You are on page 1of 8

4

ARTS
Quarter 4- Module 3:
Disenyo sa Tela at Iba’t-Ibang Disenyo ng
Paglalala

1
I. Kasanayang Pampagkatuto:

Disenyo sa Tela at Iba’t-Ibang Tradisyon ng Paglalala


MELC: Differentiates textile traditions in other Asian
countries like China, India, Japan, Indonesia, and in the
Philippines in the olden times and presently. A4EL-Iva
Discusses pictures of actual samples of different kinds of
mat weaving traditions in the Philippines. A4EL-Ivb
Discusses the intricate designs of mats woven in the
Philippines. A4EL-Ivc

II. Tala ng Konsepto:

Disenyo sa Tela

Ang bawat lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa ay may


natatanging disenyo na nagpapakita ng kanilang kultura at
tradisyon tulad ng T’nalak ng mga Tiboli na tinitina ang mga
hibla ng abaca para makabuo ng magandang disenyo at
ang Shibori ng Japan at Indonesia.
Naipapakita natin ang angking talento sa
pagdidisenyo sa pamamagitan ng prosesong tie-dye at
nakamamangha kung anong linya, hugis, at elemento ng
kulay ang makikita sa natapos na proyekto.
Ang kulay ay napapansin kahit saan sa ating
kapaligiran. May mapusyaw na kulay (light colors), may
matingkad (bright), at may madilim na kulay (dark colors).
Ang tina ay isang uri ng pangkulay na inilalapat sa isang
may tubig na timpla na ginagamit sa pagkulay ng tela. Ito
ay maaaring paghalu-haluin para makagawa ng
panibagong kulay.
Ang tina-tali o tie-dye ay isang simple at nakawiwiling
paraan upang gawing bago ang mga lumang tela o
lumang damit, tuwalya, panyo, at iba pa. Ito ay proseso ng
pagkukulay at karaniwang binubuo ng pagtiklop, pagpilipit,
papatong na pagtiklop, o paglikot ng tela o isang damit na
tinatalian ng tali o goma (rubberband) na sinusundan ng
pagbabad o paglubog sa timpla na may kulay.

1
Shibori ng Japan T’nalak ng Tiboli

Paggawa ng Pagtitina-tali (tie-dye)


Mga kagamitan:
Tali/pisi, lastiko (rubberband), tela o puting t-shirt, tina
(dye), palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig,
suka, at asin.
Hakbang sa Paggawa:
1.)Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
2.)Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
3.) Magsuot ng dust ask/panyo o gloves bago maghalo
ng tina (dye).
4.)Maghanda ng dalawang timpla ng magkaibang
kulay sa magkaibang lalagyan.
5.)Ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang
kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig. Ganun din
ang gagawin sa isa pang kulay. (Ang mga nakakatanda
ang maghahanda ng timpla).
6.)Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula 5 hanggang
15 minuto sa unang kulay.
7.)Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa
purong tubig.
8.)Alisin ang tali, patuyuin, at plantsahin.
9.)Tupiin nang panibago at talian ang tela ayon sa
naiisip na disenyo.
10.)Pagkatapos ay ibabad naman ang tela sa
ikalawang kulay.
11.)Muli ay banlawan ang ibinabad na tela sa purong
tubig.
12.)Alisin ang tali, patuyuin, at plantsahin.
13.)Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang-
sining.
Maging malikhain sa pagbuo ng disenyo.

2
Iba’t-Ibang Tradisyon at Disenyo ng Paglalala
Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa kanilang
pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng paglalala ng banig
na may iba’t-ibang disenyo, kulay at materyales na
ginagamit ay naipapakita ang paniniwala, tradisyon, at
damdamin ng iba’t-ibang pamayanang kultural ng bansa.
Ang paggawa ng banig ay may iba’t-ibang patterns.
May plain o karaniwan, stripes o mga linyang pahilis sa banig,
square o mga disenyong parisukat na makikita sa banig sa
pamamagitan ng paglalala ng may parehong kulay upang
makabuo ng parisukat na linya, checkered o kumbinasyon
ng mga linyang pahilis, pahiga, at patayo, at zigzag na
nabubuo sa pamamagitan ng pagporma ng linyang
pasigsag gamit ang parehong kulay o kumbinasyon ng mga
kulay sa paglalala.
Ang mga sumusunod ay kilala sa paglalala ng banig:
Basey, Samar - banig na yari sa buri
Ilo-ilo - banig na yari sa Bamban
(halaman sa tabi ng tubigan)
Badjao at Samal - banig na yari sa dahon ng
pandan
Tawi-Tawi - banig na yari sa dahon ng panduras
Romblon - banig na yari sa buri
Ang mga Samals ng Sulu ay karaniwang gumagamit ng
dahon ng buri at pandan. Madalas, tinitina ang mga piraso
ng mga ito at pinagtatagpi upang makabuo ng isang
disenyo sa paglalala.
Ang karaniwang mga disenyo ng banig ng taga Basey,
Samar naman ay yano (plain), sinamay (papalit-palit), at
bordado o pinahutan (burdado). Nag-iiba din ang laki, may
malalapad at malalaki.
Ang bayan ng Libertad, Antique naman ay kilala rin sa
paglalala ng banig na naging isa sa mga pangunahing
pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taong-bayan. Ang
banig na ginawa sa bayang ito ay hinahangad sa lokal at
dayuhang mga merkado dahil sa kaniyang natatangi at
buhol-buhol na disenyo.

