You are on page 1of 59

Pahapyaw na sulyap sa

kasaysayan ng
literaturang filipino
OFELIA D. DELAS ALAS, PhD
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA
Sinasabing may literatura na tayo bago pa man
dumating ang mga Kastila.
• Ayon kay Cruz (2003), nagsimula ang ating literatura
noong nagsimula ang lipunan sa ating mga pulo,
humigit kumulang sa 57,000 taon na ang nakararaan
nang dumating ang mga Kastila. Sanhi ng mabagal
na pagsulong ng buhay noon, masasabing
ang tema ng literatura bago dumating ang
mga Kastila ay nakatuon lamang sa uri
ng pamumuhay na mayroon ang ating
mga katutubo.
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA
• Ang kasalatan sa teknolohiya at siyensya
ang nagtulak sa kanila upang maipaliwanag
batay sa kanilang mga sarıling palagay at
pag-iisip ang mga bagay-bagay na
nangyayari sa kanilang paligid.
• Mababaw at lubhang ’di- mapaniniwalaan
ang nilalaman ng literatura noon
na matatagpuan sa mga epiko at
alamat kung pakasusuriin.
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA
• Sa alamat itinatampok ang mga paksang
tulad ng pinagmulan ng isang bagay o
pook.

• Nabuhay ang alamat sa kasalukuyan


dahil sa pasalin-dila ng ating mga
nununo.
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA
• Matuturing man na ’di-kapanipaniwala
at bunga lamang ng malikhaing pag-iisip
ng ating mga katutubo ang alamat at
epiko, hitik naman ito sa mga kaisipan at
aral sa buhay at malinaw ring makikita
ang kultura ng lahing Pilipino anumang
rehiyon ang pinagmulan ng
isang alamat o epiko.
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA
• Sa Alamat ng “Bulkang Mayon" halimbawa,
ipinakita rito ang kabayanihan at katapangan ng
prinsipe at ng kaalamang walang maidudulot
na mabuti ang kalupitan at pagtatanim ng poot
sa kapuwa.
• Mailalarawan ang kababalaghan sa matandang
anyo ng literatura gaya ng epiko. Sa epiko
karaniwang matutunghayan ang
pagkamatay at muling pagkabuhay
ng mga bayaning siyang pangu-
nahing tauhan sa kuwento.
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA
Magkagayunman tulad ng alamat, hindi
nawawala ang butil ng kaisipan at aral na
hatid nito sa mga mambabasa; at hindi
rin maihihiwalay ang tradisyon at kulturang
nagiging batayan ng pagkakakilanlan natin
bilang mga Pilipino.
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA
Mayaman din naman ang ating mga ninuno
sa mga panıniwala at pamahiing nagbibigay ng
malaking impluwensya at kahulugan sa kanilang
pamumuhay. Nilalaman ng mga pamahiin at
kasabıhan ang mga gabay at panuntunan na
nakatutulong nang malakı sa kanılang mga
gawain at mga desisyon sa buhay.
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA

• Kung maaalala sa ating kasaysayan, walang


permanenteng tahanan ang ating kauna-
unahang mga ninuno. Malimit na sila' y
nagsisitigil lamang sa mga pook tulad ng
kagubatan at kabundukan kung saan
karaniwang nakatatagpo ng pagkain.
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA

