You are on page 1of 6

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

1. Ang mga sumusunod ay kabilang sa unang mga tao sa Pilipinas


maliban sa isa.
a. Kastila c. Indones
b. Negrito d. Malay
2. Ayon kay ______________, ang bugtong ang kauna-unahang
katutubong tula.
a. Ligaya Tiamson-Rubin
b. Alejandro G. Abadilla
c. Iñigo Ed Regalado
d. Lope K. Santos
3. Ito ang naging patunay na mayroon nang sariling panitikan ang
mga Pilipino noon pa man.
a. Kantahing-bayan
b. Baybayin
c. Alibata
d. Bugtong
4. Ito ay butil ng mga kaisipan na ang layunin ay makapagbigay ng
magandang asal.
a. Bugtong
b. Salawikain
c. Sawikain
d. Kasabihan
5. Dito nasasalamin ang gawi, ugali, at kilos ng isang tao.
a. Sawikain
b. Salawikain
c. Kasabihan
d. Bugtong
6. Oyayi: awit sa pagpapatulog ng bata; Kalusan:_____________.
a. awit sa kasal
b. awit sa paggawa
c. awit sa paggaod
d. awit sa lansangan
7. Ditso: awit sa paglalaro ng mga bata; _________: awit sa
pagdadalamhati
a. Dalit
b. Umbay
c. Kutang-kutang
d. Dung-aw
8. Ito ay mahabang salaysay sa anyong patula na maaaring awitin o
isatono
a. Epiko
b. Kantahing-bayan
c. Pasyon
d. Awit
9. Ito ay tumutukoy sa awit sa kasal.
a. Kundiman
b. Diona
c. Tagumpay
d. Tikam
10. Isang uri ng tulang napakataas sa wikang Tagalog.
a. Ambahan
b. Tanaga
c. Tradisyonal na tula
d. Bugtong
PANAHON NG KASTILA

1. Sa panahong ito ay nagkaroon ng maraming pagbabago sa tulang


Pilipino lalo na sa uri at paksa nito.
a. Panahon ng Amerikano
b. Panahon ng Hapon
c. Panahon ng Kastila
d. Panahon ng Makabagong Panahon
2. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga paksa ng Kastila maliban
sa isa.
a. Pangromansa
b. Panunuligsa
c. Etika
d. Panrelihiyon
3. Isang uri ng tula na isinasalaysay ang buod ng buhay ng
Panginoong HesuCristo
a. Pasyon
b. Awit
c. Korido
d. Dalit
4. Nagsasalaysay sa buhay ng Birheng Maria
a. Passion
b. Awit
c. Korido
d. Dalit
5. Isang tulang pagkakaibigan o pangromansa na walang sangkap ng
kababalaghan.
a. Dalit
b. Korido
c. Awit
d. Pasyon
6. Binubuo ito ng walong pantig at punong-puno ng kababalaghan.
a. Korido
b. Dalit
c. Pasyon
d. Awit
7. Siya ang unang makata na lumantad laban sa mga kolonyalistang
kultura.
a. Francisco Baltazar
b. Lope K. Santos
c. Florentino Collantes
d. Alejandro Abadilla
8. Ito ay paghahandog sa Birheng Maria sa tuwing buwan ng Mayo.
a. Mahal na Araw
b. Huwebes Santo
c. Bailes de Luces
d. Flores de Mayo
9. Ito ay isang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe
laban sa mga kastila.
a. Ibong Adarna
b. Florante at Laura
c. Isang Punong Kahoy
d. Noli Me Tangere

“O Diyos sa kalangitan
Hari ng Sangkalupaan
Mabait, lubhang maalam
At puno ng karunungan”
10. Ang tulang nasa itaas ay halimbawa ng ________.
a. Dalit c. Awit
b. Pasyon d. Korido
PANAHON NG PAMBANSANG PAGKAMULAT/
PANAHON NG HIMAGSIKAN

1. Ito ang huling tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal


a. Sa Aking Mga Kabata
b. Pahimakas
c. Huling Paalam
d. Sa Kabataang Pilipino
2. Ang tulang ito ay naghahangad na himukin ang mga Pilipino na
maging Makabayan.
a. Pahimakas
b. Sa Kabataang Pilipino
c. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
d. Lupang Tinubuan
3. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa: Andres Bonifacio:: Sagot ng Espanya
sa Hibik ng Pilipinas: ________________
a. Jose Rizal
b. Marcelo H. Del Pilar
c. Graciano Lopez Jaena
d. Jose Palma
4. Ang mga sumusunod ay sagisag panulat ni Marcel H. Del Pilar
maliban sa isa.
a. Pupdoh
b. Plaridel
c. Dolores Manapat
d. Taga-ilog
5. Alin sa mga sumusunod ang sagisag panulat ni Andres Bonifacio?
a. Magdiwang
b. Anak-dalita
c. Huseng Sisiw
d. Kintin Kulirat
6. Siya ang nanguna sa pagtatag ng Katipunan.
a. Jose Rizal
b. Andres Bonifacio
c. Emilio Aguinaldo
d. Emilio Jacinto
7. Siya ang Utak ng Katipunan.
a. Emilio Jacinto
b. Emilio Aguinaldo
c. Andres Bonifacio
d. Jose Palma
8. Ang mga sumusunod ay akda ni Jose Palma maliban sa ________.
a. Melancholias
b. De Mi Jardin
c. Himno Nacional Filipinas
d. El Simil de Alejandro
9. Sino ang nagsulat ng pambansang awit ng Pilipinas sa wikang
Kastila?
a. Jose Palma
b. Jose P. Laurel
c. Patricio Mariano
d. Apolinario Mabini
10. Siya ang tinaguriang Utak ng Himagsikan.
a. Emilio Jacinto
b. Jose Palma
c. Apolinario Mabini
d. Andres Bonifacio

You might also like