You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

I. LAYUNIN
Sa loob ng 45 minutes, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang 95% ng kahusayan ng
mga sumusunod:
1. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay;
2. Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito;
3. Nakababasa upang kumuha ng mga impormasyon.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Para sa kaligtasan, Pagkilos ay Kailangan/Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit


Sanggunian: Alab Filipino 5, Batayang Aklat pahina 172
May akda: Patricia Jo C. Agarrado, Maricar L. Francia, et.al
Kagamitan: Manila paper, Cartolina, chalk, mga litrao
Pagpapahalaga: Kamalayan sa mga nangyayari sa kapaligiran.

III. PAMAMARAAN
MGA GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Paghahandang Gawain

1. Pang-araw-araw na Gawain
 Pagbati
 Panalangin

 Pagpulot ng mga maliliit na piraso ng


papel at pagtutuwid ng linya ng upuan.
 Pagupo ng tuwid at pagpapanatli ng
katahimikan.
 Pag-ulat ng liban

2. Pagwawasto ng Takdang Aralin

Noong nakalipas na pagkikita, nagbigay


ako ng takdang aralin patungkol sa
kahulugan ng Pangungusap at mga uri
nito. Maaari bang ilabas ang inyong
ginawang takdang aralin upang maiwasto - opo-
ang mga ito. Ibigay ang kahulugan ng
mga ito base sa mga nakalap na Ang pangungusap po ay mga salita na
impormasyon. Tatawag ako ng limang naglalahad ng kumpletong diwa.
mag-aaral na boluntaryong sasagot.
-Isa po sa uri ng pangungusap ay ang
pasalaysay. Nagbibigay po ito ng
impormasyon at kaalaman at nagtatapos sa
tuldok.

-Patanong, ito po ay nagtatanong at humihingi


ng kasagutan. Nagtatapos sa tandang
pananong.

-Pautos, naguutos o nakikiusap. Nagtatapos sa


tuldok.

-Padamdam, nagsasaad ng masidhing


damdamin tulad ng tuwa, lungkot, at
pagkagulat. Nagtatapos sa tandang
Magaling! Ngayon, upang lalo pa nating padamdam.
maunawaan ang inyong takda na ito, ito ang
aking bibigyang pansin at tatalakayin. Handa -Opo!
na ba kayong matuto at malaman kung tama
nga ba ang inyong mga kasagutan?

B. Panlinang na Gawain

1. Paggaganyak
-Opo!
Bago tayo magtungo sa ating talakayan, may
inihanda akong palaro. Gusto niyo bang
maglaro?
-ma’am hindi po naming yun alam!
Ang tawag sa laro natin ngayon ay Ang arko".

Dahil hindi pa ito alam ng karamihan,


ipapaliwanag ko kung paano ito lalaruin.
Ipagpalagay ninyo na kayo ay nasa isang
barko na lulubog, at ang tanging paraan upang
makaligtas sa pagkakalubog ay sa
pamamagitan ng pagugrupo grupo ng sarili.
Ang pagugrupo ay naka-ayon sa aking
sasabihin. Halimbawa, ang arko ay lulubog
na!lgrupo ang sarili sa bilang na sampu.
-naiintindihan po ma’am
Naintindihan ba?

2. Paglalahad

Ang arko na nilaro natin ay may kinalaman sa


kwentong ibabahagi ko sa inyo at sa aralin na
ating tatalakayin.
Minsan niyo na bang napakinggan ang
kwentong

"Malaking Arko ni Noe" -opo/hindi pa po ma’am.

Noong unang panahon, ang mundo ay


pinamumunuan ng kasamaan. May
nagsasabing ayaw nila sa Diyos. Ngunit ang
Diyos ay may isang anak na napakabuti. Ang
pangalan niya ay Noe.

Ang pamilya ni Noe ay nagmamahal sa


Diyos. Hindi sila lumilikha ng mga diyos na
gawa sa bakal. Sila ay tapat na naglilingkod
sa Diyos.

Isang araw, tinawag ng Diyos si Noe.

