You are on page 1of 21

Pagpapahalaga

sa mga Kaisipang Asyano


Modyul sa Araling Panlipunan 7
Ikalawang Markahan-Modyul 5

Webstockreview.com
m

Inihanda ni:
JAY M. BANAWAG

Kagawaran ng Edukasyon ● Sangay ng Lungsod ng Tabuk


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Cordillera Administrative Region
Sangay ng Lungsod ng Tabuk
Purok 02, Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga

Inilathala ng:
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum-
Learning Resource Management and Development System

KARAPATANG SIPI
2020

‘’Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293; Hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon pa man, kailangang muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa maaaring gampanin ng nasabing ahensya ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.”

Ang material ay nagawa para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum ng


Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin
kung para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
PAUNANG SALITA

Ang Modyul na ito ay bahagi ng proyekto ng Sangay sa Pagpapatupad ng


Kurikulum-Learning Resource Management Section, Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng Lungsod ng Tabuk bilang tugon sa implementasyon ng K to 12 Curriculum.

Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon-CID, Sangay ng


Lungsod ng Tabuk. Nilalayon nitong mapabuti ang pagganap ng mga mag-aaral
partikular sa Araling Panlipunan.

Petsa ng Pagkagawa: Nobyembre 2020

Paaralan Eastern Tabuk District


Agbannawag National High School
Sangay ng Lungsod ng Tabuk
Asignatura: Araling Panlipunan

Antas ng Baitang: 7

Uri ng Materyal: Modyul

Wika: Filipino

Pamamahagi ng Oras Ikalawang Markahan/ Linggo 5

Pamantayan sa Pagkatuto: Napapahalagahan ang mga kaisipang


Asyano na nagbigay-daan sa
paghubog ng Sinaunang Kabihasnan
sa Asya at sa pagbuo ng
Pagkakilanlang Asyano

iii

iii
PASASALAMAT

Isang taos pusong pasasalamat sa lahat ng nag-ambag ng tulong upang


mabuo ang Altrnative Delivery Mode Module ng Araling Panlipunan para sa mag-
aaral ng Ikapitong Baitang.

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

JAY M. BANAWAG
Manunulat

Editors: TEOFILA P. AGSUNOD LORIET L. IYADAN


Librarian II Project Development Officer II

Tagaguhitr: ROXANNE MAY SANGDAAN

Tagasuri: ISABEL ODAN BEATRICE DINANOG


Head Teacher III, ANHS School Head

EMILY B. LANGKIT THELMA B. GALICIA


PSDS – ETD Education Program Supervisor, AP

TAGAPAMAHALA

IRENE S. ANGWAY, PhD, CESO IV


Officer In-charge
Office of the Schools Division Superintendent

FELICIANO L. AGSAOAY jr.


Officer In-charge
Office of the Assistant Schools Division Superintendent

RAMONCHITO A. SORIANO
Chief, Curriculum Implementation Division

HELEN B. ORAP
EPS, LRMDS

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Pabalat ------------------------------------------------------------------------ i
Karampatang Ari-------------------------------------------------------------------- ii
PaunangSalita --------------------------------------------------------------------- iii
Pasasalamat------------------------------------------------------------------------ iv
Talaan Ng Nilalaman------------------------------------------------------------- v
Pamagat --------------------------------------------------------------------------- 1
Alamin-------------------------------------------------------------------------------- 2
Subukin------------------------------------------------------------------------------ 3
Balikan------------------------------------------------------------------------------- 4
Tuklasin------------------------------------------------------------------------------ 5
Suriin---------------------------------------------------------------------------------- 6
Pagyamanin------------------------------------------------------------------------ 7
Isaisip-------------------------------------------------------------------------------- 9
Isagawa----------------------------------------------------------------------------- 9
Tayahin----------------------------------------------------------------------------- 10
Karagdagang Gawain----------------------------------------------------------- 12
Susi Ng Pagwawasto------------------------------------------------------------ 13
Sanggunian------------------------------------------------------------------------- 14

v
Pagpapahalaga
sa mga Kaisipang Asyano
Modyul sa Araling Panglipunan 7
Ikalawang Markahan-Modyul 5

Webstockreview.com
m

Inihanda ni:
JAY M. BANAWAG

Kagawaran ng Edukasyon ● Sangay ng Lungsod ng Tabuk


ALAMIN

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Ikapitong


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto
ng Kabihasnan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Konsepto ng Kabihasnan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan
sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigaydaan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.

