You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA ESP 4

IKA-APAT NA MARKAHAN
UNANG LINGGO

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

 Nauunawaan at naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang,


pagtanggap at pagmamahal sa mga likha
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
 Naisasabuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap
at pagmamahal sa mga likha
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
 Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga material na bagay
Sarili at kapwa tao: paggalang sa kapwa tao. EsP4PD-IVa-c-10 13.1.2
I. LAYUNIN: (Contextualized)
A. Knowledge:
 Natutukoy ang iba’t-ibang paraan ng paggalang sa kapwa tao.

B. Skill:
 Naipapakita ang kaugaliang pagkamagalang sa kapwa tao.

C. Attitude:.
 Naisasabuhay ang pagiging magalang sa kapwa sa pamamagitan ng
paglinang ng kaugaliang pagkamagalang.

II. NILALAMAN:
PAKSANG ARALIN
Pagpapahalaga sa lahat ng Likha: Paggalang sa Kapwa Tao

KAGAMITANG PANTURO
A. SANGGUNIAN
1. TG at CG
 Edukasyon sa Pagpapakatao , pp. 289 - 297
 https://www.youtube.com/watch?
fbclid=IwAR002FjSujZhTcUbQHn4ACPIcMIrwkbWkQiTD2awhdUep1Bp2fnnP3_
Bfmc&v=Gmz5zgnpUIE&feature=youtu.be IBA PANG KAGAMITANG
PANTURO
 Kuwaderno, bond paper, smiley board, gunting, PPTx, tsart,
meta cards, larawan, flash drive, projector

 Pamamaraan: Explicit Teaching, Role Playing, Collaborative Group Activity

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral
*Panalangin/ Mga Alituntunin sa Silid - aralan

Noong nakaraang linggo ay tinalakay natin ang tungkol sa Pagpapahalaga


sa Kapwa, Pagmamahal sa Maylikha. Upang malaman ko ang inyong
kasanayan ay mayroon akong maikling pagsusulit para sa inyo.

Panuto: Ipakita ang masayang mukha kung ang mga pahayag na nabanggit
ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa at malungkot na mukha kung
hindi.

1. nanunukso sa kaklase
2. namimintas sa pananamit ng iba
3. nakikinig kapag may nagsasalita
4. nagtatakip ng aking bibig kapag umuubo, bumabahin, o naghihikab.
5. nagpapasalamat sa taong pumuri sa aking pagbati sa bago kong kamag-aral.

B. Pagganyak / Paghahabi ng Layunin ng Aralin


*GAME: Bring Me

 Mula sa mga larawang nasa harap ninyo. Bring Me at idikit sa pisara ang mga larawang
nagmamano.
 Bring Me at idikit sa pisara ang mga larawang nanunukso sa babae.
 Bring Me at idikit sa pisara ang mga larawang nagpapakita ng paggalang sa kapwa.

Mga Gabay na Tanong:


1. Mula sa mga larawang inyong nakita, alin dito ang nagpapakita ng paggalang sa kapwa?
2. Bakit nyo naman nasabi na nagpapakita ito ng paggalang sa kapwa? Ano ba ang pinagkaiba nito
sa unang larawan?
3. Alin ba sa dalawang larawang ito maihahambing mo ang iyong sarili?

4.Nais niyo bang malaman kung paano o sa anong paraan natin mapapahalagahan ang likha ng
Diyos at paggalang sa kapwa?

D.Paglalahad/Pagmomodelo:

Modelling
Ngayon mga bata ay manonood tayo ng palabas . (https://www.youtube.com/watch?
fbclid=IwAR002FjSujZhTcUbQHn4ACPIcMIrwkbWkQiTD2awhdUep1Bp2fnnP3_Bfmc&v=Gmz5zgnpUIE&feature=youtu.
be) Manood at makinig ng mabuti dahil maya-maya ay may mga itatanong ako hinggil sa napanood
ninyo.
Mga Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang palabas na inyong napanood?
2. Mula sa palabas na inyong natunghayan, sa anong paraan naipapakita ang paggalang sa ating
kapwa?
3. Masasabi niyo ba na ang paggalang sa kapwa ay paraan din ng pagpapahalaga natin sa lahat ng
mga likha?

