You are on page 1of 17

P.

E IV

Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
1. Naiisa-isa sa Filipino Pyramid Activity Guide ang mga sangkap ng Physical Fitnessna
nalilinang/napapaunlad ng mga gawaing pisikal.
2. Naisasagawa ang mga gawaing pisikal na nakapaloob sa aralin.
3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa at patas na
pakikipaglaro.

II. Nilalaman
a. Paksa: (1) Filipino Pyramid Activity Guide (2) Fitness Challenge
b. Kasanayan: Balik-Tanaw sa mga Sangkap ng Physical Fitness
Cardiovascular Endurance, Lakas ng Kalamnan,Tatag ng Kalamnan,
Kahutukan (Flexibility))
c. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat
d. Sanggunian: TG._________, LM._________, Kt12-__________
e. Kagamitan: hula hoop, lubid, baton, palaruan

III. Pamamaraan
A. Pang- araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendanceat angkop na kasuotan.

2. Pampasiglang Gawain:
Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

3. Balik-aral
Ilahad sa mga bata na naisagawa na nila ang iba’t ibang pagsubok sa physical fitnessnang
nakaraang unang markahan.

B. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Ipakita sa mga bata ang mga nakatalang gawaing pisikal sabahay, sa paaralan at sa labas
ng tahanan. Ipatukoy rin kung gaano nila kadalas na ginagawa ang mga ito at ang fitness
componentna napapaunlad ng gawain.
.
C. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang limang sangkap ng health-related fitnessay ang sumusunod:
Cardiovascular Endurance (Katatagan ng puso at baga) kakayahang makagawa
ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa
katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa
Muscular Endurance(Katatagan ng kalamnan) – kakayahan ng mga kalamnan
(muscles) na matagalan ang paulit-ulit at mahabang paggawa
Muscular Strength (Lakas ng kalamnan) – kakayahan ng kalamnan (muscles) na
makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos ng lakas
P. E IV

Muscular
Endurance

Muscular
Cardiovascular Strength
Endurance health-related
fitness
Component

Body Flexibility
Composition

Flexibility (Kahutukan) – kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa


pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan
Body Composition – dami ng taba at parte na walang taba (kalamnan, buto, at
tubig) sa katawan

Magkaroon ng talakayan sa ginawang gawain.


Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin” at hikayatin ang mga bata napagtuunan ang pagpapaangat
ng antas ng gawaing pisikal at fitness.

2. Pagtatalakay
Ano-anong mga gawaing pisikal ang dapat isagawaupang mapataas ang antas ng physical
fitness?

3. Paglalapat
Lagyan ng tsek (/) ang angkop na hanay ayon sa iyong pagsagawa ng Fitness Challenge.
Gawain Sangkap ng Fitness Pagsasagawa
na nalinang 1 2 3

1. Group
Rope Jumps
2. Hula Hoop
Over and
Under Relay
3. Coffee
Grinder

4. Paglalahat
Ang mga sangkap ng fitness ay malilinang nang mabuti kung naisasagawa nang tama ang
gawaing pisikal. Ang palagiang aktibong paglahok sa mga laro, gawain sa bahay, paaralan, at
pamayanan ay makatutulong sa pagpapataas ng antas ng physical fitness. Ang mataas na
antas ng physical fitnessay daan para sa magandang kalusugan
P. E IV

IV. Pagtataya
Ayon sa iyong paglahok sa laro, paano mo tatayain ang iyong sarili ayon sa iyong pagkilos?
Tayain ang sarili sa pamamagitan ng pagtsek sa patlang na naaayon sa iyong sagot.
1. Gaano mo nagustuhan ang laro?
_____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobra
2. Gaano kabilis ang iyong pagtakbo?
_____ sapat lang _____sobra _____ sobra-sobra
3. Gaano kalakas ang iyong bisig sa paggawa ng coffee grinder?
_____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobra
4. Naramdaman mo ba ang bilis ng pintig ng iyong puso sa pagtalon sa lubid at pagtakbo?
_____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobra
5. Nakatagal ka ba sa mga pagsubok na ginawa?
_____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobra

