You are on page 1of 7

ABC+: Advancing Basic

Education in the Philippines

Training on Strategies on Language Learning and Transition:


Improving Early Grade Literacy in School and at
Home
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DAILY LESSON PLAN (DLP) on ORAL LANGUAGE DEVELOPMENT

SCHOOL GRADE LEVEL 1


TEACHER LEARNING AREA Filipino
TIME & DATE QUARTER 2
FOCUS DOMAIN Oral Language WEEK / DAY Week 3 / Day 1
I. OBJECTIVES
Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-
pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang
naaayon.
A. Content Standard

Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting


pagpapahayag at pag-uugnay ang sariling ideya,
damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga
B. Performance Standard
teksto ayon sa kanilang antas o level at kaugnay ng
kanilang kultura.

 Naipapahayag ang sariling ideya/damdamin o


reaksyon tungkol sa kuwento, tekstong pang-
C. Learning Competencies/Objectives impormasyon at tula (F1 PS-IIi-1; F1PS-IVb-1;
F1PS-IIIg-1)

II. CONTENT Pagpapahayag ng Sariling Ideya/Damdamin/Reaksiyon


sa Napakinggan/Nabásang Kuwento

III. LEARNING RESOURCES

A. References
ABC+: Advancing Basic
K-12 CG,MELC & PIVOT
Education in the Philippines
1. Teachers’ Guide Pages

Filipino 2 Module

2. Learners’ Materials Pages

3. Textbook Pages

4. Additional Materials from LR Portal

Powerpoint presentation
Copy of group tasks (manila paper)
Copy of the stories to be used
B. Other Learning Resources

IV. PROCEDURE
Magpakita ng isang aklat sa mga bata.
Tukuyin ang pamagat at sabihin ang buod nito.
Ibahagi kung bakit mo ito nagustuhan o naging
A. Reviewing previous lesson or presenting
paborito.
new lesson
Maari ring itanong kung kanilang natatandaan ang
kanilang mga elemento o bahagi nito.

Teacher’s Script:
Ngayong araw, tayo ay magbabasa ng / makikinig sa
isang kuwento. Sa ating aralin at gawain, kayo ay
inaasahang makapagpapahayag ng inyong mga sariling
damdamin, reaksiyon at ideya tungkol sa napakinggan
ninyong kuwento.

Ipaliwanag ang panimulang gawain at ang kahalagahan


nito sa paglinang ng kanilang kakayahan sa pagbabasa,
pakikinig, at pagsusulat.
B. Establishing the purpose of the lesson
Teacher’s Script:
Lahat ng ito ay parte ng aktibong pakikinig at
nakakatulong upang mas maunawaan natin ang
ABC+: Advancing Basic
kuwentong ating napakinggan o nabasa.
Education inGayundin,
the Philippines
tayo ay mas magiging mahusay at mas
komportable sa pagbabahagi ng ating mga ideya,
damdamin, at reaksiyon sa iba.
Basahin ang kuwento sa klase. Talakayin at hikayatin
ang mga mag-aaral na sagutin ang mga tanong
pagkatapos.
C. Discussing new concepts and practicing
new skills # 1
Bago ang pagbasa ng kuwento, magsagawa ng
paghahawi ng balakid para sa mga salitang: inahing
ibon at inakay.
Magpakita ng larawan at tukuying ang kahulugan ng
mga ito.

Teacher’s Script: Pakinggan ninyong mabuti ang


kuwento natin ngayong araw. Pagktapos ay pag-usapan
natin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong
ukol ditto. Handa na ba kayo? Halina’t makinig!

Ang Inahing Ibon

Ang inahing ibon ay umalis ng bahay. Hanap niya


ay pagkain para sa inakay. Nagpunta sa ilog, may
nakitang isada. Ngunit malaki ito, hindi niya madadala.
Lumipad-lipad siya sa isang bukirin. Mayamaya pa,
bulate ay nakita rin. Dinala niya ito at sa inakay ay
ipinakain. Salamat po inay, kay bait nyo po sa akin.

