You are on page 1of 62

Ang Filipino sa batayang antas

ng edukasyon
Kalagayan ng Filipino sa Kurikulum
Isang mahalagang pokus ng edukasyon ang Filipino sa Kurikulum ay
ang pagtatamo ng kasanayang akademik ng mga mag-aaral. Kaya naman
patuloy at nagpapatuloy pa ang paghubog ng kurikulum upang maging
behikulo sa pananagumpay ng mga mag-aaral at sa paglinang ng mga mag-
aaral at sa paglinang ng mga kinakailangang kaalaman, kasanayan at
pagpapahalaga upang magampanan nila ang kanilang fundamental na
pangangailangan pansarili.
Ang kalakaran sa pagreporma sa kurikulum at
pagtuturo ng wika ay karaniwan nang sumusunod sa
mga kalakaran sa wika at sa mga pagbabagong-bisyon
ng pamahalaan at ng mga pangunahing ahensya na
may kinalaman at interesado sa edukasyon.
Ang mga reporma na naisagawa kaugnay ng
kurikulum ay nagaganap kada humigit sa sampung
taon.

Reporma sa kurikulum ng Filipino nang 1973


(elementarya at sekundarya), 1983 (elementarya),
1989 (sekundarya) at 2002 (batayang edukasyon).
Ayon kina Lambert at Tucker (1972) qtd.
Crandall (1987), nalilinang sa mga mag-aaral ang
mga kasanayang pangwika kasabay ng pagtatamo
ng mga kasanayang akademik. Dahil ang wikang
Filipino ang pinakamalapit, kung hindi man ay ito
ang unang wika ng maraming Filipino, malaki ang
papel na ginagampanan nito sa pagtatamo ng mga
mag-aaral ng kognitib-akademikong kasanayang
pangwika.
Ang pagbibigay-halaga sa wikang Filipino bilang
pundasyon ng literasi para sa kabataang Pilipino ay hindi
nangangahulugan ng pagbalewala o pagsasantabi sa
Ingles. Hindi ganito ang iniatas ng Patakarang
Edukasyong Bilinggwal. Habang patuluy ang
intelektwalisasyon ng Filipino, kailangan nating
palakasin ang pagtuturo ng Ingles sa mga paaralan sa
paggamit ng epektibong estrateiya sa pagtuturo.
Mahalaga ang pagkatuto rin nito upang magkaroon tayo
ng akses sa pandaigdigang impormasyon sa panahong ito
ng globalisasyon.
ANG KURIKULUM NG BATAYANG
EDUKASYON NG 2002