V. Takdang Aralin
Ipakopya sa isang malinis na papel o bond paperang Talaan ng Isang Linggong Physical Activity na
nasa LM. Ipasulat o ipalarawan sa mga bata ang kanilang paboritong gawaing pisikal sa loob ng isang
linggo at lagdaan ito.
P. E IV

Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
1.Nasusubok ang kaangkupang pisikal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing
nagpapaunlad sa kahutukan (flexibility) ng katawan.
2.Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng mga gawaing
nagpapaunlad sa kahutukan (flexibility) ng katawan.
3.Naipapakita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa at patas na
pakikipaglaro.

II. Nilalaman
Paksa: (1) Filipino Pyramid Activity Guide (2) Two-Hand Ankle Grip Kasanayan: Pagpapaunlad
ng flexibilityng katawan
Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok, pagiging maingat, paggalang sa kapwa
Sanggunian: TG._________, LM._________, Kt12-__________
Kagamitan: palaruan

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendanceat angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain:
Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

3. Balik-aral
Paano pa malilinang ang mga fitness components?
Paano ninyo naisagawa ng maayos ang physical component a nakaraang aralin?

B. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Ipakitang muli ang Filipino Physical Activity Pyramid Guide.
Tukuyin ang bahagi nito na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng flexibility ng katawan.

Ano ang kaugnayan ng bawat bahagi ng pyramid sa pagpapaunlad ng iba’t ibang bahagi ng
katawan?
Gaano kadalas ang pagsasagawa ng mga gawaing makapagpapaunlad ng flexibility ng katawan?

C. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakiita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng
flexibilityng katawan. Ipatukoy rin kung ito ay gawaing pang araw-araw, ehersisyo, laro, o sayaw.

2. Paglalapat
Upang subukin ang ating kakayahan sa kahutukan, gawin ang mga sumusunod na gawain sa
tulong ng iyong guro. Gawin ito nang naaayon sa pamamaraan at may sapat na pag-iingat.
P. E IV

Gawain: Paglinang sa kahutukan


Two-Hand Ankle Grip
Pamamaraan:
1. Bahagyang ibaluktot ang katawan sa harap. Sa pamamagitan ng pagdikit ng dalawang
sakong (heel) ng paa, abutin ng mga kamay sa pagitan ng mga binti ang bukong-bukong
(ankle).
2. Pag-abutin ang mga kamay sa harap ng mga bukongbukong.
3. Panatilihing nakahawak ang mga kamay sa harap ng mga bukong-bukong sa ayos ng
sakong ng paa
4. Manatili sa posisyon sa loob ng limang segundo (5).

3. Paglalahat
Ang pagpapaunlad ng flexibilityo kahutukanng kalamnan ay nakatutulong upang mapadali
ang pagsasagawa at mapaganda ang isang gawain. Ang paglinang sa mga gawaing
makatutulong sa flexibilityng katawan ay inaasahan upang matamo ang inaasahang antas ng
physical fitness. Ang two-hand ankle gripay isa lamang sa mga gawaing sumusubok sa
flexibility.
IV. Pagtataya
Mahalagang malaman at mapaunlad ang flexibility o kahutukan.
Tingnan ang talaan sa ibaba at sabihin sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa kolum kung alin ang
mga makapagpapaunlad ng iyongflexibility o kahutukan.Kopyahin ang talaan sa iyong kuwaderno at
sagutan ito.
Mga Gawaing Pisikal Makapagpapaunlad ng flexibility
Pagdampot o pag-abot ng bagay
Paglilinis nang may hawak na mop
Pagsasampay ng damit
Pagsusuot ng medyas at sapatos
Pagsuot at paghubad ng damit
Paglalaro (bending body, limbo rock, at iba pa)
Pag-eehersisyo
Pag-eehersisyo
Pag-unat ng beywang
Pag-unat ng braso
Pagpaling ng ulo sa kanan at kaliwa
Pagbaluktot ng katawan sa harap, tagiliran, at likuran

