You are on page 1of 17

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 8
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Mga Ekspresyong Hudyat
ng Kaugnayang Lohikal

Self-Learning Module
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod ng Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Judy Ann M. Lagarta
Editor: Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C. Salvador,
Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Jocelyn S. Pablo
Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Disenyo
at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Donna Lou R. Dela Cruz
Tagalapat: Glehn Mark A. Jarlego, Johanna D. Natividad
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay
Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-710
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw mahal kong mag-aaral! Binabati kita dahil nakarating


ka na sa bahaging ito ng ating aralin. Naghanda ako ng mga gawain upang
lalong madagdagan ang iyong kaalaman. Alam kong nasasabik ka nang
matuto, kaya’t simulan mo na ang pag-aaral.

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang malinang ang iyong
kasanayan sa pamantayan ukol sa:

1. naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran


(F8PS-IIIe-f-32); at
2. nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta) (F8WG-IIIe-f-32).

Subukin

Mahal kong mag-aaral, bago mo simulan ang ating aralin,


magkakaroon muna tayo ng paunang pagtataya. Sikapin mong sagutin ang
mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang


sagot sa hiwalay na papel.

1. Nag-iingat siyang mabuti __________ nakaiwas siya sa sakit.


A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

2. Nagsusuot siya ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay


__________ pag-ingatan ang kaniyang sarili.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

1
3. __________ patuloy na pagsisilbi ng mga doktor sa bayan, sila ay
binigyan ng parangal.
A. Dahil C. Kaya
B. Dahil sa D. Sapagkat

4. Umisip ng ibang hanapbuhay si Mark __________ maitaguyod ang


kaniyang pamilya sa panahon ng pandemya.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

5. Nagbahay-bahay ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Gapan


__________ mamahagi ng food packs bilang ayuda sa bawat pamilya.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

6. __________ regular na pag-eehersisyo, napananatili ni Mac ang normal


na timbang at pagkakaroon ng malakas na resistensiya.
A. Dahil C. Kaya
B. Dahil sa D. Upang

7. Nakalikom siya ng perang ipantutulong sa mga nangangailangan


__________ nagsagawa siya ng fund raising.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

8. __________ pamamalagi ni Matt sa bahay, mas nagkaroon siya ng


panahon sa kaniyang pamilya.
A. Dahil C. Kaya
B. Dahil sa D. Upang

9. Nag-aral siyang magluto ng mga kakanin __________ nalibang niya ang


sarili ngayong lockdown.
A. bunga nito C. dahil sa
B. dahil D. upang

10. Sama-samang nagrorosaryo ang pamilya ni Aling Cely __________


hilingin na matapos na ang nararanasang pandemya.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

2
Aralin
Mga Ekspresyong Hudyat
5 ng Kaugnayang Lohikal

Kilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang


kaganapan at totoong kalagayan ng mga tao saan mang sulok ng bansa sa
pamamagitan ng dokumentaryong programang pantelebisyon. Gumagamit
ang mga reporter o tagapagdaloy ng programa ng mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal gaya ng sanhi at bunga, problema at solusyon, at mga
paraan at resulta. Sa araling ito, ating tatalakayin ang mga ekspresyong
hudyat na nagpapahayag ng kaugnayang lohikal.

Ngunit bago ‘yan, bilang pagbabalik-tanaw sa kasanayan sa nakaraang


modyul, inaasahang isasagawa mo ang gawain sa ibaba. Kaya kung
nakahanda ka na, simulan mo na.

Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung
ito ay wasto at Mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang ‘Hello…Paalam’ ni Fanny A. Garcia ay tungkol sa pagdating ng


isang Amerikano at paninirahan nito sa pamilyang Pilipino.
2. Masaya at hindi mabigat sa dibdib ang ‘Hello…Paalam’ ni Fanny A.
Garcia.
3. Ang layon ng ‘Hello…Paalam’ ni Fanny A. Garcia ay matuklasan ang
buhay at kulturang Amerikano.
4. Very independent at prangka ang mga Amerikano ayon kay Mr. Dela
Cruz.
5. Si Auring ang inirekomendang kinatawan sa exchange program ng
eskwelahan sa Amerika.

2
Tuklasin

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Ngayon


naman ay pupunta tayo sa bahaging pagtuklas. Magpatuloy ka lang at
magagawa pang madagdagan ang iyong kaalaman.

