You are on page 1of 8

FILIPINO 6

Unang Markahan- Modyul 5


Nabibigyang Kahulugan ang Sawikain
Filipino – Ikaanim na Baitang
Supplementary Learning Material
Unang Markahan – Modyul 5 :Nabibigyang Kahulugan ang Sawikain

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot.

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL


Manunulat: Robert B. Lacayanga
Tagasuri ng Nilalaman: Ellen Grace F. Fruelda
Tagasuri ng Wika: Wingie C. Castillo
Tagasuri ng Layout: Ruth A. Datahan
Tagalapat ng Pabalat: Nemesio S. Cancan Jr., EdD

TAGAPAMAHALA NG MODYUL
OIC-SDS: Romela M. Cruz, CESE
CID Chief: Alyn G. Mendoza, PhDTE
SGOD Chief: Emma G. Arrubio
EPS-in-Charge: Werlito S. Batinga
EPS-LRMS: Ruby E. Baniqued, EdD

Department of Education – Schools Division Office, Mandaluyong


Office Address: Calbayog St. Highway Hills, Mandaluyong City
Telephone number:CID- 79552557
E-mail Address:sdo.mandaluyong@deped.gov.ph ● www.depedmandaluyong.org
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Sa pagsasagawa ng mga gawain na nakapaloob sa modyul, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong ng kamag-anak, o sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo.
4. Tapusin ang modyul ayon sa nakatakdang Linggo.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.

MELC Q1 Week No. 3 Code: F6PN-Ic-19 Kasanayan: Nabibigyang


kahulugan ang sawikain
1

F6
___________________________________________________________________________

Pangalan : _______________________________ Petsa:___________Iskor:__________

KUWARTER 1 - MODYUL 5
Pagbibigay- kahulugan at Pagpapaliwanag ng isang
idyoma o sawikaing ginamit
ARALIN 5: Bigyang kahulugan, sawikaing tinuran

LAYUNIN

Magandang araw sa iyo!


Sa modyul na ito’y inaasahang mabibigyang kahulugan ang idyoma o
sawikaing ginamit at naipapaliwanag ang idyoma o sawikain na ginamit.

KONSEPTO

Ang idyoma o sawikain ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga


ang gamit. Ito ay nagbibihgay ng di tuwirang kahulugan

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Pagtapatin at Hanapin sa Hanay B ang malapit na kahulugan na


nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot .

Hanay A Hanay B

________1. anak-pawis A. hindi nakakaintindi ng mabuti

___________________________________________________________________________
MELC Q1 Week No. 3 Code: F6PN-Ic-19
Kasanayan: Nabibigyang kahulugan ang sawikain
2

________2. balitang kutsero B. mangnanakaw

________3. nagtataingang kawali C. nagbibingi bingihan

________4. mahaba ang kamay D. salat sa katotohanan

________5. isip lamok E. manggagawa

PANIMULA

Kung hindi ukol ay hindi bubukol


Ang ibig sabihin ng sawikaing ito ay kapag nakatakdang maganap ang
isang pangyayari , hindi ito magaganap . Pinaniniwalaang may kung
anong puwersang tila hahadlang sa katapuran ng isang pangyayari.

May taingang lupa, may pakpak ang balita


Ang kuwento ay mabilis na kumakalat. Nagpapasalin salin ito sa mga
bibig. Ang mga taong pinagkukuwentuhan naman ay wiling-wiling makinig
, Minsan sila rin ang nagpapasa ng impormasyon sa iba hangang sa
kumalat ng husto ang balita.

TALAKAYAN
Reference: Diwa textbooks, Kasanayan sa Filipino 6 Batayang Aklat

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang sawikain ?

_________________________________________________________________________________

2. Ang mga sawikain ba ang may pakahulugan ?

_________________________________________________________________________________
3. Ang mga sawikan ba ang nagagamit natin sa pang-araw-araw na buhay ?

_________________________________________________________________________________
4. Ang sawikain ba ay mapagpatawa, mapagbiro at malarawan ?
Ipaliwang ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________

5. Magbigay nga kayo ng mga sawikain na alam ninyo at ibigay ang


pakahulugan nito.

_____________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
MELC Q1 Week No. 3 Code: F6PN-Ic-19
Kasanayan: Nabibigyang kahulugan ang sawikain
3
GAWAIN 1

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa pakahulugan na


nakasalungguhit na sawikain.

