You are on page 1of 16

7

Filipino
Kwarter 2 – Modyul 2:
Antas ng Wika
Filipino – Baitang 7
Kwarter 2 – Modyul 2: Pagsusuri: Antas ng Wika

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al K. Firmo

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Analiza P. Astillero at Catherine F. Guadayo


Editor: Marie Grace B. Manlapaz, Roderick A. Jardin, Gigi B. Paterno
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Grace B. Manlapaz, Marites C. Cleofe, Arlin A. Jardin,

Gumuhit ng Larawan: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo


Tagalapat ng Pahina: Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Mahalagang matugunan ang pangangailangan ng bata upang
kagiliwan at maging kapaki-pakinabang ang pagkatuto sa modyul na ito.
Tiyaking nauunawaan ng mga mag-aaral, magulang, o sinumang
miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Mahalagang malaman ng bata na kailangan niyang gumamit ng
kuwaderno o sagutang papel sa paggamit ng modyul sa pagsagot ng
paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos na
pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-
aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul ay sadyang binuo para saiyo.
Mahalaga na sundin at masagot mag-isa ang mga
gawaing nakapaloob dito. Huwag kang matakot
napakadali nito. Titiyakin kong magugustuhan mo
ang iyong karanasan sa pagsagot sa sa bawat
gawain sa modyul na ito.
Ingatan mo sana ito. Pakaiwasan mabasa o
mapunit ang mga pahina nito. Gumamit ka ng
sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige,
simulan na natin!

ii
Pagsusuri: Antas ng Wika

Magandang araw!
Kumusta ka ngayon? Hangad ko ang iyong
maayos na kalagayan! Handa ka na ba sa bago mong
matututunan?
Halika! Umpisahan na natin.
Sa gawaing ito, masusuri mo ang Antas ng Wika batay sa
pormalidad na ginamit sa awiting- bayan.

Sa modyul na ito, inaasahan na nasusuri mo ang


antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa
pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal,
lalawiganin, pormal)

Layunin

1
Narito ang ilang salita na ginamit sa
pag-aaral ng Antas ng Wika. Tingnan
upang maging pamilyar saiyo ang mga ito.

Antas ng Wika Paghahati ng salita ayon sa iba’t – ibang


Talasalitaan kategorya o lebel

Balbal Balbal – Wikang karaniwang ginagamit


sa lansangan. Ito ang pinakamababang
antas ng wika.

Kolokyal – Antas ng wika na ginagamit sa


Kolokyal karaniwang usapan at ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipag-usap.

Lalawiganin o Diyalektal– Wikang ginagamit sa


Lalawiganin isang rehiyon o isang lalawigan. May
pagkakataon o sitwasyon na hinihiram ang
salitang lalawiganin na nagkakaroon ng ibang
kahulugan.

Teknikal- Ginagamit sa isang tiyak na disiplina o


Teknikal sitwasyon.

Pampanitikan – Ang pinakamataas na antas ng


Pormal wika na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
akdang pampanitikan kabilang dito ang
matatalinghagang salita at pahayag na
nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang
diwa.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin
mo nga?

Panimulang Gawain

Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng awiting bayan. Suriin ang mga salitang
nakahilis ayon sa pormalidad nito at isulat sa bawat nakalaang kahon kung saan ito
akma o nababagay.

Likas sa ating paraluman


Waray-Waray
kami'y palagi, mapagbigay
Lyrics
Ngunit iba ang waray waray
Waray Waray hindi tatakas
walang sindak kaninuman
Waray Waray handang matodas
Waray Waray bahala bukas
Kaming babaeng waray waray
Waray Waray manigas!
ay siga siga, kahit saan
‘Pagkat kami ay lumalaban
Waray Waray tawag sa akon,
Kapag hinamon ng away.
sa bakbakan, diri magurong
sa sinuman ang humahamon
Waray Waray sadyang di siya tatakas
kahit ikaw, ay maton!
Waray Waray handa nang matodas
Waray Waray bahala na bukas
Waray Waray manigas!

Balbal Kolokyal Lalawiganin Pampanitikan

3
O, d iba kayang-kaya mong tukuyin ang mga salitang
nagpapakita ng antas ng wika.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.

ANTAS NG WIKA
-pagkakaroon ng barayti ang salita dala ng pagbabago ng panahon, lugar at pagkakataon
kung kailan ito ginagamit.

Mga uri ng Antas ng Wika.

1.Balbal – Wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang pinakamababang antas ng


wika.

