You are on page 1of 2

3.

Saliksik at ilahad ang pagkakaiba at/o pagkakatulad ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009 at ang
MTB-MLE na nakapaloob sa Enhanced Basic Education Act ng 2013.
Ang Mother Tongue Based Multilingual Education Curriculum (2012) Nilagdaan na
noon ay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang batas na R. A. 10533 (Enhanced Basic
Education Act of 2013) o mas kilala bilang K-12 Curriculum. Ayon kina Estrada at Gargantiel
(2013), ang batas na ito ay nagsasaad na ang mga mag-aaral ay kailangang
sumailalim sa mga baitang mula Kinder hanggang Grade 12 sa kanilang pag-aaral ng batayang
edukasyon. Ang mga antas na ito ay binubuo ng pitong (7) taon sa primary education kasama
ang Kindergarten, apat (4) na taon sa Junior High School at dalawang (2) taon sa Senior High
School na may kabuuang labing-tatlong (13) taon. Kaangkla din sa batas na ito ay ang
pagpapatupad ng sistemang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE). Ang
MTB-MLE ay ang paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang unang wika (L1) bilang wikang
panturo mula Kindergarten hanggang ikatlong baitang. Isa ang Pilipinas sa may maraming
wikang ginagamit bilang dialekto ng wika ng mga Filipino na kung saan mayroong humigit
kumulang 181 na wika na naging sanhi ng pagkakaroon ng problema ng Kagawaran ng
Edukasyon sa pagpaptupad ng nasabing sistema. Ayon kay Director Paraluman Giron ng DepEd
Region IV-A maging ang isa sa mga masugid na tagatangkilik ng MTB-MLE, sa unang taong
pag-aaral ng mga bata mahalagang gamitin ang unang wika upang masanay sila sa mas malawak
na pag-iisip. Binigyang diin din ni Giron, kung gagamitin ang unang wika sa pagtuturo sa mga
bata masasanay sila sa pagsasagot at pagtatanong ng “bakit” na siyang susi sa mas malalim na
pagkaunawa. (PIA Achieve News Reader, 2010)
Ang MTB-MLE ay edukasyong pormal o di-pormal na ang unang wika (mother tongue)
ng mag-aaral at iba pang wika ay ginagamit sa loob ng silid-aralan. Ipinalalagay na ang mag-
aaral ay natututo sa simula ng kanilang edukasyon gamit ang wikang kanilang higit nauunawaan
(unang wika/mother tongue) at nalilinang ang matatag na pundasyon ng pagkatuto gamit ang
kanilang unang wika bago matuto ng iba pang mga wika. Ipinakita sa mga pananaliksik ang
katotohanan na ang mga batang may matatag na pundasyon sa kanilang unang wika ay
nakabubuo nang higit na mataas na literasiya. Higit na naibabahagi ng mag-aaral ang kanilang
kaalaman sa iba’t ibang mga wika. Ayon kay Kalihim Mona Valisno ng Kagawaran ng
Edukasyon, layunin ng MTB-MLE na makapaghubog ng “lifelong learners” na bihasa sa
paggamit ng unang wika, ng pambansang wika, at iba pang salita kagaya ng Ingles.
Bago ang implementasyon nito noong 2012 nagkaroon na nang Kautusan noong ang
Kagawaran ng Edukasyon sa bisa ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009 na may pamagat na
Institutionalizing Mother Tongue Based Multilingual Education na nilagdaan na noon ay
Kalihim Jesli Lapuz. Ang K-12 Kurikulum Ang K to 12 Program ng pamahalaan ng/sa ay
tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa
dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at
apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga
estudyante. Sa ilalim ng K to 12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa
karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taon sa mataas na paaralan (high school/sekondarya).
Sa bagong sistema, tinatawag na senior high school o junior college ang karagdagang 2 taon.
Ang apat na taon ng mataas na paaralan sa lumang sistema ay tinatawag namang junior high
school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic Education sa ilalim ng
Kto12. Nagsimula noong School Year 2011-2012 ang pagkakaroon ng kindergarten sa mga
pampublikong paaralan. Noong taong-aralan 2012-2013 ay sinimulan na ang implementasyon ng
K to12 kurikulum sa unang baitang at ikapitong (unang taon sa junior high school). Unti-unting
ipinatupad ang K to 12 curriculum hanggang sa makapagtapos ang unang hanay ng senior high
school noong taong-aralan 2017-2018. Batay sa plano ng gobyerno, noong taong-aralan 2019 pa
nagsimulang kumuha ng bachelor’s degree sa kolehiyo/unibersidad ang unang hanay ng senior
high school na dumaan sa Kto12. Nagbunsod ang pagbabagong ito sa programang pang-
edukasyon ng Pilipinas dahil ayon sa pagtataya ng mga ahensya ng pamahalaan mababa raw ang
kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at sa pamamagitan daw ng Kto12 ay mapatataas ang kalidad
ng edukasyon sa bansa.

You might also like