V. Takdang-aralin
Sa tulong ng isang kontrata na nasa ibaba, gumawa ng personal na kontrata para sa patuloy na
paglinang ng flexibility o kahutukan.Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
P. E IV

Araw:_________________ Petsa:_________________
I .Layunin
1. Nasusubok ang physical fitnesssa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing nagpapaunlad sa
koordinasyon ng katawan.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikalkatulad ng mga gawaing
nagpapaunlad sa koordinasyon ng katawan.
3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa at patas na
pakikipaglaro.

II. Nilalaman
a. Paksa:Coordinated Walk
b. Kasanayan: Pagpapaunlad ng Koordinasyon ng Katawan (Coordination)
c. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat; paggalang sa kapwa
d. Sanggunian: TG._________, LM._________, Kt12-__________
e. Kagamitan: palaruan; hula hoop

III. Pamamaraan
A. Pang- araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendanceat angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

3. Balik-aral
Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang Two-Hand Ankle Gripnoong nakaraang aralin.
Itanong kung paano pa malilinang angflexibility ng katawan.

B. Panimulang Gawain
Ipabasa ang “Simulan Natin”.
Pag-usapan ito.

C. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin”.
Itanong kung ano ang koordinasyon (coordination) at itanong din kung bakit kailangan itong
malinang.
Hikayatin ang mga bata na magbigay ng halimbawa ng mga gawaing pisikal na nagpapaunlad ng
koordinasyon.

2. Paglalapat
Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa koordinasyon (coordination).
Ipagawa ang nasa LM Gawain 1 - Coordinated Walk.
Ipagawa ang Gawain 2 - Gamit ng Hula Hoop.
Mahirap bang gawin ang coordinated walk?
Ang paggamit ng hula hoop? Bakit?
Paano makatutulong ang mga gawaing ito sa pagpapaunlad ng iyong koordinasyon?
P. E IV

Sa isinagawang gawain, maaari mo bang sabihin kung ano ang kahalagahan ng pagtaya ng iyong
koordinasyon?

3. Paglalahat
Ang pagpapaunlad ng koordinasyon ng katawan ay nakatutulong upang mapadali ang
pagsasagawa at mapaganda ang isang gawain. Ang paglinang sa mga gawaing makatutulong sa
koordinasyon ng katawan ay inaasahan upang matamo ang inaasahang antas ng physical fitness.
Ang koordinasyon sa paglalakad at ang paghula hoopay mga gawaing sumusubok sa
koordinasyon ng katawan.

IV. Pagtataya
Sa tulong ng kontratang nasa ibaba, gumawa ng personal na kontrata para sa patuloy na paglinang
ng koordinasyon. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
KONTRATA NG PATULOY NA PAGLINANG NG
KOORDINASYON
Pangalan: _______________________ Pangkat: _____________________

Ako si____________________ na nangangakong patuloy na pauunlarin


ang aking koordinasyon.Bilang pagtupad sa aking pangako, ako ay gagawa at
makikilahok sa mga gawaing makapagpapaunlad nito. Isulat ang mga gawaing
makapagpapaunlad sa koordinasyon.
1._____________________________________________
2._____________________________________________
3._____________________________________________
4._____________________________________________
5._____________________________________________
6._____________________________________________
_____________________
Lagda ng Mag-aaral
__________________ __________________
Lagda ng Magulang Lagda ng Guro

V. Takdang-aralin
Sabihin na gawing madalas ang mga gawain o ehersisyong nakatutulong sa pagpapaunlad ng
koordinasyon (coordination) ng katawan.
P. E IV

Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
1. Nakalilikha ng mga kombinasyon ng kilos na ginagamitan ng dalawa o higit pang kilos.
2. Naisasagawa nang wasto ang mga nilikhang kilos nang may tiwala sa sarili.
3. Naisasagawa ang mga hakbang na gumagamit ng mga nilikhangkilos.
4. Naipakikita ang kasiyahan sa pakikilahok at wastong pag-iingat sa likhang-galaw.

