You are on page 1of 11

ARALIN “Prinsipe Bantugan”(Epiko) Mula sa Darangan ng

Maranao
1.3 Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagtukoy ng
Sanhi at Bunga Ng Pangyayari sa Pagpapasiya

Ang Aralin 1.3 ay naglalaman ng epiko ng Maranao mula sa


Darangan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at
kagitingan ng mga mandirigmang Maranao. Bahagi rin ng
aralin ang pagtalakay sa mga Pang-ugnay na ginagamit sa
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga ng Pangyayari sa Pagpapasiya
na makatutulong nang lubos sa pag-unawa sa tatalakaying epiko at sa pagpapahayag ng
dahilan at kinahihinatnan ng isang pangyayari.

Balikan
Matapos ang ikalawang linggong aralin,halina’t tuklasin ang iyong
natutuhan sa pamamagitan sa pagsagot sa mga katanungan.. Kopyahin
ang tanong at ibigay ang tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
Panuto : Sagutin ang mga katanungan.
1. Sino ang patakbong papalapit sa matandang aso?
A. Kuneho B. Leon C. Ardilya D. Aso
2. Ano ang nakita ng matandang aso na nakakalat malapit sa kanya?
A. Buto B. Pagkain C. Laruan D. Wala sa nabanggit
3. Sino ang nakasakay sa likod ng leon?
A. Kuneho B. Leon C. Ardilya D. Aso
4. “Akala ko baý kakampi kita? Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong
ipakain sa asong iyan?” Sino ang may sabi nito?
A. Kuneho B. Ardilya C . Aso D. Leon
5. “Matanda na ako at marami ng karanasan. Hindi ninyo ako mapaglalamangan.”
Sino ang may sabi nito?
A. Matandang aso B. Leon C. Ardilya D. Leon

Panuto : Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot ng
tamang gamit ng mga salitang nagpapahayag ng posibilidad.
A. Marahil B. Siguro C. Sa palagay ko D. Baka E. Pwede
1. _________ uulan mamaya!
2. _________ ay mainit pa ulo ng matanda.
3. _________ naman, ay magtanda na siya sa nangyari.
4. _________ ay matatagpuan natin siya roon.
5. _________ bang umalis ka muna?

Mga Tala para sa Guro


Ang bawat gawain sa panimula at katapusan ng bawat bahagi ay iyong sasagutin sa
loob ng isang oras. Mayroon lamang apat na oras ang nakalaan sa asignaturang ito
sa buong lingo. Basahing mabuti ang panuto at paraan ng pagbibigay ng puntos
upang kayo ay magabayan. Huwag pumunta sa ibang gawain kung hindi mo
natapos ang kasalukuyang gawain. Maraming salamat.

1
Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, aalamin natin kung ano na ang nalalaman mo


sa epiko mula sa Mindanao.
GAWAIN 1 : BAYANI KA
Kilalanin ang mga itinuturing na bayani sa mga larawan. Bakit sila itinuturing na
bayani sa kasalukuyan. Ilarawa ang kanilang katangian sa tulong mg mirror board.

Paglalarawan Paglalarawan

Clip art on Office Online Clip art on Office


Online

Paglalarawan

Clip art on Office Online

Suriin
Pagbasa sa paksa na pinamagatang “Prinsipe Bantugan.
“Prinsipe Bantugan”
(Mula sa Darangan ng Maranao)

