You are on page 1of 12

4

MAPEH
Ikaapat na Markahan
Month 10
Mapeh – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Natividad F. Aurellano, Charlotte V. Lizondra, Marry Cris A. Dela Cruz, Sonia Y. Mañalac, Ma. Nelly A. Cruz,,
Zhacel P. Oribe ,Mary Michelle M. Bonifacio, Reynand Ventinilla, Ma. Estela R. Masiglat, Jan Lemer M.Lindayag, Joy Ann
Verdan, Delfa G. Mahilum Mario P. Frias, Diana O. Tamayo Jhenette R. Orejola, Maricel M. Tuden, Leila M. Tapit, Rheymar
T. Rubin, Josefina C. Soriano

Editor: Mary Michelle M. Bonifacio, Editha A. Herrera


Tagasuri: Alfredo A. Galicia, EPS SDO Valenzuela
Tagasuring Teknikal: Jean A. Tropel EPS LR
Tagalapat:
Tagamasid Pansangay: Alfredo A. Galicia, EPS SDO Valenzuela
Tagapamahala: Filmore R. Caballero, Hepe Dibisyon ng Implementasyong Pangkurikulum
Katuwang na Tagapamanihalang Pansangay: Rustica R. Lorenzo
Tagapamanihalang Pansangay: Meliton P. Zurbano

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – NCR


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________

E-mail Address: ____________________________________________


Aralin Harmonic Interval
4 Two Pitches ng isang
Awitin

Balikan:
Panuto: Bilugan ang tamang sagot. Kilalanin kung ito ay Harmonic o
melodic.

Tuklasin:
1. Ilarawan ang pangalawang piyesa ng awiting “Ode to Joy.”
2. Alin ang mga measure ang may bahaging soprano at alto na sabay na
inaawit?
3. Ilan ang interval ng magkakatapat na nota?
Suriin:
Awiting muli ang Ode to joy ng 2 part vocal.

Pagyamanin
Panuto : Bilugan ang mga measure na may harmonic third interval.
Isaisip:
Ang harmonic interval ay binubuo ng dalawa o higit pang
magkakaugnay na nota na inaawit nang sabay. Ito ay nagbibigay ng
kakaibang kulay sa tunog ng awit.

Isagawa:
Awitin ang mga interval ng ”Ode to Joy.”

Tayahin:
Panuto: Pagmasdan ang musical score ng Manang Biday. Bilugan ang mga
measure na may harmonic third interval.
Sining 4
Ikaapat na Markahan
Ikaapat na Linggo

Aralin 4: Disenyo sa Tela


Alamin:
Ang kulay ay napapansin kahit saan sa ating kapaligiran. May mapusyaw na kulay
(light colors), may matingkad (bright), at may madilim na kulay (dark colors). Ang tina ay isang
uri ng pangkulay na inilalapat sa isang may tubig na timpla na ginagamit sa pagkulay ng tela.
Ito ay maaaring ihalo para makagawa ng panibagong kulay. Sa tie-dye may mga disenyong
nabubuo na kakikitaan hindi lang ng kulay kung hindi mga linya at hugis rin.
May iba’t ibang kultura at tradisyon ang bawat lugar sa ating bansa kung saan
ay nagpapakita ito ng mga natatanging disenyo. Isa sa mga halimbawa nito ay ang
paglalagay ng disenyo sa tela sa pamamagitan ng tie-dye.Ang pagta-tie-dye ay isang simple
at nakawiwiling paraan upang gawing mga bago ang mga lumang damit, panyo, tela,
tuwalya, at iba pa.

Tuklasin :

Anu-ano ang mga kulay na inyong nakikita? Napansin ba ninyo na ang mga kulay ay hindi pantay-
pantay?

Anu-anong mga hugis at linya ang inyong napapansin?

Alam ninyo kung saang bansa nagsimula ang pagtina-tali (tie -dye) ng tela?

Ano ang napansin ninyo sa larawan? Alam ba ninyo kung paano ito ginagawa?

