You are on page 1of 49

HOLY CROSS COLLEGE

DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO
STA. LUCIA, STA. ANA, PAMPANGA
P.T. 2020 – 2021, UNANG SEMESTRE
Inihanda ni:
Ephraim Jeremiah D. Matias, LPT
Guro sa Asignatura
INTRODUKSYON
Hindi matatawaran ang pagkakaroon nang sapat na kaalaman at wastong edukasyon ang isang
indibidwal. Isa sa mga dapat matutuhan ng mga mag-aaral ang pagpapahayag ng mga kaisipan –
pagpapahayag sa masining na paraan.

Bakit kailangang matutong magpahayag nang masining ang isang mag-aaral?


Ang kasagutan ay nakapaloob sa modyul na ito na naisakatuparan sa pagsunod sa ipinatutupad ng
CHED kaugnay ng kursong Retorika na ngayon ay kilala bilang Masining na Pagpapahayag.
Ang pagkakabuo ng modyul na ito ay naglalayong matugunan ang mga pangangailangan ng mga
mag-aaral at mga guro ng isang napapanahong kagamitang pampagtuturo sa pagpapataas ng antas ng
kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa na rito ang modyul na kailangan upang matugunan ang mga
araling dapat mabatid ng mga mag-aaral.
Binigyang pokus ng may-akda sa modyul na ito ang pagtuklas at pagpapakita ng mga mag-aaral
ng kanilang sariling kakayahan sa masining na pagpapahayag na pasalita at pasulat.
Inaasahan na magiging malaking tulong ang modyul na ito sa guro sa pagpapagaan ng aralin at sa
mga mag-aaral sa maayos na pagkatuto.
Malaki ang paniniwala ng guro ng asignatura na magiging gabay ang modyul na ito upang lubos
na maunawaan ng mga mag-aaral ang kursong RETORIKA – Masining na Pagpapahayag.

ejdm

PAGKILALA
Ang aking taos-pusong pasasalamat sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng talino, lakas ng loob at
panahon upang magawa nang maayos at mabuo ang modyul na ito.
Sa Departamaneto ng Kolehiyo na nagbigay ng oportunidad sa akin na maibahagi ang aking
kaalaman sa asignaturang ito sa aking mga mag-aaral.
Sa aking punongguro sa Departamento ng Junior High School na nagbigay ng pahintulot at
nagtitiwala sa aking kakayahan na magagawa ko ang lahat ng aking makakaya para sa asignaturang ito.
Sa aking pamilya sa patuloy na pagsuporta upang maging lubos na maging makabuluhan ang
paggawa ng modyul na ito at para maituro ito ng maayos sa mga mag-aaral.
Sa mga kaibigan, kaguro at tagapanguna ng aming paaralan sa patuloy na pagtitiwala sa aking
kakayahan.
Sa lahat ng mga manunulat at editor ng mga akdang aming pinaghanguan ng mga mahahalagang
kaalaman at impormasyon sa pagsasakatuparan ng modyul na ito.
Sa iyong lahat, maraming Salamat.

ejdm
TALAAN NG NILALAMAN

pahina nilalaman
1 Pabalat
2 Introduksyon
2 Pagkilala
3 Talaan ng Nilalaman
4 Mga Layunin
5 - 16 Yunit I (Prelims)
Pagpapahayag, Retorika at Balarila
Gramatika
17 Pagsasanay
Yunit II
Pangungusap, Talata at Komposisyon
Yunit III
Batayang Uri ng Diskors
Yunit IV
Worksyap sa Pagsulat
18 Sanggunian
MGA LAYUNIN
Yunit I – Pagpapahayag, Retorika at Balarila
1. Natutukoy ang iba’t ibang kahulugan ng retorika
2. Natatalakay ang balarila sa proseso ng masining na pagpapahayag
3. Napapalawak ang kaalaman sa mga retorikal na kagamitan
4. Natutukoy ang iba’t ibang ayos at uri ng pangungusap.
5. Naipaliliwanag ang mga bahagi at hakbang sa pagsulat ng talata at komposisyon
Yunit II – Pangungusap, Talata at Komposisyon
1. Natutukoy ang uri ng komunikasyon
2. Nakikilala ang antas na kinabibilangan ng bawat salita
3. Natutukoy ang dalang kahulugan ng mga salita
Yunit III – Batayang Uri ng Diskors (Paraan ng Komunikasyon)
1. Naibibigay ang mga katangian at uri ng salaysay
2. Naipaliliwanag ang mga iba’t ibang uri ng maikling kwento
3. Naipaliliwanag ang katuturan ng Paglalarawan
4. Nakasusulat ng mga sariling halimbawa ng karaniwan at masining na Paglalarawan
5. Natutukoy ang katuturan at mga uri ng Paglalahad
6. Nakikilala ang mga uri ng paglalahad ayon sa mga halimbawang binanggit
7. Naibibigay ang kahulugan at mga uri ng Pangangatwiran
8. Natutukoy ang mga uri ng silohismo
9. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati
10. Natatalakay ang mga dapat asalin sa entablado habang nagtatalumpati
11. Naipaliliwanag ang pakikipagdebate at proposisyon
12. Nakasusulat ng sariling autobayograpi
13. Naitatala ang mga pangyayari sa araw-araw na buhay.
14. Natutukoy ang mga pangyayaring angkop sa talaarawan at dyornal.
Yunit IV – Worksyap sa Pagsulat
1. Naipaliliwanag ang mga mensaheng dala ng mga akdang nabasa
2. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa mga akdang nababasa
3. Naibibigay ang kahulugan ng pagsulat
4. Naipaliliwanag ang mga iba’t ibang hakbang sa pagsulat
5. Nakasusulat ng sariling akda
6. Nakapagpapahayag ng sariling pananaw tungkol sa paksa

PAGPAPAHAYAG, RETORIKA AT BALARILA


PAGPAPAHAYAG
Ang pagpapahayag ay ginagamit ng tao upang ihayag ang kanyang kaisipan at damdamin,
pasulat man o pasalita. Sa pagpapahayag na ito ay nararapat na maging mabisa ang paglalahad ng mga
kaisipan at kaalaman. Magagawa lamang ito kung nauunawaan ng mga tagapakinig o mambabasa ang
pahayag Subalit lubhang hindi sapat na nauunawaan lamang ang pahayag nararapat na ito'y may pang-
akit din. Kaya kailangang malaman ang kalikasan ng retorika.

RETORIKA
Marami ang pag-aaral at pagpapakahulugan ang iba't bang tao, lalo na ang mga dalubko sa
kahulugan ng retorika, Narito ang llan sa mga sumusunod:
1. Ayon kay Aristotle, ang retorika ay sining ng panghikayat. Ang mga pahayag ayon sa kanya ay
karaniwang kakikitaan ng mabulaklak at madamdaming pananalita.
2. Ipinahayag naman ni Socrates na ang retorika ay kang pagtatalo kung saan pinili ang mga
magagandang salita upang higit na maging kaakit-akit ang pagpapahayag
3. Sa pagbigay pa rin ng bagong depinisyon ng retorika, isa itong mahalagang kaalaman sa pagpapayag
na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pananalita at pagsulat.
4. Ang retorika ay nagmula salitang Griyego na "rhetor" na nangangahulugang isang guro o
mananalumpati sa isang pagpupulong.
5.Ang retorika ay tumutukoy sa malawak, wasto at mayamang kaalaman sa pagpapahawag. tumutukoy ito
sa kaakit-akit, kaiga-igaya at magandang pagsasalita at pagsulat (lorenzo. Carmelita, et. al.).

GRAMATIKA

BALARILA

Ayon kay Lope K. Santos. "Ang Balarila ay nagmula sa mga salitang "bala ng dila", Ito ay
tinatawag na Grammar sa ingles.

Kung sa retorika ay nabibigyang linaw, bisa at kagandahan ang pahayag sa bolarila naman ay
nagagawang ng wasto at mabisa ang pahayag. Naibibigay ng balarila ang wastong gamit ng mga salita.
Naidudulot din ng balarila ang tamang pagkakaugnay ugnay ng mga salita sa mga pangungusap. Ang
tamang panuring, ang mga pang ugnay at ang tinig ng pandiwa upang magkaroon ng kaisahan ang mga
pangungusap.

Kaya nga, Bukod sa pagiging kaakit-akit ng pahayag ay kailangang wasto ang mga gamit at
ugnayan ng mga salita upang lubos na makita ang kalinawan at kagandahan ng pahayag. Kung maganda
ang pahayag subalit hindi wasto ang gamit ng mga salita ay hindi ito maituturing na malinaw at mabisa.
Samakatuwid, magkatuwang ang retorika at balarila upang maging mabisa, malinaw at wasto ang
pagpapahayag.

BALARILA SA PROSESO NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG

1. Pag-aaral ng anyo at uri ng salita.

Mahalagang sangkap ng ano mang wika ang mga salita. Ang alin mang wika sa mundo ay may
kanya kanyang anyo at uri.

Saltik daw ng dila ang salita ayon kay Lope K. Santos na itinuturing na Ama ng balarilang
Tagalog.
Ang Filipino tulad din ng ibang wika sa daigdig ay mayaman sa mga salita. At kung alam natin
ang tiyak na kahulugan ng isang salita. magagamit natin ito nang tama.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kamaliang nababasa sa mga sulatin.
Halimbawa:

a. Tumaas ang halaga ng langis kaya't tumaas din ang presyo ng mga pangunahing kinakailangan ng tao

Dapat: Tumaas ang halaga ng langis kaya't tumaas din ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan
ng tao.

b. Sinasabi ng marami ang internet bilang "information superhighway".

Dapat: Ginagamit ng marami ang internet bilang "information superhighway".

c. Sa pangatlong araw ay himala ang ingay na nililikha ng aming pagkakakilanlan.

Dapat: Nang ikatatlong-araw ay himala ang ingay na nililikha ng aming pagkakakila-kilala.

2. Ang kaayusan ng mga salita sa pangungusap (Sentence Orderliness)

Mga dapat isaalang-lang sa pagbuo ng mga pangungusap upang magkaroon ng kaayusan:

A. Paggamit ng tamang Pangatnig (kaya, upang, para, subalit, ngunit, at, kahit, at iba pa)

a. Nag-aaral akong mabuti upang makapasa sa lahat ng asignatura

b. Pinagalitan si Joseph dahil sa kasalanang ginawa.

c. Nagluluto si Nanay habang naglalaba si ate.

d. Nagsisikap naman ako subalit naghihirap parin kami.

e. Kumain ka ng masustansyang pagkain upang ikaw ay lumusog.

B. Iwasan ang pagsasama-sama ng Iba't Ibang kalsipan sa Isang pangungusap.

Halimbawa:

Pinatunayan ng kasaysayan na sadyang mahusay ang mga Plipino sa kanilang mga likha at mga
nagawa sa daigdig ng siyensya at sa larangan ng musika sa dami ng kanilang nagawa at naiambag na mga
komposisyon at awitin na nagbigay karangalan sa lahing kayumanggi.
Pinagbuti:

Pinatunayan ng kasaysayan na sadyang mahuhusay ang mga Pilipino, Marami na silang nalikha
at nagawa sa larangan ng siyensiya at musika. Marami na rin silang naiambag na komposisyon at awitin.
Sila ay nagbibigay ngkarangalan sa lahing kayumanggi.

C. Isaayos ang mga parirala at sugnay sa loob ng pangungusap.

Halimbawa:

a. Dahil bumagsak sa mga asignatura, hindi na pumapasok sa paraalan si Jani.


Pinagbuti: Dahil hindi na pumapasok sa paraalan si Jani, bumagsak siya sa mga asignatura.

b. Nang tinangay ng pusa, iniwan niya ang ulam sa mesa.


Pinagbuti: Nang iniwan niya ang ulam sa mesa, tinangay ito ng pusa.

D. Paglapitin ang mga salitang magkakaugnay.

Halimbawa:

a. Ito’y isang awiting dumarating sa henerasyon na nagpasalin-salin na pinatanyag ng isang mang-aawit.


Pinagbuti: Ito’y isang awiting pinatanyag ng isang mang-aawit na nagpsalin-salin sa mga darating na
henerasyon.

b. Kagaya ng kuwento, mayroon ding tagpuan ang dulang panradyo at may banghay at tauhan.

Pinagbuti: kagaya ng kwento mayroon, ang dulang panradyo ay mayroon ding tagpuan, banghay at
tauhan.

3. Pagpili ng mabisang salita sa pagbuo ng kahulugang nilalayon.

Maraming mga salita ang inaakala natin magkasing-kahulugan ngunit kung susuriing mabuti ay
may tiyak at angkop na gamit ang bawat isa. Narito ang mga halimbawa.

a. Alisin - tanggalin sa kinalalagyan


Halimbawa:
1. Alisin mo riyan ang mesa dahil nakaharang sa mga dumaraan.
2. Alisin natin sa listahan ang mga hindi karapat-dapat.

