Professional Documents
Culture Documents
I. WIKA at BALARILA
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q,
R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay binubuo
ng dalawang kakayahan:
• Kakayahang Linggwistika o linguistic
competence-kakayahang -makabuo ng
mga pahayag o pangungusap na may
wastong kayariang pambalarila
• Kakayahang Komunikatibo-
communicative competence-
kakayahang maunawaan at magamit ang
mga pangungusap na may wastong
pambalarilang kayarian sa angkop na
panlipunang kapalagiran ayon sa hinihingi
ng sitwasyon
4 na lawak sa pag-aaral ng wika:
Ponolohiya-patern o kumbinasyon ng mga tunog sa
loob ng isang wika
• Ponema - pinakamaliit na yunit ng ponolohiya.
• Ponemang segmental-ito ang mga tunog na ginagamitan
ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at
mabigkas.
• Katinig -ipinapakita ang mga ponemang ito batay sa
paraan at punto ng artikulasyon
• Patinig -a,e,i,o,u (allophone)
• Diptonggo -a,e,i,o,u + isang malapatinig - hal:bahay,
reyna, baliw, tuloy
• Kambal katinig/klaster -magkasunod na tunog katinig-
hal. bruha, droga, globo
• Ponemang Suprasegmental- karaniwang hindi
tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat kundi sa
mga simbolo lamang upang matukoy ang
paraan ng pagbigkas.
– Tono (pitch) - taas-baba ng bigkas ng pantig ng
isang salita
– Haba-(length)- haba ng bigkas sa patinig ng pantig
/luha
– Diin(stress)- lakas o hina ng bigkas ng pantig
– Antala (juncture)- bahagyang pagtigil na ginagawa
sa pagsasalita
• Alpabetong Filipino-may 28 letra; tulad din
ng tawag sa Inglesnang tawag sa bawat
letra, maliban sa ñ na bigkas kastila
• Silabikasyon-paghahati ng pantig sa
wikang Filipino; mga halimbawang pattern
ng silabikasyon sa wikang ito:
• PKK -eks-tra
• KPKK -is-kawt
• KKPK -trak
• KKPKK -mag-drayb
• MORPOLOHIYA- may kinalaman sa
pagbubuo ng salita.Paggamit ng: salitang ugat-
sariwa ; paglalapi- napaka-sariwa; pag-uulit-
maganda-ganda; pagtatambal- silid-aklatan
• Pagbabagong morpoponemiko-
• Asimilasyon - pang+bansa=pambansa
• Pagpapalit -ano+ano = anu-ano
• Paglilipat - y + in+akap = yinakap =niyakap
• Pagkakaltas -bili+han=bilihan=bilhan
• Pagdaragdag -paaalala+han =paalalahan;
paalalahan +an = paalalahanan
• Pag-Aangkop =hintay +ka = teka
3.SINTAKS - pagbubuo at pagpapahaba
ng pangungusap - panaguri at paksa
Hal. Kumakanta si Christian Bautista.
Si Christian Bautista ay kumakanta.
• 4.SEMANTIKA - may kinalaman sa interpretasyon
ng mga kahulugan ng mga salita at pangungusap.
• Denotasyon at Konotasyon, sinonim, antonim, polisemi,
homofon, parapreys
• Halimbawa: PASKO
• Denotasyon-ika-25 para sa mga Kristiyano, araw ng
kapanganakan ni Kristo.
• Konotasyon- panahon ng pagbibigay ng mga regalo,
papunta ng mga inaanak sa ninong at ninang, karoling
ng mga bata, pagkain ng bibingka at puto-bungbong
• Polisemi- mga salitang may dalawa o higit pang
kahulugan na magka-ugnay Mataas ang marka ng anak
ko sa Ingles.
• Halimbawa: Nag-iwan ng marka ang kanyang kagat sa
braso ng bata.
• Parapreys- mga magkakaparehong kahulugan ng mga
pangungusap.
• Halimbawa: Naglalaro ang mga bata ng basketbol.
• Nagbabasketbol ang mga bata.
• Kumakanta ang koro ng mga lumang kanta.
PAMBALARILANG KAYARIAN
(GRAMMATICAL STRUCTURES)
Bahagi ng Pananalita
• 1. Pangngalan-ngalan ng tao, bagay,
lugar o pangyayari.
