You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI- WESTERN VISAYAS
DIVISION OF ESCALANTE CITY
JAPITAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY BUENAVISTA NHS-JAPITAN EXTENSION)
QUARTER 3 SUMMATIVE TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
May 3-14, 2021 (WEEKS 7-8)

PANGALAN: __________________________________ PETSA: ____________ ISKOR: ______

I. WRITTEN TEST
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.

_______ 1. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
A. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya at bilang kapalit,
kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.
B. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya.
C. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan.
D. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.
_______ 2. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang ___
A. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.
B. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan.
C. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan.
D. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba.
_______ 3. Bakit dapat nating pangalagaan ang kalikasan upang hindi lumala ang global warming?
A. Para ‘di maranasan ang unti-unting pagbawas ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga
trahedyang mangyayari.
B. Para ‘di maranasan ang pagtunaw ng mga yelo, ‘di na lalawak ang dagat at maiiwasan ang
malawakang pagbaha.
C. Para ‘di maranasan ang ng tao ang pag-iiba ng klima na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay
at ari- arian.
D. Para ‘di maranasan ang pagdalas ng pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon.
_______ 4. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.
A. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
B. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
C. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
D. Pagsusunog ng basura.
_______ 5. Maraming uri ng mga hayop at halaman ang unti-unting nawawala at namamatay dahil sa
malawakang pag-abuso ng tao rito. Anong tawag sa hayop o halaman na nasa kritikal na
estado na ang kanilang bilang?
A. endangered B. endemic C. extinct D. threatened
_______ 6. Ang yamang dagat na ito ay unti-unti na ring nauubos dahil sa sa mga ilegal na gawain ng
mga tao na pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat
o tirahan. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa gawaing pandagat?
A. cyanide fishing C. quarrying
B. dynamite fishing D. sistemang muro-ami
_______ 7. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan
(Mother Nature). Ano ang magagawa mo upang mas maipakita ang pagmamahal mo sa
kalikasan?
A. Makisali sa mga patimpalak sa paaralan tungkol sa kalikasan.
B. Magsulat ng kanta o tula tungkol sa kailaksan.
C. Mag-organisa ng clean-up drive activity sa inyong lugar.
D. Magpost at magshare sa social media ng mga atrikulo hinggil sa kailaksan.
_______ 8. May resposibilidad tayo bilang tagapamahala ng mga nilalang ng Diyos. Alin sa mga
sumsusunod ang dapat gawin upang magampanan ang nasabing responsibilidad?
A. Ang paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan upang umunlad ang bayan.
B. Ang pangangalaga na parang karugtong na ng buhay mo ang mga nilalang ng Diyos.
C. Ang pagkuha ng mga yamang likas upang masuportahan ang pangangailangan ng mga
tao.
D. Ang paggawa ng mga teknolohiya na makapagdedebelop sa mga likas na yaman na
hindi nagagamit ng tao.
_______ 9. Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi maging tagapagdomina
para sa susunod na henerasyon. Ano ang dapat gawin natin bilang isang bansa para
mapalawak pa ang pagprotekta natin sa kalikasan?
A. Magtanim ng puno kapag may oras.
B. Isabuhay ang sampung utos ng kalikasan
C. Makilahok sa mga programang pangkalikasan ng barangay.
D. Pagsunod sa pangmundong kasunduan na itinataguyod ng internasyonal na mga batas
pangkalikasan.
_______ 10. Binubuhay tayo ng kalikasan dahil sa kanya natin nakukuha ang mga bagay na kailangan
natin upang mabuhay. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod na tanong ang natanong mo
na sa sarili mo na HINDI nagpapakita ng concern sa kalikasan?.
A. Niligpit mo na ba ang pinagkainan mo?
B. Inuubos mo ba ang tubig na inilalagay mo sa baso?
C. Pinapatay mo ba ang ilaw sa silid na walang gumagamit?
D. Sinusulatan mo ba ang likod ng papel na puwede pang sulatan?
_______ 11. Paano ipinapakita ng tao na pinahahalagahan niya ang kalikasan sa mga bagay na
` kaniyang ginagawa?
A. Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa pangangailangan ng kalikasan na
ipinagkatiwala sa kaniya.
B. Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening
at earth balling.
C. Ginagawa ang tungkulin bilang isang mamamayang tagapangalaga ng kalikasan kahit na
ito ay mapag-iwanan ng pag-unlad at panahon.
D. Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili at ang kaniyang kapuwa na
maiwasan ang pagkawasak ng kalikasan sa pagtamo ng kaunlaran.
_______ 12. Paano mo isasagawa ang programang magsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?
A. Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng kalikasan.
B. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa sa bawat paglabag.
C. Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa isang gawaing
makakalikasan.
D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang
makapagsagawa ng isang gawaing pangkalikasan.
_______ 13. Ano ang paraan na maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang tagapamahala
at tagapangalaga ng kalikasan?
A. Magpatupad ng mga batas.
B. Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
C. Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado.
D. Maging mapagmasid at matapang sa pakikipaglaban para sa bayan.
_______ 14. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa
kalikasan, alin sa sumusunod ang iyong gagawin?
A. Lilinisin ang Ilog Pasig at sasali sa mga proyektong lilikom ng pondo para sa Ilog Pasig.
B. Gagawa ng mga programang susundan ng baranggay upang makatulong ng malaki.
C. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
D. Magdarasal para sa bayan.
_______ 15. Ang pangangalaga sa Kalikasan ay tanda rin ng iyong pagmamahal sa bayan. Ang
pangungusap ay _______.
A. Tama B. Hindi Tama C. Siguro D. Walang sagot

II. PERFORMANCE TASK


PANUTO: Magsaliksik ng larawan na nagpapakita ng pangangalaga sa Kalikasan, Kapag nakapili kana ng larawan ay
gumawa ka ng isang maikling SANAYSAY na nagpapahiwatig ng iyong kaalaman at saloobin tungkol dito. Maaring
isend ang inyong gawa sa aking messenger o email: meah.bajand@deped.gov.ph

Gawing basehan ang rubriks sa ibaba


Rubrik sa Pagmamarka:
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay/ginamit ay tumutugma sa paglalarawan at konsepto. 5
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. May pinagbabatayang pag-aaral, 5
artikulo o pagsasaliksik ang ginamit na datos.
Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng kuwento/impormasyon. Maayos na 5
naipahayag ang konsepto.
Pagkamalikhain May sariling istilo sa pagsasaayos o pagpapakita ng ginawa. Gumamit ng angkop 5
na paglalarawan upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng sanaysay.
Kabuuan 20
“Never give up, malapit na malapit ka na sa finish line”
Inihanda ni:

Bb. MEAH A. BAJANDE


Guro sa AralPan/EsP/ITWRBS/DIASS
Sanggunian: EsP 10 LAS

You might also like