II. Nilalaman
Paksa: Likhang galaw Ayon sa Tema at Ritmo
Kasanayan: Pagpapaunlad ng Pagkamalikhain Ayon sa Ritmo at Tema
Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok, pagiging maingat, paggalang sa kapwa
Sanggunian: TG._________, LM._________, Kt12-__________
Kagamitan: palaruan, mga tugtog o musika na may iba’t ibang tempo o bilis.

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng atendans at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

3. Balik-aral
Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang Coordinated Walk at gawain sa hula
hoopnoong nakaraang aralin.
Itanong kung paano pa malilinang ang koordinasyon (coordination) ng katawan.

B. Panimulang Gawain
Ipasuri ang larawan sa “Simulan Natin”. Itanong kung ano ang ginagawa ng mga bata.
Ipabasa ang talata. Pag-usapan ito.
Ipagawa ang nasa larawan sa parehas na pahina. Itanong kung ano ang tempo ng tugtog kung
lalapatan ng musika ang kanilang galaw.

C. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin”.
Itanong kung ano ang rhythmic interpretation.
Itanong kung paano ito ipakikita sa mga nanonood.
Pag-usapan ang mga inilahad na halimbawa ng interpretation.
Itanong kung paano maipahihiwatig ang mensahe ng lilikhaing galaw.
Itanong din kung paano ito maiintindihan ng mga manonood.

2. Paglalapat
Maghanda ng apat na tema na gagawan ng interpretasyon ng bawat pangkat.
(Pipili ang guro o maaaring gumawa ng sariling ideya.)
Ilan sa mga halimbawa ng interpretasyon ay ang mga sumusunod:
Kalikasan - panahon, hayop, halaman
Likhang-isip na bagay - higante o duwende,engkantada, awiting pambata
P. E IV

Mga gawain/hanapbuhay ng tao - guro, driver, ballet dancer, paglalaba, pagmamaneho


Mga sasakyan - eroplano, tren, bus, barko, bisekleta
Machinery- orasan, elevator, crane, forklift
Moods/feelings- masaya, malungkot, galit

3. Paglalahat
Ang rhythmic interpretationay isa lamang sa mga gawaing pisikal na makatutulong
makapagpaunlad ng physical fitness. Sa pagsasagawa nito, dapat naaayon ang galaw
sa tema at sa tugtog na inilalapat dito. Hinihikayat ang tamang paggalaw ng buong
katawan. Maaaring ito ay mabilis, mabagal, magaan, o mabigat ang galaw na may
direksiyon may sangkap ng antas.

IV. Pagtataya
Ipakita at ipapuno ang talaan sa “Suriin Natin” sa LM at ipatukoy sa pamamagitan ng paglalagay ng
tsek sa kolum na naglalarawan ng kanilang sama-samang pagganap bilang isang pangkat. Ipakopya
sa kuwaderno ang talaan at ipasagot ito.Itanong kung ano ang temang nabunot ng bawat
pangkat.Magtanong din kung ano ang kanilang pakiramdam pagkatapos ng gawain.

V. Takdang-aralin
Ipabasa ang talata sa “Pagbutihin Natin”.
Ipagawa ang mungkahing gawain sa LM upang lubos na malinang ang kanilang pagkamalikhain .
Ipapuno ang talaan sa mga kapamilya batay sa pagtataya ng ipinakitang galing ng bata.
Ipapasa ang iskor kard sa sunod na pagkikita.
P. E IV

Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
1. Natutukoy at naisasagawa ang mga batayang posisyon ng kamay at paa sa pagsasayaw.
2. Naisasagawa ang mga hakbang pansayaw sarhythm na na gumagamit ng mga batayang kilos ng mga
bisig sa pagsasayaw.
3. Naipakikita ang kasiyahan sa pakikilahok at wastong pag-iingat sa pagsasayaw.