Ang layunin ng edukasyong elementarya, ayon sa Education


Act of 1982, ay siya ring naging batayan ng Kurikulum ng 2002.
Naging batayan ang mga pambansang batayang patakaran ng
edukasyon na isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987, at
ang Governance of Basic Education Act of 2001.
Niliwanag ng Kagawaran ng Edukasyon na ang
Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 ay isang
pagrereistruktura lamang at hindi lahat ang pagbabago ng
papalitang kurikula ng elementarya at sekundarya (NESC at
NSEC).
Sa Governance of Basic Education Act of 2001, inilahad ang mga
pangkalahatang tunguhin ng batayang edukasyon:
“linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga batayang
kasanayan sa literasi, numerasi, kritikal na pag-iisip at mga
kasanayang pampag-aaral, at mga kanais-nais na kahalagahan
(values) upang sila’y maging mapagkalinga, makatayo sa
sarili, maging produktib, magkaroon ng kamalayang
panlipunan, maging makabayan at responsableng
mamamayan.”
Bisyon ng DepEd;
“luminang ng mag-aaral na Pilipino sa mga
sining at isports at may kahalagahan ng isang
mamayang makakalakikasan, makatao, maka-
Diyos.”
Sa nireistrukturang Kurikulum ng 2002,
bnigyan ng ibayong pansin ang pagsasanay
para sa pagtatamo ng mga kasanayan sa
pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga
halagahan at ang pagkilala sa iba’t ibang
katalinuhan ng mag-aaral (multiple
intelligence).
ANG KURIKULUM NG FILIPINO SA
ANTAS ELEMENTARYA
“Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang
pakikipagtalastasan, (pasalita at pasulat); nagpapamalas ng
kahusayan sa pagsasaayos ng iba’tibang impormasyon at
mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang
pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto para
makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig.”
Layunin ng pagtuturo sa Filipino sa
elementarya na linangin ang apat na
makrong kasanayang pangwika; pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat gayundin
ang pag-iisip , sa mga sitwasyong
pangkomunikasyon, gamit ang iba’t ibang
material tungo sa pagkakaroon ng masteri.
Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng
Filipino sa mga baitang I-III upang
magkaroon ang mag-aaral ng sapat na
pag-unawa sa bawat aralin at maisama ang
barayti ng mga tekstong literari at di-
literari sa mga gawain sa pagbasa at pag-
unawa.
Unang Baitang:
nakabibigkas at nakababasa ang mag-aaral ng mg
alpabeto at simpleng salita nang may wastong
tunog;
nakagagamit ng magalang na pagbati sa pang-
araw-araw na pag-uusap;
naisusulat ang sariling pangalan at ng mga payak
na pangungusap.
Ikalawang Baitang
Nakapagsasabi ang mag-aaral ng pangunahing
diwa na napakinggan;
Nakapaglalarawan ng mga tao, bagay at pook;
Nakababasa nang wastong paglilipon ng mga
salita at nakasusulat nang kabit-kabit na mga titik
na may wastong bantas
Ikatlong Baitang
Nakapagsasalaysay ang mga mag-aaral ng buod ng
napakinggan/nabasa
Naibibigay ang sariling palagay tungkol sa isyung
pinag-uusapan
Nakababasa at naipaliliwanag ang kahulugan ng
mga salita
Natutukoy ang pagkakaisa ng opinion at
katotohanan
Nakababasa nang may pag-unawa
Naisusulat ang idiniktang iba’t ibang uri ng
teksto
Ikaapat na Baitang
Nakapagpapahayag ng sariling ideya at kaisipan tungkol
sa mga naririnig
Nakapagbibigay ng reaksyon at nakalalahok sa iba’t
ibang talakayan
Nakagagamit ng matalinghagang salita at mga
ekspresyon tuwiran at di-tuwiran
Natutukoy ang mga pangyayaring nag-uugnay sa
sarili at bunga ng mga pangyayari
Napagsusunod-sunod ang mga ideya at sitwasyon
Nakilala ang iba’t ibang bahagi ng babasahin at
Nakasusulat ng maikling komposisyon
Ikalimang Baitang
Nakapagbubuod ng nabasa at napakinggan
Nakabubuo ng iba’t ibang pangungusap
Nakagagamit ng iba’t ibang sanggunian sa
paghahanap ng impormasyon
Nakasusulat ng iba’t ibang pahayag na mga 15-20
pangungusap
ANG FILIPINO SA ANTAS
SEKONDARYA
Maraming kahinaan ang naobserbahan sa
datihang kurikulum na pinairal. Nagsagawa ang
supervisor ng Filipino ng DepEd Central Office
ng rebyu ng SEDP kurikulum na sinimulang
iimplementa noong 1989.
Iniulat ni G. Arturo Cabuhat ang mga sumusunod;
a)Repetisyon at overlapping ng mga itinuro
lalo na sa wika mula sa elementarya
hanggang tersyarya
b)Kakulangan kundi man kawalan ng
artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas
c)Mababaw na nilalaman at kasanayang
nililinang
d)Walang kaayusan at pokus sa pagpili ng content at
pagtalakay sa panitikan
e) Di-lubusang paglinang na kahusayang magamit
ang wikang natutuhan sa pagkatuto ng mga
asignaturang itinuturo sa Filipino
Tugon ng DepEd sa natuklasang kahinaan tungo sa
pagrereporma ng kurikulum;

Sa antas sekundarya, mithiin ng pagtuturo ng


Filipino na “makadebelop ng gradweyt na
mahusay na komyunikeytor sa Filipino…”
Sinasabi sa kurikulum na;

