You are on page 1of 16

6

Filipino
Unang Markahan – Modyul 3
Pagbibigay Kahulugan ng
Sawikain

Tinipon at Inayos ni:


KAREN KAY D. GARCIA
Guro III
Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod Batac

SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
Filipino Baitang 6
Nilikom at Muling Isinaayos na Modyul
Unang Markahan – Modyul 3: Pagbibigay Kahulugan ng Sawikain

Ikalawang Edisyon, 2021


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang mga ito ay tinipon at inayos para lamang
sa modyul na ito. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng tagalikom ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Mga Tagalikom: Karen Kay D. Garcia
Editor: Hazel I. Bacnat Rochelle C. Dulig

Tagasuri: Jollibelle C. Franada John Ernest L. Medrano


Blesilda B. Antiporda Zorayda S. Paguyo, EdD
Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
Tagadisenyo ng Pabalat ng Modyul: Iris Gale C. Bacnat
Tagaguhit: Kenneth Irving Alexander T. Diric
Tagapamahala: Joel B. Lopez, EdD, CESO V Marilou B. Sales, EdD
Annie D. Pagdilao, EdD Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
Jhon Rey D. Ortal, EdD
Zorayda S. Paguyo, EdD

Inilimbag ng Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod Batac

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 1


Office Address: 16S Quiling Sur, City of Batac, 2906 Ilocos Norte, Philippines
Telephone No: (077) 677-1993
Website: www.csdbatac.com
E-mail: batac.city@deped.gov.ph

SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 na nilikom at muling
isinaayos na Modyul para sa araling Pagbibigay Kahulugan ng Sawikain.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mga mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kailangan mo ring subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaang isinasagawa ang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahang mahikayat at magabayan mo ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 na nilikom at muling
isinaayos na Modyul para sa araling Pagbibigay Kahulugan ng Sawikain.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at gumawa ng
gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-
aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kasanayan. Ang
tagumpay mo sa aspektong pang-akademiko ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong
mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang pagkakataon para matuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat
ang alinmang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago simulan ang bawat pagsasanay.
4. Isaalang-alang ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy pagkatapos sagutin ang
lahat ng gawain.

Kung may bahagi sa modyul na nahihirapan kang gawin, huwag mag-


alangang magtanong sa iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatandang kapatid o sa sinomang kasama sa bahay.
Laging tandaan na hindi ka nag-iisa.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makabuluhang pagkatuto at makakakuha nang malalim na pang-unawa sa mga
kaugnay na kompetensi. Kaya mo ito!

SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
Alamin

Ang pagpapahayag ng damdamin, kaisipan at mga naisin sa buhay ay lubhang


mahalaga sa bawat tao. Sa pamamagitan nito, nauunawaan natin ang iba at gayon
din sila sa atin. Alisin mo ang pagpapahayag at para mo na ring kinitlan ng buhay ang
isang tao. Ang sawikain o idyoma ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang
at nabuo sa ating wika. Sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, pagsasalita
a pag la , g magami a o ni o. Ka a nga maging ang mga mamamaha ag a
radyo, telebisyon at pahayagan ay gumagamit din nito upang bigyang diin at gawing
kaakit-akit ang kanilang pagsasalita at pagsusulat.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang masasabi ang ibig sabihin ng


sawikain, makapagbibigay ng mga halimbawa nito at maibibigay ang kahulugan ng
mga sawikaing mababasa at maririnig. (F6PN-Ij-28)

Subukin

Panuto: Pagtapat-tapatin. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng idyomang nasa


Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. anak-pawis A. tandaan
2. bukambibig B. nabigo sa pag-ibig
3. matigas ang katawan C. hindi makapagsalita
4. balat sibuyas D. nagkagulo
5. itaga sa bato E. nagkagalit
6. balitang kutsero F mayaman
7. naghalo ang balat sa tinalupan G. tamad
8. nabuwalan ng gatang H. salat sa katotohanan
9. naumid ang dila I. manggagawa
10. nagsaulian ng kandila J. iyakin
K. laging sinasabi
Magandang Araw! Napili mo na ang sagot sa mga naibibigay na sawikain,
ngayon kung tama ang lahat ng iyong kasagutan, magaling! Maaari mo pa ring
basahin ang modyul upang maragdagan ang iyong kaalaman. Kung may mali sa
iyong mga sagot, huwag mabahala. Pag-aralan ang modyul upang maintindihan
ang paksa nito. Buklatin sa susunod na pahina para sa unang aralin.