Gumawa ka ng isang arko, utos ng Diyos kay


Noe. "Doon mo isilid ang dalawa o isang
pares ng babae at lalaki sa bawat uri ng hayop
sa mundo. Kapag umulan at bumaha ay
pumasok ka sa arko. Isama mo ang iyong
angkan. Kayo ay Aking ililigtas.

Sinunod ni Noe ang ipinag-utos ng Diyos.


Ngunit pinagtawänan lamang ng mga tao
nang makita nilang gumagawa si Noe ng
arko. Hindi sila natakot sa paparating na
bagyo. Hindi sila naging mabuti sa kanilang
kapuwa. Lalo silang naging masasamang tao.

Natapos ni Noe ang paggawa ng malaking


arko. Pinuno niya ito ng mga pagkain para sa
lähat. Kumuha siya ng isang pares ng babae at
lalaki sa bawat uri ng hayop sa lupa. Ang
lahat ng mga ito at ang buong angkan ni Noe
ay pumasok sa arko.

Isang araw, nangulimlim ang buong


kapaligiran. Nagsimulang bumuhos ang
napakalakas na ulan. Walang pahan ang
pagbuhos ng malakas na ulan hanggang sa
tumaas ang baha.

Nagtagal nang apatnapung araw ang malakas


na ulan. Tumaas nang tumaas ang tubig.
Nalunod ang mga tao sa lupa. Nagmistulang
isang malawak na dagat ang kapaligiran. Ang
malaking arko ni Noe na dating nakasayad sa
lupa ay nakalutang na ngayon sa tubig.

Naglaho ang lahat ng dumi. Nais ng Diyos na


linisin ang mundo. Alisin ang maruruming
gawain at ang mga makasalanang tao. Ang
mga taong pinagtawanan lamang sa ginagawa
ni Noe ay nalunod na rin. Wala nang
makikitang bagay sa mundo noon kundi ang
tubig at ang malaking arko ni Noe.

Nang huminto ang ulan at bumaba na ang


tubig. Sumikat na ang araw. Tuwang-tuwa si
Noe at ang kuniyang buong pamilya. kay
ganda ng sikat ng araw. Ito ay waring
nagbibigay sa kanila ng bagong pag-asa.
Nagsi awitan ang mga ibon at lumikha ng
ingay ang mga hayop. Silang lahat ay
nakadama ng kagalakan.

Nagbalik sa dating anyo ang kapagiliran


maliban sa mga taong masasama. Lumitaw na
muli ang mga bundok at tumubo nang muli
ang mga halaman Lumabas na buhat sa arko
si Noe, ang kaniyang buong pamilya at mga
alagang hayop. Nagkaroon na muli ng buhay
sa ibabaw ng lupa. Labis ang kanilang
kagalakan. Nag-alay sila ng pasasalamat sa
Diyos.
-Gumawa ng isang arko.
"Mula ngayon, wika ng Diyos, "ay hindi na
Ako muling magpapaulan nang matagal.
Hindi ko na muling gaganawin ang mundo. -Tapat na naglilingkod sa Diyos
Kapag nakakita kayo ng bahaghari ay
maaalala ninyo ang aking pangako.
-Gumawa ng malaking arko upang iligtas ang
ang mga hayop sa mundo at ang mga taong
Sino si Noe? naniniwala kay Noa.

Tama, ngunit iba pang kasagutan. -opo

Ano ang ipinagutos ng Diyos kay Noe?


-dahil ito po ang tamang gawin at ikatutuwa
Kung kayo si Noe, susundin niyo rin ba ang po ito ng Diyos kapag sinusunod po ang
ipinaguutos ng panginoon? kaniyang mga sinasabi.

3. Pagtatalakay

Bakit mahalaga ang pagsunod sa utos sa lahat


ng pagkakataon?

Magaling! Tunay ngang naunawaan niyo


ang ibinahagi kong kwento. Ipinapakita sa
aking binasang kwento ang kahulugan ng
pangungusap at may ilang bahagi na
nagpakita ng uri ng pangungusap.