“Sa paglinang ng mga nabanggit na kasanayan,


kinakailangang taglayin ng mga mag-aaral ang
tiyak na kaalaman tulad ng gramatikal, sosyo-
linggwistik, diskorsal at istratedyik.”
May atas din na ang pagtuturo ng Filipino ay
dapat gamitan ng mga tekstong hango sa mga
asignaturang pangnilalaman tulad ng
Aralin/Agham Panlipunan, Agham at
Teknolohiya, Literatura at iba pang kaugnay na
disiplina.
Niliwanag ng bagong kurikulum na
bago makagradweyt sa batayang
edukasyon dapat ay taglay ng mag-aaral
hindi lamang ang mga kasanayang
pangwikang batayan at interpersonal,
kundi pati ang mga kasanayang
pangwikang kognitib at akademik.
Una at Ikalawang Taon- nakapokus sa
masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng
mga tiyak na istrukturang gramatikal ng
Filipino
Ikatlo at Ikaapat na Taon- dinedebelop
ang mga kaalaman at kasanayang
pampanitikan
PANANAW SA WIKANG FILIPINO
SA BAGONG KURIKULUM
Sa bagong kurikulum lumawak ang Filipino.,
itinuring itong hindi lamang obdyek ng pagkatuto o
isang asignatura, kundi instrument rin para matuto
ang mag-aaral ng marami pang bagay bukod sa
Filipino. Nilinang ang akademikong kasanayang
pangwika gamit ang mga tekstong dyornalistik,
reperensyal, prosidyural, literari at iba pa.
PANANAW SA PAGTUTURO NG
WIKA
• Tunguhin ng bagong kurikulum sa Filipino;
Maituro ng holistic at natural ang wika
Malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong
interpersonal kundi ang kognitib-akademik
Mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang
nakapaloob sa mga asignatura
Malinang ang mataas na kasanayan sa pagbasa at
pagsulat
Malinang ang kritikal na pag-iisip ng mag-aaral
Maitaas ang kaalaman at pagpapahalagang
pampanitikan
MGA BAGONG PANANAW SA
PAGTUTURO AT PAGKATUTO
a) Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at
ang kaugnayan ng mga itosa nagbabagong layunin ng
edukasyon
b) Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at
makatotohanang pakikipagtalastasan
c) Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at
paggamit ng alternatibong pagdulog sa pagtuturo ng wika
d) Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa iba’t
ibang sitwasyong komunikatib
e) Higit na malawak na pagkaunawa sa
pagkakaugnay o interogasyon ng mga kasanayang
pangwika
f) Pokus sa paglinang ng mga programang
pangwika
g) Interes sa mga pinagsanib na programa
h) Pokus sa pangangailanagan., interes at
motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin sa
proseso ng pagkatuto at mga estilo
i) Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral
sa silid-aralan.
j) Pagbubuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic
tulad ng pagdulog na komunikatib
Mungkahi ng DepEd (pananaw at estratehiya)
1.PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN
O CONTENT-BASED INSTRUCTION (CBI)
- integrasyon ng content ng mga asignaturang
tulad g Heograpiya, Kasaysayan, Sibika at
Kultura, Agham at iba pa sa pagtuturo ng wika.
Gagamitin ang behikulo sa paglinang ng mga
kasanayang pangwika sa Filipino.
Ang guro ay nagsisilbing pasiliteytor ng
pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa pagsanib ng wika at nilalaman, nadebelop ang
sensitibiti ng guro sa suliraning pangwika na
maaaring makapagpahirap sa pag-unawa ng mga
estudyante.
Gayundin, ang guro ng wika ay natutong gumamit
ng mga awtentiko at makabuluhang nilalaman ssa
klasrum.
Sa pananaw na ito, bawat aralin ay may
komponent pangwika at pangnilalaman.
Hindi kailangang bigyan ng parehong bigat
o oras ang dalawang ito sa bawat aralin.
Depende ito sa pang-araw-araw na layunin
ng guro. Ang layunin ng guro ay malinang
nang sabay ang kasanyang pangwika at
pagtatamo ng akademikong kaalaman.
PANGUNAHING KATANGIAN NG
PINAGSANIB NA PANANAW
a) Nililinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika
b) Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol ditto sa
pokus kundi kung ginagamit itong instrumento sa
pagkatuto
c) Naipapaunawa ang input sa iba’t ibang kaparaanan
d) Inaalam ang eskima o datihang kaalaman