Mga gabay na tanong:


1. Sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Bakit kaya umalis sa pugad ang inahing ibon?
3. Sa tingin mo, tama kaya ang ginawa ng inahing
ibon? Bakit?
4. Ano ang ginawa ng inakay matapos siyang mabigyan
ng pagkain ng nanay niya? Tama kaya ang kanyang
ginawa? Bakit?
5. Kung ikaw ay binibigyan ng pagkain ng nanay mo,
ano mararamdaman mo? Ano ang sasabihin mo?
Bigyan ang mga mag-aaral ng pangkatang gawain.
Gabayan sila sa pagtukoy at pagbabahagi ng kanilang
mga sagot sa kani-kanilang mga pagkatapos.
D. Discussing new concepts and practicing
new skills # 2
Ipaalala sa mga mag-aaral na bawat isa sa kanila ay may
iba’t-ibang damdamin o reaksyon sa kuwento.
Mahalaga na bawat damdamin o reaksyon ay hayaang
ABC+: Advancing Basic
maipahayag ng bawat mag-aaral.
Education in the Philippines
Maaring magkaroon ng pagpapaliwanag ng iba’t-ibang
uri ng damdamin at mga facial expressions o gestures
na kaugnay ng mga ito.

Pangkat 1:
Iguhit ang iyong damdamin matapos mapakinggan ang
kuwento. Punan ang mga patlang pagkatapos.

Ako ay __________ dahil __________________.

Pangkat 2:
Iguhit ang paborito mong bahagi ng kuwento. Ibahagi
ito sa iyong pangkat.

Pangkat 3: Gumawa ng poster at ibahagi ang iyong


natutunan mula sa Inahing Ibon sa kuwento.
Basahin ang kuwentong pinamagatang Si Tuting at
Muning (at ang Kontrabidang Daga) ni Ofelia E.
Concepcion at iginuhit ni Marvin Romero.
E. Developing mastery
Bigyan ang mga mag-aaral ng maikling pagsasanay
pagkatapos.

Mga gabay na tanong:


1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano ang nararamdaman ni Daga sa magkaibigang
Tuting at Muning?
3. Bakit nais ni Daga na mag-away ang dalawa?
3. Sa iyong palagay, tama ba ang mga ginawa ni daga?
Bakit/ bakit hindi?
4. Kung ikaw ang magkaibigan, ano ang
ABC+: Advancing Basic
mararamdaman mo sa ginawa ni Daga?
Education in4. the Philippines
Naranasan mo na ba ang mainggit sa iba? Ano sa
tingin mo ang dapat mong gawin kapag ikaw ay
nakararamdam ng inggit?

Talakayin ang mga ibang gawain tulad ng panonood ng


telebisyon at pakikipagkuwentuhan kung saan
ginagamit ang target skill(s).
F. Finding practical applications of
concepts and skills in daily living
Teacher’s Script:
Ganito rin ang ating ginagawa kapag tayo ay
nanonood ng mga palabas sa telebisyon o di kaya ay
nakikipagkuwentuhan sa ating mga kaibigan. Habang
tayo ay nakikinig, nagbabasa o nanonood, maari nating
sabihin kung tayo ba ay natatakot, natutuwa, o di kaya
ay nalulungkot tulad ng mga tauhan sa kuwento.
Maaari din nating sabihin kung anu-ano ang ating
natutunan o di kaya ay opinyon sa mga nagawa o
nasabi ng mga tauhan. Ang mga ito ay maari rin nating
gawin nang pasulat.

Expected Responses:
Ang pagpapahayag ng damdamin, reaksiyon, at ideya
ay pagbibigay ng sariling isipan, saloobin, at
G. Making generalizations and abstractions
karanasan. Maaaring ipahayag ang
about the lesson
damdamin/reaksiyon o ideya nang pasalita o pasulat.
Nakakatulong ito sa ating pag-unawa ng kuwento.

Show and Tell!