Alisan - may kuhar, tao o bagay na pinagtanggalan ng isa pang bagay.


Halimbawa:
1. Alisan mo ang dahin ang mga pananim sa bakuran.
2. Alisan mo ng mana ang suwali mong anak.

b. Iwan - ginagamit kung ang tinutukoy ay tao,bagay,o lugar.( to leave something or someone)
Halimbawa:
1. Iwan natin si Bebot
2. Iwan ko muna ang bag ko rito.

Iwanan - kung mang-iiwan ng isang tao o bagay sa isang pang tao.( to leave something to someone)
Halimbawa:
1. Iwanan ko muna ang kapatid kong bunso sa’yo.
2. Iwanan kita ng perang pamalengke

c. Pinto- isang bahagi ng istruktura ng isang gusali na isinasara at binubuksan (door)


Halimbawa:
1. Buksan mo ang pinto upang makapasok ang mga panauhin.
2. Bukas mo ang pinto ng simbahan, magsisimula ang misa.

Pintuan - daanan o lugar na ginagawang pasukan o labasan. (doorway)


Halimbawa:
1. Sa pintuan dumaan ang mga magnanakaw.(Katulad ng hagdan (stairs) at Hagdanan
( stairway)
2. Makitid ang pintuan sa likod ng kanilang bahay.

d. Pahirin - ito’y nangangahulugang tanggalin o alisin (to wipe)


Halimbawa:
1. Pahirin mo ang iyong luha.
2. Masyadong makapal ang iyong kolorete, pahirin mo ng iyong panyo.
Pahiran – nangangahulungang lagyan (To apply)

e. Sundin - pagsunod na panito,alituntunin o utos( to obey)


Halimbawa:
1. Sundin nating lahat ang mga inihabilin ni Ina.
2. Sundin mo ang iniuutos sa iyo upang hindi ka mapasama.

Sundan - pagpunta sa pinuntahan ng iba o paggaya sa ginagawa ng iba. ( to follow)


Halimbawa:
1. Susundan ko si Nanay sa palengke.
2. Sinundan niya ang pagiging abogado ng kanyang Ama.

f. Hatiin - hatiin o gawing baha-bahagi(to divide)


Halimbawa:
1. Hatiin mo nang pantay ang bilang ng mga tsokolate.
2. Hinati niya sa dalawang bahagi ang inani niyang mangga.

Hatian -nangangahulugang bigyan o bahagianan (to share)


Halimbawa:
1. Hatian mo si Bunso sa dala mong tinapay.
2. Hinatian niya ang kanyang Ina sa kanyang panalo.
g. Walisin - ito ay tumutukoy sa bagay na aalisin.
Halimbawa:
1. Walisin natin ang mga nagkalat na papel.
2. Walisin mo nga ang mga natuyong dahon.

Walisan - tumutukoy sa lugar na lilinisan.


Halimbawa:
1. Walisan ninyo ang bakuran mamayang hapon.
2. Dapat mawalisan ang mga lansangan para malinis ang kapaligiran.

h. Subukin - nangangahulugang tingnan ang bisa o husay. (to test)


Halimbawa:
1. Subukin nga natin ang bagong labas na sabong panlaba kung nakakaalis ng dumi.
2. Mabisa ang iniinom kong gamot, subukin mo.

Subukan - nangangahulugang espiyahin o tingnan ang ginagawa ng tao.


Halimbawa:
1. Subukan mo ang ginagawa ni Jess sa likod-bahay.

i. May - ito ay ginagamit ang kapag:


ang salitang sinusundan ay isang pangalan, pang-uri, pandiwa, pang-abay at panghalip.

Halimbawa
1. May asawa na pala si linda. (Pangalan)
2. May magandang anak si Don Ramon at Donya Romana. (Pang-uri)
3. May naglalaba sa ilog. (Pandiwa)
4. May sunod sunod na biyayang dumadating sa aming pamilya. (Pang-abay)
5. May inyo inyo na kayong tungkuling. (Panghalip)

 Kasunod ang panandang “mga”

1. May mga masasamang loob na hinui ang mga tanod kagabe.


2. May mga butil ng kaalaman ang nais kong ibahagi sa inyo.

Mayroon- ginagamit ang Mayroon kapag:


 Ang kasunod ng isang salita ay kataga. (pa, pala, daw, ba, kaya)
Halimbawa
1. Mayroon pa akong nais idagdag sa mga panuntunan.
2. Mayroon kaya akong inaasahan?
3. Mayroon pala kayong hinanakit sa ating tagapanguna
4. Mayroon daw siyang sikreto.
5. Mayroon ba akong maitutulong?

 Ang kasunod ay panghalip panao sa kaukulang palagyo.

Halimbawa:
1. Mayroon tayong mahalagang gagawin sa susunod na lingo>
2. Mayroon silang sikreto na dapat natin malaman>
3. Mayroon kaming nais isangguni sa punong barangay.
 Ito ay ginagamit sa panagot na tanong.
Halimbawa:
1. May pasok ba tayo bukas? Mayroon.
2. May pera kapa ba? Mayroon.

 Ito ay nagsasaad ng matalinhagang kahulugan.

1. Kinikilala sila dahil mayroon sila sa aming bayan.


2. Ang mga mayroon lang ang puwedeng sumama.

j. Ng –
 katumbas ng “of” sa Ingles.

Halimbawa:

1. Kapitan ng barangay ang aking ama.


2. Ang aklat ng guro ay nawala.

 pananda ito ng layon ng pandiwa

Halimbawa:

1. Ang bata ay pumitas ng bulaklak para sa kanyang ina.


2. Nanguha ng manga si Jonjon para itinda sa palengke.

 pananda ito ng tagaganap ng kilos, katumbas ito ng “ni” kung pangngalang pantao ang ginamit.

Halimbawa:

1. Kinagat ng aso ang batang tumatakbo.


2. Sinigawan ni Elena ang nag-iingay na bata sa labas.

Nang

 katumbas ito ng noon o when sa Ingles.

Halimbawa:

1. Nang ako’y maliit pang bata ay nahulog ako mula sa puno.


2. Mahirap ang buhay kaya nang ako’y makatuntong sa kolehiyo ay pinagbuti ko ang aking pag-aaral.

 katumbas ito ng upang/para o so that sa Ingles.

Halimbawa:

1. Mag-aral kang mabuti nang umasenso ka sa buhay.


2. Umiinom ka ng gatas nang ikaw ay lumakas.

 pagsasama ito ng pang-abay na “na” at pang-angkop na “ng”.

Halimbawa:

1. Laganap nang sunog bago pa dumating ang mga bumbero.


2. Marami nang (“na”, “ng”) namamatay sa COVID – 19.

 tagapag-ugnay ng inuulit na pandiwa.

Halimbawa:

1. Tawa nang tawa ang lalaking nakatingin sa kanya.


2. Sulat nang sulat ang bagong mag-aaral.

k. Rin/Din – kung pahayag ay sigurado

 Raw/Daw – kung hindi sigurado ang pahayag.


 Ginagamit ang Din/Raw kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig bukod sa Y at W.

Halimbawa:

1. Bumagsak din si Ron sa Filipino 1.


2. Aalis daw ang mga panauhin pagkatapos ng lahat ng gawain

 Ginagamit ang Rin/Raw kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig kasama ang Y at
W.

Halimbawa:

1. Sasama rin ako sa Palarong Pambansa.


2. Ang bahay raw nila ay nakasanla sa bangko.

Pagpili ng Wastong Salita sa Pangungusap.

Magiging malinaw ang pahayag kung gagamit ng mga angkop sa salita sa ideyang ipapahayag.
May mga pagkakataong tama na ang kahulugan sa gamit ng salita subalit hindi angkop na gamitin sa
isang pahayag.

a. Tiyaking angkop ang salita sa ibig sabihin.

Halimbawa: Hindi tumitigil ang kanyang bunganga sa pagsasalita.

Angkop: Hindi tumitigil ang kanyang bibig sa pagsasalita.

b. Tiyaking angkop ang panlapi ng salitang gagamitin.

Halimbawa: Nakain ka na ba?

Angkop: Kumain ka na ba?

(Ginagamit sa lalawigan ng Batangas ang “nakain” kaya dapat na kumain ang gamitin na antas
pambansa)

c. Tiyaking timbang ang ideya ng mga gagamiting salita.

Halimbawa: Nagsitayo at pumalakpak ang mga nanood ng pambihirang palabas sa entablado.

Angkop: Nagsitayo at nagsipalakpak ang mga nanood ng pambihirangf palabas sa entablado.

d. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng mga gagamiting pandiwa.

Halimbawa: Nakaboto na ang mga botante at uuwi sa kani-kanilang bahay.

Angkop: Nakaboto na ang mga botante at nakauwi sa kani-kanilang bahay.

e. Kung ang mga salitang ingles na ating ginagamit ay may katumbas sa ating katutubong wika,
makabubuting iwasan ang labis na panghihiram.

Halimbawa: Na-arrest ba ang murderer na pinaghahanap ng batas?

Angkop: Nahuli ba ang mamamatay-tao na pinaghahanap ng batas?

4. Paggamit ng mga retorikal na kagamitan


Ang paggamit ng mga retorikal na kagamitan tulad ng idyoma, tayutay, salawikain, kawikaan at
kasabihan ay makatutulong upang maging masining ang pahayag.

a. Idyoma – pagpapahayag ito ng mga saloobin at kaisipann na hindi tuwiran at ang kahulugan ay nasa
pagitan ng mga salita. Narito ang mga malimit nating gamiting idyoma.

Nagsusunog ng kilay – nag-aaral na mabuti


Di mahayapang gating – mayabang
Anghel ng tahanan – anak
Kahiramang suklay – kaibigan
Bulanggugo – gastador
Puti ang tainga – kuripot
Lagot ang pisi – naubusan ng pera
Sumugba sa ningas – sumuong sa panganib
Huling hantungan – libingan

b. Salawikain – Ito ay naglalaman ng mga paalala sa buhay na naglalayong magbigay aral sa mga
kabataan. Magandang pakinggan ang mga salawikain sapagkat nasa anyong patula, may sukat at tugma.

‘Pag may itinanim, may aanihin

Pagkahaba-haba man ng prusisyon


Sa simbahan din ang tuloy

Ang ‘di marunong lumingon sa pinanggalingan


‘Di makakarating sa paroroonan

Ang taong nagigipit


Sa patalim kumakapit

C. Kasabihan – ito’y may himig panunudyo at gumagamit ng talinghaga subalit may payak lamang
itong kahulugan. Dito’y masasalamin ang gawi at kilos.
Malakas ang loob.
Mahina ang loob
Kwarta na.
Naging bato pa.

Ang taong duling


Walang gawang magaling.
D. Kawikaan – ito’y nagpapaalala rin ng mga dapat maging asal ng mga kabataan. Tulad ng salawikain
at kasabihan, may sukat, tugma at indayog din ang kawikaan.
Ang magagawa ngayon,
Huwag nang ipagpabukas,
Kung anong taas ng lipad,
Siyang lagapak pagbabasak.
Ang tapat na kasagutan
Ay tanda ng mabuting pagkakaibigan.

E. Tayutay – ito’y paglayo sa karaniwang paggamit ng mga ng mga salita. Taglay nito ang pagkakaroon
ng sining ng pahayag na karaniwa ng makakaakit ng sinumang makikinig o magbabasa.
1. Pagtutulad – paghahambing ito ng dalawang bagay, tao, lugar o pangyayari na magkaiba at sa
paghahambing ay gumagamit ng mga katagang “tulad ng, katulad ng, kagaya ng, kawangis ng,
animo’y, kapara ng, magkasing. Wari. Tila” at iba pa.

Halimbawa :
a. Si Marian ay gaya ng anghel sa maganda.
b. Ang buhay ay katulad ng gulong na minsan nasa itaas at minsan ay nasa ibaba.

2. Pagwawangis – tiyakang paghahambing ng dalawang bagay ng magkaiba.

Halimbawa:
a. Si Pacman ay kidlat sa bilis.
b. Ang tinig mo ay musika sa aking pandinig.

3. Pagbibigay Katauhan- ang mga katangian o gawi ng tao ay isinasalin sa karaniwang mga
bagay.

Halimbawa:
a. Napakasungit ng panahon.
b. Sumayaw-sayaw sa ihip ng hangin ang mga dahon.

4. Pagmamalabis- dito’y sadyang pinalabis o pinakukulang ang katangian o katayuan ng isang


tao, bagay o lugar na inilalarawan.