f) Hinihikayat/ inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa
pagkatuto
g) Nalilinang/ inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa
pagkatuto
h) Naghahamon ang katalinuhan ng mag-aaral
i) Ginagamitan ng whole language na mga teknik
TATLONG PRINSIPYO NG CBI
a) Gamit ng multi-media
b) Paglinang ng kasanayang pampag-iisip
c) Organisasyon ng klase na nakapokus sa mag-aaral
2.TEMATIK NA PAGTUTURO
Maging datihang kurikulum ay tematik na rin ang
pagtuturo. Karaniwang pumipili ng isang tema na
iniikutan ng mga aralin. Ayon sa DepEd;
“Thematic teaching recognizes learning around
ideas. It provides a framework for linking content
and processes from a variety of disciplines. The
theme provides coherence and focus for
accompanying activities. The theme enables
learners to see the meaningful connections across
3)INTERAKTIB NA MGA ESTRATEHIYA SA
PAGTUTURO
Madaling matamo ng mga mag-aaral ang
kasanayan sa target na wika kung nakapokus sila sa
pagtanggap at paghahatid ng mensahe-kung
nagagamit nila ang target na wika sa mga
awtentikong sitwasyong komunikatib na
nagbibigay ng pagkakataon para maisagawa ang
palitan ng pahayag.
Ang interaksyong linggwistik, sang-
ayon kay Well (Rivers, 1987) ay isang
gawaing kolaboratib na kinapapalooban
ng mensahe, ng tagatanggap at ng
konteksto ng sitwasyon, maging pasalita
o pasulat man ang komunikasyon.
4) KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA
PAGTUTURO AT PAGKATUTO
Ang kooperasyon ng mga mag-aaral sa klasrum at
ang bisa ng kooperatibong pagsasagawa ng mga
gawain sa pagkatuto.
Naglahad si Kogan (1990) ng iba’t ibang estratehiya
na maituturo ng guro sa mga mag-aaral para mapadali
ang pagkatuto tulad ng pagpapangkat, pagpapaunlad
ng komunikasyon ng grupo, masteri, at iba pa.
Ang PAGTUTURO NG
WIKA SA BATAYANG
EDUKASYON
Sa Philippine Star (Agosto 20, 1988), sinabi ni Dr.
Isagani Cruz sa kolum;
Practically, all so called Filipino courses in the
elementary school, high school, and even in college are
really courses in Tagalog and not in Filipino. This is
where DECS (Deped na ngayon) and CHED should
crack the whip because our Filipino teachers are,
without exaggeration, generally the most misguided of
all educators.
Inisa-isa ni G. Arturo Cabuhat, isang Filipino specialist
sa DepEd ang mga obserbasyong nakalap sa mga
konsultasyong isinagawa sa iba’t ibang sector.
1. Paulit-ulit na itinuturo mula elementarya hanggang
tersyarya ang istrukturang gramatikal sa paraang hindi
nagsasagawa ang guro ng linggwistik na pagsusuri o pag-
aanalisa.
2. Hindi naihahanda ang mga batayang lebel ng mga
estudyante tungo sa pagpapalawak ng kaalamang
kinakailangan sa kolehiyo.
3. Hindi lubos na nadedebelop ang mga
kakayahang gramatikal, sosyo-linggwistik, diskorsal
at estratedyik na mga komponent ng kasaysayang
komunikatib.
4. Hindi nabibigyang-diin ang pagdedebelop sa
mga kasanayan at kaalamang kabilang sa iba’t ibang
lebel ng komprehensyon.
5. Hindi lubusang nakatutulong ang paggamit ng
Filipino upang matutuhan angg ilang sabdyek na
Naging mahalagang konsiderasyon sa pagbuo ng
bagong kurikulum sa Filipino ang mga
pangunahing dahilan kung bakit kailangang matuto
ng wika ang mga mag-aaral ayon kay Otanes
(2001): makapaghanapbuhay, makipamuhay sa
kanilang kapwa at makapagpahalaga sa
kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan
(Binanggit sa BEC Patnubay ng Operalisasyon).
Ayon nga kay Espiritu (2001), sa pagtuturo
ng wika sa sekundarya, nararapat na
malinang ang kognitib/ akademik na
kasanayang pangwika ng mga estudyante,
kasabay ng pagdedebelop ng kanilang
kakayahang maglinaw, magsuri, mag-
ebalweyt at magsintensya ng mga natutuhan
(Binanggit din sa BEC Patnubay ng
-Ipinalabas noong 2002 ang BEC ng
DepEd.
-Nangangahulugan ang bagong kurikulum
na pagtalikod sa nakasanayang Sistema,
pag-aaral ng mga bagong paradaym at pag-i-
implement ng isang bagong programa na
hindi naman nila hinihiling o ginusto.
Lebel Pokus/Tiyak na Layunin/ Inaasahang Bunga

