You are on page 1of 39

Magandang

Umaga!
Crystel Anne A. Vivar
Filipino 8
Ika-apat na Kwarter
Ikatlong Linggo
Panalangin
Ilagay natin ang ating
mga sarili sa diwa ng
panalangin
Handa na ba kayo?
Halika na at sabay-sabay tayong matuto!
Pagkuha ng
Liban ng
Klase
Mga Paalala
Pagbabalik-Aral
Mahahalagang Pangyayari sa
Akda
Pagganyak na Gawain

Panuto: Panoorin ang


iyong kamag-aral habang
binibigyan niya ng kilos
ang mga salitang
pinapahulaan.
Pagganyak na Gawain

PAG-IBIG
Pagganyak na Gawain

FRANCISCO
BALAGTAS
BALTAZAR
Pagganyak na Gawain

LEON
Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELC)

- Nabibigyang-kahulugan ang:
matatalinghagang ekspresyon, tayutay at
simbolo.
Mga Layunin
1. Nasusuri ang mga kaisipan sa mga
binasang saknong.
2. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang
ginamit sa mga saknong na binasa.
3. Nailalahad ang mga mahahalagang
pangyayari sa napakinggan/nabasang bahagi
ng aralin.
PAGPAPAKILALA
SA ARALIN
MATATALINGHAGANG
EKSPRESYON
Matatalinghagang Eskspresyon
- mga pahayag na naglalaman ng malalalim na salita o may

hindi tiyak na kahulugan.


Mga halimbawa:
kapilas ng buhay – asawa
bukas ang palad – matulungin
tuyo ang papel – maganda ang imahe
pagsusunog ng kilay – pagsisipag sa pag-aaral
naniningalang-pugad – taong nag-uumpisa nang
magparamdam ng kanyang damdamin sa nagugustuhan
Matatalinghagang Eskspresyon
haba ng buhok – ang isang tao ay mayroong nararanasan na
nagbibigay sa kaniya ng pakiramdam na siya ay maganda o
espesyal
isang paa sa hukay – lagay ng isang ina tuwing
manganganak ito o magsisilang ng sanggol
itim na tupa – isang anak, kapatid, o miyembro ng pamilya
na suwail o mayroong mga hindi ginagawang mabuti.
natutulog sa pansitan – taong hikahos sa buhay o isang
manggagawa na mayroong napakaliit na kita
SIMBOLISMO
Simbolismo
- ito ay mga salitang sumasagisag o kumakatawan sa isang

ideya, larawan o paniniwala.


Mga halimbawa:
Pusang itim – malas, may mangyayaring masama o hindi
maganda
Puti – kalinisan o kadalisayan
Pula – kaguluhan,pakikipaglaban o katapangan
Itim – kamatayan, kadiliman, kasamaan o maaaring
kahirapan
Simbolismo
Kalapati – kapayapaan o pakikiisa
Pusong Itim – masama ang hangarin o hindi mabuting tao
Ahas – mang-aagaw, hindi mapagkakatiwalaan, traydor o
taksil
Puso – pag-ibig o pagmamahal
Buwaya – katiwalian o mga masamang gawain
Linta – sipsip, grabe kung makakapit sa isang tao
TAYUTAY
Tayutay
- salitang ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o
damdamin
 
Mga halimbawa:
1. Simili o Pagtutulad - hindi tiyak na paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris
ng, parang, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at
iba pa.
Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.
Ang puso mo ay gaya ng bato.
“Ang aking plumahe kung itinatali
Ng parang korales na iyong daliri” - Saknong 44
Tayutay
2. Pagpapalit-tawag o Metonimiya - makikita sa tayutay na ito
ang pagpapalit-tawag sa pangalan ng bagay na tinutukoy
ngunit kailangang may kaugnayan sa hinahalinhang bagay.