Suriin:

Ang bawat lugar ay may natatanging disenyo na nagpapakita ng kanilang kultura at


tradisyon. Isa dito ay ang paglalagay ng disenyo sa tela sa pamamagitan ng pagtina-tali (tie-
dye).Ang Tina-tali o (tie-dye) ay isang simple at nakawiwiling paraan upang gawing bago
ang mga lumang tela o mga lumang damit, tuwalya, panyo at iba pa. Ito ay isang
modernong salita na naimbento sa kalagitnaan ng 1960 sa Estados Unidos para sa isang
paraang kauri ng sinaunang estratehiya sa pagtitina. Ang bawat lugar ay may natatanging
disenyo na nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon tulad ng Tinalak ng mga T’boli, at
ang Shibori ng Japan, at Indonesia.

Ang kadalasang paraan sa pagtitina-tali (tie-dye) ay ang pagtali ng tela bago ito
lagyan ng tina (dye) upang magkaroon lamang ng kulay ang mga bahagi ng tela na walang
tali. Maaaring gumamit ng isang kulay lamang sa pagtina-tali subalit mas maganda kung
gumamit ng dalawa o higit pang mga kulay sa pagtitina.

Pagyamanin:
Kagamitan: tali/pisi, lastiko (rubber band), lumang damit o tuwalya, tina (dye),
palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig, suka, at asin.
Isagawa ang mga Hakbang sa Paggawa ng Tie-dye.

Isaisip:
Ang disenyo sa tela ay napapaganda kapag iyong sinusunod ang tamang hakbang sa
pagsasagawa ng tie-dye. Dapat ring maging malikhain sa pagbuo ng disenyo upang ang
natapos na likhang-sining ay magtataglay ng orihinal at kakaibang anyo.

Isagawa:
Sagutin ang mga tanong:

1. Paano napapaganda ang isang gawaing-pantela (textile craft)?


2. Bakit kailangan mong sundin ang tamang pamamaraan sa pagtina-tali?
3. Paano mo pahahalagahan ang mga damit na nilagyan ng disenyo?

Tayahin:
Isaayos ang sumusunod na hakbang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.
ILagyan ng bilang 1-7 sa patlang.
_________Ilagay ang tinaliang tela sa solusyon mula 5 hangang 15 minuto.
_________babad ang tela sa tubig para lumambot.
_________Magsuot ng dust mask o gloves bago maghalo ng tina (dye).
_________Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
_________Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
_________Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin.
_________Ihalo ang tina, suka at asin sa tubig.
Ikalimang Linggo
Aralin 5: Nakapaglalala ng sariling disenyo na katulad ng istilong ginawa ng
isanglokal na Pangkat etniko/ Paglalala ng banig

Panuto: Isulat sa patlangbago ang bilang ang titik ng tamang sagot. Piliin ito sa kahon sa
ibaba.

_____________1. Ang _________ sa paglalala ng placemat ay may kumbinasyon ng mga linyang


pahilis, pahiga, at patayo.
_____________2. Ang _________ ay nabubuo sa pamamagitan ng pagporma ng linyang pazigzag
gamit ang parehong kulay o kumbinasyon ng mga kulay sa paglalala.
_____________ 3. Ang ________ makikita sa banig pamamagitan ng paglalala ng may parehong kulay
upang makabuo ng parisukat na porma.
_____________ 4. Ang ________ nakikita ang mga linyang pahilis sa banig at ang bawat stripes ay nag-
iiba iba batay sa iba’t ibang kulay na ginagamit sa paglalala.

A. Disenyong Pazigzag C. Disenyong stripes


B. Disenyong parisukat D. Disenyong checkered

Ano ang napapansin ninyo sa mga kulay,


disenyo, at pattern ng mga banig sa larawan?
Sa inyong palagay yari sa anong materyales
ang mga banig na ito?

