You are on page 1of 15

EPP 4

Ikalawang
Markahan Home Economics
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Ikalawang Markahan (Home Economics–H.E.)– Modyul 3: Paraan ng
pagpapanatiling malinis ang kasuotan (pamamalantsa, pag-aayos ng mga kasuotan
sa kabinet o aparador)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Noreen G. Tua
Editor: Ruth D. Cabrera
Tagasuri: Jennylin E. Corpuz (teknikal)
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

EPP 4
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Paraan ng pagpapanatiling malinis ang
kasuotan (pamamalantsa, pag-aayos ng
mga kasuotan sa kabinet o aparador)
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP 4 - Home Economics ng
Modyul para sa araling Paraan ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan
(pamamalantsa, pag-aayos ng mga kasuotan sa kabinet o aparador) !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa EPP 4 – Home Economics Modyul ukol sa


Paraan ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan (pamamalantsa, pag-aayos ng
mga kasuotan sa kabinet o aparador)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga bata ay


inaasahang: Naiisa – isa ang mga paraan ng pagpapanatiling
malinis ang kasuotan (pamamalantsa, pag-aayos ng mga
kasuotan sa kabinet o aparador)

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit kailangang plantsahin ang mga damit bago isuot?


A. Upang maging unat, makinis at maayos.
B. Upang maging malinis.
C. Upang maging mabango.
D. Upang maging malambot.

2. Ano ang unang paplantsahin?


A. manggas C. katawan
B. kuwelyo D. laylayan

3. Ano ang dapat gawin sa plantsa bago gamitin?


A. hugasan muna C. ibilad sa araw
B. painitin muna D. ibalot sa tela

4. Alin ang pinaplantsa mula laylayan patungong baywang?


A. polo at blusa C. palda at pantalon
B. shorts D. sando
5. Ano ang dapat gawin sa mga bagong plantsang damit?
A. ilagay sa ropero
B. tiklupin ng maayos o isabit sa hanger
C. hayaan lang sa lapag
D. kahit saan lang ilagay

BALIK-ARAL

Panuto: Sagutin ng tama o mali.

1. Sa paglalaba, kailangan ihiwalay ang mga puti sa de-


kolor.
2. Isang banlaw lang ang dapat gawin sa mga damit.
3. Isampay hanggang sa matuyo ang mga damit.
4. Labhan sa maligamgam na tubig ang na may sabon ang
damit na may mantika.
5. Ibabad sa tubig na may sabon ang damit na may pintura.

ARALIN

Tingnan ang mga larawan. Alin ang gusto ninyong isuot?


A B

Pagkalaba ng mga damit, kailangang plantsahin ang mga


ito bago isuot. Ang pagpaplantsa ay ginagawa upang maging
unat, makinis at maayos ang mga damit at inilalagay ang mga ito
sa kabinet o aparador.

A. Pamamalantsa

Naririto ang ilang mga hakbang na dapat sundin sa


pamamalantsa.

1. Ihanda ang plantsahan, plantsa at


mga damit na paplantsahin.

2. Painitin ang plantsa. Padaanan ng plantsa


ng may ilang ulit ang ibabaw ng plantsahan
upang malaman kung tama na ang init nito.

3. Unang plantsahin ang kuwelyo, Isunod


ang manggas at ihuli ang katawan.

4. Ang mga palda at pantalon ay pinaplantsa


mula sa laylayan patungong baywang,

5. Tiklupin nang maayos ang bagong


plantsang damit o kaya ay isabit sa
hanger.
Huwag kalimutang hugutin ang plug ng
kurdon pagkatapos mamalantsa.

B. Pag-aayos ng mga kasuotan sa aparador o kabinet.


Magandang tingnan ang mga kasuotan kapag ang mga
ito ay maayos na naitatago sa aparador. Pagkatapos plantsahin
ang mga damit, ilagay nang maayos sa aparador.

Narito ang mga sumusunod na paalala sa pag-aayos ng


mga damit sa taguan.

1. Isabit sa hanger ang mga damit at


ilagay sa loob ng cabinet o aparador.

2. Tupiin ang mga damit panloob at


Itago ng maayos sa drower.

3. Pagsama-samahin sa pagsasalansan
ang magkakatulad na damit gaya ng
mga panloob, panyolito, mga medyas
at tuwalya. Isalansan nang maayos
ayon sa kanilang gamit.

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Pagsunod-sunurin ang paraan ng pamamalantsa.


Lagyan ng titk a-e.
_______ 1. Unang plantsahin ang kuwelyo.

_______ 2. Painitin ang palntsa bago gamitin.

_______ 3. Ihanda ang plantsahan, plantsa at mga


paplantsahing damit.

_______ 4. Tiklupin ng maayos ang bagong plantsang damit.

_______ 5. Ang mga palda at pantalon ay pinaplantsa mula


laylayan patungong balakang

B. Panuto: Sabihin kung Tama o Mali ang sumusunod na


pangungusap.