Halimbawa:
a. Tingting na ang katawan ni Pedro
b. Bumaha ng dugo sa amin kahapon

5. Pauyam – dito’y gumagamit ng magagandang pananalita subalit ang ibig sabihin ay


kabaligtaran.
Halimbawa:
a. Napabuti mong kaibigan, iniwan mo ako nang oras na ika’y kailangan.
b. Kayganda mong lumakad, nag-uumpugan ang iyong mga tuhod

6. Pagtatambis- pagpapahayag ito ng mga bagay o pangyayari na magkasalungat upang bigyang


bias ang natatanging kahulugan

Halimbawa:
a. Hindi ko maintindihan si Inay, pag hindi ako makatulog, pilit akong pinapatulog; pag
natutulog naman sa umaga ay pilit akong ginigising.
b. Kay hirap pakibagayan ni Linda, pag umaalis ako nang maaga, nagtataka; pag umaalis
naman ako nang tanghali, sinasabihan ako ng mabagal.

7. Pagsalungat- pinagsamang magkasalungat na salita.

Halimbawa:
a. Ang anak ay siyang ina sa tahanang iyon.
b. Kung gusto mong lumapit lumayo ka, kung gusto mong lumayo lumapit ka.

8. Pagpapalit- pagpapalit ito ng tawag sa mga bagay na may kaugnayan dito.

Halimbawa:
a. Siya ang pinakamagandang tala ( tumutukoy sa magandang dalaga ) sa kanilang nayon.
b. Siya ang nagkabit ng medalyong ginto ( unang gantimpala ) sa palarong pambansa.

9. Pagpapalit-saklaw- pagpapalit din ng katawagan sa pamamagitan ng pagbanggit sa halip na sa


kabuuan.
Halimbawa:
a. Sampung balikat (bahagi ng katawan) ang nagtulong-tulong upang buhatin ang bahay.
b. Ayaw na kitang makikitang tutuntong sa aming hagdan ( bahagi ng bahay )

10. Pagtatanggi- ginagamit ng salitang “hindi” upang bigyan g diin ang mahalagang pagsang-ayon.
Halimbawa:
a. Hindi sa ayaw kong sumama ngunit may dapat pa akong tapusin.
b. Hindi sa ayaw kitang pautangin kaya lang talagang gipit ako ngayon.

11. Pagtatanong- pagtatanong ito na hindi na nangangailangan pa ng kasagutan. Maaaring sa sarili


sinasabi o taong hindi kaharap na animo’y kaharap.
Halimbawa:
a. Bakit may nakukulong na walang sala?
b. May ina kayang makatitiis sa anak na nahihirapan?

12. Pagtawag- pakikipag-usap sa isang tao o bagay na animo’y nasa harapan subalit wala naman.
Halimbawa:
a. Pag-ibig, masdan ang ginagawa mo!
b. Diyos ko, bakit ako po?

Pagsasanay
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Batay sa inyong pag-unawa, Ano ang pagpapahayag? retorika? gramatika?
2. Bakit mahalaga na malaman at matutunan ang masining na pagpapahayag?
3. Bakit kailangang gumamit ng angkop na salita sa pangungusap?

B. Gamitin ng angkop sa pangungusap ang mga salitang nakatala sa ibaba.


1. subukin at subukan
2. hatiin at hatian
3. sundin at sundan
4. ng at nang
5. pahirin at pahiran

C. Salungguhitan ang angkop na salita batay sa kahulugang ibinigay.


1. (tungtong, tuntong, tunton) – hanapin ang bakas
2. (tungtong, tuntong, tunton) – panakip sa palayok
3. (magbangon, bumangon) – pagtatag o pagtatayo
4. (bulyaw, sigaw) – malakas na pagsasalita na may himig nag alit
5. (kung, kong) – isang panghalip panao, paari o pag-aangkin

D. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na idyoma.


1. kabungguang balikat
2. binuksan ang dibdib
3. balat kalabaw
4. mahaba ang dila
5. magkibit balikat

E. Magsaliksik ng tig-3 sa mga sumusunod at itala ang mga ito sa inyong modyul para sa mga pumili ng
modular o i-copy-paste naman ito para sa mga pumili ng online.
1. Kasabihan 2. Salawikain 3. Kawikaan

F. Tukuyin ang tayutay na ginamit sa pangungusap. Isulat ang inyong kasagutan sa patlang bago ang
bilang.
______________ 1. Tila may daga sa dibdib si Allyson habang umaawit sa entablado.
______________ 2. Iniligtas niya ako, siya ang aking Superman.
______________ 3. Hinahalikan ako ng malamig na hangin.
______________ 4. Hindi ako sasama sa gimik niyo ngayon.
______________ 5. Katapangan, lumapit ka sa akin at ako’y samahan.
______________ 6. Talagang matalino ka, malamang bumagsak ka sa pagsusulit na iyong kinuha.
______________ 7. Siya ang ahas sa kanilang magkakaibigan.
______________ 8. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
______________ 9. Ang buhay sa mundo ay tunay na nakakatawa, may lungkot ay may ligaya, may
dilim at may liwanag, may luha at may tawa.
______________10. Umuulan ng dolyar kina Pinang ng dumating galing Saipan si Celso.
PANGUNGUSAP, TALATA AT KOMPOSISYON
Pangungusap
Ang pangungusap ay itinuturing na bahagi na ng gramatika. Ayon sa tradisyunal nap ag-
aaral, ang pangungusap ay sinasabing lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa. Sa
makabagong pananaw at pag-aaral, ang pangungusap ay maaaring isang salita/ kataga/ sambitla
o lipon ng mga salita na may buong diwa . kahit sabihin pa ng mga mag-aaral na bihasa na sila
sap ag-aaral ng mga pangungusap ay nararapat pa rin na ito ay linangin. Ito ay isang paraan ng
paghahayag ng ating iniisip at nadarama. Ang mga pangungusap din ang bumubuo sa mga talata,
sulatin, komposisyon o ng kahit anong akda.
Ayos ng pangungupsap
1. Karaniwang Ayos- Dito’y nauuna ang panaguri sa simuno at nawawala ang panandang
“ay”

Halimbawa:
A. Masayang naglalaro sa parang ang mga bata.
B. Paglalaro ng saranggola ang paboritong laro ng mga bata lalo na kung malakas ang
hangin.

2. Di-Karaniwang Ayos- Nauuna rito ang simuno at may panandang “ay”

Halimbawa:
A. Ang mga pulitikong ating nakakasalamuha ay dapat na kilatising mabuti.
B. Silang lahat ay nagpapakita ng bagong pag- asa.

Uri ng Pangungusap
1. Ganap – ito ay uri ng pangungusap na may simula at panaguri.

Halimbawa:
A. Ang mga maamamyan ay pinag-iingat laban sa mga mapanlinlang na tao.
B. Masayang namamasyal ang mag-anak.

2. Di-ganap – uri ng pangungusap na maaaring simuno lamang o panaguri lamang na may buong
diwa.

A. Eksistensyal – nagsasaad ito ng pagkamayroon ng bagay o tao na tinutukoy.


Halimbawa: May pera pa ko.
May tao sa bubong.
B. Paghanga
Halimbawa: Ang ganda!
Wow!
C. Nagasaad ng matinding damdamin
Halimbawa: Ouch!
Aba!
D. Nagsasaad ng panahon
Halimbawa: Umuulan.
Bumabagyo.

E. Pormulasyong panlipunan
Halimbawa: Makikiraan po.
Makikisilong po.
F. Pautos
Halimbawa: Alis!
Takbo!
G. Sambitlang panawag
Halimbawa: Joe!
Nay!
H. Pagbati
Halimbawa: Kamusta?
Magandang umaga.
I. Pagpapaalam
Halimbawa: Paalam na.
Babay!
J. Panagot sa tanong
Halimbawa: Kumain kana? (Hindi pa, Oo)
Aalis ba kayo ngayon? (Oo, Opo, Hindi, Hindi po)

K. Pamuling tanong
Halimbawa: Ano nga?
San kasi?
L. Pampook (sagot as tanong)
Halimbawa: Saan ka nag-aaral? (sa DHVTSU)
Taga-saan ka? (sa Lubao)

TALATA
Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pagbuo ng mga pangungusap upang maging
maayos ang pagsulat ng mga talata. Ang mga talata ay binubuo ng magkaugnay na pangungusap tungkol
sa isang kaisipan o ideya. Ang mga talata naman ang bumubuo sa isang akda o komposisyon.

Mga Uri ng Talata


1. Panimulang Talata – Ito ang unang talata sa isang akda. Ang layunin nito ay ipakilala ang paksa
ng komposisyon. Binabanggit dito kung ano ang ipaliliwanag, ang isasalaysay, ang bibigyang
katuwiran ay ang ilalarawan. Maaaring isa o dalawang talata ang panimula ng akda

2. Talata ng paglilipat-diwa – ito ang talata na nag-uugnay sa diwa ng dalawang magkasunod na


talata. Maaaring salungatin o dagdagan ang kaisipan ng sinusundang talata.

3. Gitnang Talata – Ito ang pinakamalaking bahagi ng komposisyon. Ang tungkulin nito ay
paunlarin ang paksa, ito ay binubuo ng paksang pangungusap na tutulong upang ganap na
matalakay ang paksa na kailangan linawin.

4. Talatang Pabuod – ito ang pangwakas na talata ng komposisyon na maaaring mag-iwan ng


hamon o mahalagang kaisipan.

KABATAANG FILIPINO NOON AT NGAYON


Ni Luz L. Lozano

(Panimulang Talata)
Ang sibol ng kabataan ay makikilala sa kanilang isinisigaw. Sa panahon ni Dr. Jose Rizal, ang
isinisigaw nila ay “Viva España!”. Sa panahon ni Andres Bonifacio, naging “Himagsikan tungo sa
Kalayaan!”. Sa pagkakaroon ng kalayaan ay lumaganap ang korapsyon at katiwalian. Sigaw rin ng mga
kabataan ang unang maririnig sa mga liwasang bayan, “ibagsak ang Pamahalaan! Patalsikin ang pangulo”
ang kanilang sigaw.
(Talata ng paglilipat-diwa)
Sa kasalukuyan, may nag-bago ba? Anong uri ng mga kabataan mayroon ang mahal nating
pilipinas?
(Talatang Ganap)
Ating silipin at alamin ang mga uri ng kabataan sa mga paaralan. Hindi nga ba’t marami sa kanila
ang lumiliban sa klase dahil sa iba’t ibang pinaagkakaabalahan? Nariyang nasa mga barkada at kasamang
umiinom o naninigarilyo. Marami rin ang nalululuong sa paglalaro ng Computer games sa mga computer
shop na kalimitang nauuwi sa pagtigil sa pag – aaral. Kanilang ginugugol ang kakarampot na salaping
galling sa dugo’t pawis ng pobreng magulang. Kaawa- awing mga magulang na nag-aakalang ang mahal
na anak ay nasa loob ng silid aralan at nagpapakadalubhasa. Lingid sa kanilang kaalaman ay taliwas ang
nangyayari sa kanilang inaakala.
(Talata ng palilipat – Diwa)
Anong uri ng kinabuksan ang naghihintay sa ganitong mga uri ng kabataan? Na sa bandang huli ay
magsisisi?
(Talatang Ganap)
Ang mga kabataang ito ang itinuturing ni Gat. Jose Rizal na hiyas ng inang bayan. Tuluyan na ba tayong
mawawalan ng pag-asa sa pagkakaroon ng mga hiyas ng lahi? Sila na ating inaasahang mag-aahon sa
lumulugmok na kalagayan ng lipunan.
(Talatang Ganap)
Hindi! Hindi pa tuluyang nawawala ang mabubuting kabataan. Sa katunayan, kabataan ang nag –
uwi ng karangalan sa bansa sa larangan ng Ice Skating. Maging si Lydia De Vega na noon ay kabataan
ang nagbangong muli sa bumababang katayuan nating pang-atletiko sa Asya. Sa Larangan ng musika
naman ay si Charise Pempengco ang kinikilala ngayon sa buong mundo. Kaya nakakatuwang isipin na
kung marami sa mga kabataan ang nagsasadlak sa masama ay hindi hamak na marami ang patuloy na
nagpapakita ng ating pag-asa
(Tatalang Pabuod)
Paniwalaan nating ang mga kabataan ngayon ay tutungo sa pagkadakila. Patuloy na mapapatupad
ang pangitain ni rizal habang may mga matatayog na diwang maghahatid sa kanila sa kadakilaan. Tulad
ng ilaw at tanglaw, sila ay magninigas at magsasabog ng liwanag. Mula sa liwanag na ito……Ikaw, ako,
tayo, ibabangon natin ang mahal na bayang Pilipinas
Komposisyon
Ang komposisyon ay ang paglinang ng mg ideya o kaisipan sa pamamagitan ng mga
pangungusap at talata. Kailangan ditto ang masusing pagpili at pagsasaayos ng mga ideya upang maging
malinaw at epektibo ang sulatin.
Marami sa atin ang may kakayahang ihayag ang kanyang kaalaman, karanasan, at damdamin sa
pamamagitan ng pagsulat na paraan. Mula sa pagkabata ay maraming mahahalagang pangyayari sa ating
buhay na maaari nating ibahagi sa iba. May masaya, malungkot, nakakatakot , nakakahiya at iba pang
pangyayari sa atin. Ngunit paano ng aba natin nalilinang ang atin kakayahan sa pagsulat.
Ang baging ito ng modyul ay ukol sa pagsulat ng komposisyon. Makakatulong ito upang
madagdagan ang ating kaalaman sa pagbuo ng paksa, pamagat, simula, katawan, at wakas ng akda.
Paksa
Sa anumang akda na nais isulat ay kinakailangang magkaroon ng sapat na kaalaman. Ano ang iyong
isusulat kung wala kang alam tungkol sa paksa? Ito ang kabuuang tinatalakay sa sulatin.
Ang paksa ay maaring makuha sa:
1. Narinig
2. Nakita
3. Nabasa
4. Napanood
5. Likhang –isip
6. Pangarap
7. Panaginip
8. Sariling Karanasan
Ang Pamagat ng komposisyon ay ang unang kumukuha sa atensyon ng mga mambabasa kaya dapat na
piliing mabuti ang gagamiting pamagat. Nararapat na ito ay maikli. Napapanahon at madaling matandaan.
Mga paraan sa pagpili ng pamagat:
1. Katawan sa isang tao, pangkat ng mga tao o lugar
Halimbawa:
Rugby boys
Tirador ng tondo
Sentensyador