Ang paglalala ng banig ay katulad din ng ibang sining na napagaganda sa


pamamagitan ng pag-iiba-iba ng disenyo nito. Maaaring gamitin ang buri, dahon ng
pandan at bamban sa paglalala.
Karaniwang gawa sa dahon ng buri ang banig ng mga taga Samal at Sulu.
Madalas, tinitina ang piraso ng buri at pinagtatagpi upang makabuo ng makulay na
disenyo. Ang isa pang sikat na rehiyon sa Pilipinas dahil sa kakaibang disenyo ay ang Basey,
Samar.

Ano ang alternatibong materyales ang maaaring gamitin sa paglalala maliban


sa buri?

Maaari tayong gumamit ng iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng banig tulad


ng buri at pandan na ginamit din ng mga rehiyon dito sa Pilipinas. Piliin din natin ang mga
materyales na makikita at mayaman sa ating pamayanan tulad ng dahon ng niyog, atbp.
Kailangan lamang ang ibayong tiyaga para makabuo ng isang magandang disenyo.

EDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN 4


Ikaapat na Markahan
Ikaapat at Ikalimang Linggo
Alamin:

Basahin din ang Aralin 4 sa inyong aklat na Edukasyong Pangkatawan at


Pangkalusugan 4, Aralin 4 pahina 190-202.
Sa kasalukuyan, ang katutubong sayaw ay binubuhay sa puso at isip ng mga
kabataang Pilipino sa pamamagitan ng maraming kapistahan o festival sa iba’t-ibang panig
ng ating bansa. Nagpapakita ito ng pagkakaisa, paniniwala, at kaugalian ng mga
mamamayan sa iba’t-ibang bayan. Ang sayaw na Ba-Ingles ay isang masiglang sayaw na
nagmula sa Cabugao, Ilocos Sur. Ito ay hinalaw sa salitang baile at ingles na ang ibig sabihin
ay English Dance. Sinasabing ang sayaw na ito ay dala-dala ng mga mangangalakal mula
sa Inglatera maliban sa huling bahagi na masasabing tunay (typical) na Ilokano.

Panoorin din ng link na ito sa You tube.

https://www.youtube.com/watch?v=_VFjpsCQ_k0
https://www.youtube.com/watch?v=I3uFcq-J-T0&t=24s

Tandaan:

Mahalaga ang koordinasyon ng mga kamay at mga paa sa pagsayaw. Upang


makamit ang tamang koordinasyon, kailangan magsanay, at matutunan ang sayaw.

Tayahin:

Sa tulong ng mga kasama sa bahay, isagawa ang sayaw na Ba-Ingles.


Lagyan ng tsek (/) ang hanay na angkop sa inyong kasagutan.
Nararanasan at Figure Figure Figure Figure Figure
Nadama 1 2 3 4 5
Nadalian
Nasiyahan
May Pagbabago
Nahirapan

Ikaanim na Linggo
Alamin:
Basahin din ang Aralin 4 sa inyong aklat na Edukasyong Pangkatawan at
Pangkalusugan 4, Aralin 6 pahina 203-206. Panoorin ang link na ito sa Youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=nJJzc5sJq6w&t=147s
Noong kapanahunan ng ating mga ninuo, maraming dayuhan ang dumating sa
ating bansa. Dahil dito, iba’t-ibang impluwensya ang naibigay nasa ating mga Pilipino. Isa na rito
ay ang paggaya ng sayaw ng taga-Ilocos Sur mula sa mga Amerikano.

Pagyamanin:
Tayo nang Sumayaw ng Ba-Ingles gamit ang video na nasa Youtube:

Tayahin:

Panuto: Sagutin ang sumusunod:

1. Ang sayaw na Ba-Ingles ay isang masiglang sayaw na nagmula sa ________?


a. Cabugao, Ilocos Sur b. Ilocos Norte c.Vigan, Ilocos Sur
2. Ang Ba-Ingles ay hinalaw sa salitang _______ at Ingles na ang ibig sabihin ay English
Dance.
a. Baila b. Baile c. Bailo
3. Sinasabing ang sayaw na ito ay dala-dala ng mga mangangalakal galling ng ________
maliban sa huling bahagi na masasabing tunay (typical) na Ilokano.
a. Amerika b. España c. Inglatera
4. Partners do curtsy towards partner or audience.
a. Bow o saludo b. Point c. Tap
5. Moving the hand from the wrist either clockwise or counterclockwise direction.
a. Arms in lateral position b. Kumintang c.Sway balance

