You are on page 1of 15

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ang Paghubog at Pagsasabuhay ng
mga Birtud at Pagpapahalaga
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Ang Paghubog at Pagsasabuhay ng mgaBirtud at
Pagpapahalaga
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mgaakda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Manunulat: Leilani C. Avila


Editor:
Tagasuri: Pacita H. Andoy & Juneva P. Ardopella
Tagaguhit: Perzal Abendan
Tagalapat: Leonard O. Eleobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City Division

Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,


Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224-3274
E-mail Address : davaocity.division@deped.gov.ph
7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ang Paghubog at Pagsasabuhay ng
mga Birtud at Pagpapahalaga
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t-ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang hinihingi ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung mayroon kayong hindi naintindihan at nahihirapan sa
pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa
inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing
ito. Inaasahan naming na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay
mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na
pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo
yan!

1
Alamin Natin

Gusto mo bang maging tunay na mabuting tao? Malaki ang


maitutulong ng modyul na ito para saiyo.
May bago na namang maidadagdag sa iyong kaalaman. Walang katulad
ang pagbabasa upang mapagyaman ang kaalaman. Mas higit na
nakalalamang ang nakaaalam. At sa pagbabasa ng tekstong ito hindi lang
simpleng kaalaman ang iyong makuha kundi mga makabuluhan at
makahulugang aral.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Napapatunayaan na ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mabuting gawi
batay sa mga moral na pagpapahalaga ay patungo sa paghubog ng mga
birtud (acquired virtues). EsP7PB-lll-9.3
2. Naisasagawa ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na
magpapaunlad ng kaniyang buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata.
EsP7PB-lll-9.4

Subukin Natin
Tukuyin kung ang mga sumusunod na kilos naipinapakita sa larawan
ay mabuti o masama. Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng napiling sagot.
Isagawa ito sa iyong journal notebook.

Mabuti
1.

Masama

https://www.slideshare.net/ArnelSSI/birtud-at-halaga

Mabuti
2.

Masama

https://www.slideshare.net/ArnelSSI/birtud-at-halaga

2
Mabuti
3.

Masama

https://www.slideshare.net/ArnelSSI/birtud-at-halaga

Ano ang inyong naging pamantayan upang sabihin na ang isang kilos
ay mabuti o masama?

Tuklasin natin kung tama nga ba ang iyong naging pamantayan.


Handa ka naba?

Aralin Natin

Ang pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay katuturan sa ating tunay


na pagkatao, hindi ang anumang nais ng taong makamit sa kaniyang sarili.
Bagamat magkaiba, magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud (virtue).
Dahil ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa
buhay ng tao, kaya’t ayon kay Ayn Rand, ang pagpapahalaga ay ang
pinagsusumikapan ng tao na makamit. Ito ay layunin o tunguhin na
nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao na ninanais na maisakatuparan.
Samakatuwid, ang pagpapahalaga ay tumatayong batayan, layunin at
dahilan ng pangangailangang kumilos sa gitna ng mgapagpipilian. Ang
pagpapahalaga ay ang kapangyarihan na umuudyok sa tao at ang kailangan
ng tao upang mabuhay.
Samantala ang birtud ayon pa sa kaniya ay ang mabuting kilos na
ginagawa ng tao upang isakatuparan ang kaniyang pinahahalagahan. Ito ang
moral na gawi na nagbubunga sa pagkamit at
pagpapanatili ng pagpapahalaga. Ito ang pinag-
isipang paraan o hakbang upang makamit ang
pagpapahalaga. Halimbawa, dahil sa
pagpapahalaga ng isang mag-aaral sa paglinang
ng kaniyang karunungan, siya ay nagsisikap na
makamit ito. Makaranas man siya ng mga
pagsubok na maaaring humadlang sa pagkamit
niya nito ay magpapakatatag siya at
magpupursige upang malampasan ang balakid
na ito.
Matututuhan niyang magtimpi sa mga

