You are on page 1of 5

TAYABAS WESTERN ACADEMY

Founded 1928
Recognized by the Government
Candelaria, Quezon

Masusing Banghay Aralin


Filipino Baitang 2
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang:
1. Matutuhan ang epekto ng kapaligirang pantahanan sa kalusugan ng
pamilya.
2. Matutukoy ang Kapaligirang Pantahanan.

II. PAKSANG ARALIN

1. Paksa:
Kapaligirang Pantahanan at Kalusugan
2. Sanggunian:
PIVOT 4 A Learner’s Material Module Pahina 33-35
3. Kagamitan:
Power point
Visual Aids

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
 Pagbati

Magandang araw mga bata Magandang araw po.

 Pampasiglang awit

Bago tayo magsimula sa ating aralin tayo muna ay


kumanta at sumayaw. (Tayo’y Mag-Ehersisyo).
Sabayan ninyo ako.
(ang mga mag-aaral ay sabay-sabay
Bago kayo magsi-upo ayusin ang inyong upuan at kumanta at sumayaw)
pulutin ang mga kalat sa ilalim nito.
Salamat maaari na kayong umupo. (aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang
upuan at kung pulutin ang kalat)
 Pagtatala ng mga liban
May lumiban ba sa araw na ito? Wala po!

Magaling bigyan ninyo ang inyong sarili ng fireworks (gagawin ng mga bata ang clap)
clap.

 Pamantayan sa klase
Ngayon bago tayo magpatuloy sa ating klase atin
munang alalahanin ang mga dapat nating tandaan
kapag tayo ay may aralin dito sa ating silid aralan

1.Umupo nang maayos


2.Makinig sa guro
3.Magtaas ng kamay kung may nais sumagot at may
katanungan.

Naintindihan ba?
Opo!
B. Panlinang na Gawain

1.Pagbabalik-Aral
Panuto: Sabihin ang Opo kung ang pangungusap ay
nagsasabi ng tamang paraan ng pagpapanatiling
malinis ng hangin sa loob ng tahanan. Hindi po
kapag mali.

1. Mag-spray ng insecticides o pabango sa loob ng


bahay.
2. Buksan ang mga bintana upang makadaloy ang
hangin.
3. Magwalis at magpunas ng kagamitan.
4. Isarado ang mga pinto at bintana kapag nagluluto.
5. Maglagay ng halaman sa lugar na madalas na
pinamamalagian ng pamilya.

Magaling talagang inyong naunawaan na ang


nakaraang aralin.

2.Pagganyak
Ngayon naman ay pagmasdang mabuti ang larawan.

Ano ang masasabi ninyo sa tahanan o bahay na


nasa larawan? Malinis na tahanan po

Ano naman ang masasabi ninyo sa pamilya na nasa


larawan? Masayang pamilya po

Mahusay!
3. Paglalahad

Basahin at unawain ang tula.

Ang pag-aaralan natin sa araw na ito ay ang


Kapaligirang Pantahanan at Kalusugan.

Ang kalagayan ng ating kapaligirang pantahanan ay


may malaking epekto sa ating pangkabuoang kalusugan.
Kapag malinis at maayos ang tahanan ang pamilya ay
nagiging mas malusog at malayo sa sakit. Samantalang
ang pamilyang nakatira sa maduming kapaligirang
pantahanan ay maaaring maging masakitin.

4.Pagtatalakay

Epekto ng Malinis na Kapaligirang Pantahanan

1.mas maluwag na paghinga


2.nagiging malayo sa sakit
3.mas maayos ang tulog
4.mas masigla sa pag-aaral at pagtatrabaho ang
pamilya.
5.nagiging malayo sa aksidente o disgrasya.

Ang malinis at maayos na kapaligiran ay nakatutulong


upang ang mga nakatira dito ay maging malusog, ligtas,
at masaya.

C. Paglalahat

Ano-ano nga ulit ang mga Epekto ng Malinis na 1.mas maluwag na paghinga
Kapaligirang Pantahanan?
2.nagiging malayo sa sakit
3.mas maayos ang tulog
4.mas masigla sa pag-aaral at pagtatrabaho
ang pamilya.
5.nagiging malayo sa aksidente o
disgrasya.
D. Paglalapat

Pangkatang Gawain:

Papangkatin sa dalawang grupo


Panuto: Pagsama-samahin ang pira-pirasong papel
upang makabuo ng larawan at isulat sa patlang kung
malinis na tahanan o maduming tahanan

_________________________________
Malinis na tahanan

__________________________________
Maduming tahanan
IV. PAGTATAYA
Isulat ang MK kung ito ay nagpapakita ng epekto ng
malinis na kapaligirang pantahanan. DK kung hindi.
Isulat ang sagot sa papel.
1.Nakakapag-aral nang maayos si Tessa dahil maayos
ang kaniyang pagtulog.
MK
2.Laging nadadala sa ospital ang kapatid ni Marco dahil
sa hika. DK
3.Hindi nagkakasakit si Jose kaya nakakuha siya ng
perfect attendance sa klase.
MK
4.Madalas inuubo si Mikaela dahil sa alikabok at dumi sa
kanilang bahay. DK
5.Sabi ng doctor, malusog daw ang puso ni Ethan.

MK

V. TAKDANG-ARALIN
Sa sagutang papel, bilugan ang letra na nagpapakita ng
epekto ng malinis na kapaligiran.
A.maluwag na paghinga
B.pagkakasakit A.maluwag na paghinga

C.malayo sa aksidente B.pagkakasakit

D.pagiging matamlay C.malayo sa aksidente

E.maayos na pagtulog D.pagiging matamlay


E.maayos na pagtulog

Prepared by:

TORALBA, KRISTINE NICOLE S.

You might also like