You are on page 1of 6

Wastong Gamit ng mga Salita

Nang at Ng

1. Ang nang ay ginagamit sa sumusunod na pagkakataon:


a. ginagamit na pangatnig sa hugnayang pangungusap at sa gayun ay siyang panimula ng sugnay na di
makapag-iisa. Ito’y katumbas ng salitang when sa Ingles.
 Nang ako’y dumating sa bahay, tulog na ang mga bata.
 Ako ay nasa paaralan na nang maalaala kong naiwan ko pala ang aking cellphone.
 Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa eksam.

b. na nagbubuhat sa na na naangkupan ng ng ay ginagamit din bilang pang-abay na pamanahon na katumbas


ng salitang already sa Ingles.
 Marami nang tao sa bulwagan.
 Iilan nang panauhin ang naiwan.

c. ginagamit bilang pang-ugnay sa pandiwa at sa pang-abay na pamaraan


 Binigkas ni Juana nang buong husay ang kanyang talumpati
 Magsalita ka nang malakas at malinaw at nang ikaw ay maunawaan nila.

d. ginagamit na pang-ugnay sa mga salitang inuulit sa loob ng pangungusap


 Huwag kang takbo nang takbo.
 Kahit na madilim ay gawa pa rin nang gawa ang masipag na iskolar.

e. kasingkahulugan din ng upang at panumbas sa so that o in order to sa wikang Ingles.


 Makisama tayong mabuti sa ating kapwa nang tayo ay lumigaya.
 Iwasan mo ang barkada at mag-aral kang mabuti nang ikaw ay makapasa sa taong ito.

2. Ginagamit ang ng sa sumusunod na pagkakataon:


a. bilang pantukoy na palayon na kasama ng tuwirang layon ng pandiwa.
 Ang guro ay nagtuturo ng Filipino.
 Ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa.

b. bilang pantukoy na palayon na kasama ng tagaganap ng pandiwang balintiyak. Katumbas ng by sa Ingles.


 Ang silid-aralan ay nalilinis ng mga iskolar.
 Tinanggap ng dalaga ang handog ng binata.

c. bilang pantukoy na maaaring kasama ng salitang siyang nag-aari sa bagay na binabanggit sa pangungusap.
 Ang kantina ng Phil. Sci. ay malaki at malinis.
 Ang aklat ng mga iskolar ay palagi nilang binabasa.

d. bilang pang-ukol na katumbas ng with sa Ingles


 Ako ay sinalubong niya ng ngiting magiliw.
 Hinampas ni Gari ng kahoy ang malaking palaka.

May at Mayroon
1. Ginagamit ang may sa sumusunod na pagkakataon:
a. kapag ang sumusunod na salita ay pangngalan, pang-uri, pang-abay at pandiwa.
 May panauhin sa kanilang tanggapan. (Pangngalan)
 May virus ang nahiram niyang USB. (Pangngalan)
 May magandang dalaga sa silid. (Pang-uri)
 May bagong selfon si Aldrin. (Pang-uri)
 Tila may kumakatok sa pinto. (Pandiwa)
 May pupuntahan k aba mamaya? (Pandiwa)
 Sa silid ay may dahan-dahang pumasok. (Pang-abay)

b. kapag ang sumusunod ay isang panghalip na panao sa kaukulang paari.


 May kanya-kanya silang gawain kaya madali nila itong natapos.
 May kanilang sariling bahay ang mga aso.
 Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.
c. kapag sinundan ng pantukoy na mgaat pang-ukol na sa:
 May mga iskolar na naliligo sa ilog kaninang umaga.
 Tila may mga tungkulin ang mga classroom officers na kanilang nakalilimutan.
 Tila may sa ahas ang babaing iyan.

2. Ginagamit ang mayroon sa sumusunod na pagkakataon:


a. Kapag sinusundan ng mga katagang tulad ng daw, din, pa, yata, ba, baga at iba pa.
* Mayroon daw kilusan ngayon laban sa mga basura.
* Ang mga magbubukid ay mayroon ding magandang kinabukasan.
* Mayroon pa bang natirang ulam?
b. Kapag ang sumusunod dito ay isang panghalip na panao sa kaukulang palagyo.
* Mayroon kaming palatuntunan para sa Buwan ng Wika.
* Hindi pa kayo dapat na umalis dahil mayroon pa tayong pag-uusapan.
c. ginagamit bilang panagot sa tanong.
* Tanong: May pera pa ba tayo?
Sagot: Mayroon.
 Tanong: May kaibigan na ba si Evram?
Sagot: Mayroon.
d. Kapag ito’y nagsasaad ng patalinghagang kahulugan ng salitang mayaman o may kaya sa buhay.
* Ang mga Zobel de Ayala ay tunay na mayroon.
* Lumapit ka sa mga mayroon upang makahingi ka ng tulong sa kanila.