Magkapatid sina Bantugan at Haring Madali ng kaharian


ng Bumbaran. Labis ang inggit ni Haring Madali sa
kapatid sapagkat hindi lamang ang kakaibang katapangan
ang totoong hinahangaan sa kaniya, kundi maging ang
paghanga at pagkakagusto ng maraming dalaga dito.
Kaya, bilang hari, ipinagutos niya na walang makikipag-usap kay Prinsipe Bantugan, at
sinuman ang sumuway ay parurusahan niya ng kamatayan.
Naging dahilan ito ng pangingibang-bayan ni Prinsipe Bantugan. Nang nilisan
niya ang Bumbaran ay kung saan-saan siya nakarating. Isang araw, dahil sa matinding
pagod, nagkasakit at namatay siya sa lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat. Natagpuan
si Prinsipe Bantugan ni Prinsesa Datimbang at ng kapatid nitong hari. Hindi nila nakilala
si Prinsipe Bantugan kaya sumangguni sila sa konseho kung ano ang dapat nilang gawin.
Habang nagpupulong, isang loro ang dumating at sinabing ang bangkay ay ang magiting
na Prinsipe Bantugan ng kahariang Bumbaran.
Samantala, bumalik ang loro sa Bumbaran upang ibalita kay Haring Madali ang
nangyari sa kaniyang kapatid. Kaagad lumipad sa langit ang hari upang bawiin ang
kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Nang mga oras na iyon ay papunta rin sina Prinsipe
Datimbang sa Bumbaran upang dalhin ang bangkay ni Prinsipe Bantugan kaya hindi na
ito inabutan ni Haring Madali. Bumalik ang hari sa Bumbaran at pilit niyang ibinalik ang
kaluluwa ng kapatid. Muling nabuhay ang prinsipe at nagsaya ang lahat. Nagbago na rin

2
si Haring Madali. Nabalitaan ni Haring Miskoyaw na kaaway ni Haring Madali ang
pagkamatay ni Prinsipe Bantugan. Kasama ang maraming kawal, nilusob nila ang
kaharian ng Bumbaran.
Sa pagdating ng pangkat ni Haring Miskoyaw sa Bumbaran, hindi niya alam na
muling nabuhay si Prinsipe Bantugan. Dahil kabubuhay pa lamang at napakarami ng
kalaban, madaling nanghina ang prinsipe. Nabihag siya at iginapos, muling lumakas at
nakawala siya sa pagkakagapos. Sa laki ng galit sa mga kalaban, lalo siyang lumakas at
nagawa niyang mapuksa ang mga ito. Nang matapos ang labanan, pinasyalan ni Prinsipe
Bantugan ang buong Bumbaran. Lahat ng kaniyang kasintahan ay pinakasalan niya at sila
ay dinala niya sa kanilang kaharian. Pagdating sa kaharian, masaya silang sinalubong ni
Haring Madali. Masaya nang namuhay si Prinsipe Bantugan sa piling ng pinakasalang
mga babae.

GAWAIN 2: PANGALANAN ANG BAYANI


Kilalanin ang mga bayani sa bawat larawan sa pamamagitan ng pagsusulat ng
kanilang pangalan sa kahon sa ibaba ng kanilang larawan.

Manny Pacquiao Rodrigo Duterte Jose Rizal


Andres Bonifacio Efren Peňaflorida
Bong Go

Clip Art on Office Online

Clip art on Office Online

Sagutin mo ang mga


pamprosesong tanong.

1. Sino sa mga bayani sa


itaas ang sa palagay mo
ay tunay bayani? Bakit?

2. Ano ang masasabi mo sa batayan ng pagdedeklara na bayani ang isang tao? Bakit?

3
3. Ano ang ibig sabihin ng “modern day hero”? Ipaliwanag.

GAWAIN 3: NAINTINDIHAN MO BA?


Panuto : Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel.
1. Bakit galit si Haring Madali kay Prinsipe Bantugan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano ang naging bunga ng pangingibang-bayan ni Prinsipe Bantugan? Isalaysay
ang mga pangyayari.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano ang ginawa ni Haring Madali nang malaman niyang namatay si Prinsipe
Bantugan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

MGA PANG-UGNAY NA GINAMIT SA PAGTUKOY NG


SANHI AT BUNGA

ALAM MO BA ……..
Sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, gumamit tayo ng mga pang-
ugnay na pangatnig. Ang mga pangatnig o conjunction sa Ingles ay mga salitang nag-
uugnay ng salita, parirala, sugnay, pangungusap at talata sa isa’t isa alinsunod sa layunin
nang nagpapahayag.
Sanhi – ito ay ang tawag sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari. Mga
hudyat na nagpapahayg ng sanhi: sapagkat , dahil, dahil sa. Palibhasa, ngunit, at kasi.
Bunga – ito ay tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari. Mga hudyat na
nagpapahayag ng bunga: kaya,kaya naman, kung, kung kaya, tuloy, upang.