Ang mga kasanayang makro ay idedebelop sa mga


komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang
Lebel 2-3 gradwadong material tulad ng mga tugma, dyinggel,
istorya at dayalog na ang layon ay makapagtamo ng
masteri ang mga bata.
Ang pantulong na sabdyek na ito ay idedebelop sa
kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral na
Lebel 4-6 gagamitin ang Filipino sa malikhain at kritikal na
pag-iisip upang maging epektib na komyunikeytor.
Lebel Pokus/Tiyak na Layunin/ Inaasahang Bunga
Pokus sa pag-aaral na ito ang masusing pag-
aanalisa at pag-aaral sa mga tiyak na istrukturang
Lebel 7-8 gramatikal sa pamamagitan ng maunawang
pagbasa ng iba’t ibang teksto.

Pokus sa pag-aaral ditto ang pagdedebelop ng


higit na kumplikadong kasanayan sa akademikong
Lebel 9- wika at mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng
10 kritikal na pagbabasa at pag-unawa ng iba’t ibang
genre ng panitikang lokal, rehiyunal, pambansa at
Asyano.
Markahan ng Una at Ikalawang Taon
1. Unang Sesyon: Paglalapit ng Teksto sa Mambabasa
1.1. Mga Panimulang Gawain
1.1.1. Malikhaing Pagganyak
1.1.2. Malikhaing Paglalahad
1.2 Pagbasa sa Tekstong Lunsaran
1.3 Pagbubuod
2. Ikalawang Sesyon: Pagsusuri sa Nilalaman ng
Teksto
2.1. Mga Panimulang Gawain
2.1.1. Pag-uugnay
2.1.2. Paglalahad
2.2. Pagsusuri sa Pokus
2.2.1. Tema at Pokus
2.2.2. Opinyon
2.2.3. Paniniwala
2.2.3. Paniniwala
2.2.4. Pananaw
2.2.5. Saloobin
2.3. Pagbubuo ng Sariling
2.3.1. Opinyon
2.3.2. Paniniwala
2.3.3. Pananaw
2.3.4. Saloobin
Samantala, sa pagtatapos naman ng
ikalawang taon o lebel 9, ang isang mag-aaral
ay dapat na nagtataglay na ng kognitibong
kasanayan at kahusayan sa maunawang
pagbasa ng iba’t ibang teksto at nagagamit
nang wasto ang angkop na istrukturang
gramatikal sa isang akademikong
pakikipagtalastasan.
Sa punto ng guro naman, inaasahan nang: (1)
naituturo ang wika batay sa mga tiyak na teorya ng
pagkatuto nito: ang pagdedelop ng Basic
Communication Skills (BCS) at Cognitive Academic
Language Proficiency (CALP); (2) naituturo ang
Filipino kasabay ng pagdedelop ng pag-unawa ng mga
mag-aaral sa mga paksang pangnilalaman (content area
themes) at (3) nadedebelop ang lalong mataas na
kasanayan sa pag-iisip (higher order thinking skills o
HOTS) ng mga mag-aaral sa unang dalawang taon na
hayskul.
Wika nga ni Padolina (2002); Wala na sa
panahon ang mala-kabisadong pamamaraan ng
pagtuturo o ang konsepto na ang utak ay parang
alkansya na hinuhulugan ng pera. Ang nararapat
na paraan ng pagtuturo ay sa pamamagitan ng
mapanuring pagtatanong, kritikal na pag-aanalisa
at rasyunal na pag-iisip at hindi ang paulit-ulit na
pagbasa ng mga teksto sa aklat at pagsipi ng mga
aralin sa pisara.
“Tell me and I forget.
Show me and I remember.
Involve me and I understand.”
-Chinese Proverb
“Inspire me and I will learn.”
- RAB
GAWAIN
ANG FILIPINO SA K12 NA KURIKULUM
Tukuyin at suriin ang pagtuturo ng Filipino sa K12 Kurikulum sa
Elementarya, Sekondarya (JHS at SHS) batay sa Program Outcome at
Course Learning Outcome
Elementrya - Palermo, Sta. Ana
JHS - Lagos, Ramirez
SHS - Saradat Modesto

You might also like