• Kaya maipapalagay na dahil dito ay tiyak na


mayroon nang relihiyon ang ating mga
katutubo bago pa man dumating ang mga
Kastila gaya ng pagsamba sa kalikasan. Ito ang
dahilan kung bakit may mga bulong at
pamahiing maiuugnay sa relihiyong
kanilang pinaniniwalaan noon.
MGA BAHAGI NG PANITIKANG FILIPINO
BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
• Alamat
• Kuwentong bayan
• Sawikain
• Salawikain
• Palaisipan
• Bulong
MGA BAHAGI NG PANITIKANG FILIPINO
BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
ALAMAT – isang uri ng panitikang tuluyan, na
ang karaniwang paksa ay nagsasalaysay ng
pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan,
o katawagan.
• Ang layunin nito ay manlibang.
Halimbawa: Ang Alamat ng mga Tagalog
MGA BAHAGI NG PANITIKANG FILIPINO BAGO
DUMATING ANG MGA KASTILA
Kuwentong Bayan– madalang nangyayari sa loob
at labas ng ating lugar. Ito ay nagpasalin-salin
sa mga bibig ng mga tao, kaya’t ang
katotohanan sa kuwentong ay mahirap tukuyin.
kuwento tungkol sa :
buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan
katatakutan at katatawanan na kapupulutan ng
aral
Halimbawa: Si Bulan at Si Adlaw
PANAHON NG EPIKO
• Napakaraming epiko ang lumitaw sa panahong
ito subalit wala pang makapagsasabi kung alin
sa mga epiko ang pinaka matanda sapagkat sa
Ingles at Kastila at sa iba pang wika, ang
pagkakasalin nito ay hindi pa naluluma.

• “Hudhod” at “Alim” – sinasabing sa panahon pa


nang ang bakal ay hindi nakikilala ng tao at ang
kanilang mga kagamitan ay yari pa sa bato.
PANAHON NG EPIKO
•Ibalon – Bikol, natutungkol sa mga unang
tao sa Kabikulan, ipinapalagay na nangyari
bago pa mag-Dilubyo.

•Maragtas – Bisaya, malinaw na naglalahad


na panahon na ni Kristo nang mangyari ito.
EPIKO
• Bidasari – Moro
• Biag ni Lam-Ang – Iloko
• Maragtas – Bisaya
• Haraya – Bisaya
• Lagda – Bisaya
• Hari sa Bukid – Bisaya
• Kumintang – Tagalog
• Parang Sabir – Moro
EPIKO
• Dagoy at Sudsud - Tagbanua
• Tatuang – Bagobo

Epiko ng Moro bumubuo sa “Darangan”


• Indarapatra at Sulayman
• Bantugan
• Daramoke-A-Babay
PANAHON NG EPIKO
BIAG NI LAM-ANG
• sinulat ni Pedro Bukaneg
- Ama ng Panitikang Iloko
- sa kanya hango ang salitang “Bukanegan”
na nangangahulugan sa Tagalog na
“Balagtasan”

ALIM – Epiko ng Ipugaw,


Wigan at Bugan
Mga awiting bayan
-isa sa matandang uri ng panitikang Filipino na
lumitaw bago dumating ang mga Kastila.
-Naglalarawan ng kalinangan ng ating
tinalikdang panahon.
Halimbawa:
Kundiman – awit ng Pag-ibig
Kumintang o Tagumpay – awit ng Pandigma
Dalit o Imno – awit sa Diyos-diyosan ng mga
Bisaya.
Mga awiting bayan
Oyayi o Hele – Awit sa pampatulog sa bata.

Diona – Awit sa Kasal

Suliranin – Awit ng mga manggagawa

Talindaw – Awit sa Pamamangka


Mga karunungang bayan

• Salawikain
• Sawikain
• Bugtong
• Palaisipan
• Kasabihan
• kawikaan
ILAN SA MGA ANYO NG LITERATURA NA LUMAGANAP SA
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
Mga Karunungang-Bayan
• Salawikain
Ang salawikain ay butil ng mga kaisipan na ang
layunin ay makapagbigay ng mabubuting payo hinggil sa
kagandahang asal. Nagtataglay ang salawikain ng malalim
na kahulugan, panuntunan at batas ng buhay na
gumagabay sa tao tungo sa isang matuwid na
pamumuhay.
ILAN SA MGA ANYO NG LITERATURA NA LUMAGANAP
SA PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
SALAWIKAIN – nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas
at tungtunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Ito’y
parang parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral, lalo
na sa kabataan. Itinuturing ding karunungang bayan ang
kasabihan na ang layon ay malarawan ang gawi, kilos at ugali
ng tao. Binubuo ito ng dalawang taludturan na may tugma at
sukat.
Halimbawa: Aanhin pa ang damo.
kung patay na ang kabayo.
Mga Karunungang-Bayan
• Sawikain
Ito y mga kasabihang walang natatagong
kahulugan.
Halimbawa: Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.