Pamantayan sa Pagkatuto
Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa paghubog ng
Sinaunang Kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng Pagkakilanlang Asyano

2
Tiyak na Layunin:
1. Mahusay na natutukoy ang mga kaisipang Asyano na nagbigay daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano.
2. Masusing nasusuri ang mga katangian ng pinuno ng sinaunang kabihasnan
sa Asya na nakaimpluwensiya sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.
3. Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mabuting pamumuno na nagbigay
daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano.

SUBUKIN

Paunang Pagtataya

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang-unang kaalaman, kakayahan


at pang-unawa tungkol sa pagpapahalaga sa mga Kaisipang Asyano na
nagbigay-daan sa paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
Pagkakilanlang Asyano.Handa ka na ba?

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at salangguhitan ang titik ng


tamang sagot.

1. Tumutukoy sa paniniwala ng mgaTsino na ang kanilang emperador ang


hinirang ng Diyos.
A. MANDATE OF HEAVEN C.DIVINE ORIGIN
B. SINOCENTRISM D. ZHONGGUO

2. Ano ang katawagan ng mgaTsino sa kanilang pinuno?


A. EMPERADOR B. HARI C. CALIPH D. DATU

3. Saang bansa hindi puwedeng palitan otanggalin ang emperador dahil banal
ang kanyang pinagmulan?
A. CHINA .C. JAPAN
B. DIVINE ORIGIN D. PILIPINAS

4. Pagkakakilala ng mgaTsino sa kanilang emperador.


A. ANAK NG LANGIT C. MAN OF PROWESS
B. DEVARAJA D. MAKAPANGYARIHAN

3
5. Ang mga sumusunod ay dapat taglay ng pinuno sa Timog Silangang Asya
maliban sa isa.
A. TAPANG B. TALINO C.YAMAN D. LAKAS

6. Ang relihiyon at pamumuno ay magkaugnay, habang nananatiling Mabuti at


tapat ang pinuno ay binibiyayaan ng Diyos ang kanyang kaharian
A. ANG UNANG PAHAYAG AY TAMA NGUNIT MALI ANG IKALAWANG
PAHAYAG.
B. MALI ANG UNANG PAHAYAG AT TAMA ANG PANGALAWANG
PAHAYG.
C. ANG UNA AT PANGALAWANG PAHAYAG AY TAMA
D. KAPUWA MALI ANG DALAWANG PAHAYAG.

7. Siya ang itinuturing na kinatawan ni Allah sa lupa.


A. DIYOS B. PINUNO C. CALIPATO D. CALIPH

8. Ang paniniwalang ito ang nakatulong sa paghubog ng mga imperyo sa


Timog-Silangang Asya.
A. MAY MGA ESPIRITU SA KAPALIGIRAN C.DEVARAJA
B. ANAK NG LANGIT ANG PINUNO D. MANDATE OF HEAVEN

9. saan nakatira ang mga espiritu?


A. ILOG B. BUROL C. MATAAS NA BUNDOK D. LANGIT

10.Ayon SA paniniwalang ito, buhay na imahe ng diyos ang pinuno.


A. TAOISMO B. BUDISMO C. ISLAM D. KRISTIYANISMO

Part II: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi wasto,
salungguhitan ang salita na nagpamali sa pahayag.
__________ 11. Sa China, kailangang mapanatili ng isang emperador ang
kaayusan upang manatili sa puwesto.
__________ 12. Dahil nagmula sa lahi ng banal ang emperador ng Japan at Korea
hindi maaaring bawiin at igawad sa iba ang pagiging emperador.
__________ 13. Naniniwala ang mga tao sa Timog-Silangnang Asya na dapat
tama ang programa na isagawa ng hari upang bigyan ng diyos ng kasaganaan at
katatagan ang kanyang kaharian.
__________ 14. Napakaimpluwensiya ng Hari sa Kanlurang Asya dahil siya ang
lider ng pamahalaan at relihiyon.
__________ 15. Ayon sa Banal na Kasulatan, ang mga namumuno ng
pamahalaan ay may basbas at pahintulot ng Diyos.

4
BALIKAN

Sa nakaraang modyul ay napag-alaman mo ang mga


ibat’-ibang Kaisipang Asyano, Relihiyon at Pilosopiya. Naipaliwanag din na ang
mga ito ang pundasyon sa pagkatatag ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya.
Ang tanong ngayon ay kung paano mapahahalagahan ang mga Kaisipang Asyano
na nagbigay-daan sa paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya at sa pagbuo
ng Pagkakakilanlang Asyano. Iyan ang ating tutuklasin sa modyul na ito.