3
banig ng Basey, Samar banig ng Samal banig ng Tawi-Tawi banig ng Romblon

Paggawa ng Papel na Banig


Mga kagamitan:
Magasin, gunting, at pandikit (glue)
Hakbang sa Paggawa:
1.) Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad
(bright), at mapusyaw (light) na kulay.
2.) Pagdikit-dikitin ang mahahaba’t makikitid na piraso n
papel habang naglalala.
3.) Upang mapantay ang paggupit sa papel na
gagamitin sa paglalala, maaaring lagyan ng patnubay
na linya ang mga bahaging gugupitin.
4.) Ihanda ang lugar na gagamitin sa paggawa at mga
kagamitan, sundin ang mga sumusunod na hakbang.
A. Gupitin ang papel na lalalahin.
B. Gawing mahaba at makitid ang mga piraso ng
papel. Maaaring isa o dalawang sentimetro ang
lapad ng bawat isa.
C. Lalahin ng salitan ang papel.
D. Gamitan ng pandikit o glue ang dulo ng mga
piraso-pirasong papel pagkatapos ng paglalala.
E. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at
linisin ang kugar na pinaggawaan.
Ipakita ang pagkamalikhain sa pagbuo ng disenyo.

Sources:
DepED Reference books:
Musika at Sining 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)
Musika at Sining 4 (Patnubay ng Guro)

4
III. Kasanayang Pampagkatuto:

Kasanayan 1:
Panuto: Isaayos ang mga hakbang ayon sa tamang
pagkasunod- sunod sa paggawa ng tie-dye. Lagyan ng bilang
1-5.

_____A.) Ilagay ang tinaliang tela sa timpla mula 5


hanggang 15 minuto.
_____B.) Alisin ang tali, patuyuin, at plantsahin.
_____C.) Banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
_____D.) Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo at
ibabad sa tubig para lumambot.
_____E.) Ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang
kutsara ng suka, at isang kutsara ng asin sa
tubig.

Kasanayan 2:
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1.) Ano ang pinakamapusyaw na kulay?
A. Pula B. Puti C. Lila D. Berde
2.) Paano magagawang madilim ang isang kulay?
A. Ilagay sa dakong madilim. C. Ilagay malapit sa ilaw.
B. Haluan ng puti ang kulay. D. Haluan ng konting kulay
itim.
3.) Ano ang pangunahing hakbang sa tie-dyeing?
A. Pagtatali ng tela C. Pagpapatuyo ng tela
B. Paglubog sa solusyon D. Paglalagay ng kulay
4.) Ang inyong guro ay magpapagawa ng banig. Anong
pamamaraan ang dapat mong gawin?
A. Pagkuskos B. Paglilok C. Paglilimbag D. Paglalala
5.)Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamitin sa paglalala?
A. Papel B. Luwad C. Bulaklak D. Kahoy

5
Kasanayan 3 :
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B.
A B

_____1.) Shibori A. Sinamay


_____2.) Kilala ang banig na yari B. Tiboli
sa bamban
C. Japan
_____3.) Kilala ang banig na yari
D. Samar
sa buri
E. Ilo-ilo
_____4.) T’nalak
_____5.) Papalit-palit na disenyo

IV. REPLEKSYON :

Instructions: Kompletuhin ang pahayag.

Natutunan ko na ________________________________
______________________________________________
______________________________________________.

V. REFERENCES :
https://www.google.com/search?q=basey+samar+mats&tbm=isch&ved=2ah
UKEwja6auFtaTuAhUVDZQKHRgYAEwQ2-
cCegQIABAA&oq=basey+samar+mats&gs_lcp=CgNpbWcQA1Co_gVYlK8GY
OazBmgAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&
sclient=img&ei=k-8EYJrUOJWa0ASYsIDgBA&bih=657&biw=1366
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/ARTS4_LM_U4.PDF
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-
arts-q1q4
https://www.slideshare.net/EDITHAHONRADEZ1/lp-january-23-27-2017
https://www.coursehero.com/file/p1uv7de/Additional-Reference-from-
Learning-Resource-Reading-for-Meaning-4-tx-pp-75-82
https://depedfiles.b-
cdn.net/dll/q4/week7/grade4/DLL_MAPEH%204_Q4_W7.docx

6
https://www.coursehero.com/file/p6ecjiv/322-All-rights-reserved-No-part-of-
this-material-may-be-reproduced-or/
https://www.coursehero.com/file/44263326/DLL-MAPEH-4-Quarter-4-Week-
6docx/
https://brainly.ph/question/10409328

IV. ANSWER KEY

Itinipon ni :
NESTLE B. FRANCISCO
TEACHER III

You might also like