Ang tunay na kaibigan,


sa gipit nasusubukan.
ILAN SA MGA ANYO NG LITERATURA NA LUMAGANAP SA
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
• Kasabihan
Itinuturing ding karunungang bayan ang kasabihan na
ang layon ay malarawan ang gawi, kilos at ugali ng tao.
Binubuo ito ng dalawang taludturan na may tugma at
sukat. Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa
kilos ng isang tao.
Halimbawa: Putak, putak, batang duwag
Matapang ka’t nasa pugad.
Mga Karunungang-Bayan

• Bugtong
Ang bugtong ay karaniwang ginagawang laro noon at
pampalipas-oras sa mga tindahan, pondohan, lamayan ng
patay at iba pang mga okasyon. Tulad ng salawikain ito'y
karaniwang nagtataglay ng dalawang taludturan na may
tugma at sukat. Malalim at nagbibigay- palaisipan
sapagkat ’di-tuwiran ang paghahalintulad nito sa mga
bagay sa kapaligiran.
ILAN SA MGA ANYO NG LITERATURA NA LUMAGANAP SA
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
• binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may
sukat o tugma.
Halimbawa:
Bungbong kung liwanag,
Kung gabi ay dagat. (Banig)

Dalawang batong itim,


Malayo ang nararating. (mata)
ILAN SA MGA ANYO NG LITERATURA NA LUMAGANAP SA
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