9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
Aralin

3 Pagbibigay Kahulugan ng Sawikain

Alam mo ba na kapag gumagamit tayo ng mga sawikain sa pagpapahayag ay


mas napagaganda ang ating pahayag at nabubuhay ang wikang Filipino? Ang
sawikain ay mga matatalinhagang salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan. Ang kahulugan nito ay di-tuwiran, malalim at mahirap
maintindihan.

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang tamang titik ng
kahulugan ng mga nakasalungguhit na parirala.
1. Mahal na mahal ko ang aming ilaw ng tahanan. Hindi siya napapagod sa
pagsisilbi sa amin.
A. ama B. ate C. ina D. kuya
2. Si Alyana ang kabiyak ng dibdib ni Cardo.
A. asawa B. kaibigan C. kasintahan D.pinsan
3. Kung magtabi sila, para silang kape at gatas
A. matamis at mapait C. mainit at malamig
B. maitim at maputi D. mura at mahal
4. Si Elena ay may mababaw na luha.
A. antukin B. iyakin C. mahiyain D. masiyahin
5. Siya ay kilos pagong kaya palagi siyang nahuhuli sa pagpasok sa klase.
A. mabagal B.mabilis C. mahina D.marahas

Tuklasin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at pansinin ang nakasalungguhit na


bahagi.
Sina Maki at Waldo ay lumaking nakabuhol ang pusod.
Kapwa na sila nasa kasibulan ng buhay subalit walang nabago sa kanilang
samahan.
Pumunta si Maki sa pusod ng gubat upang makita ang engkantada.

9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
Tiyak ba ang kanilang mga kahulugan? Ito ay mga salitang patalinhaga na
karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyakang kahulugan ng
salitang isinasaad ito.
Ano kaya ang tawag sa mga salitang iyan? Malalaman natin iyan sa mga
susunod na bahagi ng araling ito.

Suriin

Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo


sa lengguwaheng Filipino. I o ma kah l gan na hindi maaaring mak ha o
maunawaan sa literal na kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o
aha ang paha ag. Kadala a agla ni o ang maraming pangk l rang baga :
malarawan, mapagbiro at mapagpatawa. Nagtataglay din ito ng pansosyal at panliteral
na pagpapahiwatig ng kahulugan. Bunga nito, mahalagang malaman mo na
kinakailangang maisaulo ang mga salitang bumubuo ng idyoma o sawikain gayundin
ang ayos nito.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng sawikain o idyoma at ang kanilang
kahulugan.

Sawikain o Idyoma Kahulugan ng Sawikain o Idyoma


1. balitang kutsero balitang salat sa katotohanan
2. naglalaro ng apoy pagtataksil sa kabiyak
3. naghalo ang balat sa tinalupan nagkagulo
4. parang natuka ng ahas nabigla, natigilan
5. bulang-gugo maluwag sa pera; galante
6. itaga mo sa bato tandaan; tutuparing walang sala
7. mahilig maglubid ng buhangin sinungaling
8. makati ang dila daldalero/daldalera
9. bungang araw sakit sa balat
10.buntong hininga mahaba at malalim na paghinga
11. magbanat ng buto magtrabaho
12.busilak ang puso malinis ang kalooban

9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
Pagyamanin

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Tingnan natin kung naintindihan mo na ang mga idyomang tinalakay. Palitan
ng sawikain ang pariralang may salungguhit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Nagkagulo ang mga tao nang dumating ang pulitikong nangakong magbibigay ng
tulong.
2. Hindi tayo dapat naniniwala sa mga balitang salat sa katotohanan.
3. Si Don Pedro ay mabait. Siya ay at maluwag sa pera lalo na sa
nangangailangan.
4. Huwag kang magtitiwala sa mga taong sinungaling. Baka mapahamak ka.
5. Ang taong nakikisama sa di niya asawa ay hindi dapat pamarisan. Ito ay isang
masamang gawain.

Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Piliin sa kahon ang ibig sabihin ng sawikain sa bawat pangungusap. Isulat
ang letra ng tamang sagot.

