You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Grade VII

Bb. Rachel S.Samson


Oktubre 09, 2014
I. PAKSA
Modyul 8: Dignidad ng Tao

II. SANGUNIAN
Edukasyon sa Pagpapakatao Learner’s Material , pp. 192– 196

III. KAGMITAN SA PAGTUTURO


Laptop, LCD Projector, Visual Aids, Pictures, Markers, Chalk, Nilagang itlog

IV. PAMANTAYANG PAGKATUTO:


 Naipapamalas ng mag-aaral ang pag– unawa sa mga konsepto tungkol sa dignidad ng tao.
(Pamantayang Pangnilalaman )
 Nakagagawa ng kongkretong paraan upang ipakita ang paggalang at pagmamalasakit sa mga
taong kulang ng oppurtunidad sa buhay. (Pamantayan sa Pagganap)

Batayang Konsepto
Ang paggalang sa DIGNIDAD ng TAO ay nagmumula sa pagiging pantay at magkapareho
nilang TAO at ang nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.

V. MGA BATAYANG KASANAYAN


 Napatutunayan na ang bawat tao ay may dignidad anuman ang kanyang kalagayang pan-
lipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa.
 Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may pagpapahalaga sa
dignidad ng tao
 Napatutunayan na ang (a) paggalang sa dignidad ng tao ay nagsisilbing daan upang mahalin ang
kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at (b) ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa
pagiging pantay at magkapareho nilang tao.
 Naisasagawa ang pagtulong sa kapamilya, kaibigan o kakilala na iangat ang pagpapahalaga sa
kanilang sarili.
Mga layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakatutukoy ng mga paraan kung paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa
dignidad ng tao;
2. Nabibigyang halaga ang paggalang sa dignidad ng kapwa anuman ang katayuan sa
buhay.
3. Nakabubuo ng liham sa mga taong di nagawan ng mabuti, bilang tanda ng pagsisimulang
igalang ang dignidad ng kapwa.
VI. MGA GAWAING PAGKATUTO
Plano ng Pagtuturo:
A. Pang araw araw na Gawain
B. Paunang Pagtataya
C. Pagtuklas ng Dating Kaalaman -- Picture Scenario
D. Pagllinang ng Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa --Egg– quality
E. Pagpapalalim --Dignidad ng Tao
F. Pagsasabuhay

A. Paunang Pagtataya

B. Pagtuklas ng Dating Kaalaman -- Picture Scenario


Susuriin ng mga mag-aaral ang larawan kung ito ba ay nagpapakita ng paggalang sa kanyang
kapwa.
Mga Larawan:

Mga Tanong:
1. Ano ang napuna sa mga nasa larawan?
2. Sa iyong palagay, tama ba na gawin ang mga nasa larawan sa iyong kapwa? Bakit oo, bakit
hindi?
3. Paano mo mababago ang pakikitungo sa mga sitwasyon na nasa larawan?

C. Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan at Pag– unawa --Egg-quality


Paghahambingin ang mga itlog na dala ng guro at dala ng mga mag-aaral.
Mga Tanong:
1. Ano ang napansin sa dalawnang itlog?
2. Kung sakaling babalatan ang dalawang itlog, meron kaya itong pagkakaiba sa loob?
3. Paano natin ihahalintulad ang mga katangiang ito sa nagiging paraan ng pagtingin natin sa
kapwa?
D. Pagpapalalim

DIGNIDAD ng TAO

Ang dignidad ay galling sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin “ karapat-
dapat”.
Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat dapat ng tao sa pagpapahahalaga at
pagga-lang mula sa kanyang kapwa. Lahat ng tao, anoman ang kanyang gulang, anyo, antas ng
kinabibilangan at kakayahan ay may dignidad.

Mga Batayan kung paano


maisasakatuparan ang
obligasyon sa paggalang sa
Paraan kung paano
dignidad ng tao:
maipapakita ang pagkilala at
1. Igalang ang sariling buhay pagpapahalaga sa dignidad ng
at buhay ng kapwa. isang tao :

2. Isa alang alang ang 1. Pahalagahan mo ang tao


kapakanan ng kapwa bago bilang tao
kumilos 2. .Ang paggalang at
pagpapahalaga sa dignidad
3. .Pakitunguhan ang kapwa ng tao ay ibinibigay
ayon sa iyong nais na hangga’t siya ay nabubuhay
gawin nilang pakikitungo sa
iyo.

Paglalahat:
Ang paggalang sa DIGNIDAD ng TAO ay nagmumula sa pagiging pantay at magkapareho
nilang TAO at ang nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.
E. Pagsasabuhay
Ang mga mag-aaral ay gagawa o susulat ng liham sa kanilang kamag-aral na sa tingin nila ay nala-
bag nila ang paggalang sa dignidad ng kanilang kapwa.

VII. KASUNDUAN
Gumawa ng repleksyon tungkol sa natanggap ng liham mula sa kamag-aral.

You might also like