Daw-Raw, Din-Rin, Doon-Roon, Dito-Rito

1. Ginagamit ang daw, din, doon at dito kapag ang nauunang salita rito ay nagtatapos sa katinig.
 Tumawag daw siya sa akin sa telepono kanina.
 Umawit din si Rodolfo kasami ni Cheena.
 Inabutan doon ni Jake si Jenny.
 Sinigawan dito ni Anna si Julius.
2. Ginagamit ang raw, rin, roon at rito kapag ang nauunang salita rito ay nagtatapos sa patinig at malapatinig
* Payapa raw ang kalagayan ngayon sa Timog.
* Maghihintay rin ako sa iyo kahit abutin man ng gabi.
* Puntahan mo roon si Maria Divina Gracia.
* Ikasasaya ko kung ikaw ay pupunta rito mamaya.

Kung at Kong
1. Ang kung ay ginagamit na pangatnig sa mga sugnay na di-makapag-iisa sa mga pangungusap na hugnayan. Katumbas ng if
sa Ingles.
 Kung narito ka sana ay higit kaming masaya.
 Sumama ka sa kanila kung ibig mo.
2. Ang kong naman ay buhat sa panghalip na panao ng ko na nilagyan ng pang-angkop na ng.
* Ibig kong makatulong sa mga mahihirap.
* Pangarap kong maging mabuting mamamayan.

Subukin at Subukan

1. Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
 Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
 Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
 Susubukin ng mga tagalalawigan ang galling ng mga tagalunsod.

2. Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.
 Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
 Ani Erap noon, “Wag n’yo akong subukan!”
 Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating siya sa kanyang paroroonan.

Pahirin at Pahiran

1) Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi ng isang bagay.


 Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
 Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
 Pinahid ni Ace ang dugong umagos mula sa kanyang labi.
2) Ang pahiran ay nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay.
 Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.
 Pahiran mo ng biton ang sapatos mo upang magmukha iyong bago.
 Masarap na almusal ang pandesal na pinahiran ng mantekilya.

Punasin at Punasan
1. Ang punasin ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggal.
 Punasin mo ang alikabok sa mesa.
 Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.
2. Ang punasan ay ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man.
 Punasan mo ang mesa.
 Punasan mo ang iyong noo.

Operahin at Operahan

1. Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.


 Ooperahin bukas ang mga mata ni Geelyn.
 Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?
 Dok, operahin nap o ninyo ang kumikirot kung tiyan.
2. Tinutukoy ng operahan ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.
 Ooperahan nan g doctor ang naghihirap na bulag.
 Inoperahan na si Emil kahapon.
 Kasalukuyang inooperahan si Woody sa Ospital ng Makati.

Pinto at Pintuan

1. Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.
 Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.
2. Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.
 Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang pinto.

Hagdan at Hagdanan

1. Ang hagdan (stairs) ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay/gusali.


 Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
2. Ang hagdanan (stairway) ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan.
 Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.

Iwan at Iwanan

1. Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama/dalhin.


 Iwan mo na ang anak mo sa bahay nyo.
 Iwan na lang niya ang bag niya sa kotse ko.
2. Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.
 Iwanan mo ‘ko ng perang pambili ng pananghalian.
 Hindi iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang presong lasenggero.

Sundin at Sundan

1. Ang sundin (follow an advice) ay nangangahulugang sumunod sa payo o parangal.


 Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas.
2. Ang sundan (follow where one is going; follow what one does) ay nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta
sa pinuntahan ng iba.
 Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong matuto ng pagluluto ng paella.
 Sundan mo agad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong magtampo.

KUMUHA at MANGUHA

Kumuha (to get);


Manguha (to gather, to collect)
Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

BUMILI at MAGBILI
Bumili (to buy);
Magbili (to sell) – magbenta
Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.
Wastong Gamit ng Salita

WASTONG GAMIT
1. KAPAG at KUNG - Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan; ipinakikilala
ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Hal. Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.
Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.
Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.
2. KIBO at IMIK - Pagkilos ang tinutukoy ng kibo; pangungusap ang tinutukoy ng imik.
Hal. Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.
Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.
Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.
Hal. Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila.
Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.
3. DAHIL at DAHILAN - Pangatnig ang dahil, pangngalan ang dahilan;pang-ukol naman ang
dahil sa o dahil kay.
Hal. Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo.
Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula.
Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat.
Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig.
Mali : Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.