Papiliin ang mga bata ng kuwentong nais nilang
ibahaging kuwento sa klase. Bigyan sila ng rubric
H. Evaluating learning
bilang gabay.

Halimbawa:
1. Nabanggit ang pangalan ng mga tauhan sa kuwento.
(2 puntos)
2. Nakapagbigay ng 2-3 mahalagang pangyayari mula
sa kuwento.
(3 puntos)
3. Nakapagbahagi ng 2-3 ideya, reaksyon, o damdamin
ukol sa kuwento.
(3 puntos)
4. Nagpakita ng confidence o kumpiyansa sa sarili
habang nagsasalita sa harap ng klase.
(2 puntos)

V. REMARKS
Indicate special cases including but not limited to
continuation of lesson plan to the following day in
ABC+: Advancing Basic
case of re-teaching or lack of time transfer of lesson
Educationin the Philippines
to the following day, in cases of class suspension, etc.

VI. REFLECTION
Reflect on your teaching and assess yourself as a
teacher.
Think about your students/pupils progress.

What works?

What else need to be done to help the students learn?

Identify what help your instructional supervisors can


provide for you, so when you meet them, you can ask
them relevant questions. Indicate them.

Si Tuting at Muning (at ang Kontrabidang Daga)


Ni Ofelia E. Concepcion
Iginuhit ni Marvin Romero

Si Tuting at Muning ay magkaibigan. Lagi silang magkasalo sa lahat ng bagay. Sabay silang
kung kumain. Magkatabi rin kung matulog. Masaya sila dahil mahal na mahal sila ng among si
Wambu. “Dahil naging mabait kayo, ibinili ko kayo ng paborito ninyong pagkain.”

Inggit na inggit naman sa dalawa si Daga. Wala kasing nag-aalaga sa kanya. Kailangan pa
niyang magnakaw para kumain ng masarap.

Naisip ni Daga na magpaalaga rin kay Wambu.Kinausap niya sina Tuting at Muning para
humingi ng payo.

“Tulungan ninyo ako. Sabihin ninyo sa inyong amo na gusto ko ring magpaalaga sa kanya,”
pakiusap niya sa dalawa.

“Ay, naku, hindi maari!’ bulalas ni Tuting. “Oo nga. Hindi ka puwedeng maging alaga,”
tanggi rin ni muning sa hiling niya.
Sumama ang loob ni Daga. “Ayaw lang niyang may makasalo sa biyayang ibinibigay ng amo
nila. Gaganti ako sa kanila.”
ABC+: Advancing Basic
Isang araw ay umalis si Wambu.”Kayo na lang ang bahala sa bahay. Dalawang linggo akong
Education
mawawala, “ bilin nito kina Muning at Tuting. in the Philippines

Sinamantala ni Daga ang pagkakataon. Habang naglalaro sina Tuting at Muning ay sinira
niya ang mga paboritong gamit ni Wambu.

Nagalit si Wambu nang makitang sira ang mga gamit niya. “Ayoko nang maulit ito! Hulihin
ninyo ang dagang gumawa nito.”

Naghalinhinan ang dalawa sa pagbabantay sa loob at labas ng bahay. Habang abala sila sa
pagbabantay ay kinain ni Daga ang pagkain nila.

Ang gusto ni Daga ay mag-away ang dalawa. Ibig niyang isipin nina Tuting at Muning na ang
bawat isa ang kumain ng pagkain nila.

“Siguro ay nagutom sa sobrang pagod si Muning kaya inubos ang pagkain. Nakkapagod
talaga ang mabantay kay Daga. “ wika ni Tuting sa sarili.

Ang akala rin ni Muning ay si Tuting ang kumain ng pagkain niya. “Kung hindi ikaw ang
kumain ng hapunan natin ay sino?” tanong ni Muning.

Natuklasa ng magkaibigan na gusto silang pag-awayin ni Daga kaya hinanting talaga nila ito.
Sa takot ay tumakas si Daga.

Mula noon ay lalong magkaibigan sina Tuting at Muning. Si daga naman ay hindi na
nagpakita pa sa kanila.

You might also like