You are on page 1of 32

WASTONG GAMIT

NG MGA SALITA
Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring
magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang
gamit na salita. Maraming salita sa Filipino ang
nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng
pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa
pangungusap. At dahil dito, nagkakaroon tuloy ng kamalian
at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o
pahayag.
 Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:
NANG AT NG
1. Ang nang ay ginagamit sa sumusunod na pagkakataon:
a. ginagamit na pangatnig sa hugnayang pangungusap at sa gayun ay siyang
panimula ng sugnay na di makapag-iisa. Ito’y katumbas ng salitang when sa Ingles.
• Nang ako’y dumating sa bahay, tulog na ang mga bata.
• Ako ay nasa paaralan na nang maalaala kong naiwan ko pala ang aking cellphone
• Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa eksam.

b. na nagbubuhat sa na na naangkupan ng ng ay ginagamit din bilang pang-abay na


pamanahon na katumbas ng salitang already sa Ingles.
• Marami nang tao sa bulwagan.
• Iilan nang panauhin ang naiwan.
NANG AT NG
c. ginagamit bilang pang-ugnay sa pandiwa at sa pang-abay na pamaraan
• Binigkas ni Juana nang buong husay ang kanyang talumpati
• Magsalita ka nang malakas at malinaw at nang ikaw ay maunawaan nila.

d. ginagamit na pang-ugnay sa mga salitang inuulit sa loob ng pangungusap


• Huwag kang takbo nang takbo.
• Kahit na madilim ay gawa pa rin nang gawa ang masipag na iskolar.

e. kasingkahulugan din ng upang at panumbas sa so that o in order to sa wikang Ingles.


• Makisama tayong mabuti sa ating kapwa nang tayo ay lumigaya.
• Iwasan mo ang barkada at mag-aral kang mabuti nang ikaw ay makapasa sa taong ito.
NANG AT NG
II. Ginagamit ang ng sa sumusunod na pagkakataon:
a. bilang pantukoy na palayon na kasama ng tuwirang layon ng pandiwa.
• Ang guro ay nagtuturo ng Filipino.
• Ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa.

b. bilang pantukoy na palayon na kasama ng tagaganap ng pandiwang


balintiyak. Katumbas ng by sa Ingles.
• Ang silid-aralan ay nalilinis ng mga iskolar.
• Tinanggap ng dalaga ang handog ng binata.
NANG AT NG
c. bilang pantukoy na maaaring kasama ng salitang siyang nag-aari sa bagay
na binabanggit sa pangungusap.
• Ang kantina ng Phil. Sci. ay malaki at malinis.
• Ang aklat ng mga iskolar ay palagi nilang binabasa.

d. bilang pang-ukol na katumbas ng with sa Ingles


• Ako ay sinalubong niya ng ngiting magiliw.
• Hinampas ni Gari ng kahoy ang malaking palaka.
MAY AT MAYROON
Wastong gamit ng MAY
ü Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.
• May pera ka ba?
• Lahat sila ay may regalong matatatanggap.

ü Kapag sinusundan ng pandiwa


• May sasabihin ko sa’yo.
• May pupuntahan ako sa Sabado.

ü Kapag sinusundan ng pang-uri


• May mahalagang bagay kang dapat matuklasan.
• Maymagandang anak si Mang Jose.
MAY AT MAYROON
ü Kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari
• Bawat miyembro ay may kani-kanilang hinaing.
• Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
• Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.
MAY AT MAYROON
Wastong gamit ng Mayroon
ü Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.
· Mayroon pa bang magsasalita ukol sa paksang ito?
· Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
· Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.

ü Ginagamit na panagot sa tanong.


· May bagyo ba?–Mayroon.
· May takdang aralin ka ba ? -Mayroonpo.
· May maasahan ba akong tulong sa kanya? –Mayroon naman.
MAY AT MAYROON
ü Ginagamit kung nangangahulugang ng pagka-may kaya sa buhay
· Hindi magandang magpanggap na mayroon sapagkat matutuklasan din sa
bandang huli ang totoong kinatatayuan sa buhay.
· Ang mga Morales ay mayroonsa bayan ng Dolores.
SUBUKIN AT SUBUKAN
SUBUKIN
ü Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisi-yasat
sa uri,lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
· Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
· Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
· Susubukin ng mga mga tagalalawigan ang galing ng mga
tagalunsod.
SUBUKIN AT SUBUKAN
SUBUKAN
ü Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman
ang ginawa ng isang tao o mga tao.
· Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
· Ani Erap noon, “Wag n'yo akong subukan!”.
· Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating sya
sa kanyang paroroonan.
PAHIRAN AT PAHIRIN
PAHIRIN
ü Angpahirinay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang
bagay,alisin ang bagay.

· Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.


· Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
PAHIRAN AT PAHIRIN
Dalawaang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran.
1.Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay
na pinahid. Sa ganitong gamit ang pahiran ay may layon.

