You are on page 1of 2

Pangalan: Francisco, Shiela Mae U.

Ipinasa noong: January 12, 2022


Taon at Pangkat: BSED 2-B

Tukuyin ang mga Kulturang Popular sa inyong baranggay. Ano ang dulot nito sa pang
- araw - araw na buhay.

1. Pagpapadala ng mensahe sa radyo sa pamamagitan ng text message.


Maaaring ang radyo ay lipas na hindi katulad ng mga telebisyon, ngunit
marami parin ang tumatangkilik dito. Sa aming barangay, marami parin ang nakikinig
sa radyo dahil karamihan sa amin ay hilig ang magpa-abot ng mensahe o pagbati.
Nagsisilbi itong libangan sa mga taong mahilig makinig sa radyo, sa mga taong
nagnanais na ipabatid ng kanilang damdamin sa isang indibidwal nang palihim, at
kadalasa’y nagiging daan ito upang maibahagi ang kanilang galing sa larangan ng
literatura sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kuwento na sila mismo ang gumawa.

2. Tiktok
Ang Tiktok ay isang app na kung saan ay maaari kang manood at magbahagi
ng sariling video. Sa aming lugar, maraming kabataan (edad 7 hanggang 15) ang
tumatangkilik sa app na ito dahil bukod sa pampalipas oras ay marami ang
nakapagbabahagi ng kanilang galing sa pagsayaw. Ngunit marami rin ang tuluyan
nang nalulunod sa aliw na dulot ng Tiktok na madalas ay nakaaapekto sa kanilang
pokus sa mga mahahalagang bagay tulad na lamang ng pag-aaral.

3. Pagsusuot ng mga kababaihan ng belo tuwing magsisimba.


Nito lamang nakaraang taon, nagkaroon ng isang aktibidad ang Simbahan ng
parokya na hikayatin ang mga kababaihan na magsuot ng puting belo sa tuwing
magsisimba bilang pagpupugay kay Inang Maria at bilang pagpapakita ng paggalang
sa Diyos. Ang mga kabataang kinatawan ng Simbahan ay patuloy na ginagawa ito
kahit saan mang parokya sila magtungo nang sa gayon ay magsilbing inspirasyon at
halimbawa sa iba.

4. Pagtangkilik sa mga Korean Artist


Maraming kabataan ang nahuhumaling sa mga Korean artist lalo na sa paraan
ng pananamit ng mga ito. Ang kanilang pagkahilig sa mga dayuhan ay maaaring
magdulot ng magandang epekto sapagkat nakikilala nila ang kultura ng bansa ngunit
sa kabila nito, maaaring (hindi malabong mangyari) na unti-unting umusbong ang
colonial mentality; hindi malabong mangyari na mas tatangkilikin yakapin ng mga
bagong henerasyon ang produkto o kultura ng mga banyaga.

5. Panonood ng teleserye ng buong pamilya gabi-gabi


Isa ito sa aking napapansin sa aking barangay. Halos lahat ng pamilya sa kani-
kanilang tahanan ay nagsasama-sama sa pagsapit ng gabi, lalo na kapag oras na ng
pagpapalabas ng teleserye na madalas ay sinasabayan pa ito ng pagkain ng hapunan.
Sa ganitong sitwasyon, mapapansing pinagbubuklod ng panonood ng teleserye gabi-
gabi ang bawat miyembro ng pamilya at nagkapaglalaan ng oras sa isa’t isa.
6. Samgyeopsal
Ang tinatawag na Samgyeopsal ay isang putahe sa Korea. Marami ang
tumatangkilik sa pagkaing ito dahil maaaring ito ay impluwensiya ng kanilang idolong
Koreano o ‘di kaya ay nakikita sa mga Koreanovela.

7. Panonood ng Koreanovela
Masasabing napakalaki ng naging impluwensiya ng bansang Korea sa mga
Pilipino dahil maging sa mga palabas ay tinatanggkilik na ng karamihan sa atin. Ang
sinasabing isa sa dahilan kung bakit marami ang nahuhumaling sa mga Koreanovela
ay dahil sa daloy ng kuwento na maaaring bago sa panlasang Pinoy.

You might also like