• * maaaring tumutukoy sa anumang
salitang maaaring isunod sa:
ang/si/ng/ni,sa kay; anyong
maramihan nito: ang mga, sina, ng
mga, nina, sa mga, kina
Bahagi ng Pananalita
• Kaukulan ng Pangngalan:
• PALAGYO – ginamit ang pangngalan bilang simuno, pamuno sa
simuno, o pamuno sa kaganapang pansimuno
• Hal: 1. Si Bonifacio ay dakilang Filipino. (Simuno)
• 2. Si Bonifacio, ang bayani, ay dakilang Filipino. (Pamuno sa
Simuno)
• 3. Si Bonifacio ay dakilang Filipino. (Kaganapang Pansimuno)
• 4. Czarina, alagaan mo si Cecille. (Pangngalang Pantawag)
• 5. Ang dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko. (Pamuno sa
Kaganapang Pansimuno)
• Simuno/Paksa
– pangngalang pinag-uusapan sa pangngusap
Hal: Ang mga katutubo ay humingi ng paumanhin.
• Kaganapang Pangsimuno
– pangngalang sumusunod sa panandang AY.
Hal: Ang saging ay masustansyang pagkain.
• Pamuno
– Ang simuno at isa pang pangngalang nasa paksa ay iisa
lamang
Hal: Si Mang Nardo, isang magsasaka, ay nagtatanim ng palay.
Gamit ng Pangngalan
• Pantawag
– pangngalang tintawag sa pangungusap
Hal: Kaibigan, huwag mong iwan ang iyong bag sa lamesa.
• Tuwirang Layon
– pangngalang pagkatapos ng pandiwa at sumasagot sa
tanong na ano
Hal: Nag-ihaw ng isda ang maybahay.
• Layon ng Pang-ukol
– pangngalang pinaglalaanan ng kilos
Hal: Ipinagkaloob sa mga katutubo ang gintong butil.
Panghalip
Kayarian ng Pang-uri
• payak - babaeng dakila, kalyens sira
• maylapi - patagilid na lakad
• inuulit - (ang) puti-puti, mapulang-mapula
tambalan - taos puso- kapit tuko
Kailanan ng Pang-uri
• isahan - maganda
• dalawahan - kapwa mabait, magkamukha
• maramihan -magaganda, maraming magaling
Pang-uri
Uri ng Pang-uri
1. Panlarawan - nagsasabi tungkol sa anyo, laki, lasa,
amoy, hugis at iba pang katangian ng pangngalan at
panghalip
Hal: Makukulay ang mga pagdiriwang sa Pilipinas.
2. Pamilang - nagsasabi ng dami o bilang ng
pangngalan o panghalip
Hal: Sila ay dalawang tauhan sa Santa Cruzan.
3. Pantangi- may anyong pangngalang pantangi and
pang-uri
Hal: Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang sapatos Marikina.
4. Paari - mga salitang paari na tumuturing sa
pangngalan
Hal: Ang mga pagdiriwang ay bahagi ng ating kultura.
Tatlong Kaantasan ng Pang-Uri
• Gamit ng NANG
• 1. Ginagamit na pangatnig sa hugnayang pangungusap bilang
panimula ng katulong na sugnay o sugnay na di makapag-iisa
• Hal: Nang siya’y umalis, ako’y natutulog pa.
• 2. Ginagamit bilang pang-abay na nanggaling sa Na na inangkupan
ng Ng kayat nagiging nang.
• Hal. Nagsalita nang malumanay ang guro sa Filipino
MAY AT MAYROON
• Gamit ng MAY
• 1. Ginagamit ang MAY kung ang kasunod na salita ay:
• Pangngalan: May taong masipag
• pandiwa: May aalis na marino mamayang gabi.
• Pang-uri: May lumang bahay na nasunog.
• Panghalip na Paari: May kanya-kanya tayong gawi
• Pantukoy na MGA: May mga magagarang damit ang bagong
dating mula sa Italya
• Pang-ukol na SA: May sa palos ang taong iyan.
• Gamit ng MAYROON
• 1. Sinusundan ng PANGHALIP NA PALAGYO:
• Hal: Mayroon silang dadaluhang pagtitipon sa susunod na araw.
• 2. Sinusundan ng isang kataga:
• Hal: Mayroon ding palatuntunan sa Linggo ng Wika.
• 3. Ginagamit sa patalinghagang kahulugan:
• Hal: Si Don Elizalde ang mayroon sa kanilang lugar.
• KUNG at KONG
• KUNG - ginagamit na pangatnig sa mga
sugnay na di makapag-iisa sa mga
pangungusap na hugnayan
• Hal: Kung siya’y narito, tayo’y magiging
masaya.
• KONG - buhat sa panghalip na ko at
nilalagyan lamang ng pang-angkop na NG
sa pakikipag-ugnayan sa salitang
sumusunod
• Hal: Ipinagtapat kong nangyari.
• DIN at RIN/ DAW at RAW/DOON at ROON
• Gamit ng din, daw, doon
• Ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa W at Y.
• Halimbawa: Sumikat din ang araw
• Sumikat daw ang araw
• Sumikat doon ang araw
• RIN, RAW, ROON
• Ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig. Ang
W at Y ay itinuturing na malapatinig, samakatuwid ang rin, raw, roon
ay siyang Ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos
sa mga titik na ito.
