain para sa patuloy na paglago ng iyong pagkatao bilang tao.
Paano nga bang maging tapat sa mga taong nakapaligid sa iyo, sa Diyos at sa
iyong sarili? Ano ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at
gawa?
Narito ang tatlong maliliit na huwaran ng asal (behaviour patterns) na nagpapakita
ng tatlong malalaki at magkakaugnay na birtud na magiging gabay mo upang
makapamuhay ka nang puno ng katapatan:
Una, Gumagawa ka ba ng tama at mabuting mga pagpapasiya at naninindigan
para rito? (decisiveness)
Ikalawa, Ikaw ba ay bukas sa iyong kapwa? Sa pagbabahagi mo ba ng iyong sarili
sinisiguro mo na ito ay may kalakip na moral na awtoridad (moral authority). Ikaw ba ay
marunong tumanggap ng pagkakamali? (openness and humility)
Ikatlo, Ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na yumayakap
sa katotohanan? (sincerity or honesty)

1
III. Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul para sa Mag-aaral, pahina 318-339

Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S.


Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras

MELC p. 108

IV. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Panuto: Sagutin nang may katapatan ang bawat pahayag upang masukat ang sariling
kakayahan sa pagsunod sa katotohanan. Suriin at tayahin ang sariling kakayahan kung
ang mga pahayag ay ginagawa mo Palagi, Madalas, Paminsan-minsan, o Hindi
kailanman. Lagyan ng tsek (✔) ang iyong sagot batay sa kasalukuyang kalagayan.

Palagi Madalas Paminsan- Bihira Hindi


Mga Pahayag minsan Kailanman
(5) (4) (3) (2) (1)
1. Ako ay matapat sa mga
pagsusulit. Hindi ako
mangongopya at
magpapakopya sa
aking mga kamag-aral.

2. Ako ay matapat sa
aking pag-aaral kahit na
ito ay online class.

3. Tinatapos ko muna ang


aking mga aralin at
gawaing bahay bago
ako maglaro.

4. Nagsasabi ako ng totoo


kahit alam kong
pagagalitan ako ng
aking mga magulang sa
kasalanang nagawa.

5. Ginagawa at pinapasa
ko sa takdang oras ang
aking mga gawain.

2
Pagsasanay 2

Panuto:
1. Batay sa iyong pagsusuri sa sariling katapatan, tayain mo naman ang iyong katapatan
gamit ang “Honesty Meter.” Gawin mo ito matapos ang pagsusuri sa iyong sarili at sa
lahat ng mga naging karanasan na sumubok sa iyong katapatan.

2. Batay sa iyong mga naging tugon sa bawat pagsubok, ayain mo ang iyong sarili gamit
ang “Honesty meter.”

3. Maaaring gamiting halimbawa ang larawan sa kanan. Guhitan mo ng


arrow paturo sa bilang na mapipiling pagtataya para sa iyong sarili. Sa
baba nito sumulat ng maikling paliwanag kung bakit ito ang ibinigay na
pagtataya sa sariling katapatan.

“Honesty Meter” Paliwanag:


____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________

Mga Batayang Tanong:

1. Bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas
sa katapatan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Kailan tayo dapat maging tapat? Bakit?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Paano mo ilalarawan ang isang taong tapat? Magbigay ng konkretong halimbawa.


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Ano kaya ang magiging epekto sa isang mundong pinaiiral ng katapatan?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3
5. Magbigay ng iba pang mga angkop na kilos kung paano ipakita ang
katapatan sa salita at gawa.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

V. Repleksiyon

Ang desisyong yumakap sa katotohanan o pagiging matapat ay bunga ng


sarili nating pagpapasiya. Wala itong katumbas na halaga ngunit hindi kailanman
mabibili ng salapi. Makakaya nating palaguin ang birtud na ito kung tunay na
sinusubukan nating matapat na maisabuhay ito sa araw-araw. Katulad ng
anumang birtud, kailangan ang paulit-ulit na pagsasabuhay nito upang ito ay
ganap na maangkin.

Sa puntong ito, gumawa ng isang Slogan tungkol sa kahalagahan ng pag-


ayon sa katotohanan at pagiging tapat. Pagkatapos sagutan mo ang gabay na
tanong.

Hal.
“Maging Tapat. Ito ang Gawaing Nararapat at Dapat,
Hindi Lang sa Salita, Kundi Pati Narin sa Gawa”

Ikaw Naman…

Gabay na Tanong:
1. Paano mo isasabuhay sa salita at gawa ang slogan na iyong nabuo?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4
Rubrik para sa Paraan ng Pagpupuntos sa Pagsasanay 1

Bigat ng Tugon Berbal na Interpretasyon Kahulugan ng Berbal na


Interpretason
Tinutupad sa lahat ng oras
5 Palagi at pagkakataon.
Sinasanay 76 -100%.
Malimit mong natutupad.
4 Madalas
Sinasanay 51 - 75%.
Panaka-naka mong
3 Paminsan-minsan natutupad.
Sinasanay 26 - 50%.
Madalang mong
2 Bihira natutupad.
Sinasanay 1 - 25%
Hindi kailan man
1 Hindi Kailanman sinasanay.
Sinasanay 0%

Rubrik sa Pagsulat ng Slogan sa Gawain sa Repleksyon

Kraytirya 10 8 6
Kaangkupan sa Malaman at Maiksi ngunit Maiksi at simple
Paksa malalim ang malalim ang ang
ginawang ginawang ginawang
pagpapahayag pagpapahayag pagpapahayag

Paggamit ng Salita Nagpapakita ng Nagpapakita ng Hindi nakapukaw


pagkamalikhain sa pagkamalikhain ng damdamin
pagsulat a gumamit ngunit hindi
ng mga salita na gaanong
nakapukaw sa nakapukaw ng
damdamin damdamin

Orihinalidad Walang katulad ang Iba ang mga Magkakatulad ang


kahulugan at mga salitang ginamit mga salita at
salitang ginamit subalit may kahulugan ng
pagkakahawig ng pahayag
kahulugan ang
pahayag.

5
6
Pagsasanay 1
Sagot ng mga mag-aaral
Susi sa Pagwawasto VI.

You might also like