You are on page 1of 5

GAWAING PAMPAGKATUTO BLG.

#1
Grade 7 – Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan
Una at Ikalawang Linggo
SSC
Most Essential Learning Competencies (MELCs)
• Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga (EsP7PB –IIIa - 9.1)
• Natutukoy
a. ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at
b. ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito. (EsP7PB-IIIa-9.2)
• Napatutunayan na ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moral na pagpapahalaga ay
patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues). (EsP7PB-IIIb-9.3)
• Naisasagawa ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na magpapaunlad ng kanyang buhay bilang
nagdadalaga/ nagbibinata. (EsP7PB-IIIb-9.4)

Scores
Pangalan: _________________________________
Written Works: _________
Baitang at Seksyon: _________________________
Performance Task: ________
Petsa: _____________________________________

PAGPAPAHALAGA
Ang pagpapahalaga o (values) ay nagmula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang pagiging malakas o
matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.
Mga Uri ng Pagpapahalaga
1. Ganap na Papapahalagang Moral (Absolute Moral Values). Ito ay nagmumula sa labas ng tao, ibig sabihin ito ang
pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga. Ito ay ang mga
prinsipyong etikal (ethical principles) na kaniyang pinagsisikapang makamit at mailapat sa pang-araw-araw na buhay.
Mga Katangian ng Ganap na Pagpapahalagang Moral
a. Obhetibo. Ito ay naaayon kung ano ito (what is), ano ito noon, (has been) at kung ano ito dapat (must be).
b. Pangkalahatan. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng tao, kilos at kondisyon o kalagayan.
c. Eternal. Ito ay umiiral at mananatiling umiiral. Hindi ito magbabago kahit lumipas man ang mahabang panahon. N
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural Behavioral Values). Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa
loob ng tao. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural. Ang
layunin nito ay makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin (immediate goals).
Mga Katangian ng Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
a. Subhetibo. Ito ay pansarili o personal sa indibiduwal. Ito ay ang personal na pananaw, ugali o hilig na bunga ng
pag-udyok ng pandamdam, damdamin, iniisip, motibo, karanasan at nakasanayan.
b. Panlipunan (Societal). Ito ay naiimpluwensiyahan ng pagpapahalaga ng lipunan - ang nakagawiang kilos o asal
na katanggap-tanggap sa lipunan.
c. Sitwasyonal (Situational). Ito ay nakabatay sa sitwasyon, sa panahon at pangyayari.

BIRTUD
Ang virtue o ang birtud ay sinasabing galing sa salitang latin na “Virtus” na nangangahulugang pagiging tao,
pagiging matatag at pagiging malakas, ito ay nararapat lamang sa isang tao. Ang bawat nilalang ay magkakatulad na may
isip subalit mayroong iba’t ibang kaalaman at kagalingang taglay. Ang Birtud o Virtue ay galing sa salitang Latin na virtus
(vir) na nangangahulugang “pagiging tao”, pagiging matatag at pagiging malakas.
Ang Birtud o Virtue ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang
katuwiran. at mangatuwiran, magpasiya at kumilos. Ito ay pag-uugali na nagpapakita ng mataas na pamantayang moral sa
ating kapwa.

PROJECT BANGA – Bringing Assessment in the New Normal to Greatness through Academic Ease |1
DALAWANG URI NG BIRTUD
1. INTELEKTUWAL NA BIRTUD - Ang mga intelektuwal na birtud ay may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag
na gawi ng kaalaman (habit of knowledge).
a. Pag-unawa (Understanding). Ang pag-unawa ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip.
Sa pamamagitan nito ay naiintindihan ng tao ang kanyang mga natutunan.
b. Agham (Science). Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at
pagpapatunay. Sa pamamagitan nito ay na kakatuklas ang tao ng bagay na makakabuti sa kanya.
c. Karunungan (Wisdom). Ito ang nagtutulak sa tao upang maunawaan ang bunga o kalalabasan (consequence) ng lahat
ng pananalita at kilos bago ito sabihin at isagawa.
d. Maingat na Paghuhusga (Prudence). Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa lahat ng
ating mabuting asal o ugali.
e. Sining (Art). Ang sining ang nagtuturo sa atin upang lumikha sa tamang pamamaraan., at paglikha, ito ay bunga ng
katuwiran.. Ito rin ay maaaring gamitin sa paglikha ng mga bagay na may kapakinabangan. Nakakagawa ang tao ng
mga iba’t-ibang paraan upang isakatuparan ang kanyang iniisip na maaring sa paraan ng pagkanta, pagpinta atbp.

2. MORAL NA BIRTUD. Ang mga moral na birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na
nagpapabuti sa tao. Ito rin ay ang mga gawi na nagtuturo sa atin na iayon ang ating ugali sa tamang katuwiran. Ang
lahat ng mga moral na birtud ay may kaugnayan sa kilos-loob.
Mga Uri ng Moral na Birtud
a. Katarungan (Justice).
b. Pagtitimpi (Temperance or Moderation).
c. Katatagan (Fortitude).
d. Maingat na Paghuhusga (Prudence).