MGA HALIMBAWA :
Sanhi
1. Tahimik na pinakinggan ng kapitan ang hinaing ng mga tao sapagkat nais niyang
malaman ang saloobin nila.
2. Maaaring masira ang kalikasan dahil sa ipatatayong pabrika.
3. Nagkaisa ang mga tao na pigilan ang pagpapatayo ng pabrika dahil maraming
masamang dulot ito sa kanilang kapaligiran.
Bunga
1. Maitim ang usok na ibinubuga ng pabrika bunga nito dumurumi ang hanging ating
nalalanghap.
2. Kailangang magkaisa ang mamamayan upang mapigilan ang pagpapatayo ng pabrika.
3. Magaling si Kapitan kaya maraming humahanga sa kaniya.

GAWAIN 4. GAWIN MO
Pagmasdang mabuti ang kasunod na larawan. Bumuo ng mga pangungusap na
nagsasad ng sanhi at bunga batay dito. Gumamit ng mga pang-ugnay na ginamit sa sanhi
at bunga. Batay sa mga ito, ibabahagi ang nabuo mong pagpapasiya. Isulat sa sagutang
papel.

4
5
Clip art on Office
Online

Pagyamanin

GAWAIN 5 : KARITON PROJECT/ CNN HERO


Sinuri mo sa naunang gawain ang dalawang epiko na nagpakilala sa dalawang
magkakaibang bayani sa panitikan ng Mindanao. Kaugnay nito, panoorin ang video clip
na ito http://www.youtube.com/watch?v=oBTb5iAFLrE ukol sa paggawad kay Efren
Peñaflorida bilang CNN Hero of the Year noong 2009 para sa kanyang Kariton
Education Project sa ilang mga lugar sa Luzon. Bumuo ng isang sulating naghahayag ng
iyong reaksyon kaugnay ng kinilalang kabayanihan ni Efren at ang pakikipaglaban ng
kanyang proyekto sa iba’t ibang halimaw na suliranin sa lipunan.

PAPEL-REAKSYON

GAWAIN 6 : BAYANI SA TOTOO LANG

Panoorin ang pagsasadulang animasyon ng epikong Indarapatra at Sulayman sa link


na: http://www.youtube.com/watch?v=ySW32bhEhrg
Maaari ring basahin ang buong teksto ng epikong ito sa:
http://www.bse.ph/download/BSE%20site_/BSE%20WEBSITE%2
02010/2010SEC/Fil/Epiko%20INDARAPATRA.pdf

Tumukoy ng isang kakilala mo o kilala mo sa inyong lugar na maaari mong


maihalintulad kay Prinsipe Sulayman ng epikong Indarapatra at Sulayman. Sa gagawing
paghahambing, hindi kailangang tuwiran o direkta silang magkapareho sa katangian o
ginawa; maaaring magkaugnay ang kanilang katangian at kanilang ginawang kabutihan..
Dapat mailahad din kung paano sila parehong makikilalang bayani sa kani-kanilang
paraan.

6
Prinsipe Sulayman kakilala Mo
Mga katangian Mga katangian

Isaisip

ALAM MO BA NA….

Ang Darangan ng mga Muslim ay tulang pasalaysay tungkol sa


kabayanihan ng mga taga-Maguindanao, mga gawaing kahanga-
hanga at di sukat mapaniwalaang kabayanihan at kagitingan ng
mga mandirigmang Muslim? Maituturing itong pinakamahabang
epiko sa Pilipinas. Binubuo ito ng apat na bolyum na naglalaman
ng labintatlong awit o epiko na kapupulutan ng katutubong
pananaw ng mga Muslim. Kabilang na rito ang Prinsipe Bantugan.
Ang Epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siyaý buhat sa lipi ng
mga diyos o diyosa.