PALAISIPAN –
Halimbawa:
May isang bola sa lamesa, tinakpan ito ng
sombrero. Paano nakuha ang bola nang ’di man lang
nagagalaw ang sombrero.
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero
ILAN SA MGA ANYO NG LITERATURA NA LUMAGANAP SA
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
BULONG – ginagamit sa pangkulam o pang-
ingkanto.
Halimbawa:
Ikaw na nagnakaw ng bigas ko,
Lumuwa sana ang mga mata mo.
Mamaga sana ang katawan mo.
Patayin ka ng mga anito
ILAN SA MGA ANYO NG LITERATURA NA LUMAGANAP SA
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
KAWIKAAN – kauri ng sawikain na ang kaibahan
lamang ay laging nagtataglay ng aral
sa buhay.
Halimbawa:
Ang panahon ay samantalahin,
Sapagkat ginto ang kahambing.
’Pag talagang ’di palad,
sasampa sa balikat.
ILAN SA MGA ANYO NG LITERATURA NA LUMAGANAP SA
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
Mga Awiting Bayan
Ang mga unang awiting bayan ay hindi na matunton
kung sino ang kumatha. Ang mga awiting bayan ang
nagiging batis ng inspirasyon ng ating mga ninuno sa
kanılang mga pang araw-araw na buhay at gawain.
Panahon ng Kastila
Ang pagdating ng mga Kastila at ang mahabang
panahong pananakop sa ating kapuluan ay mabilıs na
nagpabago sa kultura at pamumuhay ng ating mga
katutubo. Batay sa kasaysayan, dalawa ang naging
paraan ng mga Kastila sa pananakop, ang paggamit ng
krus at ng espada. Bunga nito, hindi nakapagtataka na
ang maging laman ng mga akdang panliteratura sa
panahon ng mga Kastıla ay pawang mga akdang
panrelihiyon.
Panahon ng Kastila
➢Ang isinasaalang-alang na unang pananakop ng
mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito
ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang
kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral.
➢ Nagkaroon ng mga bahay nabato at tisa, mga
magagandang kasangkapang tulad ng piyano,
muwebles, at mga kagamitang pangkusina. Nagkaroon
din ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren, at bapor.
Natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang
parangal sa mga santo, sa Papa, at sa gobernador.
Panahon ng Kastila
➢Bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera
ng kabayo, at teatro.
➢Ang mga pagbabagong ito ay nagbigay din ng daan
sa pagkakabuo ng ilang pangkat ng "may-kaya" na
may mga ari-arian at lupa. May ilan din sa mga
Pilipino ang nakapag-aral at nakakuhang kurso
tulad ng medisina, abugasya, agrikultura, at
pagiging maestro.
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG
FILIPINO
1. Ang "Alibata" na ipinagmamalaking kauna-unahang
abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong
Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na
kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang
panahong yaon.
MGA IMPLUWENSYA NG KASTLA SA PANITIKANG
FILIPINNO
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at
tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng
Panitikang Filipino tulad ng awit, corido, moro-moro,
at iba pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang
panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba't ibang aklat pambalarila
sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano, at
Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga
lathalain ng mga panahong yaon.
MGA UNANG AKLAT
1. Ang Doctrina Cristiana - Ito ang kauna-unahang
aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa
pamamagitan ng silograpiko.
➢ Akda ito nina Padre Juan de Placencia at Padre
Domingo Nieva.
➢ Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila.
Naglalaman ito ng Pater Noster, Ave Maria, Regina
Caeli, Sampung Utos ng Diyos, Mga Utos ng Sta.
Iglesya Katoliko, Pitong Kasalanang Mortal,
Pangungumpisal, at Katesismo.
MGA UNANG AKLAT
1. Ang Doctrina Cristiana
➢ Tatlong kopyang orihinal na lamang ang natitira sa aklat na
ito na matatagpuan sa Batikano, sa Museo ng Madrid at sa
Kongreso ng Estados Unidos. Nagtataglay lamang ng 87 pahi-
na ang akdang ito subalit nagkakahalaga naman ng $5,000.
2. Nuestra Señora del Rosario-Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa
Pilipinas.
➢ Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at
nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong
ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa
relihiyon.
MGA UNANG AKLAT
3. Ang Barlaan at Josaphat - Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa
Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja.
➢ Ipinalalagay itong kauna-unahang nobelang napalimbag sa
Pilipnas.
4. Ang Pasyon - Ito'y aklat na natutungkol sa buhay at pagpapaka-
sakit ni Hesukristo. Binabasa ito tuwing Mahal na Araw.
➢ Nagkaroon ng apat na bersyon sa Tagalog ang akdang ito at
ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga
nagsisulat.
MGA UNANG AKLAT
4. Ang Pasyon
➢ Ang mga ito ay ang Version de Pilapil (Mariano Pilapil),
Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen), Version de la
Merced (Aniceto de la Merced), at Version de Guia (Luis de
Guia). Isinasaalang-alang na pinakapopular ang Version de
Pilapil
5. Ang Urbana at Felisa -Ito'y aklat na sinulat ni Modesto ae
Castro, ang tinaguriang "Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog.
➢ Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina
Urbana at Felisa.
MGA UNANG AKLAT
5. Ang Urbana at Felisa
➢ Ang aklat na ito ay pinamagatang “Pagsusulatan ng
Dalawang Binibini na sina Urbana at Felisa.”
Layunin ni P. Modesto:
Mangaral sa mga kabataan sa siyudad at sa
lalawigan tungkol sa mga pag-uugali, kilos, at
makabagong kabihasnan.
MGA AKDANG PANGWIKA
1. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala-sinulat ni
Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni
Tomas Pinpin noong 1610.
2. Compendio de la Lengua Tagala - inakda ni Padre
Gaspar de San Agustin noong 1703.
3. Vocabulario de la Lengua Tagala - kauna-
unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni
Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613.
MGA AKDANG PANGWIKA
4. Vocabulario de la Lengua Pampango - unang aklat
pang wika sa Kapampangan na sinulat ni Padre
Diego Bergano noongg 1732.
5. Vocabulario de la Lengua Bisaya - pinakamahusay
na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo
Sanchez noong 1711.
6. Arte de la Lengua Bicolana - unang aklat pangwika
Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754.
MGA AKDANG PANGWIKA
7. Arte de la Lengua Iloka - kauna-unahang
balarilang lio na sinulat ni Francisco Lopez.
MGA KANTAHING BAYAN
❖ Leron-leron Sinta – Tagalog
❖ Pamulinawen – Iloko
❖ Dandansuy – Bisaya
❖ Sarong-Banggi – Bicol
❖ Atin Cu Pung Singsing
MGA DULANG PANLIBANGAN
1. TIBAG - Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at
ipaalaala ang paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang
krus ni Hesus sa pama- magitan ng pagtitibag ng bunduk-
bundukan.
2. LAGAYLAY - Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang
pagkakataon at pag-iipun-ipon kung buwan ng Mayo ang
pagkakaroon ng lagaylay. Abril pa lamang, namimii na si
Kikay, ang anak ng sakristan mayor ng mga dalagang sasali
rito. Kung minsan, ipiniprisinta na ng mga magulang ang
kanilang anak kahit hindi pa dalaga, dahil sa isang panata
na ginawa dahil sa pagkakasakit o sa isang pabor na nais
makamtan. Sa ibang bahagi ng Kabikulan, iba naman ang
MGA DULANG PANLIBANGAN
pagtatanghal ngunit ang layunin ay pareho: paggalang,
pagpuri,.at pag-aalay ng pagma- mahal sa mahal na krus na
nakuha ni Santa Elena sa bundok na tinibag.
3. SINAKULO - Pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at
pagpapakasakit ng ating Poong si Hesukristo. Ang salitaan dito
ay mula sa "Pasyon."
4. PANUNULUYAN - Isang pagtatanghal ito na isinasagawa bago
mag-alas dose ng gabi ng kapaskuhan. Natutungkol ito sa
paghahanap ng matutu- luyan ng Birheng Maria at ni Joseph upang
doon iluwal ang sanggol na si Hesukristo. PANUBONG Isang
mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o
kapistahan na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang
MGA DULANG PANLIBANGAN
5. PANUBONG - Isang mahabang tulang nagpaparangal sa
isang may kaarawan o kapistahan na kung tawagin ay
panubong ay ginaganap bilang parangal sa isang panauhin o
may kaarawan.
➢ Ang unang bahagi, sinisimulang awitin sa may
tarangkahan ng bahay ng may kaarawan.
➢ Ang ikalawang bahagi ay inaawit habang umaakyat sa
hagdan ang mga kumakanta. Ipinaliliwanag nila rito
ang halaga ng bawat baitang. Kapag nasa huling baitang
na sila, hindi agad sila pinapapasok hanggang hindi
natatapos ang awitin at hanggang hindi sila
MGA DULANG PANLIBANGAN
pinapapasok upang ipahiwatig na sila ay nahihiya. Dapat ay
anyayahan sila ng may bahay, upang pagkatapos ng pag-awit ay
maaari agad silang pumasok.
➢ Sa huling bahagi, aawit sila kung nasa loob na sila ng bahay.
Ang pararangalan ay kailangang umupo sa isang silya at siya
ay lalagyan ng isang koronang yari sa sariwang bulaklak at
hahandugan bilang reyna.
6. KARILYO - Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang
ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa karton, na
pinanonood na gumagalaw sa likod ng isangputing tabing at
pinagagalaw naman ng taong di nakikita na siyang nagsasalita
rin para sa mga kartong gumagalaw.
MGA DULANG PANLIBANGAN
7. MORO-MORO - Tulad ng sinakulo ang moro-moro ay
itinatanghal din sa isang ipinasadyang entablado. Ito'y
itinatanghal sa mga araw ng pista ng bayan o ng nayon upang
magdulot ng aliw sa tao at laging ipaala sa mga ito ang kabutihan
ng relihiyong Kristiyano.
➢ Ang mga mor moro ay may hari't reyna at mga mandirigmang
kawal.
MGA DULANG PANLIBANGAN
Halimbawa: “Prinsipe Rodante"
Ngayo'y dumating na itong takdang araw
Dakilang Torneo sa plasang kalaklan
May kabalyerong dito'y daratal
Ay magpapamalas ng dangal at tapang.

