Professional Documents
Culture Documents
ESP 10
Petsa Sesyon: 7, Quarter 1
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa dignidad ng tao.
Pangnilalaman
Pamantayang Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapuwang
Pagganap itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukodtangi dahil sa kaniyang
taglay na dignidad bilang tao.
Kompetensi Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao.
Esp10MP-lf-4.1
C. Kagamitang Modyul
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda Pangmotibeysyunal na Tanong: Ano ang nauunawaan mo sa salitang
Dignidad?
Aktiviti/Gawain Mag-isip ka ng dalawang magkaibang katayuan ng tao sa buhay na iyong
nasasaksihan sa iyong paligid (hal. mayaman at mahirap). Suriin mo ang
kanilang pagkakatulad at pagkakaiba sa pamamagitan ng Venn Diagram.
Ang Venn Diagram ay ginagamit upang ipakita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay. Gawin ito sa short bond paper.
B.
Katangiang Katangiang
natatangi natatangi
C. Kanilang
Pagkakatulad
Pagsusuri/Analysis Matapos gawain ang venn diagram ay sagutin mo ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ito sa likod ng inyong bond paper. 1. Ano ang nakita mong
pagkakaiba ng dalawang tao na may magkaibang katayuan sa buhay?
Ipaliwanag. 2. Ano naman ang kanilang pagkakatulad? Ipaliwanag. 3. Sa
pagitan ng kanilang pagkakaiba at pagkakatulad, alin sa iyong palagay ang
higit na dapat na pagtuunan ng pansin at pagpapahalaga? Ipaliwanag. 4.
Nararapat ba na ang dalawang tao na ito bagama’t may magkakaiba ang
katayuan sa buhay ay mararapat na igalang at pahalagahan?
Pangatwiranan.
B. Paglalahad Ang dignidad ay galing sa sa salitang Latin na dignitas, mula
Abstraksyon sa dingus, ibig sabihin “ karapat-dapat”. . Ang dignidad ay
(Pamamaraan ng nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
Pagtalakay) pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat
ng tao, anoman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng
kalinangan at kakayahn, ay may dignidad.
Nilikha ang tao sa mundo na hindi pantay-pantay ang
lahat upang mauunawaan ng tao na kailangan niya ang
kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating
mga pangangailangang materyal at ispiritwal. Nagkakapantay-
pantay ang mga tao sa kanilang dignidad bilang tao at ang
karapatan na dumadaloy mula rito. Ngunit sa pagkakaroon ng
dignidad ng tao mayroon itong pananagutan sa kaniyang
dignidad. Una, igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa,
pangalawa, isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago
kumilos, at pangatlo, maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng
tao sa lahat ng pagkakataon. Ang isang paraan upang
maipakita ng tao ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad
nito ay ang maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa
at pakikitungo sa mga ito. Maraming paraan kung paano
maipakita ito sa kanyang kapwa, halimbawa nito ay kung ang
isang politikong labis ang katapatan sa kanyang
panunungkulan sa pamahalaan.
Sa sandaling malabag ng tao ang kanyang karapatang
pantao maaring mawala ang dignidad ng isang tao. Pero
mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao kapag
isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian
mayroon kundi sa karangalan bilang tao. Ang
pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad
sa tao ay ang pagkakaroon ng lahat ng karapatang umunlad
sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.
Sa paglalahat, huwag gawin sa iba ang mga bagay na
ayaw mong gawin sa iba sa iyo. Mahalin ang kapwa gaya ng
pagmamahal mo sa iyong sarili. Igalang ang iyong kapwa sa
lahat ng pagkakataon anoman ang katayuan nito sa buhay.
Higit sa lahat pahalagahan mo ang tao bilang tao at isaaalang
Negros_Q1_EsP10_Modyul7_v2
alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10
VI. PAGNINILAY-
NILAY