2. Nagagamitdin angpahiransakahulugangpaglalagayngkauntingbagayat
karaniwanay sabahagingkatawan.
· Pahiran mo ng vicks ang aking likod.
· Pinapahiran ng langis ng dalaga ang kanyang buhok.
· Bakit mo pinapahiran ng alkohol ang iyong mga kamay.
KUNG AT KONG
KUNG
Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
- Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya
sa paghawak ng pera.
KONG
Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.
Halimbawa:
- Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking
kaarawan.
OPERAHIN AT OPERAHAN
OPERAHIN
ü Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
· Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas.
· Kailan nakatakdangoperahin ang iyong bukol sa dibdib?
· Ooperahin na ang bukol sa tuhod ni Ernani.
OPERAHAN
ü Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.
  

· Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na may sakit.


         

· Inoperahan na si Emil kahapon.


         

· Si Vic ay kasalukuyang inooperahan sa pagamutan ng St.Luke.


         
RIN/RAW AT DAW/DIN
RIN at RAW
ü Ang mga katagang rinat raw ay ginagamit kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig naw at y.
· Tayo ay kasamarinsa mga inanyayahan.
· Ikawrawang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating
pamantasan.
· Sasakay rawsiya sa unang bus na daraan.
RIN/RAW AT DAW/DIN
DIN at DAW
ü Angdinatdaway ginagamit kung ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa katinig maliban sa wat y.
· Takotdinsiyang magsinungaling kagaya mo.
· Masakit dawang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa
klase.
· Malakas dinang patahian nila katulad ng patahian ninyo.
KUNG DI AT KUNDI
Wastong paggamit ng kung ‘di, kung di at kundi

· Ang kung'di ( if not) ay pinaikling kung hindi.


· Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.
· Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.
· Kung'di ka sana mapagmataas ay kaibigan mo pa rin si Louela.
· Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado
lamang.
KINA AT KILA
Wastong gamit ng KINA at KILA

ü Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina.


ü Walang salitang kila sa Balarilang Filipino.
ü Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.
· Papunta na kami kina Ms. Katipunan.
· Kina Malou gaganapin ang pagdiriwang.
· Malayo ba rito ang kina Riza at Ronie?
PINTO AT PINTUAN
ü Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.
Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.
· Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok angt lamok.

ü Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang


bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.
· Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't hindi
niya maisara ang pinto.
HAGDAN AT HAGDANAN
ü Anghagdan (stairs)ay mga baytang at inaakyatanat binababaan sa
bahay/gusali.
· Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.

ü Ang hagdanan ( stairway) ay bahaging bahay na kinalalagyan ng


hagdan.
· Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho
ang hagdan niyon matapos ang lindol.
IWAN AT IWANAN
ü Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag
isama/dalhin.
· Iwan nalang niya ang bag niya sa kotse ko.

ü Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang


bibigyan ng kung ano ang isang tao.
· Iwanan mo 'kong perang pambili ng pananghalian.
TUNTON AT TUNGTONG
ü Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.
· Hindi Makita niMang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.

ü Ang tuntong ay pagyapak sa anumang bagay.


· Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.

ü Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas ng anumang bagay.


Hindi ko matuntong kung saan na nagsuot ang aming tuta
WALISIN AT WALISAN
• Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na
aalisin o lilinisin samantalang ang walisan ay tumutokoy naman sa
lugar (to sweep the place).

Hal. 
• Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.
• Walisan ninyo ang sahig.
SUNDIN AT SUNDAN
• Ang sundin (to obey) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o
pangaral; ang sundan (to follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan
ng iba.
Hal.
• Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin
iyon sa iyong kabutihan.
• Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan.
•  Sundan mo siya baka siya maligaw.
HATIIN AT HATIAN
• Hatiin (to divide) – partihin;
• Hatian (to share) – ibahagi

Hal. 
• Hatiin mo sa anim ang pakwan.
• Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.
NABASAG AT BINASAG
• Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o
di ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling
pagkukusa.

Hal.
• Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
• Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang mga
plato.
BUMILI AT MAGBILI
•  Bumili (to buy);
• Magbili (to sell) – magbenta

Hal.
• Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
• Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.
KUMUHA AT MANGUHA
• Kumuha (to get);
• Manguha (to gather, to collect)

 Hal. 
• Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
• Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.
DAHIL SA AT DAHILAN
• Dahil sa – ginagamit bilang pangatnig na pananhi;
• Dahilan – ginagamit bilang pangngalan

Hal.
• Hindi siya nakapaglaro ng basketbol dahil sa taas ng kanyang lagnat.
• Ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong pananalita.
TAGA AT TIGA
• Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang
gitling sa unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang pantangi.

Hal.
• Si Juan ay taga-Bikol.
• Taga-nayon ang magandang babaeng iyon.

You might also like