Gawain: Isang Sulyap: Bago tayo magpatuloy ay atin munang sulyapan ang
nakaraang paksa.

Panuto: Pagtatapat-tapatin ang Hanay A(KaisipangAsyano) sa HanayB (Bansa)


A B
1. cackravartin A.Thailand
2. nat ang tawag sa mga espiritu B.Pilipinas
3. phi ang tawag sa mga espiritu C.Korea
4. nagtatag sa kaharian ng Gojoseon D.Cambodia
5. tirahan ng mga anito at diwata ang Bundok Makiling E.Myanmar

Ilang puntos ang nakuha mo? Alam kong lumalim ang iyongpag-unawa sa mga
bagayna may kinalaman sa pagpapahalaga sa mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan
sa paghubog ng Sinaunang Kabihasnang Asyano at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.

TUKLASIN

Ano-ano ang mga katawagan sa pinuno NOON na alam mo?

HAL. DATU

PINUNO

5
Iba-iba ang katawagang ginamit ng mga Asyano sa kanilang pinuno. Ang
naging batayan ng mga katawagang ito ay ang mga paniniwala at kaisipang
Asyano.

SURIIN

Ano kaya ang kahalagahan ng mga Kaisipang Asyano lalong-lalo na sa


larangan ng pamumuno at pamamahala?

KATANGIAN NG PINUNO BATAY SA MGA KAISIPANG ASYANO

Bansa o Katangian ng magigingPinuno


Rehiyon
1.China • Kinikilala ang emperador bilang anak ng langit
• Pinili siya ng langit upang pamunuan ang kalupaan
• Mayroon siyang malaking responsibilidad sa pagpapanatili ng
kaayusan ay may pahintulot ng langit ang kanyang pamumuno
(mandate of heaven)
• Kung siya ay magiging mapang-abuso at masama, babawiin ng
kalangitan ang kanyang pagiging emperador at igagawad sa iba
2.Japan at • Banal ang pinagmulan ng kanilang mga emperador (divine origin)
Korea • Hindi maaaring palitan o tanggalin ang emperador
3.Timog- • Ang mapipiling pinuno ay dapat nagtataglay ng naiibang tapang,
Silangang galing at talino (men of prowess)
Asya • Siya ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal bilang
pagsamba sa mga espiritu na kadalasang nakatira sa mga
nagtataasang bundok
• Dapat ay tamang ritwal ang isagawa ng hari upang bigyan sila ng
diyos ng kasaganaan at katatagan ng kanilang kaharian
• Kailangang mangako siya namamuno nang makatuwiran at
mapagkalinga sa kaniyang mamamayan at sa kanyang relihiyon
• Isang buhay na imahe ng diyos ang tingin nila sa kanilang hari
(Buddhism)

6
4.Kanluran • Ang lider na tinatawag na caliph ay lider ng pamahalaan at
g Asya relihiyon
• Siya ay itinuturing na kinatawan ni Allah sa lupa
• Kapag makatuwiran ang caliph ay bibiyayaan siya at ang kanyang
nasasakupan ni Allah.

Kumusta ang iyong pagbabasa? Maaari mo nang sagutan


ang mga gawain sa ibaba. Halika at magsimula na sa pagsagot.

PAGYAMANIN Commented [TG1]: Magbigay then ng 3 sentences na


kaalaman or concept about the lesson bago ung
activity

Gawain 1: Ang aking “ ideal” na pinuno


Kung ikaw ay maaari nang bumoto para sa magiging pinuno ng lugar ninyo,
ano-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng pinunong iboboto mo? Isulat sa
loob ng arrow ang mga sagot mo. Maaari kang magdagdag ng arrow kung Commented [TG2]: Ito ang GAWAIN 1 mo, then after
this is give a short concept or intro of your lesson
kinakailangan.

Hal. matapang

7
pinterest.com

Pagtataya 1: Salangguhitan ang wastong salita upang mabuo ang diwa ng


pahayag.
1. Ang isang pinuno ay dapat na (tapat, magtapat) sa kanyang mga
nasasakupan.
2. Hindi niya dapat (inaabuso, ina-abuso) ang kanyang kapangyarihan.
3. Dapat na mamuno siya nang (makatwiran, mapangatwiranan)
4. upang manatili ang (kapayapaan, mapayapa) sa kanyang nasasakupan
5. Upang makamit ang hinahangad na (kaunlaran, kanluran).