Karagdagang Gawain:

Subukin nating gawin ito: Panimulang Posisyon: Nakatayong magkadikit ang dalawang paa
a. Walk (lakad) e. Change Step
b. Hop step f. Waltz
c. Close Step g. Waltz Turn
d. Touch Step h. Three Step Turn
A. Sa Katutubong Indak (Original way)
1. Gawin ang lahat ng ito sa orihinal na paraan:
a. Walong ulit sa sariling lugar (in place)
b. Apat na ulit pasulong at apat paatras (forward and backward)
c. Apat na ulit iikot pakanan (clockwise) at apat pakaliwa (counter clockwise)
2. Ulit-ulitin hanggang maisaulo.
3. Lapatan ng kilos ng kamay at katawan.
4. Gawin sa saliw ng musika.
B. Sa Makabagong Indak (Popular way)
1. Gawin ang lahat na may bahagyang yugyog (bounce) ng tuhod at katawam.
a. Walk (lakad) d. Touch Step
b. Hop step e. Change Step
c. Close Step f. Change Step Turn
2. Ulit-ulitin nang makabisado.
3. Saliwan ng musika.
4. Pumili at gumawa ng kombinasyon.
5. Lagyan ng direksyon ng patutunguhan.
6. Saliwan ng usong tugtog o musika.
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 4
Ikaapat na Markahan

Ikaapat at Ikalimang Linggo

Pagyamanin:

Basahin ang Aralin 2 sa inyong aklat na Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan


4 pahina 385-400
Gawain 1

Isulat sa sagutang papel ang tsek () kung ang gawain ay Tama at ekis (X) naman kung Mali.
_____1. Masayang naligo ang mga bata sa tubig-baha.
_____2. Nakinig si Fe sa radyo upang malaman kung walang pasok dahil may bagyo.
_____3. Sumali si Erica sa earthquake drill ng paaralan.
_____4. Gumamit si Michael ng kawayang kanyon noong Bagong Taon.
_____5. Inilayo ni Dan sa kurtina ang kandilang may sindi.
Gawain 2 Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.
_____1. Anong ahensiya ang nag-aaral ng panahon at nagbibigay ng signal upang malaman ang
lakas at bugso ng hangin dala ng bagyo?
a. DOH b. DILG c. POST d. PAG-ASA
_____2. Alin ang mapanganib na pagyanig ng lupa na maaaring dahilan ng pagbagsak ng
malalaking gusali?
a. baha b. bagyo c. lindol d. sunog
_____3. Alin ang isinagawa sa paaralan o gusali upang maiwasan ang anumang sakuna kung may
lindol?
a. District Meet b. Earthquake Drill c. Fun Run d. Feeding Program
_____4. Aksidenteng naputukan ng labentador ang kamay ng iyong kalaro. Anong paunang lunas
na dapat mong gagawin?
a. balutin b. hugasan c. magtago d. sumigaw
_____5. May naaamoy kang tagas ng gasul sa bahay. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Sindihan ang kalan. c. Buksan ang bintana at pinto.
b. Isara ang bintana. d. Isawalang bahala ito.
TAYAHIN:
Piliin at bilugan ang titik nang tamang sagot.

1. Ito ang pagguho ng lupa dahilan sa pagbaha o pagyanig nito.


a. kanal b. landslide c. storm surge d.zink hole

2. Ano-ano ang dapat laman ng iyong “Emergency Kit”?


a. bola, pulbos, sapatos c. flashlight, gamot, tubig
b. calculator, ballpen, notebook d. rubber bonds, slum book, loom bands
3. Aksidenteng naputukan ang kamay ng inyong kalaro. Ano ang dapat mong gawin?
a. Tumakbo at magtago c. Balutin ng t-shirt ang sugat.
b. Tumawag ng kapit-bahay. d. Buhusan ng tubig ang sugat.
4. Bumubuga ng usok ang bulkan sa karatig-probinsiya. Maaari itong maging sanhi ng
____________.
a. biglaang pag-ulan b. malakas na hangin c. pagyanig ng lupa d. pagtaas ng tubig
5. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagtatakda kung gaano kalakas ang lindol.
a. DILG b. MMDA c. PAGASA d. PHILVOCS