• Wala rin ang kapatid ko sa bahay.
• Wala raw ang kapatid ko sa bahay.
• Wala roon ang kapatid ko sa bahay
• IKA at IKA-
• Ginagamit bilang panlapi sa bilang na
isinusulat bilang salita.
• Hal. Ikatlong taon, Ikaapat na araw
• Ginagamit ang ginitliang na IKA-bilang
panlap
• Hal. Ika-21 ng Pebrero, Ika-3 taon
• Subukin at Subukan
• subukin- “pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o
kakayahan ng isang bagay o tao.”
• subukan- “tingnan kung ano ang ginagawa ng isang
tao o ng mga tao.”
• Halimbawa: Subukin mong gamitin ang sabon na ito.
• Sinubukan nila ang disiplina ng mga
mag-aaral.
• Walisin at Walisan
• walisin- pandiwang pokus sa layon
• walisan- pandiwang pokus sa ganapan
• Penominal-tumutukoy sa kalagayang
pangkalikasan
Hal: Umuulan! Lilindol daw.
• Temporal- Nagsasaad ng kalagayan o
panahong panandalian.
Hal: Mainit! Kay init ngayon.
• Eksistensiyal-nagsasaad ng pagka-
mayron
Hal: May mga mag-aaral na sa
awditoryum
• Mga Bahagi ng Pangungusap
• 1. Subjek - simuno o paksa- bahaging
pinag-uusapan sa loob ng pangungusap
Hal. Ang mga bayani ay inspirasyon ng mga
kabataan.
• 2. Predikeyt - panaguri- bahaging tungkol
sa subjek.
• Hal. Napakahusay umawit ni Sarah.
Ayos ng Pangungusap
• Nasa banig na
• Lumipat pa sa sahig
• Kuwalta na
• Naging bato pa.
• Kakabiyak na niyog
Isang balong malalim,
• Magdamag inilibot.
Punung-puno ng patalim.
• (BUWAN)
(BIBIG)
• Talinghaga- isang payak na metaporang
may walong pantig sa bawat taludtod. Ito ay may
sukat at tugma.
• Halimbawa:
• Awit Kurido
• 12 pantig 8 pantig
• marahang kumpas “andante” mabilis na kumpas “allegro”
• Kagandahan – aral kagandahan – kuwento
• Hal. Florante at Laura Hal. Ibong Adarna
Panahon ng Propaganda at Himagsikan
• Nagdilig ng Nasyonalismo – Gomez, Burgos at Zamora
• Marcelo H. del Pilar - (Plaridel, Piping Dilat, Pupduh,
Dolores Manapat)
• Akda: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa - salin sa tagalog ng
tulang Amor Patrio ni Rizal at inilathala niya sa Diaryong
Tagalog
• Caiingat Cayo -pabirong tuligsa at tugon sa tuligsa ni
P. Jose Rodrigues sa Noli ni Rizal, inilathala niya ito sa La
Solidaridad
• Dasalan at Tocsohan akdang hawig sakatesismo
• Ang Cadaquilaan ng Dios-akda na pagtuligsa sa prayle
• Sagot sa Espanya sa Hibik ng Pilipinas- tugon sa tula
ng kanyang guro na si H. Flores
Panahon ng Propaganda at Himagsikan
• Pangulong Tudling
• Naglalahad ng kuru-kuro ng patnugot ng isang
pahayagan. Ang mga pitak ng mga kolumnista
ay kahawig ng pangulong tudling, lamang, ang
kuru-kuro ng patnugot ay higit na matimbang o
may bigat at siyang kuru-kuro na ng pahayagan.
• Gawad Pambansang Alagad ng Sining ( Panitikan)
• Amado V. Hernandez - 1973
• Jose Garcia Villa - 1973
• Nick Joaquin - 1976
• Carlos P. Romulo - 1982
• Francisco Arcellana- 1990
• Levi Celerio - 1997 (Musika at Panitikan)
• N.V.M Gonzales - 1997
• Edith L. Tempo - 1999
Sionil Jose - 2001
Virgilio S. Almario - 2003
Alejandro R. Roces - 2003
Panahon ng Hapon (1942-1944)
• Dula
• Mga tanyag na dula ng Dramatic Philippines
• Sino Ba Kayo? Julian Cruz Balmaceda
• Dahil sa Anak – Julian Cruz Balmaceda
• Sa Pula sa Puti – Francisco “Soc” Rodrigo / Martir sa
Golgota
• May Uling sa Bukana – Tao Buhain
• Bansot – Aurora Cruz
• Bahay sa Dilim – Alfredo Enriquez
• Nagmamadali ang Maynila – Serafin Guinigundo
• Unang Pamumulaklak –
• Hernando Ocampo
Panahong Kasalukuyan