Ang pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay katuturan sa ating tunay na pagkatao, hindi ang anumang nais ng taong
makamit sa kanyang sarili. Bagamat magkaiba subalit magkaugnay ang pagpapahalaga at virtue. Dahil ang
pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao, kaya’t ayon kay Ayn Rand, ang
pagpapahalaga ay ang pinagsusumikapan ng tao na makamit. Ito ay layunin o tunguhin na nagdudulot ng kabutihan sa
buhay ng tao na ninanais na maisakatuparan.
Source: ADM Module 1

Gawain: Hugis Puso O Hugis Bilog!

Easy Level Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng hugis puso kung ito ay
pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud at hugis bilog kung ito ay hindi

1. Hindi ko sinusunod ang mga bilin ng aking mga magulang.

2. Buong pamilya kaming nagsisimba tuwing lingo.

3. Pagsama sa mga kaibigan ko na gumala kung saan-saan.

4. Pagtulong sa mga batang nangangailangan.

5. Pag-aaral nang mabuti bago ako makipaglaro sa labas.

6. Inuubos ko ng oras sa paglalaro ng mobile legends kaysa sagutin ang aking activity sheets.

7. Pagsisinungaling sa mga magulang para hindi mapagalitan.

8. Iginagalang ko ang mga nakakatanda sa akin.

9. Sinasang-ayunan ang mga kaibigan kahit na alam kong mali ang kanilang ginagawa.

10. Paninira sa ang iyong kamag-aral upang makuha ang atensiyon sa loob ng klase.

PROJECT BANGA – Bringing Assessment in the New Normal to Greatness through Academic Ease |2
Average Level Gawain: Ayusin Mo Sagot Mo!
Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong titik upang mabuo ang tamang SALITA hinggil sa
mga uri ng birtud na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ito ang pinakapangunahing birtud na nakapagpapaunlad ng isip. GAP - AWUNA

2. Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng
pagsasaliksik at pagpapatunay. MAHAG
3. Ang gawi na ito ay ang pagtingin sa lahat ng panig upang makakalap ng datos bago
magpasya. Ito ang itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang
birtud ay dumaraan sa birtud na ito. Ang birtud na ito ay parehong intelektuwal at moral.
AMTAGIN AN GAPHUHUGAS
4. May kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay mga gawi na nagpapabuti sa tao.
OMLAR AN TURBID
5. Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman. KANUNGRUAN
6. Ito ang nagtuturo sa atin na lumikha sa tamang pamamaraan. NISGIN
7. Ito ay isang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang
para sa kanya, sinuman o anuman ang kaniyang katayuan sa buhay. TAKANGANRU
8. Kinakailangan ang pagpipigil o pagkontrol sa sarili na maiwasan ang tukso o masamang
gawain. GAPTITIPIM
9. May kinalaman sa isip ng tao na tinatawag ding gawi ng kaalaman.
NITEKELWALTU AN TURBID
10. Ito ang birtud na nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin ang anumang pagsubok
at panganib. TATAKANAG

PROJECT BANGA – Bringing Assessment in the New Normal to Greatness through Academic Ease |3
Gawain: Ilarawan mo!
Performance Task
Panuto: Magbigay ng isa sa itinuturing mong pinakapinapahalagahan mo sa iyong buhay at
ipaliwanag sa isang maikling sanaysay kung bakit mo ito lubos na pinapahalagahan. Gawing
gabay ang pamantayan sa pagmamarka.

____________________________________________________________________________

PROJECT BANGA – Bringing Assessment in the New Normal to Greatness through Academic Ease |4
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
KRAYTIRYA Higit na Inaasahan Nakamit ang Inaasahan Hindi Nakamit ang inaasahan (3
(5 puntos) (4 puntos) puntos)
Nilalaman Lubusang nailahad ang Nailahad ang kaisipan sa isa sa May kakulangan ang paglalahad ng
kaisipan sa isa sa itinuturing itinuturing na ang kaisip ang kaisipan sa isa sa
na pinakapinapahalagahan pinakapinapahalagahan mo sa itinuturing na
mo sa buhay buhay pinakapinapahalagahan mo sa
buhay
Organisasyon Organisado at may malinaw Maayos ang paglalahad ng Hindi masyadong maayos at
ng mga Ideya na kaisahan ang daloy ng kaisipan o ideya malinaw ang paglalahad kaisipan o
paglalahad ng kaisipan o ideya.
ideya
Wika at Angkop at wasto ang mga May ilang salitang hindi Maligoy at hindi angkop ang mga
Gramatika salitang ginamit angkop ang pagkakagamit salitang ginamit
Kalinisan at Wastong-wasto at napakalinis May 1-2 bura/dumi sa Hindi mabasa at may 3 o higit na
kaayusan ng pagkakasulat. pagkakasulat bura/dumi sa pagkakasulat.

____________________________________ ______________________________
Lagda ng Magulang Lagda ng Mag-aaral
==================================================================================
Inihanda ni: Iwinasto ni: Inaprubahan ni:

GLENN A. PADAMADA LIZA M. PIWIT ELIZA C. VEDANIA

Guro I Ulong Guro III School Principal IV

PROJECT BANGA – Bringing Assessment in the New Normal to Greatness through Academic Ease |5

You might also like