You are on page 1of 2

ANO ANG PANDIWA?

Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad,
takbo, dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral).
Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.
Mga Aspekto ng Pandiwa
1. Perpektibo – Ito ay nagsasabi ng kilos na natapos na ang sinimulang kilos. Tinatawag
din itong panahunang pangnagdaanan o aspektong naganap.
Halimbawa:
♦Nagpaalam kami sa nanay mo nang kami’y umalis.
♦Nagpirito ng isda si Mang Kulas
♦Ako ay SUMIGAW dahil hindi niya ako marinig
♦NAGLAKBAY ako upang marating ang aking dapat puntahan
♦NIREGALUHAN ako ng kwintis ng aking kaibigan
♦Ako'y NAGPAUBAYA dahil siya'y nangangailangan
♦Dahil sa aking kasipagan ako'y UMUNLAD

2. Imperpektibo o Pangkasalukuyan – Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o


kasalukuyang nangyayari. Tinatawag din itong panahunang pangkasalukuyan o
aspektong nagaganap.
Halimbawa:
♦ Hayan at umuulan na naman.
♦ Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog
♦ Napapanood namin ang palabas sa sinehan
♦ Sumasayaw sina Mark at Cielo ng magagandang tugtog
♦ Tumatakbo si Maria papuntang tindahan
♦ Tumatayo sila ng tuwid
♦ Bumabasa ng libro ang mga estudyante
♦ Lumalakad sa putikan ang ibang bata
♦ Bumibili ako kina Aling Nena
♦ Lumalaban si George kay Micheal
♦ Sumisigaw ang mga nasunugangan
♦ Naglalaro si Carlo sa tabi ng bahay ni Aling Rosing
3. Kontemplatibo – Ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nasisimulan o
naisasagawa. Ito ay gagawin pa lamang. Tinatawag din itong panahunang
panghinaharap o aspektong magaganap.
Halimbawa:
♦Magagawa mo ba ang bagay na ito?
♦Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon.
♦Ako ay magsusulat.
♦Siya ay magluluto.
♦Ikaw ay kakanta.
♦Sila ay sasayaw.

4. Tahasan - ginaganap ng simuno ang isinasaad ng pandiwa.


Halimbawa:
♦Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.
♦Pinuntahan ni Vilma ang mall para mag-shopping.
♦Nagsabi si Kayla na ikaw ay maganda.
♦Pinuntahan Ni Dennis Ang Palengke Para Mamili.
♦Ang mga bata ay naglalaro sa labas ng bahay.

5. Balintiyak - hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.


Halimbawa:
♦Ang pagtatayo ng gusali ay pinasinayahan ng punong-lungsod
♦Pumunta si Vilma sa mall para mag-shopping.
♦ Sinabi ni Kayla na si ikaw ay maganda.
♦Si Dennis Ay Pumunta SA Palengke Para Mamili.
♦Sinabi ni CARLA na si JING JING ay maganda.

You might also like