Karagdagang Gawain:

Magtala ng mga kagamitang sa tingin mo ay maaring ilagay sa survival kit na


makakatulong sa oras ng sakuna.
Ikaanim at Ikapitong Linggo
Subukin:
Isulat ang kung ang pangungusap ay tama, kung ang pangungusap ay mali.
____________1. Huwag gumamit ng kahit anong proteksyon sa katawan sa panahon ng pandemya.

____________2. Palagiang maghugas ng kamay

____________3. Umiwas sa mataong lugar.

____________4. Kumain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay.

____________5. Takpan ang bibig kapag babahing.

Pagyamanin:
Basahin ang Aralin 3. sa inyong aklat na Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4 pahina
401-416. Panoorin ang mga sumusunod na video sa Youtube na may kaugnayan sa ating aralin.
https://www.youtube.com/watch?v=NpAiPXR34wg https://www.youtube.com/watch?v=BuKxFw6C7Ho
 Ano ang lumaganap na sakit?
 Paano kumakalat ang sakit na ito?
 Bakit kinakailangan pansamantalang tumigil ang karamihang establisyamento?
 Paano ito mapipigilan upang hindi magkaroon ng hawahan?

Gawain: Basahing mabuti. Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang diniinan sa


pangungusap. Bilugan ang titik nang tamang sagot.

1. Sa Metro Manila unang pinalawig ang GCQ o General Community Quaratine.


a. pinatupad o pinahintulutan b. tinakasan c. iniwasan d . kinalimutan

2. Ibat-ibang establisyamento ang isinara upang mapigilan ang paglabas ng mga tao.
a. pabrika b. Beauty Parlor c. Department Store d. tama ang lahat ng binanggit
3. Ang GCQ, MCQ at ECQ ay paghadlang sa paglabas ng mga tao mula sa kanilang
tahanan.
a. pagbanta b. pagdukot c. pagpigil d. pagsasaya
4-5. Naangkop ang paggamit ng social media upang ipahayag ang iba’t-ibang paraan ng pag-
iingat laban sa mapaminsalang sakit na COVID-19.

a. sakit sa puso b. naayon c. sakit sa mata d. delikado

a.mapagpahirap b. payak c.sakuna d. walang bisa

TAYAHIN :
Piliin at bilugan ang titik nang tamang sagot.

1. Ang pagdampi ng palad sa mga bagay na may virus ay nakakahawa sa


pamamagitan ng paghawak sa iba.
a. pagdikit sa balat o katawan c. pagpaphid sa balat
b. paghimas sa balat d. pagpupunas sa balat
2. Ang face mask at face shield ay ginagamit na proteksyon sa virus na maaring dumapo
sa ating mukha.
a. pampaganda b. pang porma c. panakot d. pananggalang
3. Ang physical distancing ay hakbang pangkalusugan upang maingatan natin ang
ating mga sarili.
a. distansiya itinakda na may isang metro c. magkakadikit ng katawan
b. malapitang ugnayan d. wala sa mga pagpipilian
4. Ang pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa isang sakit ang maaring makapagligtas
ng buha.
a. pagwawalang bahala b. pagpapalawak c. pakikisimpatya d. paglimot
5. Prutas, gulay, bitamina, ehersisyo, tamang pagtulog ay ilan lamang sa mga hakbang
nakakapagpatibay ng resistensya ng katawan.
a. epekto b. hagdan c. larawan d. paraan

Karagdagang Gawain:

Maglista ng mga pagkaing sa tingin mo ay masusustansya at makakatulong sa


pagpapalakas at pagpapatibay ng iyong katawan na maaaring bilhin ng iyong magulang
sa palengke.

You might also like