You are on page 1of 2

Antas Grade 7 Learning Filipino

Pang-araw-araw na Area
Tala sa Pagtuturo Baitang 7- Del Pilar Markahan Unang Markahan
at Pangkat 7- De Vega
7- Rizal
Guro Bb.Katherine T. Miado
Petsa: Hunyo 18, 2018

I. LAYUNIN
A. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F7PT-Ic-d-2: Napatutunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang
naglalarawan batay sa ginamit na panlapi

F7PB-Ic-d-2: Natutukoy at naipaliliwanag ang mahalagang kaisipan sa binasang


akda.
B. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Mindanao
C. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo

II. NILALAMAN Panitikan: Natalo Rin si Pilandok


Alamin Natin: Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
Gramatika: Mga Ekspresyong Naghahanay ng Posibilidad
Inaasahang Pagganap: Pagsasagawa ng Pananaliksik tungkol sa Pabula
A. Sanggunian Pinagyamang Pluma 7, pahina 27-48
B. Kagamitan Mga larawan, sipi ng akda, manila paper
III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak Ipaliwanag kung paano isinasagawa ang ilang mga panloloko o scam.

Dugo-dugo Budol-budo Laglag Barya


Dugo-
ug l ugo ugo
dugo
B. Paghahawan ng Sagabal o
Panuto:Tukuyin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalungguhit mula sa iba pang salita sa pangungusap.
1. Isang baboy-ramo ang nakatago sa malalabay na sanga kaya’t
hindi ito nakita ni Pilandok dahil sa malalagong dahong tumatakip dito.
2. “ Ang matikas na baboy-ramong tulad mo ay nababagay lamang kumain
ng isang matipunong tao”, ang pambobola ni Pilandok sa baboy-ramo.
3.Sinagpang ng buwaya ang kanyang paa subalit hindi siya nagpahalatang
nasaktan kahit pa sinungguban siya nito.
4. Mabuti na lang at nakalundag si Pilandok palayo dahil hindi naman
nakatalon ang mabigat at malaking buwaya.
5. Ipinagbunyi ng mga hayop ang pagkapanalo ng isang munting hayop
laban kay Pilandok subalit lalo nilang ipinagdiwang ang narinig na
pagbabago ni Pilandok.

C. Presentayon Pagpapakilala ng uri ng akdang babasahin


Dugtungan Pagbabasa ng Akdang Natalo rin si Pilandok
D. Pagpapayaman Sagutin ang sumusunod na tanong
1. Bakit sinasabing matalino si Pilandok? Sa iyong palagay, pagiging matalino nga
ba o pagiging mapanlinlang ang higit na angkop na paglalarawan sa kanya?
Patunayan sa pamamagitan ng mga ginawa niya sa binasang pabula.
2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo? Sa ikyong palagay,
nararapat nga kaya ang ginawa niyang panlilinlang sa baboy-ramo? Kung ikaw si
Pilandok, ano ang gagawin mo para makaligtas kang maging hapunan ng
baboy-ramo subalit hindi mo naman ito kailangang ipahamak?
3.Bakit kaya galit nag alit ang buwaya kay Pilandok? Bakit naman galit si Pilandok
sa Buwaya? Sa paanong paraan naisahan ni Pilandok ang buwaya?
4. Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo para baguhin ang iyong sarili?
5. Bakit sinasabing” kung ano ang itinanim mo ay babalik din sa iyo? Ano-anong
patunay ang maibibigay mo sa katotohanan ng kasabihang ito?

E. Paglalahat 1. Ano ang pabula?


2. Ano ang kahalagahan nito?
IV. Ebalwasyon A.Panuto: Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa gamit ng panlapi. Piliin
ang sagot sa hanay B at isulat ang titik sa patlang.
Hanay A Hanay B
___ 1. Lamigin a. ginagawa ng tao para guminhawa ang
pakiramdam kapag mainit.
___ 2.malamig b. nagiging asal ng tao na nagpapakitang ayaw na
sa isang relasyon.
___ 3.nagpapalamig c. naramdaman ng tao kapag malamig.
___ 4.nanlalamig d.taong madaling makadama ng lamig.
___ 5.nilalamig e. tumutukoy sa uri ng panahong nararanasan.

B. Panuto: Tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang lahat ng mahahalagang kaisipan taglay
ng binasa. Ekis (X) naman ang ilagay sa hindi. Bigyan ng maikling paliwanag kung
bakit mahalaga ang mga kaisipang nilagyan mo ng tsek.
__1. May mga taong tulad ni Pilandok na manloloko o manlilinlang ng iba para sa
sarili nilang kapakanan.
Paliwanag:____________________________________________
__2. Ang salapi o pagmamahal sa salapi ay nagiging ugat o pinagsisimulan ng lahat
ng kasamaan sa ating mundo.
Paliwanag:____________________________________________
__ 3. Ang isang tunay na kaibigan, nakikilala kapag ang kaibigan niya ay nalalagay
na sa alanganin o kaya’y nagkakaroon ng problema.
Paliwanag:____________________________________________
__ 4.” Tuso man ang matsing, napaglalalamangan din.” Dumating ang sandaling
ang panlolokong ginagawa ni Pilandok sa iba ay bumalik din sa kanya.
Paliwanag:____________________________________________
__ 5. Maging matalino at kilalanin munang mabuti ang isang tao bago maniwala
upang di matulad kina Baboy-ramo at Buwaya na naging biktima ng isang
manloloko.
Paliwanag:____________________________________________

V. Kasunduan
Magsaliksik ng mga balita na may pagkakatulad sa katangian ni Pilandok sa kwento

VI. Mga Tala

VII. Pagninilay

Inihanda: Ninutahan:

KATHERINE T. MIADO LALICE JOY J. ARQUINTILLO


T-III Puno, Departamento ng Filipino
Aprubado:

SALVADOR M. BESARES
Principal III

You might also like