You are on page 1of 2

MAKABAGONG KURIKULUM NG PILIPINAS

Ang sistemang edukasyon ng Pilipinas ay gingagamit lamang bilang instrumento


ng estado sa paghubog ng kamalayan at kakayahan ng mga kabataang Pilipino upang
sila ay manilbihan para sa iilang naghaharing uri sa ating lipunan at palaganapin ang
mga kaugalian at pamaraan ng pamumuhay ng mga uring ito.

K TO 12 -Ito ang programang ipatutupad ng pamahalaa at ng kagawaran ng edukasyon


na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng
edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo.Ang K+12 ay ang
karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng
high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o
upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa
kolehiyo mismo.Ayon kay Kalihim Bro. Armin Luistro ito ay ibibigay ng libre sa mga nais
pumasok sa pampublikong paaralan. Bagaman magiging isang puhunan o investment
ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak.Sa kasalukuyan ay
kinakailangan magtapos ang ating kabataan o mag-aaral ng kolehiyo para
makapagtrabaho. Ngunit para kay Kalihim Bro. Armin Luistro at Pangulong Noynoy
(Aquino III) ang K+12 ay ang pagbibigay ng basic competencies na kailangan upang
makapagtrabaho ang mga kabataan. Junior high school pa lamang, maaari ng
makakuha ng certificate of competency level 1 basta ma-satisfy lang ang requirements
ng TESDA. Senior high school, level 2, naman ay maaari na silang magtrabaho
matapos ito.

Hidden kurikulum – ito yong paghihikayat at pagtuturo ng mga balyus,pamatayan at


paniniwala sa loob ng silid-aralan.Itinataguyod sa kurikulum ang “social Inequalities” sa
pamamagitan ng pagturo at pagmulat sa mga mag-aaral ayon sa kaantasan at
kalagayan nila upang matanggap ng mga mag-aaral kung ano sila at ang pagkakaiba
nila.

Special Program in the Arts Curiculum-Ang SPA ay binubuo ng mga estudyanteng


magagaling sa larangan ng sining gaya ng pagsayaw, pag-awit, pag-arte at pagtugtog
ng instrumento. Nakapokus ang sa sining.Nahahasa ang mga talento ng mga mag-
aaral.Higit na napapareserba ang sining ng Pilipino.

MAKABAGONG
KURIKULUM NG PILIPINAS

You might also like