II. Nilalaman
Paksa: Likhang Galaw Ayon sa Tema at Ritmo
Kasanayan: Pagpapaunlad ng Pagkamalikhain ayon sa Ritmo at Tema
Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok, pagiging maingat, paggalang sa kapwa
Sanggunian: TG._________, LM._________, Kt12-__________
Kagamitan: palaruan; mga tugtog o musika na may iba’t ibang tempo o bilis, tugtugin na kinagigiliwan
ng mga bata, usong kanta, patalastas sa radyo at telebisyon.

III. Pamamaraan
A. Pang araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendanceat angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain:
Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa nakaraang mga aralin.

3. Balik-aral
Itanong kung ano ang rhythmic interpretation? Itanong din kung ano ang dapat gawin upang
lubos na maintindihan ng manonood ang mensahe ng likhang galaw.

B. Panimulang Gawain
Ipabasa ang unang talata sa “Simulan Natin”.
Magparinig ng iba’t ibang tugtugin. (Maglaan ng 2 o 3 musika na kinagigiliwan ng mga
bata: usong kanta, patalastas sa radyo at telebisyon, atbp.
Itanong kung sila ay gagawa ng sayaw ayon sa tugtugin, anong mga hakbang ang nais
nilang ilapat.

C. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin” sa LM
Pag-usapan ito.
Ipagawa ang mga kilos lokomotor at kilos di-lokomotor upang maigalaw ito nang maayos.

2. Paglalapat
Patayuin ang mga bata na medyo bahagyang magkakalayo.
Maaari ding humarap sa timog, hilaga, kanluran, o silangan.
Magpatugtog ng musika at iparinig sa mga bata. Palikhain sila ng mga galaw gamit ang mga
kilos lokomotor at di-lokomotor. Pagalawin sila patungo sa iba’t ibang direksiyon nang
walang nasasagi o nababanggang kaklase.
Itanong kung nakasunod sila sa bilis o bagal ng tugtog. Itanong ang mga galaw na nagawa
nila. Itanong din kung anong direksiyon ang kanilang tinahak.
P. E IV

3. Paglalahat
Ang likhang sayaw ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng kombinasyon ng lokomotor at
di-lokomotor na galaw. Higit itong kinagigiliwan kapag ito ay sabay-sabay na ginagawa sa
saliw ng tugtugin. Ang palagiang pagsayaw ay may dulot na maganda sa kalusugan dahil
napauunlad nito ang physical fitness ng isang tao

IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek (/) ang kolum na makapagsasalarawan ng inyong sagot.
Mahirap Katamtaman Madali
1. Nagawa ko nang tama ang mga hakbang sa
Figure I at II
2. Naisagawa ko ang mga galaw na tama
sa tiyempo at ayon sa tugtog
3. Naglaan ako ng oras upang makapagsanay
kasama ng aking mga kamag-aral
4. Naisagawa ko nang maayos ang likhangsayaw
ng aming pangkat

V. Takdang-aralin
Gawin nang pangkatan ang nakatalagang gawain upang lubos na malinang ang pagkamalikhain.
P. E IV

Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang batayang kaalaman ng sayaw.
2. Nailalarawan ang mga kasanayang gamit sa sayaw.
3. Naipamamalas ang wastong pag-iingat sa pagsasayaw.
4. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa gawaing pagsasayaw.
5. Naipakikita ang katuwaan at paggalang sa pakikilahok sa gawaing pagsasayaw.

II. Nilalaman
Paksa: Batayang Hakbang at Posisyon ng Kamay sa Sayaw na Liki
Kasanayan: Mga Batayang Kasanayan at Kaalaman sa Pagsayaw
Pagpapahalaga: Kooperasyon at Pagkamatiyaga
Sanggunian: TG._________, LM._________, Kt12-__________
Kagamitan: larawan, tsart, mapa ng Negros Occidental, tugtugin ng Liki, cassette/CD player

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendanceat angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain/Balik-aral
Magpatugtog ng musikang kinagigiliwan ng mga bata.Hayaan silang gumalaw batay sa tempo
ng tugtog at sa kilos lokomotor at di-lokomotor na sasabihin ng guro. (apat na minuto)
Itanong kung paano nabubuo ang mga likhang sayaw. Itanong din kung ano ang kabutihang
dulot ng pagsasayaw.