1. Isabit sa hanger ang mga damit.


2. Ilagay kahit saang sulok ang mga bagong plantsang damit.
3. Pagsama-samahin ang makakatulad na damit gaya ng
panloob.
4. Tupiin ang mga damit panloob at itago ng maayos.
5. Pagsama-samahin sa pagkakasalansan ang medyas,
panyolito, at tuwalya.

PAGLALAHAT

 Ano-ano ang wastong paraan ng pamamalantsa?

 Bakit kailangan nating itago nang maayos ang ating


mga kasuotan?
PAGPAPAHALAGA

 Sa edad ninyo ngayon, magsusuot pa ba kayo ng gusot


na uniporme? Ano ang inyong gagawin?

 Paano kayo makakatulong sa inyong mga magulang


upang maging maayos ang inyong mga damit sa loob
ng aparador?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang unang hakbang sa pamamalantsa?


A. Painitin muna ang plantsa.
B. Ihanda ang plantsahan at mga damit na paplantsahin.
C. Baliktarin ang mga damit.
D. Tiklupin nang maayos ang bagong plantsang damit.

2. Pang ilang hakbang sa pamamalantsa, ang painitin muna


ang plantsa?
A. una C. pangatlo
B. pangalawa D. pang-apat

3. Ang _______ ay pinaplantsa mula laylayan patungong


baywang.
A. polo C. palda at pantalon
B. blusa D. wala sa nabanggit
4. Saan dapat ilagay ang mga damit na nakasabit sa hanger?
A. sa sampayan C. sa banyo
B. sa dingding D. sa loob ng aparador

5. Saan itinatago ang mga nakayuping damit panloob?


A. sa drower C. sa taas ng cabinet
B. sa upuan D. sa ilalim ng kama

SUSI SA PAGWAWASTO

5. a 5. mali d 5.
4. d 4. tama e 4.
3. c 3. tama a 3.
2. b 2. mali b 2.
1. b 1. tama c 1.
B A

Panapos na Pagsusulit Pagsasanay

5. mali b 5.
4. tama c 4.
3. tama b 3.
2. mali b 2.
1. tama a 1.

Balik- aral Paunang pagsubok

Sanggunian

Rosalina P. Gregorio. Gumawa at Umunlad 4. Marikina Heights,


Marikina Metro Manila: J.C. Palabay enterprises,1990.
Cleofe Del Castillo, Ma. Gelmina G. Sotoya, Susana M. Gaddi,
Susana M. Guinea, Placita D. Arandela, Ana B. Ventura, Evelyn
D. Deliarte. Makabuluhang Gawaing Pantahan at
Pangkabuhayan 4. Aurora Blvd. Cubao Quezon City:Adriana
Publishing Co., Inc., 2003.

Michal_o79. 2018. Clothing Equipment Background Iron Ironing


Board. March 8, 2018. https://pixabay.com/photos/clothing-
equipment-background-iron-3208822/.

Pezibear. 2020. Iron Budget House Work Hot Ironing Service.


April 10, 2020. https://pixabay.com/photos/iron-budget-house-
work-hot-5025426/.

Verch, Marco. 2019. Close up Hand of Woman Ironing Clothes on


Ironing Board. September 20, 2019. Photo: Close up hand of
woman ironing clothes on ironing board by Marco Verch under
Creative Commons 2.0.

Vech, Marco. 2019. Electric Iron with a Stack of Ironed Clothes


on Blue Ironing Board. September 20, 2019. Photo: Electric iron
with a stack of ironed clothes on blue ironing board by Marco
Verch under Creative Commons 2.0.

“Brown Wooden Closet with Clothes.” n.d. Pikrepo. Accessed


June 29, 2020. https://www.pikrepo.com/nfbne/brown-wooden-
closet-with-clothes.

BUMIPUTRA. n.d. Clothes, Cabinet, Interior, Sofa, Carpet - Free


Image from Needpix.com. pixabay. Accessed June 29, 2020.
https://www.needpix.com/photo/1859872/clothes-cabinet-
interior-sofa-carpet-bag-shoes-lamp-free-pictures.

. Tamang Ayusin Ang Mga Bagay. Paano Tiklupin Ang Mga


Damit. Mga Kapaki-Pakinabang Na Tip. Accessed June 29, 2020.
https://gulliver-msk.ru/tl/correctly-lay-things-down-how-to-
fold-clothes-properly/.

Vavulina, Alexandra. 2015. “Fashion Magazine: Paano Pumili Ng


Damit, Sapatos at Accessories.” Dress. 2015. https://dress-
tl.techinfus.com/.
“CARE 104.3 The WAY FM.” n.d. Facebook. Accessed June 29,
2020.
https://www.facebook.com/pg/care104.3thewayfm/posts/.

PAGKILALA

EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMDS)
Tagalapat

Naglapat Ng Video

Video Editor

Tagapagsuri Ng Video

Gurong Tagapag-Ugnay

Helen C. Jagmis
Punong Guro

Sofia J. Papio
Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Pasig City

Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Telephone No.: (632) 8641-8885

Email Address: divisionofpasig@gmail.com

You might also like