3
udyok o tukso na magpapalayo sa kaniya sa pagkamit ng pagpapahalaga.
Magiging maingat din siya sa paghusga ng dapat at hindi dapat gawin upang
masiguro niya ang matagumpay na paglinang ng karunungan. Totoo rin ito
sa iba pang pagpapahalagang nais nating taglayin at isabuhay, kasabay nito
ang paglinang ng ating mabuting gawi upang patuloy itong mapahalagahan.
Sa ganitong paraan, nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud.
Ang isang kilos ay mabuti kung ito ay nakapagbibigay ng ligaya (joy) sa
ibang tao at ito naman ay masama kung ito ay nagbibigay ng dusa (suffering)
sa ibang tao.
Ang pagsasabuhay ng mga ito ang pinakamatibay na patunay na
naisasaloob ng isang kabataan, ang mga moral na pagpapahalaga. Ang
pagsasagawa ng paulit-ulit ay maaari ng maging bahagi ng pang-araw-araw
na buhay.
Kapag isinasabuhay na ang mga pagpapahalaga, nangangahulugan ito
na unti-unti nang mahuhubog ang iyong kilos o gawi (attitude) na siyang
mahalaga upang mahubog ang iyong magandang ugali o asal (behaviour).
Ang moral napagpapahalaga ay dapat na mailapat sa anumang mahalagang
pagpapasiya, aksiyon o kilos. Mahalagang kasanayan din ito na
makatutulong upang mapaunlad ang iyong isip, hangarin at kilos (Haring,
Bernard).

Gawin Natin

Tayain ang inyong pag-unawa:


Upang masubok ang lalim ng inyong naunawaan, sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat ang iyong kasagutan sa isang malinis na papel.

1. Ano ang halaga ng buhay sa tulong ng pag-uugnay ng pagpapahalaga


at birtud sa isa’t isa?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Paano mo nasasabing makabuluhan sa iyongbuhay ang pag-uugnay ng
pagpapahalaga at birtud sa isa’tisa?
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Sanayin Natin

Nais mo bang malaman ang karanasan ng isang kabataang katulad


mo? Sa naunang gawain, sinubukan mong kilalanin ang kahalagahan ng
pagpili at ang pagkakaroon ng batayan sa pagpili ng kilos na gagawin,

4
gayundin ang kaugnayang taglay na pagpapahalaga ng isang tao sa pagpiling
ito. Sa bahaging ito, tutuklasin mo kung ano ang pinahahalagahan ng
tauhan sa kuwentong iyong babasahin. Aalamin mo rin kung ano ang
nalinang sa kaniyang pagkatao makamit lamang ang kaniyang
pinahahalagahan. Handa ka naba?

Ang Aking Pinahahalagahan at Nalinang na Birtud

Pitong magkakapatid sina Joven. Gumagawa ng banig ang kaniyang


ina samantalang walang permanenteng trabaho ang kaniyang ama dahil sa
karamdaman nito. Dahil sa kahirapan hindi sila nakapagpagawa ng isang
disenteng bahay. Tagpi-tagpi ang dingding nito, bagamat yero ang bubong ay
may mga butas. Masikip para sa siyam na tao ang maliit na espasyo ng
bahay na nagsisilbing sala, kusina, kainan at tulugan ang buong kabahayan.
Sa gabing maulan, magugulantang ang pamilya sa buhos ng ulan sa
kanilang higaan kaya’t inuumaga silang nakaidlip nang nakaupo habang
nakapayong at kalong ang nakababatang kapatid.
Sa umaga, si Joven ay pumapasok sa paaralan, bagama’t
hindi siya napakaaga hindi naman siya na huhuli mula sa isa at kalahating
kilometrong paglalakad mula sa kanilang bahay hanggang sa paaralan.
Malinis siyang manumit kahit pa nag-iisa lamang ang kaniyang pantalon at
polo na kailangan niyang labhan sa hapon upang magamit niya
kinabukasan. Ipinagpapasalamatniyanamayroonsiyangisang pares ng
sapatos na bigay ng kaibigan ng kaniyang ama. Sa tanghalian, nakakaraos
ang kaniyang pagkain mula sa tirangbaon ng kaniyang mga kaklase na
ibinabahagi sa kaniya.
Sa kabila nang lahat ng ito, masayahin, masigla at puno ng buhay si
Joven. Matalino, nangunguna sa talakayan, matataas ang marka at magaling
na pinuno. Hindi mababakas sa kaniya na pinagdaraanan niya ang mga
sakripisyong nabanggit dahil sa kaniyang positibong pagtingin sa buhay.
Dahil sa angking talino sa pagguhit, binabayaran siya ng kaniyang mga
kamag-aral sa pinapagawa nila. Dahil matalino, nagpapaturo ang mga anak
ng kanilang kapitbahay sa kanilang mga aralin at inaabutan siya ng mga
magulang nila ng kaunting halaga. Sampung piso man ito o limampung piso,
ibinibigay niya ito sa kaniyang ina pandagdag sa kanilang gastusin. May mga
araw na walang pasok na kailangan niyang magmaneho ng sikad-sikad
(pedicab na de padyak) para matulungan ang pamilya at matustusan ang
ilang pangangailangan sa pag-aaral nilang magkakapatid. Niyaya rin siya ng
kaniyang mga kaibigan sa ilang mga lakaran subalit mas pinipili niya ang
makauwi agad at makatulong sa kaniyang ina at magawa ang mga gawain.
Ang liwanag na tumatagos mula sa siwang ng kanilang dingding na
nagmumula sa ilaw ng kanilang kapitbahay ang tanging tanglaw nila sa gabi.
Wala man silang mesa at upuan, hindi ito sagabal sa kaniyang pag-aaral.
Kahit minsan hindi siya pumasok ng klase na hindi gawa ang takdang aralin