A. nagtatrabaho D.mahaba at malalim na paghinga


B. sakit sa balat E. taos puso
C. malinis ang kalooban F. hindi totoo

1. Tuwing tag-init ay pinapawisan at nagkakaroon ng bungang-araw ang aking likod.


2. Napabuntong hininga ako nang malaman kong bumaba ang grado ko sa Filipino.
3. Sa panahon ngayon ay masasabi kong marami pa rin naman ang mga taong
busilak ang puso.
4. Hindi ako naniniwala sa mga balitang kutsero ni Aries.
5. Si tatay ay nagbabanat ng buto para maibigay ang pangangailangan ng aming
pamilya.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Ano ang ibig sabihin ng mga idyomang nabanggit? Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Sabi ni J lia a a a a, I aga mo i o a ba o. Kahi hindi nila ako l ngan, aanga
ang a ing kab ha an.
A. Mananaga si Julia.
B. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi.
C. Pupukpukin ni Julia ang bato.
D. Tatagain ni Julia ang bato.

9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
2. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong
nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka nila.
A. magsabi ng katotohanan C. maglaro sa buhanginan
B. magsinungaling D.magpatiwakal
3. Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas, a.
A. namumutla
B. nangangati ang lalamunan
C.may ahas na nakapasok sa bahay
D. hindi nakakibo; nawalan ng lakas na magsalita
4. Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy
maniwala sa kanya.
A. balitang sinabi ng kutsero C. balitang makatotohanan
B. balitang walang katotohanan D. balitang maganda
5. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.
A. matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao
B pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan
C. nagkaigihan
D. nagkabati

Pinatnubayang Pagtatasa 2

Panuto: Basahin ang nakalahad na pangyayari sa ibaba pagkatapos ay sagutin ang


mga katanungan tungkol dito.

Nakikinig ka ng drama sa radyo nang biglang putulin ang iyong pakikinig ng isang
balita.

Don Felipe: Pakinggan mo ako, iha. Hindi ikaw ang karapat-dapat sa anak
kong si Alejandro. Saka hindi mo ba alam na nalalapit na ang pag-iisang dibdib nila ni
Marinela?

Graciela: Hindi. Hindi o oo an.

Don Felipe: Maniwala ka. Totoong lahat ang sinasabi ko.

At pumalit ang boses ng tagapagbalita:

Tagapagbalita: Pansamantala naming pinuputol ang inyong pakikinig upang

ihatid sa inyo ang mga balitang ito sa inyong mga tahanan.

Ang apat na anghel ng tahanan na napabalitang nag-alsabalutan noong ika-


anim ng Marso ay natagpuan na.

Sina Madel, Edgar, Bernarda at Mildred Tolosa ay nakabalik na sa kanilang


sariling pugad. Malaki ang utang na loob ng mag-asawang Mark at Nita kay Ginoong
Celso Agoncillo.
9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
Natagpuan ng matandang binata ang apat na batang palaboy-laboy sa may
liwasan ng Sto. Rosario, Paombong, Bulacan.

Nang tanungin kung bakit lumayas ang mga bata, ito ang isinagot ng pinakamatanda
sa magkakapatid.

Madel: Hindi naman po nila kami pinagbubuhatan ng kamay. Kaya lang po ay


parang a o p a po ang aming mga magulang.Wala na po kaming narinig kundi ang
kanilang pag-aaway.

Nita: Hinding-hindi na kami mag-aaway. Magbabagong-loob na kaming mag-


asawa. Hu-hu-hu! Mga anak ko. Hu-hu-hu!

Tagapagbalita: Nawa ay maging aral ito sa inyong mga magulang!

Matapos ang balita ay nagbalik muli ang iyong pinakikinggang drama sa radyo.

Sagutin mo ang mga katanungan ukol dito.

Napansin mo ba ang mga katagang nakasalungguhit sa kuwentong


napakinggan at nabasa mo? Mahuhulaan mo ang kahulugan ng mga diyalogo sa
pagitan ng mga tauhan ng kuwento. Isipin mo kung ano ang sinabi nila.

Ano ang nakatagong kahulugan na maari mong malaman mula sa kanila?