2. Paggamit ng pangalan ng tauhan o pangkat ng mga tao


Halimbawa:
Impeng Negro
Nardong Putik
Enteng kabisote
3. Paggamit ng Pangalan ng pook o lugar
Halimbawa:
Baguio
Maynila
Tagaytay

4. Paggamit ng mahalagang pangyayari kaisipan o karanasan


Halimbawa:
Ang aking kabataan
Ang una Kong halik
Unang Araw Ko sa Kolehiyo
Simula/Panimula ng Komposisyon
Sa simula ng komposisyon nakasalalay kung itutuloy ng mambabasa ang pagbabasa. Kung sa simula pa
lamang ay nagkainteres na ang mambabasa ay makakatiyak kang ipagpapatuloy nito ang pagbabasa.
Sikaping maging mabisa, masining at kawili-wili ang panimula.
Maaaring Simulan ang komposisyon sa mga sumusunod na paraan.
1. Paggamit ng Sipi- gumagamit ng mga popular na katagang binanggit ng mga kilalang tao sa
personalidad.

Halimbawa:
“Ang mga kabataan ang Pag-asa ng bayan”, mga katagang sinabi n gating pambansang bayaning si Dr.
Jose Rizal (Kung ang paksa ng iyong komposisyon ay ukol sa mga kabataan, Pag-asa ng bayan).

2. Paggamit ng Salitaan- gumamit ng mga pag-uusap na ating naririnig sa iba.

Halimbawa:

Pasahero: Manong bayad po


Driver: Kulang pa ito ng piso
Pasahero: Kahapon po ay ganyan lamang ang ibinayad ko.
Driver: Tumaas na ang pamasahe kagabi lamang.
(Ang paksa ay tungkol sa pagtaas ng presyo pamasahe at bilihin. Maaari ring pagbagsak ng ekonomiya
ng bansa.)
3. Paggamit ng Salawikain O kawikaan- gumamit ng salawikain o kawikaan na may Kaugnayan sa
paksa.

Halimbawa:

Ang taong nagigipit


Sa patalim kumakapit
(Kung ang paksa a kahirapan)

Ang tapat na Kasagutan


Ay tanda ng mabuting pagkakaibigan
(Kung ang paksa ay pagkakaibigan o katapatan)

4. Ilahad ang suliraning papaksain

Halimbawa:

Likas na mabubuting tao ang mga Pilipino subalit dahil sa hirap ng buhay ay nakakaisip sila na gumawa
ng hindi mabuti.
(Kung ang paksa ay kahirapan)

5. Paggamit ng tanong

Halimbawa:

Kasalanan ba ang magmahal?


(Kung ang paksa ay pagmamahal)
6. Paggamit ng isang pangyayari sa likod ng paksa
Halimbawa:
Nakatutuwang isipin ang pagkakaisa ng mga Pilipino na ipinamalas sa EDSA noong Pebrero 1986.
(kung ang paksa ay kalayaan)
7. Paggamit ng pambungad na salaysay
Halimbawa.
Halos taon-taon ang paghahanda para sa isang lakbay-aral kasama ng mga mag-aaral. Hindi na mabilang
ang ibat ibang karanasan at dagdag kaalaman sa mga paglalakbay na ito. (Kung ang paksa ay mga
karanasan o paglalakbay)

Katawan o Nilalaman ng Komposisyon


Ang katawan ng komposisyon ang pinakamalaking bahagi ng sulatin. Ito ang nagpapaliwanag sa paksa na
maaring bunga ng pananaliksik o sariling karanasan. Kailangang ilahad ang mga kaisipan sa paraang
malinaw at maayos. Nararapat din itong magkaroon ng kaisahan at wastong ugnayan ng mga ideya upang
lubos na maunawaan ng mga mambabasa.

Wakas ng Komposisyon
Ito ang huling bahagi ng komposisyon na maiiwan sa isip ng mambabasa. Masasabing mabisa ang akda
kung napagalaw ng awtor ang imahinasyon ng mambabasa.
Maaring wakasan ang komposisyon sa mga sumusunod na Paraan:

1. Paggamit ng tanong

Halimbawa:
Ano pa ang ating hinihintay? Sino ang kikilos kung hindi tayong nakakaranas sa matinding hirap? (Kung
an gang paksa ay karapatan o Pagkakaisa)

2. Paggamit ng Hamon

Halimbawa:
Tayo nang magsama-samang kumilos para sa pag unlad! Huwag na nating hintayin patayin tayo ng
kahirapan. Kaya natin kung tayo ay Kapit-bisig na magtutulung-tulong. (Kung ang paksa ay Pagkakaisa)

3. Paggamit ng Angkop na Sipi

Halimbawa:
Nakasaad sa bibliya,”Tumangis si Hesus”
(Kung ang paksa ay Kasalanan o suliranin)

4. Paggawa ng panghuhula
Halimbawa:
Sa susunod na sampu o dalawang taon ay higit na darami ang populasyon sa Pilipinas. Kung magkagayon
ay lalong mahihirapan ang pamahalaan na sugpuin ang kahirapan kung hindi magsisikap ang bawat
Pilipino.

5. Ibigay ang buod ng paksa


Pasalita at pasulat na komposisyon
Organisasyon ng komposisyon pasalita at pasulat
1.Kaisahan at kaugnayan-may kaisahan ang sulatin kung isang paksa lamang ang tinatalakay. Nararapat
na pag-isahin ang mga kaisipang dapat na magkakasama.
2.Tuon-tinatawag din itong pokus sa paksang tinatalakay.
3.kaiklian-hindi kailangang maligoy sa paglalahad.sapat na ang mahahalagang datos upang matalakay ang
paksa.
4.kawastuan-mahirap nang baguhin ang mga kaisipan at impormasyong naisulat na. kailangang maging
tiyak sa mga detalye.

Batayang Uri ng Diskors (Paraan ng Komunikasyon)


Ang Retorika Bilang Anyo ng Komunikasyon
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ito ay nagmula sa salitang Latin na commūnicāre
na nangangahulugang “ibahagi”.
Dalawang uri ng komunikasyon:
Ang berbal na komunikasyon ay tumutukoy sa paggamit ng salita sa
pagpapahayag ng saloobin at damdamin ng isang tao. Kongkretong anyo rin ito ng komunikasyon dahil
tiyak at espesipiko ang pagpaparating ng mensahe sa kinakausap. Bagama’t may mga mensahe na
nagtataglay ng tagong kahulugan, ito ay masasabing kongkreto pa rin dahil ang katiyakan ay tumutukoy
sa salita at hindi sa mismong mensahe. Maaaring ito ay pasulat at pasalita.
Ang di-berbal na komunikasyon ay nakikita sa gawaing pakilos at nahihinuha nito
ang saloobin at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mukha, galaw ng ulo, kamay at iba pa.
Halimbawa:
pag – iling ng ulo – pagtutol
pagtango ng ulo – pagsang-ayon
pagngiti – kasiyahan
Mga Anyo ng Komunikasyong Di – Berbal
1. oras (chronemics) – maaaring magtaglay ng mensahe ang oras.
2. espasyo (proxemics) – ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao ay
maaaring may kahulugan.
3. katawan (kinesics) – maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit sa mga tunog na
lumalabas sa ating bibig. Kabilang dito ang sign at body language,
4. pandama (haptics) – ito ay tumutukoy sa sense of touch bilang tagahatid ng mensahe.
5. simbolo (iconics) – ito ay mga larawan na may ibig sabihin.
6. kulay (color) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
7. paralanguage – ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng mga salita.

Sangkap ng Komunikasyon
1. Tagahatid o encoder – ito ang nagpapadala o ang pinagmulan ng mensahe, ang bumubuo sa mensahe
at nagpapasya sa layunin.
2. Mensahe – ito ang paksa, at ang ipinadadalang salita
3. Tsanel – ito ang nagsisilbing daluyan ng mensahe, na maaaring berbal o di-berbal
4. Tagatanggap / decoder – tumatanggap sa mensahe at ang nag-iinterpret o nagbibigay kahulugan sa
mensahe
5. Ganting-tugon o feedback – proseso sa pagbabalikan ng mensahe at ang patuloy na paghahatid ng
mensahe sa bawat panig ng kasangkot sa komunikasyon.
6. Ingay – ito ang mga hadlang sa komunikasyon
7. Konteksto – tumutukoy ito sa kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon.
Limang Dimensyon ng Konteksto
A. pisikal – kalagayan ng pinangyarihan ng komunikasyon
B. sosyal – ano o uri ng relasyon ng dalawang kalahok sa komunikasyon
C. pangkasaysayan – may kaugnayan sa sinaunang pangyayari
D. kultural – kinagisnan ng bawat indibidwal
E. sikolohikal – tumutukoy ito sa kasalukuyang kalaagayan ng indibidwal

Ang SPEAKING ni Hymes (1964)


Nakabase naman ang kontekstong kultural sa proseso ng retorika para kay Hymes. Sosyolohikal
ang kanyang pananaw sa pag-aaral ng pagsasalita na iniaayon sa panagpuang panlipunan o social setting.
Sinimplika niya sa akronim na SPEAKING ang mga elementong emeepekto sa retorika:
S – etting, ang lugar na pinangyarihan ng pakikipagkomunikasyon.
P – articipants, ang mga nasasangkot sa pagkokomunikasyon: ang ispiker o enkowder
o ang tagapaghatid ng mensahe at ang tagapakinig o dekowder o ang
tagatanggap ng mensahe.
E – nds, ang layunin o pakay sa pakikipag-usap.
A – cts, ang mga tungkulin o gampaning pangwika na nakapaloob sa diskurso, kung
saan nakasalalay ang reaksyon ng tagapakinig; halimbawa, pakiusap, pag-utos,
paumanhin, pagtatanong atb. pagbibigay informasyon, atbp. may patern ang
istruktura ng pagkakasunud-sunod ng pagsasalita o pag-uusap: pagsisimula,
pagpapalawig sa gitna, at pagtatapos. Ang mga patern ng pagpapalitang-usap
ay mag-iiba-iba depende sa kultura at sitwasyon.
K – eys, ang tungo at tono ng pagsasalita. Sa mga formal na okasyon, diretso at
seryoso; sa mga informal naman maligoy at mabiro. Depende rin ito sa relasyon sa
tagapakinig: malapit, estranghero o kagalit; sa edad; mga bata o matatanda; sa
kasarian; babae, lalaki, bakla, tomboy; atbp. nakaangkla rin dito ang anyo, gamit
at paraan ng pananalita, kung patula, matalinghaga; kung paprosa, maaaring
maghalo ang literal at patalinghaga.
I – nstruments, ang mga paraan at kagamitan ito sa paghahatid ng mensahe.
Maaaring verbal, di-verbal o pasulat na paraan, sa wikang angkop sa mga
tagapakinig. Kasama na rito ang paggamit ng iba’t ibang kagamitang pang-
elektroniko.
N – orms, ang mga kinaugaliang pamantayang kultural tulad sa paggamit ng mga
ekspresyong “po at opo” ng mga Pilipino. Tinataya rito ang pananalita bago
sambitin. May pag-iingat na isinasaalang-alang, sa gayon, di-makasama sa
pandinig ng mga grupong may kaibang pinanghahawakan o sinusunod na
ideolohiya.
G – enre, ang mga paraan ng pagpapahayag: pagsasalaysay, paglalahad,
paglalarawan, o pangangatwiran.

