You are on page 1of 5

4

ARTS
Quarter 4- Module 4:
Pagbibigay ng Kahulugan sa Disenyo, Kulay
at Anyo sa Paglalala

1
I. Pagbibigay ng Kahulugan sa Disenyo, Kulay at Anyo sa Paglalala

MELC:
i. Maesplika ang kahulugan ng desinyo, kulay at anyo na ginamit
sa likhan sining. - A4PL-Ive

ii. Makagawa ng maliit na basahan gamit ang mga “buri strips”o


kahit anong materyales na mapagtagpi. – A4PR-IVf

iii. Makapaghabi ng sariling disenyo na magkasingtulad sa disenyo


ng isang local na grupo ng etniko. - A4PR-IVg

iv. Makagawa ng orihinal na “tie dyed na disenyong tela gamit ang


mga traditional na pamaraan. – A4PR-IVh

II. CONCEPT NOTES


Ang mga Pilipino ay gumagawa ng mga kaakit akit na disenyo.
Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa
paggawa ng kagamitang pantahanan katulad ng banig nan ilala. Ang
paglalala ay isang paraan ng pagsasalit-salit ng material gaya ng buli o
pira-pirasong papel na iniaanyo pahaba at pabalagbag upang makabuo
ng kahanga-hangang disenyo.
Ang paglalala ay bahagi ng tradisyong Pilipino. Dito makikita ang
pagkakaiba sa paggawa ng banig at iba pang kagamitan na yari sa iba’t
ibang lokal na materyales at istilo sa pagdidisenyo. May iba’t ibang
tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa paglalala ng banig. Isa na rito
ang uri ng materyales, kulay at disenyo.
Ang banig ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit bilang
higaan sa pagtulog lalo na sa Pilipinas at sa Silangang Asya. Bawat
rehiyon ng bansa ay may sariling disenyo sa paglalala ntg banig. Ang
banig ay maaaring gawa sa buri, pandan o dagat dahong damo. Isa sa
bantog na lugar sa paglalala ng banig sa Pilipinas ay ang Basey, Samar.
Ang kulay, disenyo at pattern ng mga likhang-sining ng ibat’t
ibang pamayanang kultural ay nababatay sa kanilang
paniniwala,tradisyon at kultura kaya dapat natin itong igalang at
pahalagahan.

1
III. LEARNING TASKS
Learning Task # 1
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.

1. Sa paglalala ano ang pangunahing kagamitan ang kailangang


ihanda?
A. buri B. pangkulay C. panukat D. pagkit

2. Paano lilitaw ang magandang disenyo sa paglalala?


A. gamitin ang makulay na tela
B. gamitin ang itim na kulay
C. gamitin ang malamlam na kulay
D. gamitin ang matingkad at malamlam na kulay

3. Saang lugar dito sa Pilipinas pinakatanyag ang may may magagandang


disenyo ng banig na yari sa buri?
A. Romblon B. Basey C. Tawi-Tawi D. IloIlo

4. Sa paglalala, anong prinsipyo ng sining ang makikita?


A. paulit-ulit B. pasalit-salit
C. parayos-rayos D. paekis-ekis

5. Ano sa sumosunod ang maaring gamitin sa paglalala?


A. papel B. luwad C. bulaklak D. bungang kahoy

Learning Task # 2

Panuto: Gumawa ng banig gamit ang papel.


Kagamitan: Magasin,gunting at pandikit (glue)
Hakbang sa Paggawa:
1. Pumili ng kumbinasyon ng matingkad at mapusyaw na kulay at
kulayan ang lumang diyaryo bago mag-umpisa sa paglalala.
2. Pagdikit dikitin ang mahahaba’t makikitid na piraso ng papel
habang naglalala.
3. Gupitin ang papel na lalalahin.
4. Gawaing mahaba at makitid ang mga papel ang piraso ng papel.
Maaaring isa o dalawang sentimetro ang lapad ng bawat isa.

5. Lalalahin nang salitan ang papel.


6. Gamitan ng pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong papel

pagkatapos ng paglalala.
7. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na
pinaggawaan.

2
Learning Task # 3
Panuto: Gumawa ng Pot Holder gamit ang tela
Kagamitan: retaso o ginupit na lumang damit na may sukat na 2x8 na
pulgada at gunting
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Gumupit ng 20 pirasong tela na lalalahin na may sukat na 2x8 na
pulgada.
2. Ilagay nang pasalungat sa ibabaw ng mesa ang isang piraso ng tela
at itali ang dulo ng sampung iba pa na magkaka-hilera gaya ng nasa
larawan.
3. Kumuha ng isang linas(strip) sa natitirang tela at itali ang isang dulo
nito sa unang nakabitin na tela.
4. Itali ang dulo ng tela at gupitin ang sobra nito.
5. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit, at linisin ang lugar na
pinaggawaan.

IV. REFLECTION
Panuto: kumplituhin ang mga pahayag sa ibaba.

Natutunan kong___________________________________________
________________________________________________________
__________________________________________.

3
V. REFERENCES
Musika at Sining kagamitan ng mag-aaral
Musika at Sining Patnubay ng Guro
https://www.slideshare.net/ralliv/art-4-disenyo-ng-banig-ni-ronv

VI. ANSWER KEY

5. A
4. A
3. B
2. D
1. A
Task # 1

Compiled by:

VIVIAN B. JALLORES
Teacher III

You might also like