Ang paksa ng Epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang


paglalakbay at pakikidigma. Ang salitang Epiko ay galing sa Griyego na “epos” na
nangangahulugang “Awit”ngunit itoý tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Umaaabot sa 28 ang bilang ng mga epiko na kilala sa Pilipinas. Karamihan sa mga
natitirang epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng
makabagong proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong
grupo sa Mountain Province at sa Mindanao sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-
ngilan ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.

7
GAWAIN 7: ANO ANG EPIKO?
Magsaliksik tungkol sa katangian ng epiko. Punan ng impormasyon ang
grapikong pantulong sa ibaba. Sagutin ang mga kasunod na tanong matapos punan ang
grapikong pantulong.

Anyong Paksa
Pampanitikan

EPIKO
Tauhan Tunggalian

Katangian ng Suliranin
Tauhan

Isagawa

GAWAIN 8: BAYANIHAN PARA SA MINDANAO


Bumuo ng isang sulating nagtatampok sa isa sa mga sumusunod: Tawi-Tawi,
Cotabato at Maguindanao. Layunin mong hikayatin ang mga mambabasa na
makibayanihan upang makaambag sa higit na kaunlaran ng mga lalawigang ito.
1. Magsaliksik tungkol sa napili mong lalawigan mula sa tatlong itinakda.
2. Bigyang- pansin sa iyong pananaliksik ang kasaysayan ng lalawigan, ekonomiya,
paraan ng pamumuhay, pamamahala, usaping pangkapayapaan at aspektong panturismo,
edukasyon at pamamahala.
3. Sa bubuuing sulatin, tiyaking itatampok ang natatanging aspekto ng lalawigan
partikular sa panturismo; at ang pakikipagsapalaran ng lalawigan upang makaahon sa
maraming suliranin.
4. Gamitin ang iyong natutuhan sa pagbibigay-opinyon, at pagpapahayag ng sanhi at
bunga.
5 .Tuparin din ang tatlong bahagi ng sanaysay: panimula, katawan at wakas.
6. Pumili ng isang angkop na pamagat.
7. Itataya ang iyong gawa gamit ang checkbrik na sa ibaba:
PAMANTAYAN 4 3 2 1
Nilalaman
Dapat mailahad sa sulatin ang mga tunguhing panturismo ng
lalawigan at pagsasalaysay sa karanasan ng lalawigan na harapin
ang iba’t ibang suliranin bilang patunay ng katatagan ng lalawigan.
Pagpapahayag
Malinaw ang pagpapahayag lalo na’t mabisa ang ginawang

8
pagbibigay ng opinyon, at paglalad ng sanhi at bunga.
Bahagi ng sanaysay
Mabisa at kaakit-akit ang simula ng sulatin. Malaman ang katawan.
Nagbubuod ang wakas at nanghihikayat.
Gramatika
Isinakatuparan ang wastong pagbaybay at gamit ng mga salita,
pagbabantas at pag-uungnay-ugnay ng mga kaisipang ipinahayag.

Tayahin

Panuto : Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot
mula sa mga
pagpipilian.Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa papel. Mahalaga ang
katapatan sa
pagsagot.
1. Bakit ipinag-utos ni Haring Madali na walang makikipag-usap kay Prinsipe
Bantugan?
A. Dahil hinahangaan si Prinsipe Bantugan at maraming babae ang nagkagusto sa
kanya.
B. Dahil ayaw ni Haring Madali na makilala ang kanyang kapatid.
C. Dahil iyan ang batas ng kanilang kaharian.
D. Wala sa nabanggit
2. Anong kaharian ang pinamumunuan ni Haring Madali?
A. Binbiran B. Bumbaran C. Biliran D. Bumbiran