O mahal kong anak, Prinsesa Florinda


Sabihin sa aki't sa ina mong Reyna
Kung ang iyong loob ay handang-handa na
Sa larong torneo na magiging bunga.
MGA DULANG PANLIBANGAN
8. KARAGATAN - Ito'y batay sa alamat ng singsing ng isang
prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangaring mapangasawa
niya ang kasintahang mahirap.
➢Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin sa
dagat at ang makakuha'y pakakasalan niya.
➢ Sa larong ito, isang matanda ang kunwa'y tutula;
pagkatapos ay paiikutin ang isang tabo na may tandang
puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito ay
siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinghaga. Kapag
ito'y nasagot ng binata ay ihahandog niya ang singsing
sa dalaga.
MGA DULANG PANLIBANGAN
MGA DULANG PANLIBANGAN
MGA DULANG PANLIBANGAN
9. KURIDO - Ang salitang "corrido" (baybay sa Kastila) ay
ngahulugang kasalukuyang mga balita (current events) sa
mga Mehikano.
• Dito sa Pilipinas, ang kurido ay isang tulang pasalaysay
na natutungkol sa katapangan, kabayanihan,
kababalaghan, at pana- nampalataya ng mga tauhan.
Karamihan sa mga paksa ay galing sa Europa at dinala
lamang dito ng mga Kastila.
MGA DULANG PANLIBANGAN
• Naging tanyag na awitin noong ikalabinsiyam na siglo
ang kurido dahil sa kakulangan ng babasahin, libangan,
at panoorin ang mga tao.
• Ang ilan sa ating mga manunulat ng kurido ay sina:
Jose de la Cruz
Ananias Zorilla, at
Francisco Baltazar
Panahon ng Kastila
Nariyan ang mga akdang:
a. Doctrina Christiana
b. Nuestra Señora del Rosario
c. Barlaan at Josaphat at iba pa.
Hindi maiaalis na malakı ang naitulong ng romantısasyoon
sa paglilimbag ng mga akdang panrelihiyong ito upang
maitaguyod at matagumpay na maipalaganap ang
Kristiyanismo sa kapuluan. Ang mga Kastila ang nagpakilala
ng titik Romano na naging hudyat ng ganap na pagbabago
sa matandang sistema ng pagsulat, ang alibata.
Panahon ng Kastila

Bagamat inaangkin ng mga Kastila na sa kanilang


pagdating naganap ang pagkahubog sa kalinangan ng
pamumuhay ng mga katutubo, ito'y pinabulaanan sa
pamamagitan ng mga kantahıng bayan ng mga
Pilipino na patuloy na naingatan at nabuhay sa
pasalindilang paraan.
Panahon ng Kastila

• Payak o simple man ang nilalaman at kahulugan,


madamdamin at tigib ng kaisipan at kaugaliang
Pilpino ang mga awiting bayan. Mababanaag sa mga
awiting bayan ang diwa ng kasiglahan, pangungulila,
kabiguan at tagumpay sa buhay. Ang mga awiting
bayan ang isa sa daluyan ng inspirasyon at lakas ng
ating mga katutubo upang patuloy na magkaroon
ng kulay ang kanilang mga pang- araw-araw na
gawain.

You might also like