Gawain 2: Pagkakatulad-Pagkakaiba:
Batay sa impormasyong binasa mo ay magtala ng mga pagkakatulad at
pagkakaiba sa paniniwala ng apat na lugar ng Sinaunang Asya tungkol sa
pamumuno.
PAGKAKATULAD BANSA O REHIYON PAGKAKAIBA

China, Japan at Korea

8
Timog-Silangang Asya
at Kanlurang Asya

Pagtataya 2: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang T kung wasto at M kung hindi
wasto. Salangguhitan ang salitang nagpamali sa pahayag.
_____________ 1. Malaki ang impluwensiya ng relihiyon sa sinaunang lipunan ng
China, Japan at Korea.
_____________ 2. Nanantili ang tiwala ng mga tao sa pinuno habang napapanatili
ng nito ang kaayusan at kapayapaan sa nasasakupan.
_____________ 3. Isa ang sinaunang pamayanang Pilipino sa naniniwalang ang
kakayahan ng isang pinuno ang batayan ng pamumuno.
_____________ 4. Sa kasalukuyan, magkahiwalay na ang pamunuan ng
simbahan at pamahalaan.
_____________ 5. Ngayon, kailangang suportado ng pinuno ng simbahan ang
isang pulitiko upang manalo.

Ayon sa Roma 13:1: Ang bawat kaluluwa ay pasakop sa mataas na


kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos; at ang
mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Diyos. Ang Banal na Aklat man ay
nagsasabing may basbas ang Diyos sa mga namumuno.

ISAISIP

Gawain 1 : Alam ko,bubuuin ko! Buuin ang diwa ng talata. Pumili ng wastong
salita mula sa kahon.

Ang pamumuno at 1.__________ o paniiwala sa sinaunang pamayanang


Asyano ay magkaugnay. Upang maging emperador sa Tsina kailangang may
2.______ ng langit samantalang sa sinaunang Japan ang emperador ay dapat
galing lamang sa lahi ni 3._____________, na anak ng diyos at diyosa. Ang lider
ng Kanlurang Asya na tinatawag na 4._________ ay lider ng pamahalaan at
relihiyon maging ang mga 5.__________________ sa Timog at Silangang Asya
ay naniniwalang mananatiling masagana at payapa ang kanilang lugar kung
masisiyahan ang kanilang diyos sa 6._________________ na pinamunuan ng
pinuno.

9
Amaterasu Ritwal Caliph basbas relihiyon pamayanan

ISAGAWA

Ngayon ay nalaman mo na na ang mga Kaisipang Asyano ay may mahalagang


papel na ginampanan upang mahubog ang mga Sinaunang Kabihasnang Asyano at
ng Pagkakilanlang Asyano lalong-lalo na sa pagpili ng magiging pinuno at kung paano
siya dapat mamuno.

Sa Pilipinas, nananatili ang paniniwalang ang pipiliing pinuno ay dapat


nagtataglay ng naiibang tapang, galing at talino (men of prowess). Ang kakayahan
ng isang pinuno ang masusukat sa kanyang desisyon at aksiyon.

Kung ikaw ang gobernador ng lalawigan at may abiso ang PAGASA na isa
ang lugar ninyo sa matinding tatamaan ng paparating na bagyo, ano ang gagawin
mo? Magtala Ng 3-5 na magiging aksiyon mo upang mapanatiling ligtas ang inyong
lugar at ang iyong mga nasasakupan. Gawing gabay ang Pamantayan sa
Pagmamarka.

Aksiyon ni Gob!
1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka:
1. Nilalaman - 10
2. Kaangkupan -5
KABUUAN 15

Binabati kita dahil mahusay at matiyaga mong naisagawa ang mga naiatas
sa iyo. Sa bahaging ito naman ay tatayahin natin ang iyong mga natutunan sa
buong aralin.

10
TAYAHIN

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at salangguhitan ang titik ng
tamang.
.
1. Tumutukoy sa paniniwala ng mgaTsino na ang kanilang emperador ang
hinirang ng Diyos.
C. MANDATE OF HEAVEN C.DIVINE ORIGIN
D. SINOCENTRISM D. ZHONGGUO

2. Ano ang katawagan ng mgaTsino sa kanilang pinuno?


B. EMPERADOR B. HARI C. CALIPH D. DATU

3. Saang bansa hindi puwedeng palitan otanggalin ang emperador dahil banal
ang kanyang pinagmulan?
A. CHINA .C. JAPAN
B. DIVINE ORIGIN D. PILIPINAS
4. Pagkakakilala ng mgaTsino sa kanilang emperador.
A. ANAK NG LANGIT C. MAN OF PROWESS
B. DEVARAJA D. MAKAPANGYARIHAN