E. Pagtatalakay:

Guided Practice

Panuto: Bumunot ng isang papel mula sa kahon, basahin ang pahayag na nakapaloob sa papel at
gumawa ng maikling usapan sa harap ng klase kung saan maipapakita natin ang paggalang sa
kapwa. ( Hal. Dinalaw kayo ng lolo at lola sa bahay niyo. May matandang nagtatanong ng
direksyon.)

Gabay na Tanong:
1. Mula sa usapan na inyong natunghayan, nagpapakita ba ito ng paggalang sa ating kapwa?
2. Paano niyo nasabi na naipakita nila ang paggalang sa kapwa mula sa kanilang nagawang
usapan?

F. Pinatnubayang Pagsasanay (Pangkatan)

Pangkatin ang mga mag – aaral sa tatlong grupo at ipagawa ang mga sumusunod:

PANGKAT 1: It’s Showtime!


Mahuhusay na mag-aaral. Gumawa ng panalangin tungkol sa mga kabataan na matuto
silang igalang at pahalagahan ang likha ng Diyos. Ilahad ito sa buong klase

PANGKAT 2. I Can Manage!


Katamtaman na mag-aaral: Mag-isip ngisang simbolo para sa katangiang “magalang”. Iguhit at
kulayan ang simbolong ito at ipaliwanag sa buong klase.

PANGKAT 3: Ilarawan Mo!


Mga Mag-aaral na Nangangailangan ng Patnubay: :
Buuin ang ginupit-gupit na isang larawan.
Idikit ito at sumulat ng dalawang pangungusap sa ibaba nito.
G. Paglalapat:

 Mga bata, kapag kayo ay nakikipag-usap sa inyong mga magulang, gumagamit din ba kayo
ng po at opo?

 Bakit kayo gumagamit ng magagalang na salita gaya ng po at opo?

 Mahalaga ba na gumamit tayo ng po at opo sa pakikipag usap sa ating mga magulang at


sinumang nakakatanda?

H. Paglalahat:
 Paano niyo nga ulit maipapakita ang paggalng ninyo sa kapwa?

 Bakit mahalaga na igalang natin ang ating kapwa?

IV. Pagtataya:

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pahayag at piliin ang tamang sagot sa pagpipilian.

1. Sumakay ka sa bus at nakakuha ka ng upuan, paglingon mo sa likuran ay may nakita kang


matandang babae na nakatayo lamang. Ano ang gagawin mo?
A. hindi ko sya papansinin C. pauupuin ko si lola
B. tatawanan ko siya D. titingnan ko lang siya

2. Nakita mong maraming dala si Nanay. Anong gagawin mo?


A. magtatago ako C. matutulog ako para hindi mautusan
B. tutulungan ko si nanay sa dalahin niya D. hindi papansinin

3. Dumalo ka sa isang pagsasalo at nakita mo ang iyong mga lolo at lola , ano ang gagawin mo?
A. magtatago ako sa kanila C. hindi ko papansinin
B. kakain lang ako D. lalapitan ko sila at magmamano
4. “ Rina, halika muna ditto at tulungan mo akong magluto,” tawag sayo ni tatay. Paano mo siya
sasagutin?
A. Teka nga tay.
B. Opo tatay, alin po ba dito ang gagawin ko?
C. Ayoko nga! Nakakapagod kaya magluto
D. ano ka sinuswerte?

5. Hihiram ka ng laruan mula sa iyong kapatid. Paano mo ito sasabihin?


A. Kuya, pwede po bang humiram ng laruan?
B. Hoy! Pahiram ng laruan.
C. Akin na nga iyang laruan mo.
D. Susuntukin kita kapag hindi mo ako pinahiram ng laruan.

V. Kasunduan:
Maghanap ng mga larawang nasa magasin, newspaper, at iba pang babasahin na nagpapakita
ng:
a. pagmamahal at paggalang sa pamilya
b. mabuting asal sa kapwa
c. pagpapahalaga sa kapwa

V. Tala:

VI. Pagninilay:

Prepared:

GLENIN E. TUDLASAN
Teacher-I

Checked & Reviewed:

ROSIE A. GUINSOD
TIC/T1

You might also like