Panuto: Basahin ang transkrip ng dokumentaryong, “Pag-asa sa Pagbasa” ni


Kara David at sagutin ang mga tanong kaugnay nito sa hiwalay na papel.
Kung mayroon kang kompyuter at koneksyon sa internet, puntahan ang link
at panoorin ito.

https://www.youtube.com/watch?v=J7JegoKjpmM&feature=share

“Pag-asa sa Pagbasa”
Ni Kara David

Sa Sauyo High School sa


Quezon City, may isang section kung
saan ang itinuturo ay pagbaybay ng
mga salita, pagsusulat ng mga letra
at pagkilala sa mga kulay. Pero ang
klaseng ito, wala sa elementarya
kundi nasa high school na. Sila ang
Section Darwin, isang klase na
binubuo ng dalawampu't siyam na
mga estudyanteng nakatuntong sa
Grade 7 pero hindi pa rin
nakapagsusulat at nakababasa.

Kabilang sa Section Darwin


ang dose anyos na si Louie.
Bagama't hirap maski sa simpleng
pagsusulat at pagbabasa, taon-taon
siyang ipinapasa ng kaniyang mga guro at ngayo'y nakatuntong
pa ng Grade 7. Imbis din na aralin ang mga leksyon pagkatapos
ng klase, sa tambakan ang diretso ni Louie para mangalakal. Ang
kakarampot kasing kikitain niya ay malaking tulong na raw sa
kanilang pamilya.
3
Nasa Section Darwin naman ng Grade 8 ang kinse anyos
na si Jack. Dahil madalas na walang naibibigay na pambaon ang
kaniyang mga magulang, lumiliban na lang noon si Jack sa
kaniyang mga klase at kalauna'y napag-iwanan. Hanggang sa
makaabot siya ng high school nang hindi nakapagsusulat at
nakababasa. Pero dahil sa kagustuhang matuto at dahil na rin
sa suporta ng kaniyang pamilya at mga guro, nakapagsusulat at
nakapagbabasa na ngayon si Jack.

Pero bakit ipinapasa ng eskuwelahan ang mga kagaya


nilang “non-reader” at “slow reader?” Hindi ba ipinatutupad ng
Department of Education ang “No Read, No Pass Policy?” Kanino
raw ba dapat isisi kung bakit umaabot sila ng high school nang
hindi nakababasa at nakapagsusulat; sa mga guro, sa
kahirapan, sa kakulangan ng suporta mula sa magulang o sa
mismong kagustuhan nila na matuto?

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang binibigyang-diin sa binasang dokumentaryo?


2. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang binabasa ang
dokumentaryo?
3. Nagsisilbing daan ba ang dokumentaryong pantelebisyon upang
maihatid ang mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa?
Pangatuwiranan ang iyong sagot.
4. Batay sa iyong pananaw, bakit may mag-aaral na umaabot ng high
school nang hindi nakababasa at nakapagsusulat? Pangatuwiranan.
5. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang pamahalaan sa ganitong
sitwasyon?

Suriin

Magaling! Ngayon ay naunawaan mo na ang dokumentaryong


pantelebisyon ni Kara David. Alam mo ba, ang mga salitang may salungguhit
ay mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal? Upang higit na
maunawaan kung ano ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal,
halika’t magpatuloy sa susunod na yugto ng aralin.
4
Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

May mga konseptong may kaugnayang lohikal na nakabubuo ng isang


makahulugang pahayag. Halimbawa nito ang ugnayang sanhi at bunga na
tinatawag ding pangatnig na pananhi. Kapag pinagsama ang dalawang ito,
nakalilikha ng pangungusap na nagpapahayag ng ugnayang lohikal.

Halimbawang pangungusap:

Dinala si Mang Ben sa bahay-ampunan kaya nalungkot siya


nang labis.

Mapapansin na matatagpuan sa unahan ang sanhi/dahilan ng


pangyayari na may isang salungguhit at ang bunga/resulta ay may dalawang
salungguhit.

Maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan.


Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa
at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta
o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga
nito.

May pangungusap ding nagpapakita ng ugnayang paraan at layunin.

Halimbawang pangungusap:

Nagpapakahirap si Bing sa pagtatrabaho upang guminhawa ang


kanilang buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang
anak.

Sa pangungusap, ang mga salitang may iisang salungguhit na


tumutukoy sa paraan ay ang sugnay na makapag-iisa samantalang ang
sugnay na ‘di-makapag-iisa ay may dalawang salungguhit na tumutukoy sa
layunin kung bakit nagpapakahirap si Bing.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang o nang


sa ganoon upang maihudyat ang layunin.

Bukod sa ugnayang paraan at layunin, may tinatawag ding ugnayang


paraan at resulta.

5
Halimbawang pangungusap:

Dahil sa pagbisi-bisita ni Jay sa kaniyang lolo, nabigyan niya ng


kaligayahan ang matanda.

Ang sugnay na ‘di-makapag-iisa na may isang salungguhit ay


tumutukoy sa paraan samantalang ang may dalawang salungguhit ay ang
resulta o bunga ng ginawa ni Jay.

