You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Pangalan: Baitang/Pangkat: Iskor:


Paaralan: Guro:

IKATLONG MARKAHAN
Written Test No. 3

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang at piliin ang letra ng
pinakatamang sagot.

1. Ano ang patriyotismo?


A. Ideolohiyang politikal ng pagiging makabansa.
B. Pagmamalaki sa kultura ng bansang kinabibilangan.
C. Pagtangkilik ng kultura at pagkakakilanlan ng isang bansa.
D. Dalisay at wagas na pagmamahal sa bansang kinabibilanagan.
2. Bakit dapat mahalin natin ang ating bansa?
A. Tungkulin natin ito bilang anak ng ating bansa.
B. Ito ay ating lupang sinilangan at dito tayo nakatira.
C. Mahalagang sangkap ito tungo sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
D. Utang ng bawat Pilipino sa kanilang bansa ang buhay at kalayaan nito.
3. Alin sa mga salita o pahayag ang nagpapakita ng pagkakaiba ng
nasyonalismo at patriyotismo?
Nasyonalismo: , Patriyotismo:
A. Pasibo, Aktibo
B. Dalisay, Wagas
C. Makabayan, Makabansa
D. Diwang makabansa, ideolohiyang politikal
4. Alin ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan?
A. Sangkap sa pagkamit ng sariling layunin
B. Susi tungo sa pagkakaisa ng tao sa lipunan
C. Sandata upang mapangalagaan ang karapatan at dignidad ng tao
D. Sandigan ng pagpapaunlad at pangangalaga ng sariling kultura at
pagkakakilanlan

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
5. Suriin ang mga larawan. Alin sa mga sitwasyon ang manipestasyong ng
pagmamahal sa bayan.
A. Namamalimos na lamang si Rene para may pambili ng pakain.
B. Minsan nang nilooban ang bahay ni Mang Ben kaya hindi siya makatulog
sa gabi.
C. Idinadaan na lamang ni Henry sa pag-singhot ng solvent ang gutom na
nadarama.
D. Maayos na nakapila ang mga residente ng Sitio Masagana upang
magpabakuna.
6. Bilang mag-aaral, paano mo maipapamalas ang pagmamahal sa bayan?
A. Pag-aaral ng mabuti
B. Pagsali sa mga protesta
C. Pakikinig sa payo ng mga matatanda.
D. Pag-organisa ng mga samahang pangkabataan laban sa katiwalian.
7. Paano nakatutulong ang pagmamahal sa bayan sa pagtataguyod ng
kabutihang panlahat?
A. Napananatili ng pagmamahal sa bayan ang kultura ng bansa.
B. Pinagtitibay ng pagmamahal sa bayan ang pananalig sa Diyos.
C. Naitataguyod ng pagmamahal sa bayan ang pansariling interes.
D. Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang bawat mamamayan.

8. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na kabilang sa mga umiiral na


paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan?
A. Korupsiyon
B. Colonial Mentality
C. Pagtangkilik sa produkto ng bansa.
D. Labis na pagkahumaling sa kulturang banyaga.
9. Bakit ang maling paggamit ng kalikasan ay maituturing na paglabag sa
pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan?
A. Biyaya ito ng Diyos
B. Tayo ay bahagi ng kalikasan
C. Ang kalikasan ang ating tahanan
D. Ang kalikasan ay yaman at buhay ng bayan.

10. Alin ang pangkalahatang epekto ng korupsiyon sa lipunan?


A. Nauubos ang pondo ng bayan.
B. Naitataguyod ang mga proyekto ng pamahalaan.
C. Nagkakaroon ng mataas na buwis ang mamamayan.
D. Lumalalang kahirapan at paglaganap ng karahasan.

2
Panuto: Suriin ang mga pahayag, Isulat ang letrang A kung ito ay kilos ng may
pagmamahal sa bayan at letrang B kung ito ay kilos ng paglabag sa
pagmamahal sa bayan.

11. Bilang street sweeper ay maagang sinisimulan ni Mang Rudy


ang paglilinis sa bahaging nakatoka sa kanya.
12. Madalas ang pagbaha sa Brgy. Mapayapa dahil sa mga basurang
nakabara sa mga daluyan ng tubig.
13. Bihirang magsalita si Juvy sa kanilang klase dahil natatakot siyang
pagtawanan sa matigas nitong punto ng pananalita. (Analyze)
14. Matagumpay na ni-raid ng mga awtoridad ang drug den na
umano’y nagsusuplay ng ilegal na droga sa bansa.
15. Upang hindi makumpiska ang lisensya ni Mang Danny ay binayaran na
lamang niya ang traffic enforcer matapos mahuli itong lumabag sa batas
trapiko.

Inihanda ni:

IVAN Y. ARBUIS
MT 1- Nagpayong High School

Binigyang pansin nina:

MARIA MAGDALENA V. LLANA


MT1-Rosario Elementary School

LEAH S. QUITAYEN
MT1-Rizal High School

REMA A.
T2- San Joaquin Kalawaan High School

Pinagtibay nina:

MARIETTA M.
Public Schools District Supervisor – Cluster V

PERLITA M. IGNACIO
Education Program Supervisor I

3
4

You might also like