Ang mga Modelo ng Proseso ng Komunikasyon (Adler at Towne, 1996)


Ganap na natural ang pagsasalita kung angkop sa mga identidad ng mga tagapakinig at sa
kalikasan ng sitwasyon. Pinakasisipat sa sinasabing teksto ang mga emosyon at damdamin kung
tumutugma sa tunay na sitwasyon sa buhay. Pinakikinggang mabuti sa isipan ng tagapakinig bawat
binibitiwang pananalita ng ispiker at pinakatataya kung paano niya ito sinasabi para maunawaan nang
husto at maging kapani-paniwala ang pagtanggap at pagresponde rito.
Binalangkas nina Adler at Towne (1996) ang mga proseso ng komunikasyon bilang linear,
interaktiv, at transaksyunal sa mga sumusunod:

Modelong Linear

sender mensahe persiver

Sa linear na komunikasyon, sa pagbibigay lamang ng impormasyon ang pokus. Mag-i-enkowd


ang sender ng mga kaisipan o damdamin bilang mensahe sa pamamagitan ng tsanel o anumang
instrumento para madekowd ng persiver.

Modelong Interaktiv
Sa interaktiv naman, hindi lamang verbal, ang non-verbal din gaya ng pananamit, postura,
pananahimik, galaw ng katawan atbp. na pawang mga beheybyor na maaaring intensyunal o di-
sinasadyang mga aksyon ang inoobserbahan at iniinterpret ng dekowder sa enkowder. Nakabase ang pag-
uunawaan dito ng enkowder at dekowder sa pagbabahaginan ng mga personal na karanasan at
kapaligiran, gayundin, ng fidbak.

tsanel tsanel
sender asal mensahe persiver

fidbak fidbak

tsanel tsanel
persiver mensahe asal sender

Kapaligiran A Kapaligiran B
Modelong Transaksyunal
Samantala, sa transaksyunal na komunikasyon, inihahayag na karaniwang kapwa
nagkakaalinsabay na naghahatid at tumatanggap ng mga mensahe ang mga komunikador, hindi
magkahiwalay na isa lamang ang naghahatid at isa rin lamang ang tumatanggap, bagkus, nagkakaoverlap
sa paghatid at pagtangagp at pagsagot sa kapwa beheybyor ng nag-uusap. Bukod sa pag-aalinsabay ng
interaksyon, mahirap ihiwalay ang isang di-hayag na akto ng komunikasyon sa mga pangyayaring
naganap na at sa mga sumusunod pang magaganap.

fidbak fidbak
Komunikador
Komunikador
Tagaresponde Tagaresponde
(tagahatid/ tagadekowd mensahe
tagadekowd (tagahatid/
tagaunawa)
tagaunawa)
tsanel tsanel

Ang mga Antas at Lawak ng Larangan ng Komunikasyon


Noong kapanahunan ni Aristotle, sinasabing sa komunikasyong publiko lamang nakaukol ang
larangan ng komunikasyon, kaya naman nadevelop niya ang retorika, ang sining ng epektibong
mapanghikayat na pagsasalita sa harap ng madla. Mangyari, paniniwala niya ritong malaki ang
nagagawang umpluwensiya sa bayan at sa buhay mismo ng mga mamamayang nakikisangkot sa mga
sibikong isyu o usapin. Ngayong moderno na ang panahon, lumalawak lalo ang larangan nito na
kinakategorya ang mga pangunahin sa walo: 1) intrapersonal, 2) interpersonal, 3) grupong komunikasyon,
4) komunikasyong publiko, 5) media at mga bagong teknolohikang komunikasyon, 6) komunikasyong
organisasyunal, 7) komunikasyong intercultural at 8) komunikasyong pang-etika. Sa lahat ng ito, maliban
sa pinakauna, nabibilang ang pito sa tinatawag na komunikasyong transaksyunal (Wood, 2003).

Komunikasyong Intrapersonal
Intrapersonal ang antas at larangan ng komunikasyon na walang iba kundi ang pakikipag-usap ng
tao sa kanyang sarili.

Komunikasyong Interpersonal
Interpersonal ang komunikasyon sa antas at larangan ng dalawang panig na nasasangkot sa pag-
uusap kung kapwa nagtatagpo at nagkakaintindihan sa isa’t isa ayon sa kanilang mga pangangailangang
sosyal.

Grupong Komunikasyon
Itinuturing nang isang grupo ang tatlo o mahigit pang bilang ng tao na nagtitipun-tipon para mag-
interaksyon sa hangaring pangkalahatan. Naiimpluwensiyahan ang grupo ng mga sumusunod: bilang,
kaisahan, kapangyarihan, mga patakaran, mga patern ng interaksyon at mga valyung kultural.

Publikong Komunikasyon
Dito nabibilang ang retorika, ang sining ng formal at epektibong pagsasalita sa gitna ng maraming
tao. Binibigyang tuon dito ang pagpapalawak ng kaalaman sa mga tagapakinig – ang kanilang kritikal na
pagpapahalaga sa pinakikinggang pagsasalita na dapat nakabase sa mga prinsipyo ng mahusay at
responsableng pagtuturo at pagbuo ng mga pagsasalita sa publiko.

Media at Bagong Teknolohiyang Komunikasyon


Dati, dyaryo, radyo, telebisyon at pelikula lamang ang namamagitan sa mga tao at mga
impormasyong publiko. Ngayon lumawak na ang larangan sa pamamagitan ng mga nagsusulputang mga
bagong imbensyong teknolohikal sa kagamitan tulad sa mga kompyuter at iba’t iba nitong aspekto.

Komunikasyong Organisasyunal
Ito ang pagkilala at pag-unawa sa mga pagkatao – pag-uugali, pagkilos, pag-iisip at pag-
iinteraksyon ng bawat miyembro ng isang organisasyon para sa ikakapanatag ng loob, ikauunlad ng mga
kakayahan tungo sa madaling promosyon o pagtaas sa pwesto at pagtatagumpay sa propesyon, ikalalago
ng kantidad ng produksyon at ikapananatili sa trabaho.

Komunikasyong Interkultural
Larangan naman itong pinag-aaralan ang mga kaugalian, paniniwala at saloobin ng iba’t ibang tao
mula sa iba’t ibang lahi sa nakuhang magsama-sama sa isang komunidad na isang pluralistikong lipunan.
ISTILO NG PANANALITA AT GAMIT NG WIKA

Masining na Ekspresyon ng mga Ideya


Batid nating lahat na ang pagsusuot ng bago’t magagarang damit ay nakakaragdag sa kagandahang
panlabas ng isang tao. Subalit tandan nating hindi lamang sa isinusuot na damit masusukat ang
kagandahan ng pagkatao kundi higit sa paraan ng pagsasalita. Hindi nga ba’t nakakaragdag ng
kagandahan ng tao ang magaganda at mamahaling mga damit? Ngunit higit na mahalaga sa pagsusuri ng
pagkatao ang paraan ng pananalita. Ang pagmumura at pagiging tsismosa ba ay nagpapakita na masama
ang taong nagsasabi nito? At ang magalang makipag-usap ba ay masasabing mabait at mabuting tao?
Isang mahalagang salik na maituturing ang kapaligiran sa kalikasan ng istilo ng pagpapahayag.
Naiimpluwensiyahan ng mga salitang sinasambit ng kapwa ang sinomang nakakarinig nito.
Sa simpleng pagbigkas ng mga salita ay maaaring maghatid ng kaalaman, makapagbigay-aliw at
makapukaw ng imahinasyon. May mga salitang mas masakit kaysa sa sampal, tadyak at suntok. May mga
salitang nagdudulot ng pagkabalisa, pagkatakot at pagkawala ng pag-asa. Kahit walang anumang pagkilos
ay magagawa nating makasakit at makasugat sa pamamagitan lamang ng paggamit ng simpleng mga
salita o pagpapahayag tulad ng: “Hindi ka na muna makakapag-aral”, “Bobo ka talaga!”, “Ang pangit
mo”, Huwag ka nang umasa na tutulungan kita”, “Puro nalang problema ang dinadala mo sa ating
pamilya” at marami pang iba.

Istilo
Iba-iba ang depinisyon ng mga manunulat sa istilo depende sa larangang kinasasangkutan. Narito
ang ilan sa mga depinisyon ng istilo:

1. Pagkakakilala sa katangian ng isang tao.


2. Paraan ng pananamit, pamumuhay at pananalita ng indibidwal.
3. Kasanayan sa pagsasaayos ng mga pangungusap sa isang talata at maging sa
isang sulatin.
4. Tumutukoy sa pagiging makabago o makaluma ng isang tao sa kahit anong bagay.
Magkakaugnay ang mga nabanggit na kahulugan ng istilo. Kinikilala ang isang tao ayon sa kanyang istilo
ng pananamit, pagkilos at maging sa pananalita. Makikilala kung ang paniniwala at kaalaman ng isang
indibidwal ay makabago o makaluma ayon sa kanyang mga paglalahad.
Kailangang magkaroon ng pleksibilidad ang isang tao sa paggamit ng wika, pasalita man o pasulat. Ito ang
kakayahang maiangkop sa uri ng tagapakinig at pagkakataon ang wikang gagamitin sa pagpapahayag.

Mga Katangian ng Istilo


1. Linaw – may kalinawan ang komunikasyon kung may pagtugon o pagsunod sa tamang organisasyon ng
paghahanay ng mga kaisipan at kaalaman.
2. Pwersa – may pwersa ang isang pahayag kung nagawa nitong manipulahin ang kabuuan ng mga mambabasa.
Hindi lamang ang isipan at damdamin kundi maging ang pananampalataya at paniniwala ng mga mambabasa ay
nagawa nitong bulabugin.
3. Kagandahan – ang kagandahan ng pahayag ay matatamo kung nagustuhan ng kausap o tagapakinig ang
mensahe at paraan ng pagpapahayag.
Ayon kay Dr. K. Sri Dhammananda ay may apat na paraan ng maling pagsasalita mula kay Buddha:
1. Pagsisinungaling – ito ay pagsasabi ng mga impormasyong hindi totoo. Maging ang tinatawag na “white lies”
ay itinuturing ding pagsisinungaling.
2. Panlilibak – ito ay panlalait o pagsasabi ng masasakit upang maliitin ang kapwa.
3. Marahas na Pananalita – ito ay ang mga magagaspang at masasakit na pananalita na hindi maganda sa
pandinig.
4. Walang katuturang pagpapahayag – pagsasabi ng mga walang halagang kataga para lamang may masabi o dili
kaya ay paulit-ulit na lang ang sinasabi.

Kaya nga ang makabubuting bago ibuka ang bibig ay siguraduhing alam na alam ang dapat sabihin, kalian,
saan, bakit, at paano ito sasabihin. “At kung wala rin lang mabuting sasabihin ay mainam na tumahimik na
lamang”, minsan ay nabanggit ng isang nakatatanda. Marahil, ito ay upang maiwasan na magkasakitan ng loob at
sa halip ay magkaroon ng maayos na ugnayan sa kapwa.

Pag-unawa sa Kahulugan ng mga Salita


Upang maging maayos ang komunikasyon ay nararapat na ayusin ang anumang suliraning lumilikha ng
hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng nagsasalita at tumatanggap ng mensahe.
Nangyayari ang hindi pagkakaunawaan sa tuwing hindi tayo sigurado sa tunay na kahulugan ng mga
salitang nababasa at naririnig. Sa pagkakataong ito ay mahalagang bigyang pansin ang dalawang kahulugan ng
mga salita.

1. Denotasyon – madalas din itong tawaging “dictionary meaning”. Ito ang literal o tunay na kahulugan ng
salita.
Halimbawa:
Ang panahon ngayon ay lubhang mahangin.
Huwag kang pumasok dahil puno ng putik ang mga paa mo.
Tinuklaw siya ng ahas kaya siya namatay.
2. Konotasyon – ito ay tumutukoy sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita o tinatawag na pahiwatig na
kahulugan.
Halimbawa:
Ang matangkad na lalaki na aking nakausap ay sobrang mahangin.
Huwag mong puputikan ang ating pangalan.
Akala ko’y kaibigan si Pedro, bakit niya ako inahas?

BATAYANG URI NG DISKORSIS


(Paraan ng Komunikasyon)

PAGSASALAYSAY
Ang pagsasalaysay ay isang paraan ng pagpapahayag na ang layunin ay magkwento. Ito ay naghahayag ng
wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na maaaring totoo o likhang-isip lamang. Itinuturing itong
pinakamatandang anyo ng pagpapahayag.
Ang kabuuan ng salaysay ay may tiyak na simula, katawan o nilalaman at may wakas. Marami ang
maaaring mapagkunan ng paksa tulad ng sariling karanasan, nabasa, napakinggan, nabalitaan, nakita, kathang
isip at iba pa.