Sa relasyong ito, ginagamit ang pang-ugnay na dahil sa upang


maihudyat ang paraan.

Tandaan na maaaring gamitin ang mga ekspresyong hudyat ng


kaugnayang lohikal sa pagsulat ng sanaysay.

Pagyamanin

Mahusay! Tiyak na natutuhan mo ang mga ekspresyong hudyat ng


kaugnayang lohikal. May inihanda akong gawain para sa iyo. Gawin mo ito.

Gawain 1: Hanapin ang Hudyat!

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at hanapin ang mga ginamit na


ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal. Isulat ang tamang sagot sa
hiwalay na papel.

1. Nagpunta si Ken sa Tarlac para bisitahin ang kaniyang lolo at lola.


2. Naglinis ng bahay si Kelly upang maging maayos ito sa paningin ng
kaniyang bisita.
3. Marunong makiharap sa bisita si Popoy kaya marami ang natutuwa sa
kaniya.
4. Nagtungo sa bukid si Bryan para bigyan ng miryenda ang kaniyang
tatay.
5. Dahil sa pagtitipid ni Thea, nakaipon siya ng pambili ng pangarap
niyang smart phone.

6
Gawain 2: Magbigay Hudyat!

Panuto: Gamit ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal, bumuo


ng pangungusap sa pangyayaring nabanggit sa dokumentaryong
pantelebisyon na, “Pag-asa sa Pagbasa”. Gawin ito sa hiwalay na papel.

1. Pagtuturo ng pagbaybay ng mga salita sa Sauyo High School sa Quezon


City.
Dahilan-bunga: _____________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Sa tambakan ang diretso ni Louie pagkatapos ng klase.


Paraan-Layunin: ____________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Nakapagsusulat at nakapagbabasa na ngayon si Jack.


Paraan-Resulta: ____________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Malaking tulong ang pangangalakal ni Louie sa kanilang pamilya.


Paraan-Resulta: ____________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. May mga estudyanteng umaabot ng high school nang hindi nakababasa


at nakapagsusulat.
Dahilan-bunga:
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3: Mahiwagang Hudyat!

Panuto: Punan ng wastong ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal ang


mga pangungusap. Piliin ang hudyat sa loob ng kahon. Isulat ang tamang
sagot sa hiwalay na papel.

kaya dahil
dahil sa
upang/para

7
1. _______ pagsusumikap ng buong pamilya, lumago ang aming negosyo.
2. Dapat alagaan ng anak ang kaniyang magulang _______ maipadama
ang kaniyang pagmamahal.
3. Pansamantalang itinigil ang face-to-face na klase _______ pandemya.
4. Nais ni Jack na matuto _______ binibigyan niya ng halaga ang
pagbabasa.
5. Sinasabayan ni Louie ng pagtatrabaho ang kaniyang pag-aaral _______
kailangan niyang tumulong sa pamilya.

Isaisip

Binabati kita sa iyong aktibong pakikiisa sa ating aralin. Madali lang,


‘di ba? Isang hirit pa! Inaasahan ko pa ring magagawa mo ang pagsasanay.
Simulan mo na!

Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag na tumutukoy sa iyong natutuhan


sa aralin. Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na papel.

May mga konseptong may kaugnayang lohikal na


nakabubuo ng isang makahulugang pahayag. Halimbawa
nito ang ugnayang sanhi at bunga na ginagamitan ng
pangatnig na (1)_______________. Halimbawa ng
pangungusap ay ‘Hindi siya nag-aral ng leksiyon
(2)_______________ bumagsak siya sa pagsusulit.’ May
pangungusap ding nagpapakita ng ugnayang paraan at
layunin na ginagamitan ng hudyat na (3)_______________.
Halimbawa ng pangungusap ay ‘Nag-aral siya ng leksiyon
(4)_______________ makapasa siya sa pagsusulit.’ Bukod sa
ugnayang paraan at layunin, may tinatawag ding ugnayan
ng paraan at resulta, ginagamitan naman ito ng hudyat na
(5)_______________.

8
Isagawa

Sigurado akong naunawaan mo nang lubos ang mga ekspresyong


hudyat ng kaugnayang lohikal. May inihanda akong gawain para sa iyo.
Kayang-kaya mong gawin ito… Ipagpatuloy mo na!

A. Panuto: Basahin ang mga sitwasyong mula sa “Pag-asa sa Pagbasa” ni


Kara David. Gamit ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal, ipahayag ang iyong pananaw tungkol dito. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel.

1. Bilang isang mag-aaral, kanino raw ba dapat isisi kung bakit may mga
mag-aaral na umaabot ng high school nang hindi nakababasa at
nakapagsusulat, sa mga guro, sa kahirapan, sa kakulangan ng suporta
mula sa magulang o sa mismong kagustuhan nilang matuto?
Pangatuwiranan mo ang iyong sagot.