Halimbawa: lespu, ermat, erpat boga, puga, yosi, toma.


Habang naghihintay si ermats sa plaza, pinapanood ko ang mga batang lalaki na nagto-toma
habang ang isa na nagbo –boga ng yosi. Nagsitakbuhan ang mga ito ng may papadaang
lespu.

Ang gurangers talaga nakikiuso ring manood kina Piolo at Sarah.

2. Kolokyal - ginagamit sa karaniwang usapan sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.


Karaniwang may palit koda (code switching) o halong koda (mixed switching) na ibig sabihin
pinaghahalo sa pagsasalita o pagsulat ang Filipino at Ingles.

Halimbawa: pinoy, titser, p’re, te’na

Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad


Maaga pa ay nasa lobby na ako ng sinehan.

3) Lalawiganin o Diyalektal– Wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan.


May pagkakataon o sitwasyon na hinihiram ang salitang lalawiganin na nagkakaroon
ng ibang kahulugan.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

4
Mga Halimbawa:
Mga Salita sa Luzon na Ginagamit sa Ibang Rehiyon/Lugar
kaunin (sunduin) – Batangas
mabanas (mainit ang panahon) – Laguna
abiarin (asikasuhin) – Quezon
balaw (alamang) – Aurora

Mga Salita sa Visayas na Ginagamit sa Ibang Rehiyon/Lugar


bana – asawang lalaki
onse – labing-isa
sugba – ihaw
kadyot – sandali lang
Mga Salita sa Mindanao na Ginagamit sa Ibang Rehiyon/Lugar
malong –kasuotan ng mga kapatid na Muslim
kulintang – instrumentong pangmusika

4) Teknikal- Ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon.

Mga Halimbawa: Disiplina: Information technology Google Internet Basher Mouse


Instagram Windows Chat Facebook Yahoo
Ilang Salitang Ginagamit sa Bangko Kaugnay ng Sitwasyong Pag-iipon Account Current
Savings Checking ATM Withdrawal

5) Pampanitikan – Ang pinakamataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa pagsulat


ng akdang pampanitikan kabilang dito ang matatalinghagang salita at pahayag na nagbibigay
ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.

Mga Halimbawa: mahal na tao, mahabang dula, nakabibinging katahimikan, kisap mata,
nalalagas ang dahon, nagpupuyos sa galit

Panitikang Rehiyonal, Filipino 7, pahina 98-99

Mga Pamatnubay sa Pagsusuri ng Antas ng Wika sa Awiting-bayan


1. Basahin at unawain ang konteksto ng bawat taludtod.
2. Bigyang-pansin ang pormalidad ng mga salitang ginamit sa akda.
3. Tukuyin kung anong antas ng wika ito nabibilang.
4. Suriin kung paano nakaaapekto ang mga salitang ito sa pagpapahayag ng
pangunahing kaisipan.
5. Unawain ang ideyang ipinahahayag ng mga salita at ang kaugnayan nito sa kabuoang
diwa ng akda.

5
Ipagpatuloy mo.

_______________________________________________________________

Bakit nagkakaroon ng barayti o


pagbabago ng mga salita.

Ibigay ang dalawang uri ng Antas ng


Wika? Paghambingin ang pagkakaiba
ng dalawa.

Sa tingin mo, ano ang halaga ng


pagkakaroon ng antas ng wika sa
pagsulat ng awiting bayan?Ipaliwanag
ang iyong sagot.

Yehey! Naunawaan mo na ang pagsusuri ng Antas ng wika batay sa pormalidad na


ginamit sa pagsulat ng awiting-bayan. Maaari mo pang magawang malalim ang iyong
pang-unawa sa ating kasanayan gamit ang sumusunod na pagsasanay. Handa ka na
ba? Simulan mo na!

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.


__________________________________________________
Panuto: Tukuyin kung anong antas ng wika ang mga
salita na ginamit sa awiting-bayan. Isulat ang B kung Pagsasanay 1
Balbal, K kung kolokyal, L kung Lalawiganin at P kung
pampanitikan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

6
Baleleng
Tulad mo, Baleleng, ay isang mutya
Perlas na kay ningning, anong ganda
Tulad mo’y bituin sa kalangitan
Tulad mo ay gintong kumikinang

At ako, Baleleng, isang dukha


Langit kang ‘di abot, ako’y lupa
At sa ‘iyo’y nagmahal nang wagas
Kahit magkaiba ang ating landas

Kung ikaw, Baleleng, ang mawala


Kung ikaw, Baleleng, ‘di na makita
Puso ko sa iyo’y maghihintay
’Pagkat mahal na mahal kitang tunay

______ 1. baleleng
______2. bituin sa kalangitan
______3. mutya
______4. gintong kumikinang
______5. perlas

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang


pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing Pagsasanay 2

magpapatibay ng iyong kaalaman.