4. HABANG at SAMANTALANG
Habang - ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o
“mahaba”.
Samantalang- ang isang kalagayang may taning, o “pansamantala”.
Hal. Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.
Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong
trabaho.
Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan.
Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang
kasintahan.
May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang
pagtatambis sa dalawang kalagayan.

Hal. Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa?

5. IBAYAD at IPAGBAYAD
Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran
Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao
Hal. Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera.
Ipagbabayad muna kita sa sine.
MALI at katawa-tawa):
Ibayad mo ako sa sine.
Ibinayad ko siya sa bus.

6. MAY at MAYROON - Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang
sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan),
pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Hal. May anay sa dingding na ito.
May kumakatok sa pinto.
May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.
Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o
pamatlig o pang-abay na panlunan.
Hal. Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
Mayroon iyang malaking suliranin.
Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?
Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa.
Hal. “May asawa ba siya?’ “Mayroon.”
Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.
Hal. Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala.

7. PAHIRAN at PAHIRIN
Pahiran - paglalagay
Pahirin - pag-aalis
Hal. Pahiran mo ng sukang iloko ang noo niya.
Pahirin mo ang pawis sa likod ng bata.

8. PINTO at PINTUAN
Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi iito mapagdaanan
Pintuan- ang puwang sa dingding o pader na pinagdaraanan.
Hal. Huwag kang humara sa pintuan at nang maipinid na ang pinto.
Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan
Hagdan - ang inaakyatan at binababaan
Hagdanan - nag kinalalagyan ng hagdan

9. SUBUKAN at SUBUKIN
Subukan - pagtingin nang palihim
Subukin - pagtikim at pagkilatis
Hal. Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.
Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.
Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.

Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at


pangnakaraan : sinusubok, sinubok. Magkaiba nag anyo sa
panghinaharap: susubukan, sususbukin

10. TAGA- at TIGA


Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag
sinusundan ito ng pangngalang pantangi.
Hal. Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.
Ao ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.

Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa,


tigalawa tigatlo tig-apat, atbp.

11. AGAWIN at AGAWAN


Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.
Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.
Hal: Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.
Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.

12. HINAGIS at INIHAGIS


hinagis ng isang bagay
inihagis ang isang bagay
Hal. Hinagis niya ng bato ang ibon.
Inihagis niya ang bola sa kalaro.

13. ABUTAN at ABUTIN


abutin ang ang isang bagay
abutan ng isang bagay
Hal. Abutin mo ang bayabas sa puno.
Abutan mo ng pera ang Nanay.
14. BILHIN at BILHAN
bilhin ang isang bagay
bilhan ng isang bagay
Hal. Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo.
Bilhan antin ng sapatos ang ate.

15. WALISAN at WALISIN


walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis
walisan ang ang pook o lugar
Hal. Nais kong walisan ang aklatan.
Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.

15. SUKLAYIN at SUKLAYAN


suklayin - ang buhok ng sarili o ng iba
sukalyan - ng buhok ang ibang tao
Hal. Suklayin mo ang buhok ko,Luz.
Suklayan mo ako ng buhok, Alana.

16. NAMATAY at NAPATAY


napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya
namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi sakit,
katandaan o anumang dahilang hindi sinasadya; ginagamit
din sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay na
walang buhay.
Hal. Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.
Napatay ang aking alagang aso.

17. MAGSAKAY at SUMAKAY


magsakay - magkarga ( to load)
sumakay - to ride
Hal.
Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo.
Sumakay na tayo sa daraang bus.

18. OPERAHAN at OPERAHIN


operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
operahan - tumutukoy sa tao
Hal.
Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.
Si Luis ay ooperahan sa Martes.

19. NANG at NG
nang - pangatnig na panghugnayan
- tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon
- tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit
ng - pantukoy ng pangngalang pambalana
- tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa
- pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa”
Hal. Umalis siya nang sila’y dumating.
Tumawa nang tumawa ang mga mag-aaral.
Nagalit ang guro nang kami’t nag-ingay.
Bumili kami ng mga pasalubong para kay ditse.
Pumanhik ng bahay ang mga panauhin.

20. KATA at KITA


kata - ikaw at ako
kita - ikaw
Hal.
Manood kata ng sine.
Iniibig kita.

You might also like