Professional Documents
Culture Documents
Kasaysayan ng Alpabeto
SANSKRIT/O
Ang paraan ng pagsulat na ito ay isang uri ng paraang abiguda na gumagamit g katinig-
patinig na kombinasyon. Kung kaya’t mapapansin na ang pinakapayak na anyo nito ay mayroon
lamang tunog sa hulihan na /a/. Nilalagyan lamang ng kudlit sa itaas upang makalikha ng tunog
na nagtatapos sa /e/ at /i/ at sa ibaba naman inilalagay upang makalikha ng tunog na /o/ at /u/.
ALIFBATA o ALIBATA
Isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay
kahalintulad sa sistema o paraan ng pagsulat ng mga taong Java na tinatawag na kayi. Ang
paraan ng pagsulat na ito ay pinaniniwalaang ginagamit na noong 14 na siglo hanggang sa
panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang salitang baybayin ay nangangahulugang ispeling o
pagbaybay.
ABECEDARIO
Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang mga indio dahil alam nilang matatalino ang
mga ito at kapag tinuruan ng wikang Espanyol ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa
kanila.
Pilipinas lang ang dating kolonya ng Espanya na di natutong magsalita ng Espanyol
(maliban sa mga intelektwal na nasa alta sociedad at gitnang uri/middle class)
ABAKADA
- binubuo ng 31 titik
- ang dating abakada na binubuo ng dalawampung (20) titik ay nadagdagan ng labing-isa (11)
pang titik mula sa abecedario. Ang mga naidagdag na titik ay: c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x at z
- binubuo ng 28 titik: lima (5) ang patinig at dalampu’t tatlo (23) naman ang katinig. Ang paraan
ng pagbigkas ay batay sa Ingles.
ANG BAYBAYIN: Pahapyaw na Kasaysayan
Ang katawagang ALIBATA ay nilikha noong ika-20 dantaon ni Paul Versoza, isang kasapi
ng dating National Language Institute. Nagbigay paliwanag si Versoza sa kaniyang aklat
na Pambansang Titik nang Pilipinas noong 1939:
Bagama't mabilis ang paglaganap ng baybayin sa Filipinas noong siglong 1500, nanghina
ito nang pumasok ang 1600 sa kabila ng mga ginawang pagsisikap ng mga prayleng gamitin ito
sa pagtuturo ng kanilang pananampalataya. Ginamit pa rin ng mga Pilipino ang mga titik ng
baybayin sa pagsulat ng kanilang mga pangalan sa ika-17 dantaon hanggang sa simula ng ika-18
dantaon, kahit maraming sulatin na ang nasa wikang Espanyol noon.
Kung ang dahilan ng pagkamatay ng baybayin ay ang pagiging hindi angkop nito sa pang-
araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino ngayon, bakit kaya hindi man lang ito nanatili
bilang bahagi ng pamanang lahi? Bakit hindi man lang ito naging isang sagisag ng kalinangang
Pilipino? Hindi nakaukit ang baybayin sa mahahalagang gusali at bantayog o pinag-aaralan
bilang isang sining ng bayan tulad ng kaligrapiya sa mga ibang bansa sa Asya? Malungkot mang
sabihin, halos lahat ng uri ng mga katutubong sining ng Pilipinas na naabot ng impluwensiya ng
Espanya ay napabayaan, at nanatili lamang sa mga lugar na hindi sinakop ng mga Espanyol.
Sa totoo, hindi nawala ang baybayin sa ilang bahagi ng Pilipinas. Sa halip umunlad pa ito
at naging tatlong bukod-tanging uri ng pagsulat. Natatandaan pa rin ng mga taong Tagbanuwa
sa Palawan ang kanilang sulat ngunit bihira na nilang ginagamit ito ngayon. Ang mga Buhid at
lalo na ang mga Hanunóo sa Mindoro ay nagsusulat pa rin gaya ng mga sinaunang Filipino 500
taon na ang nakaraan, sa kanilang pakikipag-ugnayan at panulaan.
ANG PAG-AARAL NG BAYBAYIN
Ang baybayin ay isang mabisang paraan ng mga ninuno ng pagsusulat ‘di lamang upang
makipag-usap sa isa’t isa kundi makita rin nila ang kanilang mga paniniwala sa pamamagitan ng
pagbaybay sa mga salita. Ang baybayin ay isang piktoryal na uri ng pagsusulat. ‘Di tulad ng ilang
mga piktoryal na sistema ng pagsusulat, ito ay madaling isulat at kabisaduhin.
Ang baybayin ay may labing pitong simbolo. Hindi tulad ng ibang mga letra, ang bawat
simbulo ng baybayin ay nagrerepresenta ng isang “syllable” o pantig.
Bago natin matutunan ang pagbaybay, kailangan muna nating tandaan ang iba’t ibang
porma ng bawat baybayin. Upang makatulong sa pagsaulo, meroon akong ilang mga sariling
simbulismo sa ilang mga baybay:
Walang Pagkakaltas
May Pagkakaltas