Mga Katangian ng Mahusay na Salaysay


1. Tunggalian – ito’y tumutukoy sa tunggalian o paglalaban ng mga tauhan. Maaari rin itong suliranin na
kinakaharap ng pangunahing tauhan.
Uri ng Tunggalian

A. Tao laban sa Kalikasan

B. Tao laban sa Lipunan

C. Tao laban sa Makinarya

D. Tao laban sa Supernatural


E. Tao laban sa Sarili

F. Tao laban sa Tao

2. Kapanabikan – ito ay nalilikha bunga ng tunggalian. Walang katiyakan ang mangyayari sa


pangunahing tauhan na sinusubaybayan ng mga mambabasa. manonood o nakikinig.

3. Kasukdulan – ito’y tumutukoy sa tindi ng kapanabikan na nagbubunga ng matinding damdamin ng


pagkabahala sa mambabasa o manonood.

4. Galaw o Kilos – ito’y tumutukoy sa bilis ng pagsulong ng mga pangyayari sa salaysay. Kung ang mga
pangyayari ay nagkakaugnay sa pagkalutas ng suliranin, ito ay tinatawag na galaw.

5. Pag-uugnay ng Sarili sa Tauhan – magiging mabisa ang salaysay kung magagawa ng awtor na
maging buhay at natural ang paglalarawan at pagpapagalaw sa mga tauhan. Maging ang kakayahan ng
awtor na maiugnay ng mambabasa ang kanyang sarili sa tauhan ng salaysay.

MGA URI NG SALAYSAY


1. Salaysay ng Nagpapabatid
Salaysay ito na isinusulat upang maghatid ng kaalaman sa mga mambabasa.
A. Salaysay na Nagpapaliwanag – salaysay ito na nagpapaliwanag sa paraang nagkukwento.

B. Salaysay ng Nakaraan – salaysay ito ng mga karanasang napatangi dahil kakaiba at hindi
malilimutan.

C. Salaysay ng Pangyayari – salaysay ito ng mga pangyayari sa buhay natin sa araw-araw na maaaring
nakakatuwa, nakakalungkot, nakakaasar, nakakatakot at iba pa.
D. Salaysay ng Pakikipagsapalaran – salaysay ito na maaaring magbunga ng kapahamakan sa tauhan.
Ang mga pangyayari rito ay nakakagulat at lubhang mapanganib subalit kaakibat nito ang katagumpayan
o kasawian.
E. Salaysay na Patalambuhay – salaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao mula sa pagkasilang
hanggang sa kanyang pagpanaw. Ang mga nagawa niya na naging daan ng kanyang tagumpay o kasawian
ay malinaw na ihahayag.

F. Kathang Salaysay – kabaligtaran ito ng anekdota na kung saan nasa tauhan, tagpuan at himig ang
kawilihan ng salaysay na ito.

G. Salaysay ng Paglalakbay – salaysay ng mga pangyayari sa mga napuntahang lugar.

H. Salaysay na Pangkasaysayan – kailangang tiyak ang mga detalye ng pasalaysay na ito. Marami sa
ating kasaysayan ang maaaring piliin upang maging paksa ng salaysay na ito.

2. Masining na Salaysay
Salaysay ito na isinusulat upang makaaliw ng mambabasa. Tinatawag din itong maikling kwento.
A. Kwento ng Pag-ibig – kwento ito ng pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan.

B. Kwento ng Katatakutan – kwento ito na kakikitaan ng mga nakakatakot na mga pangyayari o


nakakatakot na mga nilalang.

C. Kwento ng Talino – sinisikap nitong pasukin ang isip ng mambabasa upang makaisip ng solusyon sa
problemang inihayag sa kwento.

D. Kwento ng Pagkakataon – mga kwentong napapanahon katulad ng Pasko, Araw ng mga Puso, Araw
ng mga Patay at Mahal na Araw.

E. Kwento ng Katatawanan – magaan ang mga pangyayari sa kwentong ito. Magdudulot ito ng labis-
labis na tuwa sa mambabasa na nakakagaan sa pakiramdam.

F. Kwento ng Kababalaghan – kwento ng mga hindi kapani-paniwalang pangyayari.

G. Kwento ng Madulang Pangyayari – kwento ito ng mga madudulang pangyayari na kinapapalooban


ng iyakan, tawanan at aksyon.

H. Kwento ng Tauhan – kwento ito ukol sa pangunahing tauhan kung paano niya mabibigyang solusyon
ang suliraning kinakaharap.

I. Kwento ng Katutubong Kulay – kwento ito ng mga pangyayari tungkol sa isang lugar at ang paraan
ng pamumuhay ng mga tao rito.

J. Kwento ng Kapaligiran – kwento ng mga pangyayari sa ating komunidad at pamahalaan.


PAGLALARAWAN
Ang paglalarawan ay paraan ng pagpapahayag na ang layunin ay ibigay ang kabuuang anyo ng
isang tao, bagay o lugar na inilalarawan. Katulad ng isang pintor, maaaring lumikha ang manunulat ng
isang larawan sa pamamagitan ng mga salitang mapaglarawan.

Uri ng Paglalarawan
1. Karaniwang Paglalarawan – ito’y uri ng paglalarawan na ayon lamang sa nakikitang pisikal na anyo
ng tao, bagay, pook, o pangyayari.

2. Masining na Paglalarawan – uri ng paglalarawan na ginagamitan ng mga idyoma at tayutay na ang


layunin ay mapukaw ang guni-guni ng mambabasa o tagapakinig.
Halimbawa:

mala-makopang kutis
kidlat sa bilis
di mahulugang karayom

PAGLALAHAD

Ang paglalahad ay paraan ng pagpapahayag na naglalayong gumawa ng isang malinaw, tiyak, at


walang kinikilingang pagpapaliwanag sa ano mang bagay sa mundo. Ito’y pagpapaliwanag sa kahulugan
ng isang salita, paraan kung paano gagawin ang isang bagay, ano ang simulain ng isang samahan at
tungkol saan ang teorya.
Sa mga aklat, peryodiko, artikulo sa magasin na ating nababasa at ensayklopedya, paglalahad ang
malimit gamiting paraan ng pagpapahayag.

Uri ng Paglalahad
1. Pagbibigay Katuturan o Kahulugan – ito ang pinakakaraniwan at pinakamadalas gamiting uri ng
paglalahad.
A. Katuturang Maanyo – ito ay may tatlong sangkap upang mabigyang kahulugan ang isang salita.
a. Pananalita – salitang bibigyang kahulugan
b. Kaurian ng bagay – ito ang kinabibilangan ng salita
c. Kaibhan – ito ang katangiang ikinaiba ng bagay sa mga kauri nito
Halimbawa:
1. Ano ang singsing?
Ang singsing (pananalita) ay isang alahas (kaurian) na isinusuot sa daliri (kaibhan).
2. Ano ang tula?
Ang tula (pananalita) ay isang akda o katha (kaurian) na karaniwang
isinusulat sa mga saknong na may sukat at tugma (kaibhan).

B. Sanaysay na Pangkatuturan – ito ay ginagamit kung higit sa katuturang maanyo ang kinakailangan upang
lubos na makilala at maunawaan ang isang salita, bagay o
kaisipang nais ipaliwanag.
Narito ang mga Paraang maaaring magamit sa ganitong uri ng Pagbibigay Katuturan:
a. Gumamit ng Halimbawa
1. Kung nais upaliwanag ang kahulugan ng pag-ibig, ibigay na halimbawa ang pag-iibigan nina Florante at
Laura, Romeo at Juliet.
2. Maaari namang ibigay na halimbawa ang nagawa ni Heneral Gregorio del Pilar sa Pasong Tirad at
pagpapakasakit ni Dr. Jose Rizal kung kabayanihan ang nais ipaliwanag.

b. Paggamit ng Paghahambing at Pagtutulad – dito’y maaaring paghambingin ang dalawang bagay upang
maging magaan ang pagbibigay kahulugan.
Ang buhay ay maaaring ihalintulad sa tubig ng dagat na minsan ay maalon at minsan ay payapa. Ang buhay
ay maalon na tulad ng dagat kung humaharap sa mga pagsubok at payapa kung ito ay maayos at maligaya.

c. Paggamit ng mga Sanhi at Pinagmulan


Kung ipapaliwanag ang kahulugan ng “balarila”, ito ay nagmula sa salitang “bala ng dila” na
nangangahulugang pag-aaral sa wastong gamit ng salita.

Higit na madaling ipaliwanag ang isang pangyayari tulad ng “lindol” kung babanggitin ang mga sanhi nito.

d. Gumamit ng Bunga at Kinalabasan


May mga salitang madaling maunawaan sa pamamagitan ng pagbanggit sa bunga at kinalabasan nito. Ang
salitang “demokrasya” ay maaaring bigyang kahulugan kung babanggitin ang kinalabasan nito sa mga
mamamayang namumuhay sa ilalim nito. Masasabing may “demokrasya” kung pantay-pantay ang lahat ng mga
mamamayan sa harap ng batas, kung may kalayaan sa pamamahayag, relihiyon at iba pang karapatan ng mga
mamamayan.

e. Paggamit ng Paglalarawan
Bukod sa kakayahang ibigay ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng kaibhan nito sa kanyang
kauri, babanggitin din ang iba pang katangian ng bagay na binibigyang katuturan.
Ang singsing na uri ng alahas na isinusuot sa daliri ay yari sa ginto at may ilang bato ng diyamante.
(Sanaysay na Pangkatuturan)

2. Pagsunod sa Panuto – ito ay isang uri ng paglalahad na nagbibigay patnubay o gabay sa paraang tiyak, malinaw
at madaling maunawaan. Angkop itong gamitin sa pagpapaliwanag sa paggawa ng isang bagay, pagluluto ng isang
putahe, pagbibigay ng panuto sa pagsusulit at pagpunta sa lugar na hindi pa alam.
Mga Halimbawa:
a. Paggawa ng Sulatin sa Pananaliksik. (Sundin ang mga hakbang sa pagsulat ng Sulatin ng Pananaliksik)
b. Panuto sa Pagsusulit

c. Hakbang sa Pagluluto

d. Pagsunod sa Direksyon

3. Suring Basa (Book Review) – ito’y isang maikling palagay, komento o kuru-kuro ng manunulat tungkol sa isang
aklat na pinupuna. Magagawa lamang ito kung nauunawaan ang binasang aklat. Maaaring ihambing ang pinunang
aklat sa mga aklat na nabasa na.

4. Editoryal o Pangulong Tudling – ito ang paglalahad ng patnugot ng pahayagan ng kanyang kuru-kuro, palagay
at damdamin tungkol sa isang paksa. Ang paksa ay maaaring pampulitika, panlipunan, panrelihiyon, pampamilya,
pang-edukasyon, pang-industriya, pansining at iba pang mahalaga at napapanahong paksa.

Mga Uri Editoryal

a. Nagpapabatid – nililinaw at ipinapaliwanag


nito ang isang isyu.

b. Umaamuki – tinatawagan nito ang suporta ng


mambabasa para sa isang programa, balak, o
kilos.

c. Nagpapahalaga – ito ay pumupuri o


nagpapahalaga sa isang tao, gawain,
o institusyon.
d. Nangangatwiran – pumapanig ito sa isang
mukha ng isyu at pinaninindigan iyon sa
pamamagitan ng lohikal na pangangatwiran.

e. Komentaryo – ipinapaliwanag nito ang


kahulugan ng isang balita kaugnay ng iba
pang mga balita

f. Pamumuna – pinag-aaralan nito ang


kamalian sa pangyayari o kalagayan,
nagmumungkahi ng solusyon at kadalasa’y
nagwawakas sa pagtatanong ng nararapat
na gawin.

g. Nagbabalita – buod ito ng mga pangyayari


ukol sa isang paksa. Nagsasaad ng opinyon
ng editor na maaaring hayagan o pahiwatig.

h. Nanlilibang – nagmumungkahi ito ng isang


bagay habang nang-aaliw sa mga
mambabasa.

i. Sumasalungat – sinasalungat nito ang


opinyon na inihayag ng ibang peryodiko.

Mga Gabay sa Pagsulat ng Editoryal


a. Gawing maikli, payak, at tuwiran ang pagsulat ng editoryal.
b. Sikaping maging matapat sa pagpapahayag.
c. Maging malinaw sa pagpapaliwanag.
d. Hangga’t maaari ay maglahad ng mga katunayan at hindi puro opinyon
lamang.
5. Balita – ito ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa sa mga nakalipas na oras at araw o sa
kasalukuyang panahon.