5. Ang mga sumusunod ay dapat taglay ng pinuno sa Timog Silangang Asya


maliban sa isa.
A. TAPANG B. TALINO C.YAMAN D. LAKAS

6. Ang relihiyon at pamumuno ay magkaugnay, habang nananatiling Mabuti at


tapat ang pinuno ay binibiyayaan ng Diyos ang kanyang kaharian
A. ANG UNANG PAHAYAG AY TAMA NGUNIT MALI ANG IKALAWANG
PAHAYAG.
B. MALI ANG UNANG PAHAYAG AT TAMA ANG PANGALAWANG
PAHAYG.
C. ANG UNA AT PANGALAWANG PAHAYAG AY TAMA
D. KAPUWA MALI ANG DALAWANG PAHAYAG.

7. Siya ang itinuturing na kinatawan ni Allah sa lupa.


A. DIYOS B. PINUNO C. CALIPATO D. CALIPH

8. Ang paniniwalang ito ang nakatulong sa paghubog ng mga imperyo sa


Timog-Silangang Asya.

11
A. MAY MGA ESPIRITU SA KAPALIGIRAN C.DEVARAJA
B. ANAK NG LANGIT ANG PINUNO D. MANDATE OF HEAVEN

9. saan nakatira ang mga espiritu?.


A. ILOG B. BUROL C. MATAAS NA BUNDOK D. LANGIT

10.Ayon SA paniniwalang ito, buhay na imahe ng diyos ang pinuno..


A. TAOISMO B. BUDISMO C. ISLAM D. KRISTIYANISMO

Part II: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi wasto,
salungguhitan ang salita na nagpamali sa pahayag.
__________ 11. Sa China, kailangang mapanatili ng isang emperador ang
kaayusan upang manatili sa puwesto.
__________ 12. Dahil nagmula sa lahi ng banal ang emperador ng Japan at Korea
hindi maaaring bawiin at igawad sa iba ang pagiging emperador.
__________ 13. Naniniwala ang mga tao sa Timog-Silangnang Asya na dapat
tama ang programa na isagawa ng hari upang bigyan ng diyos ng kasaganaan at
katatagan ang kanyang kaharian.
__________ 14. Napakaimpluwensiya ng Hari sa Kanlurang Asya dahil siya ang
lider ng pamahalaan at relihiyon.
__________ 15. Ayon sa Banal na Kasulatan, ang mga namumuno ng
pamahalaan ay may basbas at pahintulot ng Diyos.

KARAGDAGANG GAWAIN

Leader ko, Idol ko! Panuto: Batay sa inyong obserbasyon at pagmamasid sa


mga kaganapan sa inyong barangay, magbigay ng isang pangyayari (positibo man
o negatibo) at ipaliwanag ang aksyon na ginawa ng inyong Punong Barangay na
sinasang-ayunan at sinusuportahan mo.

Pangyayari Aksyon na ginawa ng Pinuno ninyo

12
Sa aksyon na ginawa ng pinuno ninyo, naipakita ba niya ang uri ng
pamumuno na nakabatay sa KaisipangAsyano?

Binabati kita, napagtagumpayan mong natapos ang lahat ng mga gawain.


Ipagpatuloy mo ang iyong magandang nasimulan at iyong isabuhay ang lahat ng
iyong natutunan.

13
SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin BALIKAN TUKLASIN

16. A Hari
1.D Emperador
17. A 2. E
18. C Sultan
3. A Caliph
19. A 4. C
20. C 5. B
21. C
22. D
23. A
24. C
25. B
26. TAMA Pagyamanin Pagtataya 1 Pagtataya 2
27. TAMA 1. Tapat
28. MALI 2. Inaabuso 1.T
29. TAMA 3. Makatwiran 2. T
30. TAMA 4. Kapayapaan 3. T
5. kaunlaran 4. T
5. M

ISAISIP TAYAHIN
1. A
1. Relihiyon 2. A
2. Basbas 3. C
3. Amaterasu 4. A
4. Calip 5. C
5. Pamayanan 6. C
7. D
8. A
9. C
10. B
11. TAMA
12. TAMA
13. MALI
14. TAMA
15. TAMA

14
SANGGUNIAN

Blando, Rosemarie et al., 2014, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng


Pagkakaiba, batayang aklat sa Araling Panlipunan

Mateo, Grace et. Al.,2008, Asya:Pag-usbong ng Kabihasnan, batayang


aklat sa AralingPanlipunan

15
16

You might also like