5
at walang proyekto. Ang poste ng ilaw sa kalyeng malapit sa kanilang bahay
ang naging saksi ng kaniyang pagpupursige.

Mga Tanong:

1. Ano ang pinahahalagahan ni Joven sa buhay na nais niyang abutin?


2. Ano-ano ang kaniyang mga pinagdaanan sa buhay na makahahadlang sa
kaniya sa pag-abot nito?
3. Ano-ano ang ginawa niya upang malampasan ito?
4. Ano ang nalinang sa kaniyang pagkatao dahil dito?
5. Paano nagkakaugnay ang pinahahalagahan ng tao sa kilos o gawain
niya?
6. Gawin ito sa iyong journal notebook.

Gamitin mo ang tsart sa ibaba sa pagsagot sa mga tanong na ito.

Pinahahalagahan: Pag-aaral
Mga Sagabal: Paraang ginawa Gawi na nalinang:
upang malampasan:

Halimbawa: Hindi tumitigil sa Positibong pananaw


Kahirapan pagsusumikap. sa buhay.

Kaugnayan ng pinahahalagahan at gawi na taglay:


Halimbawa:
Ang aking pinahahalagahan ay pag-aaral. Ito ay may
kaugnayan sa aking gawi na taglay dahil ito ang nagbibigay sa akin
ng positibong pananaw sa buhay na siyang nagbibigay pag-asa na
balang araw ay makakamit ko rin ang aking mga pangarap sa buhay
at magkakaroon ako ng magandang kinabukasan kung patuloy akong
magsusumikap kahit mahirap lang kami.

Tandaan Natin

➢ Ang pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay katuturan sa ating tunay


na pagkatao, hindi ang anumang nais ng taong makamit sa kanyang
sarili.

➢ Ang pagsasabuhay ng mga ito ang pinakamatibay na patunay na


naisasaloob ng isang kabataan ang mga moral napagpapahalaga.

6
➢ Kapag isinasabuhay na ang mga pagpapahalaga, nangangahulugan ito
na unti-unti nang mahuhubog ang iyong kilos o gawi (attitude) na
siyang mahalaga upang mahubog ang iyong magandang ugali o asal
(behavior).

➢ Ang isang kilos ay mabuti kung ito ay nakapagbibigay ng ligaya(joy) sa


ibang tao at ito naman ay masama kung ito ay nagbibigay ng dusa
(suffering) sa ibang tao.

Suriin Natin
PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Sadyang kawili-wili ang magbasa. Matataya mo sa bahaging ito ang
iyong kakayahang magsuri kung ano ang kahalagahan ng pagpili ng kilos
nagagawin at ang kaugnayan ng pagpapahalagang taglay ng tao sa pagpiling
ito.
Ang kuwento ng Alice’s Adventure in Wonderland ay kuwento ng isang
batang babae na napunta sa lugar ng pantasiya at nagkaroon ng maraming
karanasan mula sa kaniyang paglalakbay.
Ang matutunghayan mo ay bahagi ng kuwento kung saan nagkaharap
si Alice at ang pusang si Cheshire upang magtanong nang ang kaniyang
tinatahak na daan ay nagsanga. Ito ay hinango mula sa http://www.alice-in-
wonderland.net/alice2a.html ,noong Enero 4, 2012.