Panuto: Matapos mong pag-isipan kung ano ang mga sinabi nila, sagutin mo ang mga
katanungan sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Sa drama sa radyo, nasabi ni Don Felipe na malapit na ang pag-iisang dibdib ng


kanyang anak na si Alejandro at ni Marinela. Ano ang ibig sabihin nito?
A. ikakasal na sina Alejandro at Marinela
B. magkaka-anak na sina Alejandro at Marinela
C. maghihiwalay na sina Alejandro at Marinela
D. magiging magnobyo na sina Alejandro at Marinela
2. Ang apat na anak nina Nita at Mark ay tinaguriang mga anghel ng tahanan. Ano
ang ibig sabihin nito?
A. maliliit na mga bata C. malilikot na mga bata
B. magugulong mga bata D. salbaheng mga bata
3. Nang umuwi na ang mga bata ay nakabalik na sila sa sariling pugad nila. Ano ang
ibig sabihin nito?
A. pugad ng kanilang ibon C. sariling tahanan
B. pugad ng kanilang mga manok D. sariling kuwarto

9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
4. May utang na loob ang mag-asawang Nita at Mark kay Ginoong Agoncillo dahil sa
pagkakabalik ng mga bata. Ano ang utang na loob?
A. utang
B. may pagbabayaran
C. utang na pera
D. utang na buhat sa kagandahang-asal o kabutihang nagawa
5. Ang mag-a a ang Mark a Ni a a parang a o p a. Baki ila parang a o p a?
A. hindi sila pantay ng laki
B. lagi silang nag-aaway
C. hindi sila nagbibigayan
D. lagi silang naghahabulan

Pinatnubayang Pagsasanay 3

Narito ang ilan pang mga sawikain na maaari mong gamitin sa


pagpapahayag ng damdamin at ideya. Mahuhulaan mo ba ang ibig sabihin ng mga ito
batay sa pagkakagamit nila sa pangungusap o sitwasyon? Piliin ang sagot sa kahon.

A. nasusuklam; walang anumang pagkalugod


B. manggagawa
C. karaniwang sinasabi; madalas mabanggit
D. nabigo sa pag-ibig
E. mahilig sa gala, lakad o pag-alis
F. tamad
G. nagkagalit ang magkumpare/ magkumare; di nagkasundo
H. mayaman
I. panandalian; di-pangmatagalan
J. nainip sa kahihintay
K. nahiya

1. Dapat tayong magpasalamat sa mga anak-pawis dahil sila ang nagtutustos sa


pangangailangan natin sa pagkain.
2. Wala na naman sa bahay ang kapatid ko. Paano kasi makati ang paa.
3. Mabigat ang dugo ko a aong an dahil a ka aran ad hang gina a ni a.
4. Namuti ang mata ko dahil isang oras akong pinaghintay ng aking kausap.
5. Hindi sila nakatatapos ng proyekto dahil ningas-cogon sila.
6. Wala na siyang bukambibig kundi si Arnold.
7. Hindi makakahanap ng trabaho si Cenon dahil matigas ang katawan niya.
8. Nakabingwit ka pala ng malaking isda.
9. Lulugo-lugong umuwi si Timmy dahil nabuwalan siya ng gatang.
10. Naumid ang dila ni Karen nang makita niya muli ang lalaking nagpatibok sa
kanyang puso.

9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
Isaisip

Ang mga sawikain ay may kahulugang hindi maaaring makuha o maunawaan


sa literal na kahulugan nito. Ito ay mga kasabihan o kawikaan na may dalang aral na
maaaring tumukoy sa isang idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal. Ang sawikain ay tinatawag din na idyoma. Ito'y salita o grupo ng mga
salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Ang
sawikain ay maari ring isang moto o mga parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento
ng isang grupo ng mga tao. Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan
ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang matatalinhagang
pahayag.

Isagawa

Panuto: Magsaliksik ng 10 halimbawa ng idyoma o sawikain at gamitin ito sa

pangungusap.

Rubrik sa Pagsulat ng Pangungusap Gamit ng Idyoma o Sawikain

Hindi
Hindi
Napakahusay Mahusay Gaanong
Pamantayan Mahusay
(5) (4) Mahusay
(2)
(3)
Kaangkupan ng
Paggamit ng
Idyoma o Sawikain
Wastong Gamit ng
Baybay at Bantas
Kabuuan

Tayahin
A. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang sawikaing bubuo sa diwa ng
pangungusap.
1. (Bukas na aklat, Malaking isda) ang tawag sa mga taong mayaman o may mataas
na puwesto sa pamahalaan.
9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
2. (Nabuwalan ng gatang, Nagsaulian ng kandila) ang sawikaing angkop sa
nagkakagalit na magkumpare o magkumare.
3. (Naglubid ng buhangin, Bukas na dibdib) ang ginagamit na idyoma kapag
nagkukuwento ka ng mga kasinungalingan.
4. (Matigas ang katawan, Naumid ang dila) ang tawag sa taong tamad.
5. (Bulang-gugo, Naglalaro ng apoy) ang idyomang maaaring gamitin para sa taong
maluwag sa pera o galante.