B. Panimulang Gawain
Ipakita sa mga bata ang mapa ng Negros Occidental.
Magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa lugar.
Sabihin din na sa Bago, Negros Occidental ay may popular na sayaw na Liki na pagtutuunan ng
pansin sa susunod na mga aralin sa PE.

C. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
(Note: Kabisahin ng guro ang mga hakbang pansayaw at posisyon ng kamay bago ituro sa
mga bata.)
Ipakitang-turo ang mga hakbang sa pagsasayaw at posisyon ng kamay sa sayaw na Liki.
Ipaalala sa mga bata na ang mga batayang hakbang sa pagsasayaw ay dapat sanayin upang
mapadali ang pagkatuto nito habang isinasaalang-alang ang wastong pag-iingat.
Itanong kung masaya ang mga bata habang isinasagawa ang mga hakbang sa pagsasayaw.
2. Paglalapat
Ihanda ang mga bata nang may kaniya kaniyang kapareha.
Ipagawa ang Gawin Natin sa LM

3. Paglalahat
Ang sayaw ay tinatawag na Liki (Lee-Kee). Ang Liki ay sayaw na mapang-akit at may indayog
ang mga galaw nito.
P. E IV

Ang tamang pagsasagawa ng mga hakbang- sayaw ay makatutulong sa pagpapahalaga sa


kultura ng mga tao sa bayan o rehiyon na pinagmulan ng sayaw.Ang pagsasayaw ay isa
lamang sa mga gawaing pisikal na nakatutulong upang mapaunlad ang physical fitnessng tao.

IV. Pagtataya
A. Gawaing May Kapareha
Papiliin ang mga bata ng kani-kaniyang kapareha.
Ipagawa ang mga hakbang ng may 16 na bilang pakanan at pakaliwa ayon sa saliw ng tugtugin.
Gamitin ang tugtog ng Liki para masanay ang mga bata sa tempo ng musika.
Close step - balse (waltz step)
Brush step - arms in lateral position
Point step - arms in forward bend position

V. Takdang-aralin
Isaulo ang mga hakbang sa pagsasayaw na natutuhan at pagsanayin pa bilang paghahanda sa sayaw
na Liki.
P. E IV

Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
1. Naisasagawa ang iba’t ibang hakbang sa pagsayaw ng Liki.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa gawaing pagsasayaw.
3. Naipakikita ang katuwaan at paggalang sa pakikilahok sa gawaing pagsasayaw.

II. Nilalaman
Paksa: Pambayang Sayaw - “Liki”
Kasanayan: Mga Batayang Kasanayan at Kaalaman sa Pagsayaw
Pagpapahalaga: Kooperasyon at Pagtitiyaga; Pagkamakabayan
Sanggunian: TG._________, LM._________, Kt12-__________
Kagamitan: larawan, tsart, tugtugin ng Liki, cassette/CD player

III. Pamamaraan
A. Pang araw-araw na Gawain
1. Pagtsek ng attendanceat angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain/Balik-aral
Itanong kung ano ang sayaw na pinag-aralan ng nakaraang linggo.
Itanong din sa mga bata kung saan nagmula ang sayaw, ano ang katangian nito, ano ang
kasuotan ng mananayaw at kung natatandaan pa nila ang mga pagsasanay na isinagawa hinggil
sa mga hakbang sa pagsasagawa ng Liki. Itanong din kung nagsanay sila sa mga hakbang ng
sayaw.

B. Panimulang Gawain
Iparinig ang buong musika ng Liki.
Pasabayan ng palakpak ang tugtog upang madama ang wastong palakumpasan nito.

C. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Refers to TG. p. 66

2. Paglalapat
Sabihin sa mga bata na sanayin ang pagsasagawa ng mga hakbang sa sayaw na Liki upang mas
mapaunlad ang kakayahan sa pagsasayaw.
Ipasayaw muli ang buong sayaw na Liki na may saliw ng musika.
Ipasayaw sa buong klase ang Liki; nang may kapareha at ng pangkatan.

3. Paglalahat
Ang kaalaman sa mga hakbang-sayaw ng Liki at ang tamang pagsasagawa nito ayon sa
tugtog ay mahalaga upang mapahalagahan ang kultura ng mga tao sa rehiyon na
pinanggalingan nito.
P. E IV

IV. Pagtataya
Suriin mo ang iyong sarili at iguhit ang sa wastong hanay.
Hakbang Galaw Napakagaling Mas magaling Magaling

Close step
Brush step
Point step
3-Step Turn
Arms in Lateral
Position
Waltz (Balse)
V. Takdang-aralin
Itanong kung ano ang saloobin ng mga bata sa natutuhang sayaw na Liki na nagmula sa Bago, Negros
Occidental.
P. E IV

Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
1. Naisasagawa ang pangwakas na gawain (culminating activity) ng yunit.
2. Naipakikita ang iba’t ibang kasanayan sa pagsasagawa ng mga hakbang sa pagsasayaw.
3. Naipamamalas ang kasiyahan sa pagsasayaw na may wastong kilos, galaw at hakbang.

II. Nilalaman
Paksa: Pangkatapusang Gawain (Culminating Activity)
Kasanayan: KatutubongSayaw - Liki
Pagpapahalaga: Kooperasyon at Pagkamatiyaga, malikhain
Sanggunian: TG._________, LM._________, Kt12-__________
Kagamitan: cassette/CD player, tugtugin ng Liki

III. Pamamaraan
A. Pang araw-araw na Gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain/Balik-Aral
Anong sayaw ang pinag-aralan natin? Saan ito nagmula?
Ano-anong mga hakbang sa pagsasayaw at posisyon ng kamay ang bumubuo rito?

B. Panimulang Gawain
Sabihin na sa araling ito, masusukat ang kanilang kasanayan sa pagsasayaw ng Liki suot ang
kanilang damit pansayaw.
Itanong kung ano ang kanilang pakiramdam habang may suot na Visayan costume?
Sabihin din na dapat nilang maisagawa ang mga gawain nang may pag-iingat.

C. Panlinang na Gawain
Hatiin sa apat na pangkat ang buong klase. Ipakita kung saan ang nakatalagang lugar para sa kanila.

D. Paglalapat
Ipabasa ang “Gawin Natin”.
Ipaintindi sa mga bata ang kanilang gagawin upang maayos ang pagkakasunod-sunod sa
pagsasayaw.
Gamit ang 3-point scalesa LM magmamarkahan ang magkapareha na sinusunod ang pamantayan.

E. Paglalagom
Ang katutubong sayaw ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng physical fitnessbukod pa sa dagdag
na kaalaman sa kultura ng bayang pinagmulan nito.

IV. Pagtataya
A. Pansariling Ebalwasyon:
Lagyan ng tamangsmileyang inyong pagtatanghal.

Kaalaman sa hakbang
sayaw
Pagsasayaw ayon sa
P. E IV

tamang tiyempo
Nakasayaw na may
tamang expression
Nakihalubilo sa ibang
kapareha
Nasiyahan sa
pagsasayaw
Ramdam ang
kasiyahan sa antas
ng physical finess sa
pagsasayaw nang
mataga

V. Takdang-aralin
Pagawain ang mga bata ngposter ng mga katutubong sayaw sa kanilang lugar.
Itanong kung paano makatutulong ang pagsasayaw sa pagpapaunlad ng kanilang physical fitness.
Isama na rin ang paglalarawan ng saloobin.

You might also like