Ang palasyo ay nag-anunsiyo na walang pasok bukas. (palasyo –


Presidente ng Pilipinas)
“O, nalayong tuwa” – Kabanata 1 – Kay Celya
“Sa Korona dahil sa Haring Linceo
at sa kayamanan ng Dukeng ama ko.” – Saknong 20
Tayutay
3. Apostrope o Pagtawag - Tumutukoy ito sa panawagan ng
isang taong wala sa kaniyang kinaroroonan. Maaring tumutukoy
sa kaisipan o mga bagay na parang taong kinakausap subalit
hindi ito naghihintay ng kasagutan.

Galit, layuan mo ako magpakailanman.


“Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan?” – Kabanata 4
“Bakit kailangitan bingi ka sa akin, Ang tapat kong luhog ay
hindi mo dinggin?” – Saknong 23
May mga katanungan ba?
Gawain 1
Panuto: Gamit ang saknong sa ibaba, bilugan
ang salita o pahayag na naglalaman ng
matalinghagang ekspresyon. Salungguhitan
ang tayutay at ikahon ang salitang naglalaman
ng simbolo.
 
“Dusa sa puri kong kusang siniphayo,
palasong may lasong natirik sa puso;
habag sa ama ko’y tunod na tumino,
ako’y sinusunog niring panibu”
(Saknong 143-215)
Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay
(metonimiya, apostrope, simile) na ginamit sa
bawat bilang.

1. “Datapwat sino ang tatarok kaya sa mahal


mong lihim, Diyos na dakila?”

2. “Makinis ang balat at anaki;y burok pilik-


mata’t mistulang balantok.”
Gawain 2
3. “Ipinagbigay ko man yaring dibdib wala sa
gunita itong sapit.”

4. Bangka’y na mistula’t ang kulay na burok


ng kaniyang mukha’y naging puting lubos.”

5. “Ang Laurang poo’y bakit isinuyo sa iba ang


sintang sa aki’y pangako?”
Ano ang mga salik na isinasaalang-alang mo
sa pagtukoy sa mga salitang may
matatalinghagang ekspresyon, tayutay at
simbolo upang matiyak ang tamang
pagpapakahulugan sa mga ito? Paano mo ito
ihahalintulad sa iyong buhay?
Mayroon bang bagay na sumisimbolo sa mga
nararanasan mo ngayon? Ano ito at bakit mo
napili ang simbolo na ito?
"Kung minsan, ang kabiguan ay
nagtutulak sa isang tao upang
magsikap at magkamit ng
tagumpay."

- Francisco "Balagtas" Baltazar


SANGGUNIAN

Learner’s Packet Filipino 8 Week 4


MARAMING
SALAMAT!
Modyular
Gawain 1
Tingnan ang mga larawan. Ano-
anong damdamin ang ipinakikita
rito? Magbigay ng mga sitwasyon
sa iyong buhay kung saan
naranasan mo ang bawat
damdaming ipinakikita sa bawat
larawan.
Pagtalakay ng Aralin

Tingnan ang pahina 22


hanggang 24 ng inyong
modyul.
Gawain 2 Pumili ng isang karakter na binanggit sa mga
binasang buod ng akda ng Florante at Laura. Pag-
aralan ang uri ng kanyang katauhan – iniisip,
damdamin, kilos, katangian, anyo, pananamit, at
iba pa. Pumasok sa katauhan ng napili mong
karakter. Ikaw na ngayon ang nagsasalaysay ng iyong
damdamin batay sa kalagayang naranasan mo. Hindi
kailangang sabihin ng tuwiran sa pagsasalaysay ang
karakter na napili. Mas makabubuting madama iyon
ng nagbabasa o nakikinig. Gumamit ng limang
pangungusap lamang.
Sumulat ng monologong magsasalaysay at
magpapakita sa damdaming napili mo.
Pumili ng isa sa mga damdaming nakalahad
sa ibaba para sa iyong gagawin.
 
Poot o matinding galit
Pagkatakot at kawalang pag-asa
Matinding dalamhati o kalungkutan
Kaligayahan
Gawain 3   10 8 6 4 2
Nilalaman          
Makabuluhan ang paksa
Mekaniks          
Angkop ang ispelling,
bantas at ginamit ng mga
salita
Impak          
Pagkakahanay ng diwa at
damdamin
Kabuuan          

You might also like