Panuto: Isulat sa kahon ang salita sa awiting- bayan na katumbas ng kahulugan sa


Filipino. Tukuyin kung anong antas ng wika ang salita. Isulat ang sagot sa papel.

Naglakat ako sa tikong dalan


Nakakita san tikong sundang
Tinigbas ko sa tikong kahoy
Hinimo ko na balaybalay
Naglakat ako sa tikong suba
Nakakita san tikong isda
Niluto ko sa tikong kuron
Kinaon ko manamiton

7
Katumbas na salita sa
Salita sa Awiting -bayan Antas ng Wika
Filipino
1. 1. dalan 1.
2 2. suba 2
3 3. manamiton 3
4 4. balaybalay 4
5 5. kuron 5

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang


masagutan ang sumusunod na pagsasanay.
Panuto: Suriin ang awiting-bayan batay sa mga
Pagsasanay 3
gabay na tanong.

Kon halapit na magtunod an adlaw


Na saimo hirayo ako
Nagputok sa kakulba an dughan
An kamingaw adi sa akon
Pagtuna pagturo sa tun-og
Pagbuklad samn sahon na hamog
Inin luha, daw, burabod
Wara udong sa pagturo
Pag-abot sa gab-i upod an akmingaw
Lab ikon nabati an huni sa kalaw
Pagpula sa sirangan, pagbitlak sa
adlaw
Paglupad sa maya, indumdom ikaw

8
Gabay na tanong:
1. Ihanay ang sumusunod na salita ayon sa kaantasan nito: nagputok sa kakulba,
magtunod, hirayo, indumdom, luha daw burabod
Balbal Kolokyal Lalawiganin Teknikal Pampanitikan

2. Paano nakatulong ang paggamit ng angkop na kaantasan ng wika sa kasiningan ng


akda?

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 12.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob


ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling
pagsubok na ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Suriin ang awiting -bayan sa tulong ng sumusunod na mga tanong.

Sabi ng binata halina o hirang


Magpasyal tayo sa Lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan

Ang mga puso ay pilit magmahalan


Ang dalaga naman ay ibig pang umayaw
Sasabihin pa kay inay nang malaman
Binata’y nagtampo at ang wika
Ikaw pala’y ganyan akala mo’y tapat at
ako’y minamahal.

Ang dalaga naman ay biglang umiyak


Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.

9
Gabay na tanong:

1. Sang-ayon ka ba na dapat isaalang-alng ang antas ng wika sa pagsulat ng


awiting-bayan?
2. Sa pagsusuri mo, nakatulong ba ang ginamit na mga salita sa bawat taludtod
upang higit na mapalutang ang diwa o mensahe ng awiting-bayan?
3. Nakaapekto ba ang antas ng wikang ginamit sa pagtanggap/pagtangkilik sa
isang lugar ng sarili nilang awiting-bayan?

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang katanungan batay sa natutuhan sa aralin.

Ipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng akmang salita sa iba’t- ibang


pagkakataon. Paano ito nakakaapekto sa pang-araw araw na
pakikipagtalastasan?

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

10
Batayan:
Panitikang Rehiyonal, Filipino 7, pahina 98-99

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Baleleng
https://www.metrolyrics.com/waray-waray-lyrics-lea-salonga.html
https://www.lyricsbox.com/mabuhay-singers-lawiswis-lyrics-p5gxbpz.html

11
12
Panapos na Pagsubok
Pagsasanay 1
Ang guro ang magwawasto
ng sagot. 1. Lalawiganin
2. Pampanitikan
3. Pampanitikan
Pagsasanay 3 4. Pampanitikan
5. Pampanitikan
1. magtunod- lalawiganin
2. hirayo- lalawiganin
3. nagputok sa kakulba- pampanitikan
4 luha daw burabod-pampanitikan
5.indumdom-lalawiganin
Panimulang Pagsubok
1.waray-waray-lalawiganin
Pagsasanay 2 2.bahala bukas-pampanitikan
1.daan, lalawiganin 3.maton-balbal
2.ilog, lalawiganin 4.matodas- balbal
3. masarap. lalawiganin 5.kami’y-kolokyal
4. maliit na bahay,lalawiganin
5.palayok-lalawiganin
Susi sa Pagwawasto
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like