B. Panuto: Palitan ang mga salitang nakasalungguhit ng mga idyomang napag-aralan


mon . Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Hindi nakapagsalita ang binata nang makaharap ang dalagang sinisinta.
2. Si Alfred ay mapagsalita ng walang katotohanan.
3. Nabigla si Aling Clara nang matanaw ang maraming tao sa kanilang bahay.
4. Ang magsing-irog ay naghahanda na para sa kanilang kasal.
5. Laging sinasabi ni Edwin na siya ay mag-aaral nang mabuti upang makatapos ng
kurso at makakita ng magandang trabaho.

Karagdagang Gawain

Panuto: Piliin ang mga sawikain sa pangungusap.

1. Parang a o p a ang mga anak ni Aling Azon; lagi na lamang nagbabangayan.


2. Mahilig sa kompyuter at cellphone ang mga bagong dugo.
3. Madaling mapapansin ang bagong salta sa magulong lungsod.
4. Laging may ngiti sa kanyang mga labi tuwing naiisip niya ang bakas ng lumipas.
5. Balat-sibuyas ka pala. Biniro ka lang ay nagdamdam ka na agad.
6. Sayang lang ang pakiusap mo, bato ang kalooban ng taong iyan.
7. Mahal niya ang babaeng iyon kaya maluwag ang bulsa sa lahat ng hilingin nito.
8. Bukas na aklat ang buhay ng ating mga bayani.
9. Mga kasamang drayber, konting ingat, may butiki sa poste sa bandang kaliwa ng
susunod na kanto.
10. Magsunog ka ng kilay para mataas ang makuha mong marka.

9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3 9
Pagsasanay Tayahin Karagdagang Gawain
1.B A.1.Malaking isada 1.Parang a o p a
2.E 2. Nagsaulian ng kandila 2.bagong dugo
3. A 3. Naglubid ng buhangin 3. bsagong salta
4. J 4. Matigas ang katawan 4.bakas ng lumipas
5.I 5. Bulang gugo 5. Balat-sibuyas
6. C B. 1. naumid ang dila 6.bato ang kalooban
7. F 2.naglubid ng buhangin 7.maluwag ang bulsa
8. H 3.parang natuka ng ahas 8. Bukas na aklat
9.D 4.pag-iisang dibdib
10.K 5.bukambibig
Subukin
1.I
2.K
3.G
4.J
6. H.
Pagtatasa 1 7.D
1.B 8.B
2.D 9.C
3.C 10.E
4.F. Balikan
5A
1. C
Pagsasanay 2
1.B 2. A
2. C
3. D 3. C
4. D
5.A 4. B
Pagtatasa 2 5. A
1.A Pagsasanay 1
2.A
1. Naghalo ang balat sa tinalupan
3. C
4. B 2. Balitang kutsero
5.B 3. bulang gugo
4. mahilig maglubid ng buhangin
5. naglaro ng apoy
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat

Marasigan, Emily V. at Alma M. Dayag. Pinagyamanang Pluma 6 Wika at Pagbasa


para sa Elementarya. Pilipinas: Rex Book Store Inc., 2013.

Raflores, Ester V. Bagong Binhi Filipino: Wika at Pagbasa. Pilipinas: Rex Book Store
Inc., 2013.

Website

Sa ikain: Mga Halimba a ng Sa ikain a Kahulugan, No pi.com.ph, J l 27,


2020, https://tinyurl.com/4b7rfe2u

9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod Batac


Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon I

Office Address: 16S Quiling Sur, City of Batac,


2906 Ilocos Norte, Philippines
Telephone No: (077) 677-1993
Website: www.csdbatac.com
E-mail: batac.city@deped.gov.ph
9 SDCB_Q1_Filipino 6_Module 3

You might also like