Ang sabi niyo kanina, ang pangungusap ay


mga salita na naglalahad ng kumpletong diwa.
Masasabi ba na may kumpletong diwa at
mabilis nauunawaan ang aking binasang
kwento. May limang uri ng pangungusap
ayon sa gamit, ito ay ang pasalaysay,
patanong, pautos, pakiusap at padamdam.

Gumagamit tayo ng iba't ibang uri ng


pangungusap ayon sa gamit sa pagkakataon
na tayo ay nakikipagusap, pagsulat ng isang
talata at mga pangungusap. Narito ang
kahulugan at halimba ng limang uri ng
pangungusap na konektado sa tekstong aking
binasa.

Limang uri ng pangungusap ayon sa


gamit:

1. Pasalaysay- Nagbibigay ito ng


impormasyon o kaalaman. Nagtatapos sa
tuldok (.).

Halimbawa: Noong unang panahon, ang


mundo ay pinamumunuan ng kasamaan.

2. Patanong- Nagtatanong ito o humihiling


ng kasagutan. Nagtatapos sa tandang
pananong (?).
Halimbawa. "O aking Ama, ano po ang aking
gagawin?

3. Pautos- Nag-uutos. Nagtatapos sa tuldok


(.)

Halimbawa. Gumawa ka ng isang arko.

4. Pakiusap- Nakikiusap ito o paguutos ng


may kasama na paki. Nagtatapos sa tuldok (.)

Halimbawa: Nagmamakaawa kami Panginoon


pakitangal na.itong malakas na pagbuhos ng
ulan. opo!

5. Padamdam -Nagsasaad ito ng matinding


damdamin tulad ng tuwa, lungkot, pagka-
gulat, at iba pa. Nagtatapos sa tandang -opo!
pandamdam (!)

Halimbawa: "Whaaaaa!! Napakalakas ng


ulan!
Tumataas na ang tubig!" -Ang pangalan niya ay Noe.

Naiintndihan ba ang mga ito? -Pakibura naman ang mga nakasulat sa pisara.

Kaya niyo na bang tukuyin ang iba t ibang uri -Naku! Nabasag ang salamin, magagalit ang
ng pangungusap ayon sa gamit sa ating guro.
pagkakataon na sumusulat na kayo nito?

Kung gayon, maari ba kayong makapagbigay


ng halimbawa ng uri ng pangungusap ayon sa
kwento na aking binasao ayon sa isang
sitwasyon.

-Pandiwa

Mahusay! Naiintndihan niyo nga ang ating


tinalakay.
-Pasalaysay
4. Paglalahat
Ibuod natin lahat ng ating tinalakay sa -Patanong
pamamagitan ng inyong lahatang pagtugon sa
aking mga katanungan. -Pautos
Ano ang tawag sa limang mga salita na -Pakiusap
naglalahad ng kumpletong diwa?
-Padamdam

Ibiigay ang iba't ibang uri ng pangungusap?

IV. PAGTATAYA
A. Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap kung ito ay pasalaysay, patanong,
pautos, pakiusap o padamdam. Isulat sa iyong sagot sa kwaderno.
1. Ginugunita ngayon ang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Naga City.

2. Nag-alay ang pangulo ng bulaklak sa Dambana ng Quince Martres.

3. Bakit tinaguriang Quince Martres ang Naga City?

4. Piliin ang mga kandidatong kayang ipaglaban ang interes ng bawat mamamayan.
5. Naniniwala ka bang ang tunay na kalayaan ay natamo ng mga Pilipino noong Hulyo 4,
1946?

6. Tutukan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

7. Pinangunahan ng Pangulo ng Pilipinas ang pagtataas ng watawat sa Liwasang


Bonifacio sa Maynila.

8. Anong oras sabay-sabay na itataas ang bandila sa mga makasaysayang pook.


sa Pilipinas?

9. Mabuhay ang bansang malaya!

10. Kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayan ay isinara sa daloy ng trapiko ang ilang
mga pangunahing kalsada sa Kamaynilaan.

V. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng sampung pangungusap na ginagamitan ng iba't ibang uri ng pangungusap. Itala ito sa
inyong kwaderno.

You might also like