Mga Paalala sa Pagsulat ng Balita


a. Pagkakuha ng mga tala ay isulat agad ang balita
b. Bigyang halaga ang mahahalagang punto
c. Maging tiyak sa mga pangalan, petsa, lugar at mga pangyayari
d. Iwasan ang pagbibigay ng kuru-kuro
e. Banggitin ang awtoridad o kinauukulang pinagkunan ng impormasyon tungkol sa balita
f. Ilahad ng pantay at patas ang mga pangyayari
g. Isulat ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunud-sunod.
Mga Uri ng Balita
1. Pampulitika 2. Pang-edukasyon

3. Panrelihiyon 4. Pang-agham

5. Pampalakasan / Isports 6. Panteknolohiya


7. Pang-artista 8. Pangkultura

9. Pang – ekonomiya 10. Panlibangan

11. Panlipunan

6. Sanaysay – ito ay uri ng paglalahad na nagpapahayag ng sariling palagay, reaksyon, paniniwala at


opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang “sanaysay” ay
nagmula sa pariralang “sanay sa salaysay” sapagkat inihahayag ng may-akda ang kanyang sariling
karanasan o pananaw tungkol sa paksa. Ang lahat ng bagay sa paligid ay maaaring maging paksa ng
sanaysay. Ito ay dapat na kayang unawain ng damdamin at kayang ipaliwanag ng isip.

Uri ng Sanaysay
1. Maanyo o Pormal na Sanaysay
Ang paglalahad dito ay maayos, mabisa at maingat. Pinipiling mabuti ang mga pananalitang
ginagamit sa Pormal na Sanaysay. Ang paksa nito ay pinag-uukulan ng masusing pag-aaral at pagsusuri.
Layunin nitong magpaliwanag at magturo para sa kagalingang-isip ng mambabasa.

2. Malaya o Di-Pormal
Uri ng sanaysay na may pagkamalapit sa mambabasa sapagkat karaniwan nang ang himig ay
parang nakikipag-usap lamang. Tinatawag itong personal na sanaysay. Salitang karaniwan o pang-araw-
araw ang ginagamit dito kaya mas madaling unawain.

7. Balangkas – ito ay nagsisilbing patnubay ng isang manunulat. Tinatawag itong “kalansay ng anumang
akda” o “sanaysay sa isang sulyap”. Kapag nakita ang isang balangkas ng sulatin ay mahihinuha kung
tungkol saan ang akda at ang nilalaman nito.
Mga Uri ng Balangkas
1. Balangkas na Pa-paksa – dito’y sapat nang isang salita o parirala ang ginagamit sa paggawa ng
balangkas.
2. Balangkas na Pa-pangungusap – ipinahahayag ang mga kaisipan sa buong pangungusap. Ginagamit
dito ang mahahalagang kaisipan at inaayos ayon sa kinalalagyan sa akda.
3. Balangkas sa Talataan – katulad din ito ng balangkas sa pangungusap, dito’y halos buong talata na
ang ginagamit sa gagawing balangkas.

PANGANGATWIRAN
Ang pangangatwiran ay paraan ng komunikasyon na ginagamitan ng lohika upang
makaimpluwensiya o makahikayat. Nagmamatuwid tayo upang mapaniwala natin ang iba sa katotohanan
ng ating pananalig at kaalaman. Dito’y nararapat na maging kapani-paniwala ang ating katwiran.
Mahalaga sa pagmamatuwid ang pagkakaroon ng katibayan o ebidensya na siyang magpapatunay
ng katotohanan.

Uri ng Pangangatwiran
1. Pangangatwirang Pabuod (Inductive Reasoning)
Nagsisimula ito sa isang maliit na halimbawa o katotohanan at nagwawakas sa isang panlahat na
simulain.
A. Pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi (Paugnay) – ito ay isang pahayag na ang isang pangyayari
ay bunga ng isang pangyayari.
Halimbawa:
a. Ang pagmamatuwid na kaya napabayaan ang mga anak ay dahil iresponsable ang kanilang
ama.
b. Naging matagumpay si Leah sapagkat nagsikap siya sa buhay.

B. Paggamit ng Pagtutulad (Patulad) – inilalahad dito ang magkaparehong katangian ng


dalawang tao, bagay, lugar at pangyayari.

Halimbawa:
a. Ang pagmamatuwid na si Bb. Mila ay mahusay na guro sapagkat ang kanyang ina ay isa ring
mahusay na guro.
b. Ang pagmamatuwid na si Joseph ay guwapo ay dahil guwapo rin ang kanyang ama noong
kabataan niya.

C. Paggamit ng katibayan (Patibay) – ito’y naglalahad ng mga katibayan at patunay tungkol sa


isang tao, bagay o pangyayari. Kailangang sapat ang mga katibayang babanggitin.
Halimbawa:
a. Nangodigo siJayman. Hindi siya mapakali habang nagsusulit. Sulat kamay niya ang kodigong
nakita sa ilalim ng silyang kanyang inuupuan. May mga nakakita kay Jayman na binuksan niya ang
kodigo bago itinapon.

2. Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)


Ang ganitong uri ng pangangatwiran ay tinatawag ding “silohismo” na kung saan ang isang
katotohanan ay iniuugnay sa isang tiyak na pangyayari. Ang silohismo ay binubuo ng: PB – pangunahing
batayan, Pb – pangalawang batayan, K – konklusyon

Uri ng Silohismo
1. Tiyakang Silohismo – binubuo ito ng tiyakang proposisyon.
Huwaran: PB – Ang lahat ng A ay B.
Pb – Ang K ay A.
K – Ang K ay B.
Halimbawa:
PB – Ang mga kahoy ay nasusunog.
Pb – Ang Narra ay puno.
K – Ang Narra ay nasusunog

2. Silohismong Kondisyunal – ang silohismong ito ay nahaharap sa isang kondisyon at hinuhulaan ang
mangyayari kung sakaling ang kondisyon ay matutupad.
Huwaran: PB – Kung A, matutupad ang B.
Pb – Ang A.
K – Matutupad ang B.
Halimbawa:
PB – Kung mag-aaral siyang mabuti, ibibili siya ng kompyuter.
Pb – Mag-aaral siyang mabuti
K – Ibibili siya ng kompyuter

3. Silohismong May Pamimilian – sa silohismong ito, may pamimilian sa punong batayan. Sa


pangalawang batayan ay isang proposisyong tiyakan na nagpapatunay o nagpapabulaan sa isa sa
dalawang pamimilian.
Halimbawa: PB – Alin sa dalawa, siya ay masipag siya ay tamad
Pb – Siya ay masipag
K – Siya ay hindi tamad
(patunayan na siya ay masipag)
PB – Alin sa dalawa, siya ay masipag o siya ay tamad
Pb – Siya ay hindi masipag
K – Siya ay tamad
(patunayan na siya ay tamad)

4. Silohismong Entimeme – tinatawag itong pinaikling silohismo.


Halimbawa: PB – Ang lahat ng aso ay tumatahol
Pb – Si Bantay ay aso.
K – Si Bantay ay tumatahol
(Kahit alin sa mga bahagi ang aalisin ay mahihinuha pa rin ang bahaging nawawala)

PB – Ang lahat ng aso ay tumatahol


Pb – Si Bantay ay aso.
(Inalis ang konkulsyon)

PB – Ang lahat ng aso ay tumatahol


K – Si Bantay ay tumatahol
(Inalis ang Pangalawang Batayan)

Pb – Si Bantay ay aso.
K – Si Bantay ay tumatahol
(Inalis ang pangunahing batayan)
Talumpati
Ang pagtatalumpati ay sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit at makahikayat
sa mga nakikinig. Ang kasanayan sa pagtatalumpati ay nakatutulong sa isang indibidwal na matutong
tumayo at humarap sa madla. Makapagbibigay sa kanya ng lakas ng loob ang mga kaalaman sa wastong
paraan ng pagbigkas.

Mga Paraan ng Pagbigkas ng Talumpati


1. Pagbasa sa Isinulat na Talumpati – kailangang nabasa na ng ilang ulit ang isinulat na talumpati
upang maging madulas na ang pagbasa at sa gayo’y mabigyan diin ang mahahalagang punto. Habang
bumibigkas ay malimit na tumingin sa madla upang maipalagay nilang sila ang kinakausap.

2. Pagbigkas sa Isinaulong Talumpati – ito ang ginagawa ng mga mag-aaral na sumasali sa timpalak ng
pagbigkas ng talumpati. Isinaulo nila ang lahat ng mga salitang nakapaloob sa talumpati. Subalit ang mga
bihasa na ay isinaulo lamang ang buod ng talumpati.

3. Pagbigkas Mula sa Balangkas ng Talumpati – ginagawang patnubay ng mananalumpati ang isang


balangkas upang hindi maligaw sa punto ng pagpapahayag. Ito ang sinsasabing pinakamahusay na paraan
ng pagbigkas ng talumpati sapagkat maaaring baguhin ng tagapagsalita ang pahayag kung hinihingi ng
pagkakataon.

4. Pagtatalumpati ng Walang Paghahanda – pagtatalumpati ito na batay lamang sa mga nabasa,


sariling kaalaman at karanasan ng mananalumpati. Iuugnay na lamang sa uri ng pagtitipon ang mga
katagang bibitawan.

Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati


1. Pagpili ng Paksa
2. Maging malinaw ang layunin sa Pagsulat
3. Alamin kung sino ang magiging tagapakinig – kung bata, kabataan, nakatatanda, may pinag-aralan o
wala.
4. Alamin ang limitasyon ng panahong ibinigay sa iyo upang magtalumpati. Kung mahabang oras o
maikli ba ang iyong gugugulin sa pagsasalita nang sa ganoon ay alam ang haba o ikli ng ihahandang
talumpati.
5. Alamin ang magiging istilo sa pagtatalumpati. Ikaw lamang ba ang magsasalita o kukuhanin mo ang
pakikibahagi ng tagapakinig?

Dapat Asalin sa Entablado


1. Tindig. Tumindig nang maginhawa. Maging anyong kagalang-galang at maginoo sa pagtayo sa harap
ng maraming tao. Dapat tuwid ang katawan sa paglalakad sa entablado ngunit huwag namang tindig
militar na animo’y makikipaglaban. Iwasang idukot ang mga kamay sa bulsa at mamamaywang na tila
lilipad na ibon.
2. Galaw - ito ang panawag pansin sa mga nakikinig nang sa gayon ay mapigil ang kanilang antok.
Nakatutulong ito sa paghahatid ng kaisipan sa mga tagapakinig.

3. Kumpas – ito ang galaw ng kamay na ang layunin ay maihatid ang isang kaisipan sa mga nakikinig.
May kumpas na kinaugalian at may kumpas na mapaglarawan.
4. Tinig – kailangan sa pagtatalumpati ang wastong paggamit ng tinig. Kailangang sapat ito upang
marinig ng lahat ang mga sasabihin. Bigyang diin ang mahahalagang kaisipan sa pamamagitan ng
pagbigkas nang may kabagalan. Ang katangian ng tinig na maaaring pag-iba-ibahin ay ang mga
sumusunod: diin, tulin, taas o baba ng tinig at ang uri ng tinig.

MGA KOMPOSISYONG PERSONAL


Ang mga komposisyon at akdang personal ay mga impormasyon at pangyayari sa isang tao na
siya mismo ang kumatha. Kabilang sa mga ito ang talaarawan, autobayograpi at dyornal.

TALAARAWAN
Para sa marami ay kasiya-siya ang pagsulat ng talaarawan. Ito ang mga pangyayari sa araw-araw
na pamumuhay ng isang tao.
Bakit pinipili ng iba na magkaroon ng talaarawan?
1. Nakatutuwang balikan ang mga nakalipas na pangyayari, maging ito ay masasayang sandal, malungkot
o problem ana ating naranasan sa ating buhay.
2. May mga sikretong hindi maaaring ibahagi sa iba.
3. Ito ang nagsisilbing pinakamatalik na kaibigan na tila nakikinig lamang at kailanman ay hindi maaaring
magalit.

AUTOBAYOGRAPI
Tala sa buhay ng isang tao na siya mismo ang nagsulat. Nakasaad dito ang lahat ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya, tulad ng buong pangalan, kapanganakan, tirahan, mga
magulang, mga kapatid, mga pag-aaral at pilosopiya sa buhay.

DYORNAL
Tala rin ito ng mga pangyayari tungkol sa isang tao subalit hindi isinusulat araw-araw. Ito ay
yaong mahahalaga lamang at hindi pangkaraniwan.

KRITIKAL NA PAGBASA SA MGA MODELONG AKDA


Ang Pagbasa ay interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Maraming mga dahilan kung bakit nagbabasa ang isang tao. May mga nagbabasa upang matuto, upang
hindi mapag-iwanan ng panahon, upang maaliw o malibang.
May iba-iba tayo ng pakahulugan sa mga nababasa sapagkat may kanya-kanya tayong
paniniwala, pananampalataya at mentalidad. Mahalaga lamang na kunin ang mensahe na maaaring
makatulong sa ating araw-araw na pakikibaka sa buhay.