1. Ang apat na anak nina Marisa at Bryan ay tinaguriang mga anghel ng


tahanan. Anio ang ibig sabihin nito ?

a. salbaheng mga bata


b. maliliit na mga bata
c. malilikot na mga bata
d. makukulit na mga bata

2. May utang na loob ang mag-asawang Sebastiane at Gemabel kay


Bb. Martinez dahil sa pagkakabalik ng bata . Ano ang utang na loob ?

a. utang na buhat sa kagandahang asal o mabuting gawa


b. utang na pera
c. may babayaran
d. utang

3. Nakabalik na sa sariling pugad ang tatlong magkakapatid galing sa


trabaho. Ang ang ibig sabihin ng sariling pugad ?

a. sariling bakuran
b. sariling tahanan
c. sariling kuwarto
d. sariling pugad

4. Ang mag-asawang Lucinda at Apollo ay parang aso’t pusa. Ano ang ibig
Sabihin ng aso’t pusa ?

a. pantay sila ng bigat


b. lagi silang naghahabulan
c. lagi silang nagyayabangan
d. lagi silang nag-aaway

5. Dahil masama si Daniela sa kanyang mga kapatid ay magbabagong-loob


si Daniela sa kanyang mga kapatid. Ano ang ibig sabhin ng
magbabagong- loob ?

a. maliligo
b. magpapalit ng damit
c. magpapalit ng anyo
d. magbabago o mapapalit ng ugali

___________________________________________________________________________
MELC Q1 Week No. 3 Code: F6PN-Ic-19
Kasanayan: Nabibigyang kahulugan ang sawikain
4
GAWAIN 2

Panuto: Pagtapatin at Hanapin sa Hanay B ang malapit na kahulugan na


nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot .

Hanay A Hanay B

________ 1. makati ang paa a. mahilig sa gala

________ 2. matigas ang katawan b. hindi makapagsalita

________3. mabigat ang dugo c. nasusuklam

________4. magsaulian ng kandila d. tamad

________5. naumid ang dila e. nagkagalit na magkumpare

/magkumare
PAGLILINANG

Panuto: Hanapin sa kahon ang kahulugan ng idyoma sa bawat bilang at


isulat ito sa patlang. Gumawa ng pangungusap gamit ang mga ito.

maitim at maputi masaya mabagal

patay na payat na payat bungi

1. buto’t balat - ___________________________

___________________________________________________________________

2. kilos pagong - ___________________________

___________________________________________________________________

3. nakalutang sa ulap - ___________________________

___________________________________________________________________

4. pantay ang paa - ___________________________

___________________________________________________________________

5. kape at gatas - ___________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
MELC Q1 Week No. 3 Code: F6PN-Ic-19
Kasanayan: Nabibigyang kahulugan ang sawikain
5

PANAPOS NA PAGTATAYA

A. Panuto: Pagtapatin at Hanapin sa Hanay B ang malapit na kahulugan


na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot .

Hanay A Hanay B

________ 1. hulog ng langit A. madaldal

________ 2. maluwang ang turnilyo B. magiliw

________3. makati ang dila C. biyaya

________4. magaan ang bibig D. napakaraming tao

________5. di malaglagang karayom E. luko-luko.

B. Panuto: Pagtapatin at Hanapin sa Hanay B ang malapit na kahulugan


na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot .

Hanay A Hanay B

________ 1. kadaupang-palad A. taksil sa kapwa

________ 2. kumindat sa dilim B. duwag

________3. bahag ang buntot C. nabigo

________4. kutong-lupa D. kaibigan matalik

________5. buwayang -tulog E. bulakbol

SANGGUNIAN

DepEd Most Essential Learning Competecies ( MELC Q1 Week No.3 Code:


F6PN-Ic-19 )

Kasanayan sa Filipino 6 Kto12 Curriculum Compliant, DIWA Textbooks

___________________________________________________________________________
MELC Q1 Week No. 3 Code: F6PN-Ic-19
Kasanayan: Nabibigyang kahulugan ang sawikain
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office-Mandaluyong

Calbayog Street, Highway Hills, Mandaluyong City 1500

Telefax: (632) 79552557

Email Address: sdo.mandaluyong@deped.gov.ph


●www.depedmandaluyong.org

___________________________________________________________________________
MELC Q1 Week No. 3 Code: F6PN-Ic-19
Kasanayan: Nabibigyang kahulugan ang sawikain

You might also like