3. Ano ang nangyari kay Prinsipe Bantugan sa pag-alis niya sa kaharian?


A. Nagkasakit B. Nasagasaan
C. Nagkasakit at namatay D. Nawala
4. Sino ang nagbalita kay Haring Madali na mayroong masamang nangyari sa
kanyang kapatid?
A. Aso B. insekto C. Hari D. Loro
5. Ang kaaway ni Haring Madali na lumusob sa kaharian?
A. Haring Miskoyaw B. Haring Maskoyaw
C. Haring Muskoyaw D. wala sa nabanggit
PANUTO : Sagutin ang mga katanungan.
6-7 Sino ang dalawang magkapatid? _____________, ___________________
8-10. Ibigay ang katangian na mayroon si Prinsipe Bantugan.
__________________________________________________________________
11. Sino ang nagsabi nito “Sinuman ang sumuway ay paparusahan ng kamatayan”.
__________________
12. Ano ang sanhi ng pagkamatay ni Prinsipe Bantugan ?
________________________________________________________________
Panuto: Sabihin kung ang pangungusap ay nagsasaad ng sanhi o bunga.
Isulat sa sagutang papel.
_______ 13. Nagkaroon siya ng kanser sa baga dahil sa labis na paninigarilyo.
_______ 14. Natuwa siya kasi umalis na sila.
_______ 15. Iniwan niya si Kiko dahil sa hindi na niya ito mahal.
_______ 16. Umiyak siya dahil sa walang kwentang lalaki.
_______ 17. Nais niyang magkaroon ng trabaho kaya gagawa siya ng paraan upang
makapag-aral.
PANUTO : Pag-ugnayin ang sanhi at bunga.Isulat ang tititk ng tamang sagot.
_____ 18. Si Leah ay huli sa klase A. kasi kaarawan niya

9
_____ 19. Umiyak nang malakas ang sanggol B. kaya tuwang-tuwa si G.
Navarro
_____ 20. Madasaling bata si Jude C. dahil sa mababang iskor ni
Kit sa test.
_____ 21. Mataas ang lagnat ni John D. kaya hindi siya pumasok ng
paaralan
_____ 22. Galit si mommy E. kaya mahal siya ng
maraming tao
_____ 23. Maganda ang sayaw nila Jane F. kasi gutom siya
_____ 24. Maraming natanggap na regalo si Mia G. kaya nagalit si Bb. Claire
Ipaliwanag :
25-30. Ano kaya ang posibleng dahilan kung bakit nag-aaway ang magkakapatid?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Magaling! Natapos mo ang lahat ng mga gawain para sa linggong ito. Sana ay
may marami kang natutunan sa ating aralin.

Karagdagang Gawain

Gawain 9 : 3-2-1 CHART


Tugunan ng hinihinging impormasyon ang 3-2-1 Chart sa ibaba. Sa pamamagitan
nito, matataya mo ang sariling pagtamo at pag-unawa ukol sa napag-aralang paksa.

Tatlong mahalagang pag-unawa na natutuhan mo ukol sa kaugaliang


Mindanaoan batay sa mga epikong nabasa
3 


Dalawang kaisipan na sa palagay mo ay dapat mabatid ng mga Pilipino
ukol sa pag-uugali ng mga Mindanaoan batay sa mga nabasang epiko.
2 

Isang pangungusap na naglalahat sa iyong pananaw ukol sa Mindanao.
1 

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN
1. B 6. Marahil
2. A 7. Siguro
3. C 8. Sa palagay ko
4. D 9. Baka
5. A 10. Pwede

10
Sanggunian

“Panitikang Rehiyunal (Kagamitan ng Mag-aaral )


https://Bitmoji.com
 https://brainly.ph
 https://www.tagaloglang.com
 http://www.youtube.com/watch?v=ySW32bhEhrg
 http://www.bse.ph/download/BSE%20site_/BSE%20WEBSITE%2
02010/2010SEC/Fil/Epiko%20INDARAPATRA.pdf
 Slideshareapp
 http://www.youtube.com/watch?v=oBTb5iAFLrE

Inihanda ni:

JELLA E. ROSOLADA
SST-1
Mga Kasamahang Guro sa Filipino 7

Brigida A. Badlon Ma. Claire M. Fudalan


Mindacita D. Bancat Genellie I. Calipes
Rowena C. Salutan
Telephone Numbers (038) 412-3451, 412-2947, 501-5944 , 235-6176

11

You might also like