“Maaari mo bang ituro sa akin ang daan


na nararapat kong tahakin mula rito?” Ang
tanong ni Alice sa pusang si Cheshire.
“Depende iyan sa nais mong puntahan at nais
mong marating.” Ang tugon naman ng pusa.
“Wala naman akong partikular na lugar na
nais puntahan”, ang wika ni Alice.
“Kung gayun, hindi mahalaga kung aling daan
ang iyong tatahakin”, ang sagot ng pusa.
“Ang mahalaga lang makarating ako KAHIT
SAAN”, dagdag na paliwanag ni Alice.
“Siguradong mangyayari iyon; maglakad ka
lang nang maglakad.”

7
Kumusta? Naunawaan mo ba ang bahaging ito ng kuwento? Ngayon
sagutin mo ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno. Pumili ng isang kaibigan o kapamilya na maaari mong makausap
upang ibahagi sa kaniya ang iyong sagot. Hayaan din siyang magbigay ng
kaniyang opinyon o sagot sa parehong mga tanong.

Mga Tanong: Kopyahin ang tanong at sagutin ito sa iyong journal notebook.

1. Bakit kailangang pumili ni Alice?

2. Bakit kailangang may pagbabatayan kung alin ang pipiliin?

3. Ano ang magiging kahihinatnan kung patuloy na maglalakbay si Alice


na walang siguradong patutunguhan?

4. Bilang isang kabataan, anong pagpipili ang karaniwan mong ginagawa?

5. Ano ang pinagbabatayan mo ng iyong pagpili?

6. Ano ang kaugnayan ng pagpapahalaga sa iyong pagpili?

Payabungin Natin

Magtala ng 3 (tatlong) birtud at pagpapahalaga na nais mong


pagtuonan ng pansin upang malinang at ganap na maging gawi o kilos.
Ipaliwanag kung bakit ito ang napili.

1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________

8
Pagnilayan Natin

Sumulat ka ng isang pangako/ kasunduan tungkol sa mga birtud at


pagpapahalaga na napili mong linangin at hubugin sa iyong sarili. Kopyahin
ang kontrata sa ibaba sa isang malinis na papel at punan ang mga patlang
ayon sa hinihingi ng gawain.

Kasunduan ng Paglinang at Paghubog ng mga Birtud at Pagpapahalaga

Ako si_____________________, nangangako at bukal sa kaloobang


pumapasok sa kasunduang ito, na aking lilinangin at huhubugin ang mga
birtud at pagpapahalagang ito:

1. ____________________________________
2. ____________________________________
3. ____________________________________

Ang kasunduang ito ay aking isa sa katuparan simula


________________ at ipagpapatuloy ko ang pagsasagawa nito upang ako ay
makapagdulot ng kasiyahan at kabutihan sa aking kapuwa.

_____________________________________
Pangalan at Lagda

Maligayang bati! Hinahangaan kita dahil sa iyong pagiging matiyaga sa


pagtatapos ng modyul na ito. Nawa’y paghandaan mo ang susunod na aralin
tungo sa landas ng iyong pagiging mabuting tao!

9
Susi sa Pagwawasto

10
Sanggunian

Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud. Hinangomulasa


https://www.slideshare.net/sirlemuelestrada/modyul-9-kaugnayan-
ng-pagpapahalaga-at-birtud?from_action=save, hinango noong
Oktobre 15, 2020.

Retrieved from: https://k12resources.files.wordpress.com/2016/04/gr-


7esp-lmq1-to-4pdf, hinango noong Octobre 14, 2020

Retrieved from:https://sites.google.com/site/veedukasyonsapagpapakatao/,
hinango noong Oktobre 15, 2020

Retrieved from
http://educationalprojams.weebly.com/uploads/1/0/2/3/102353042/espl
mq3.pdf, hinango noong Oktobre 14,2020

Retrieved from
https://www.pdf-book-search.com/markahan/ikatlong-markahan-modyul-
9-kaugnayan-ng-pagpapahalaga-at.html hinango noong Oktobre 14, 2020
Retrieved from
https://drive.google.com/file/d/08TibwEltyeuQVdlMWxEanZlVmc/view
hinango noong Octobre 14, 2020.

Retrieved from https://www.slideshare.net/ArnelSSI/birtud-at-halaga ,


hinago noong Oktubre 14, 2020

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph


12

You might also like