2. Pagkatapos ng klase ni Louie, imbis na aralin niya ang mga leksyon ay


dumidiretso siya sa tambakan para mangalakal at nang may maitulong
sa pamilya. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Louie, ano ang gagawin
mo?

B. Panuto: Gamit ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal,


sumulat ng sanaysay at ipahayag ang iyong pananaw sa nararanasang
pandemya sa kasalukuyan. Hindi dapat bababa sa limang (5)
pangungusap ang iyong mabubuo.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman --------------- 10 pts
Kaugnayan sa Tema --------------- 10 pts
Paggamit ng Salita --------------- 10 pts
Kabuuan ----------------- 30 pts

9
Tayahin

Hanga ako sa iyo! Binabati kita dahil nasa huling bahagi ka na ng ating
aralin. Nais kong malaman kung talagang natutuhan mo ang aralin. Sagutan
mo ang pagsasanay na ginawa ko para sa iyo.

Panuto: Piliin ang wastong hudyat na bubuo sa mga pangungusap. Isulat


ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. Tulong-tulong sa paghahanda ng pagkain ang pamilya Lustre


__________ may mapagsaluhan sila sa Noche Buena.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

2. Hindi makakauwi mula Saudi ang tatay ni Noli __________ malungkot


siya sa darating na pasko.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

3. __________ pagpupursigi niya sa pag-aaral, may magandang trabaho


siya ngayon.
A. Dahil C. Kaya
B. Dahil sa D. Upang

4. Nakapagtapos ng pag-aaral si John __________ labis ang tuwa ng


kaniyang mga magulang.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

5. Maganda ang inani ni Mang Bernie sa mga pananim na palay __________


inalagaan niya ito nang mabuti.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

10
6. __________ pagbibigay ng ayuda ng gobyerno, maraming tao ang
natulungan at natuwa.
A. Dahil C. Para
B. Dahil sa D. Sapagkat

7. Napagtapos ni Jenny ang kaniyang mga anak __________ nagtrabaho


siya sa ibang bansa.
A. bunga nito C. para
B. kaya D. sapagkat

8. Binilhan ng mag-asawang Rob at Rein ng smartphone si Jarred


__________ may magamit ito sa kaniyang online class.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

9. Nagtatrabaho ang mga magulang ni Kyle _______________ pinsan niya


ang pinakukuha at pinagdadala ng mga modyul sa eskwelahan.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

10. Hindi sabay-sabay ang pagbibigay at pagbabalik ng modyul ng bawat


baitang _______________ maiwasan ang pagsisiksikan ng mga tao.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

Karagdagang Gawain

Mahusay ka! Bilib ako sa iyong kakayahan. Natapos mo ang mga


gawaing inihanda ko sa iyo at napagtagumpayan mong marating ang huling
pagsubok na ito. Isang hirit pa, huli na ito. Kayang-kaya mong gawin ito.
Gawin mo na!

11
Panuto: Isulat ang kaisipang isinasaad ng larawan gamit ang mga
ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal sa hiwalay na papel.

12
Subukin
13
1. C
2. D
3. B
4. D
5. D
6. B
7. A
8. B
9. A
10. D
Balikan Pagyamanin Isaisip
1. TAMA HANAPIN ANG HUDYAT!
2. TAMA 1. para 1. kaya
3. MALI 2. upang 2. kaya
4. TAMA 3. kaya 3. upang/para
5. MALI 4. para 4. upang/para
5. dahil sa 5. dahil sa
MAGBIGAY HUDYAT
*** Ang mga sagot sa gawain
o tanong ay may iba’t ibang
kasagutan.
MAHIWAGANG HUDYAT
1. Dahil sa
2. upang/para
3. dahil sa
4. kaya
5. dahil
Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain
A. 1. D *** Ang mga sagot sa gawain
1. *** Ang mga sagot sa 2. C o tanong ay may iba’t ibang
gawain o tanong ay may 3. B kasagutan.
iba’t ibang kasagutan. 4. C
2. *** Ang mga sagot sa 5. A
gawain o tanong ay may 6. B
iba’t ibang kasagutan. 7. D
8. D
B. *** Ang mga sagot sa
9. C
gawain o tanong ay may iba’t
ibang kasagutan. 10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Guimarie, Aida. 2018. Pinagyamang Wika at Panitikan. 1253 G.


Araneta Avenue cor Maria Clara St., Quezon City: Vibal Group, Inc.
David, Kara. 2018. “GMA Public Affairs”.
https://www.youtube.com/watch?v=J7JegoKjpmM&feature=shar
e. December 26, 2020
David, Kara. 2018. “GMA News Online”. https://www-gmanetwork-
com.cdn.ampproject.org. December 26, 2020

14

You might also like