Tula
Ang pagsulat ng tula ay isang paraan ng pagpapahayag ng kaalaman at damdamin ng may-akda
sa masining na paraan. Dito’y sadyang gumagalaw ang imahinasyon ng manunulat. Maaaring maging
paksa ng kanyang tula ang mga tunay na karanasan o dili kaya’y mga pangyayari sa paligid na sadyang
kapansin-pansin.

Marami sa ating mga bayani tulad ni Dr. Jose P.Rizal ang nakasulat na ng maraming tula na
pumapaksa sa labis na pagmamahal sa bayan at mga kababayan. Isinusulat ang tula sa mga saknong na
binubuo ng mga taludtod. Kadalasan ay may sukat at tugma ang mga naisusulat na tula. Ang sukat ay ang
bilang ng pantig sa bawat taludtod at ang tugma ay ang pagkakapareho ng bigkas sa huling pantig ng
bawat taludtod. May mga tula ring naisulat nang tuluyan, walang sukat at walang tugma. Ito ang mga
tulang may malayang taludturan.

Maikling Kwento

Ang pagsulat ng maikling kwento ay inihahambing sa pagpapatayo ng isang bahay na kung saan
iuuna muna ang paggawa ng pundasyon, saka isusunod ang balangkas at ang mga mahahalagang bahagi
ng ginagawang bahay. Sa pagsulat ng maikling kwento, ang itinuturing na pundasyon ay ang paksa.

Kadalasan sa mga maikling kwento, ang paksa ay ukol sa isang mahalagang suliranin ng
pangunahing tauhan at kung paano niya ito malulutas. Ang bawat pangyayari ay nagpapakita ng mga
hakbangin ng pangunahin tauhan sa paglutas ng kanyang suliranin. Habang nahihirapan ang tauhan sa
kinakaharap na suliranin ay tila tumataas ang lebel ng pananabik ng mga mambabasa kung paano niya ito
malulutas o kung ano ang kalalabasan ng kwento sa wakas na bahagi.

PAGSULAT

Ang pagsulat ay pagtatala ng mga ideya at kaisipang ninanais ibahagi sa kapwa. Proseso ito ng
pagpapahayag ng iniisip at nadarama ng tao sa pamamagitan ng mga tunog ng salita. Ito ay itinuturing na
isa sa pinakadakilang imbensyon ng tao na hindi madaling gawain.
Karugtong ang pagsulat ng wika at mga karanasang natutuhan ng isang tao sa kanyang pakikinig,
pagbabasa, pagsasalita at pagmamasid, ayon kay Buchingham at Peck.
Natututunan ba ang pagsulat? Napag-aaralan bai to? Maaaring matutunan at mapag-aralan ang
pagsusulat. Kailangan lamang dito ang pagbibigay tuon at interes ng isip at damdamin sa gawaing
pagsulat. Kaya kahit marami ang nagnanais makapagsulat ay hindi ito basta-basta naisasagawa dahil ito
ay gawaing hindi biro.

Bakit sumusulat ang isang tao?


1. Para maipahayag, dahil kailangan
2. Ito ang hilig
3. ang naiisip at nadarama
4. Ito ang propesyon.

Mga Hakbang sa Pagsulat:


1. Bago Sumulat
May mga bagay na dapat tandan sa paghahanda sa pagsulat:
a. Alamin ang paksa
b. Maging malinaw sa mga layunin
c. Pagsasaalang-alang ng mga mambabasa – kung bata, kabataan, matanda,
may pinag-aralan o wala.
d. Kailangang magplano sa porma ng sulatin – gumawa muna ng balangkas.

2. Habang Sumusulat
Magiging mabilis at tuloy-tuloy ang pagsulat kung may gabay ng balangkas. Tuwirang isulat ang
mga ideya at huwag munang isipin ang mga kamaliang maaaring magawa sapagkat may panahon para sa
pagrerebisa ng mga naisulat na kamalian sa gramatika, sa tamang baybay at iba.

May mga manunulat na tatapusin muna ang panimula bago isulat ang nilalaman. Subalit kung
may kahirapan sa pagsulat ng panimula ay maaaring unahin ang katawan. Sa ganito’y magiging mabilis
ang daloy ng mga kaisipan at ideya. Nangangahulugan lamang na maaring unahing isulat ang sa tingin ng
manunulat ay madali.

3. Pagkatapos Sumulat

Pagkatapos maisulat ang buong teksto ay maaari nang isagawa ang pagwawasto. Pansinin ang
maling baybay ng mga salita at itama iyon. Itama na rin ang mga mali sa gramatika, maling bantas at ang
pagtatalata.

Maaari ring bawasan ang mga labis na salita na hindi na angkop o walang kinalaman sa paksang
diwa. At kung may nakaligtaang kaisipan ay maaari naman itong idagdag.

Pagkikritik sa Akda / Sulatin


1. Bilang Manunulat. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga katanungang maaaring makatulong sa
pagkikritik ng manunulat sa kanyang akda.

a. Isinaalang-alang ba ang interes ng mambabasa?


b. Naunawaan ba ng mag mambabasa ang ginamit na pananalita?
c. May kaisahan ba ang mga kaisipang nilahad?
d. May magandang tugon ba ang mga mambabasa?
e. Naging kapani-paniwala ba ang paglalahad?
f. Naantig ba ang kanilang damdamin sa akdang nabasa?
g. Malinaw bang naihayag ang mga mensahe?

2. Bilang Mambabasa.

a. Akma ba ang mga pananalitang ginamit?


b. Napukaw ba ng akda ang aking interes?
c. Naaliw baa ko sa akda?
d. May natutuhan baa ko at nakuhang bagong impormasyon?
e. Naantig ba ng akda ang aking damdamin?

Bantas at Pagbabantas
Ang mga bantas ay mga pananda sa pagpapahayag na pasulat.
Pansinin ang mga pangungusap:
Nag-asawa na siya.
Nag-asawa na siya?
Nag-asawa na siya!
Sa pagsulat ay mahalaga ang paggamit ng tamang bantas. Ano ang napansin sa iba’t ibang bantas na
ginamit sa pahayag?
Narito ang ilan sa malimit na ginagamit na bantas:
1. Tuldok (.)
a. Ginagamit sa pangungusap na paturol at pautos.
Halimbawa: Pupunta kami sa Baguio bukas.
Kunin mo ang natitirang tinapay.

b. Ginagamit sa inisyal ng pangalan ng tao, lugar o tanggapan.


Halimbawa: G.M.A. L.T.O.

c. Ginagamit na pananda sa dinaglat na salita.


Halimbawa: Bb. Rosales Peb. 14, 2018

d. Ginagamit na pananda sa mga bilang at letra sa paggawa at balangkas.


Halimbawa: 1.
2.
a.
b.

2. Tandang Pananong (?)


a. Ginagamit na panapos sa pangungusap na nagtatanong.
Halimbawa: Saan kayo pupunta?

b. Kung nag-aalinlangan sa pahayag ay nasa loob ito ng panaklong.


Halimbawa: Nakapag-aral na siya (?)

3. Tandang Pandamdam (!)


a. Panapos sa pangungusap na padamdam.
Halimbawa: Aba! Sunog!

4. Kuwit (,)
a. Ginagamit na panghiwalay sa sunud-sunod na mga salita o magkakasamang-diwa.
Halimbawa: Bumili ka ng bigas, tinapay at isda sa palengke.

b. Inihiwalang ng kuwit ang “oo” at “hindi” sa iba pang bahagi ng pahayag.


Halimbawa: Oo, aalis kami.
Hindi, kailangan ko lang talaga iyon.
c. Panghiwalay sa pangalan ng taong kinakausap.
Halimbawa: Vin, pakialis mo ang nakaharang sa daanan.

d. Panghiwalay sa sugnay na di-makapag-iisa kung nauuna sa pahayag.


Halimbawa: Nang siya ay dumating, umulan ng malakas.

e. Panghiwalay sa tuwirang pahayag at di-tuwirang pahayag.


Halimbawa: “Tumakas kaninang madaling-araw,” wika ng isa sa mga pulis.

f. Panghiwalay sa mga pang-abay na malapangatnig.


Halimbawa: Bunga nito, naging maayos ang lahat.
Samakatuwid, itutuloy natin ang ating nasimulan.

g. Inihiwalay ang pamuno sa pangungusap.


Halimbawa: Si Bantay, ang aming aso, ay nasagasaan.

h. Inihiwalay ang bilang ng araw sa bilang ng taon sa petsa.


Halimbawa: Nobyembre 20, 2020

5. Tutuldok (:)
a. Ginagamit sa bating panimula ng liham pangangalakal.
Halimbawa: G. Ramos:

b. Paghiwalay sa tala ng mga bagay na sunud-sunod.


Halimbawa: Ang mga uri ng pagbasa ay ang mga sumusunod: Masaklaw, Mabilis, Malakas, at
Tahimik na Pagbasa

c. Ginagamit sa pagsulat ng oras


Halimbawa: 7:40

6. Tuldok-kuwit (;)
a. Ginagamit na pamalit sa pangatnig.
Halimbawa: Nagluto si Nanay; (habang) naglalaba si ate.

b. Paghiwalay ito ng magkakasamang sangkap na ginagamitan ng kuwit sa paghihiwalay ng mga


sangkap na panloob.
Halimbawa: Kami ay pumunta sa Lubao, Pampanga; Iba, Zambales; Capaz, Tarlac; at Malolos,
Bulacan upang mangampanya.

7. Gitling (-)
a. Ginagamit sa salitang nagsisimula sa patinig at nilagyan ng unlapi.
Halimbawa: nag-asawa nag-ayos nag-ugat

b. Kung nagdurugtong ang dalawang bahagi ng tambalang salita.


Halimbawa: sukang-sasa basag-ulo

c. Kung inuulit ang salitang-ugat o ang bahagi nito.


Halimbawa: gabi-gabi palakad-lakad

d. Ginagamit sa salitang hiram na inunalapian.


Halimbawa: i-cancel mag-jacket

e. Kung nilalagyan ng panlapi ang pangngalang pantangi.


Halimbawa: taga-Lubao ala-Hudas

f. Kung ginagamit pa rin ng nag-asawang babae ang kanyang apelyido sa pagkadalaga.


Halimbawa: Lucy Torres – Gomez
8. Panipi (“ ”)
a, Pinapaloob dito ang tuwirang sinabi ng nagsasalita.
Halimbawa: “Matatapos din iyan,” wika ni Gina.

b. Ginagamitan ng panipi ang hiram na salita na ginamit sa pangungusap.


Halimbawa: Uminom siya ng maraming “beer” kaya nalasing siya nang husto.

9. Kudlit (‘)
a. Ginagamit ito sa nawawalang letra o mga letra sa mga salita.
Halimbawa: aso’t pusa ama’t ina ako’y

PAGSULAT NG MGA KONTEMPORARYONG SULATIN

Katulad ng naipaliwanag na, hindi madali ang gawaing pagsulat. Kailangan dito ang kaalaman sa
paksa, kasanayan sa iba’t ibang istilo ng sulatin at pokus sa kabuuang nilalaman ng akda.

Salaysay
Naghahayag ito ng mga pangyayaring may wastong pagkakasunod-sunod. Ito ay kinagigiliwang
gawain ng mga mag-aaral sapagkat anumang oras at kahit saan man ay hindi sila nauubusan ng salaysay.
Ito ang itinuturing na pinakamatandang uri ng pagpapahayag.

Anekdota
Maikling salaysay ito ng mga karaniwang paglalarawan ng panlahat na katotohanan at
natatanging katangian ng isang indibidwal. Maaari itong nakatutuwang pangyayari na naranasan ng isang
tao at tiyak na kapupulutan ng aral.

Awit
Ang pagsulat sa mga liriko ng awit ay nagmumula sa kung ano ang nararamdaman ng manunulat.
Maaaring masaya o malungkot na damdamin, suliraning kinakaharap, karanasan sa buhay at inspirasyon.
Kaya masasabing ang mga awitin ay bahagi na ng ating buhay.

Kahit sino ay maaaring kumatha ng sarili niyang awitin sa sarili niyang himig. Subalit
napapanahon din ang mga awit na may orihinal na liriko subalit ang tono ay kahawig ng mga kilala nating
mga awitin. Tunghayan ang halimbawang likhang awit ng may-akda:
MAG-AARAL
(Himig ng Pusong Bato)

I
Nang ako’y pumasok na
Sa paaralang may puso
Online, module ang pipiliin
Ang pinili ko ay online

II
IIwasan nang mahuli
At hindi na muna mag-e-ML
Kailangan na munang mag-aral
Kase naman, sayang learnings

KORO
Di ko alam kung ano talaga uunahin
May project at talumpati pa na nakabinbin
Kung ako’y mag-aaral ng mabuti
Sana’y maipasang lahat ito,
Upang sulit ang lahat ng pagod ko.

You might also like