You are on page 1of 15

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan
4
Ikalawang
Markahan Home Economics
4
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)– Ikaapat na Baitang
Ikalawang Markahan (Home Economics)– Modyul 15: Paghahanda ng masustansiyang
Pagkain
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gary B. Valerio
Editor: Ruth D. Cabrera
Tagasuri:
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Aurelio G. Alfonso
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Victor M. Javena
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE


Liza A. Alvarez, Science
Bernard R. Balitao. Araling Panlipunan
Joselito E. Calios, English
Norlyn D. Conde Ed. D., MAPEH
Wilma Q. Del Rosario, LRMS
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D., Filipino
Perlita M. Ignacio, Ph. D. ESP/SPED
Dulce O. Santos, Ph. D., Kinder/ MTB
Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics
Inilimbag sa Pilipinas ng (School)
Department of Education – NCR, Division of Pasig City
Office Address: Maybunga Elementary School Annex
Contact No.: 02-7-9036238
E-mail Address:
EPP 4
Quarter 2
Modyul 15
Paghahanda ng
masustansiyang Pagkain
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan (EPP) 4 H.E ng Modyul para sa araling Paghahanda ng
masustansiyang pagkain.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 4


H.E Modyul ukol sa Paghahanda ng masustansiyang pagkain.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-
aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang


nakagagawa ng plano ng ilulutong pagkain

PAUNANG PAGSUBOK

Lagyan ng Tsek (/) kung iyong isinasagawa at Ekis (X) kung hindi

Gawain
1. Kumakain ng Tinapay
sa Almusal
2. Pag-inom ng gatas,
katas ng prutas o
mainit na tsokolate sa
almusal
3. Kumakain ng kanin,
ulam at prutas as
almusal
4. Kumakain ng Junk
foods sa Almusal
5. Hindi kumakain ng
Almusal
BALIK-ARAL

Isulat ang salitang tama sa patlang kung sang ayon ka sa


sinsabi ng mga sumusunod na pangungusap at mali naman kung
hindi ka sang-ayon.

_____1. Ang Balance Diet ay nakakatulong upang maging malusog


at masigla ang ating pangngatawan.

_____2. Ang pag-inom ng gatas lang ay sapat na para sa ating


almusal

_____3. Ang pagkain ng mga prutas at gulay sa Almusal ay


nagbibigay sa atin ng bitamina at mineral sa ating
katawan.

____4. Ang Pagkain ng karne tulad ng kane ng baboy ay nagbibigay


sa atin ng protina na nakakatulong sa ating paglaki.

_____5. Ok lang ang hindi kumain ng almusal o agahan dahil


walang epekto sa ating pangangatawan at kalusugan.

___________________________________________________________

ARALIN

Ang pagbabalak ng pagkain ay mahalaga upang


magkaroon ng sapat na panahon sa paghahanda ng mga ito ayon
sa kagutuhan at pangangailangan ng mga kasapi ng mag-anak.
Kadalasang namamalengke ang mag-anak tuwing lingo o sabado
at ang pinamalengke ay kakanin sa loob ng isang lingo. Maraming
salik na dapat alamin sa pagbabalak ng pagkain ng mag-anak.
Mga Salik sa pagbabalak ng Pagkain ng mag-anak

1. Kabuuang dami ng mag-anak- Dami ng taong bumubuo


rito.
2. Gulang at uri ng gawain- Ang mga batang nag-aaral at
lumalaki ay nangangailangan ng higit na masustansiyang
pagkain dahil sa madali silang mapagod at nagagamit ng
kanilang katawan ang sustansiyang kinain. Ang mga may
mabibigatna gawainn tulad ng pagtatrabaho sa mainit na
lugar o pagbibiyahe ay kailangan ng higit na maraming
pagkain kaysa sa mga manggawa nasa opisina na hindi
lubhang pinagpapawisan.
3. Badyet ng Mag-anak- Dito nakasalalay ang halagang
iniuukol sa pamimili ng pagkain at uri ng pagkain. Kahit na
maliit ang kita, mahalaga pa ring pumiling masustansiyang
pagkain
4. Sustansiyang Kailangan ng bawat kasapi- kailangang
marunong pumili ng masustansiya at murang pagkain ang
nagbabalak ng pagkain ng mag-anak
5. Ang kalinangan at pananampalataya- ay maari ring
bantayan sa pagbabalak ng pagkaing bibilhin.
6. Lagay ng Panahon-Masarap kumain ng may sabaw at mainit
sa panahon ng tag-lamig, kung panahon naman ng tag-init
mainam kumain ng malalamig na meryenda.
7. Panahon ng paghahanda ng Pagkain- Maglaan ng sapat na
oras sa pagluluto ng pagkain kung ito ay palalambutin o
kailangang ibabad bago lutuin tulad ng daing, barbeque o
fired chicken.
8. Kaalaman sa lulutuin o ng mga resipi sa ng pagkain-
Subukan muna ang resipi sa kaunting sangkap upang
malaman kung masusunod ang nais gayahing resipi.
9. Mga kagamitan at kasangkapang gagamitin sa Pagluluto-
May mga pagkaing na ngangailangan ng wastong
kasangkapan sa pagluluto. Tignan muna ang sariling kusina
kung sapat ang iyong kagamitan bago magluto.
10. Kaalaman sa paggawa ng menu-Sundin ang mga
alituntunin sa paggawa ng menu upang makatulong sa
pagbabalak, pamimili at pagluluto ng pagkain.
Huwaran sa Pagbabalak ng Pagkain
Ang Huwarang pagkain ay isang talaan na nagtataglay ng
mga uri ng pagkaing angkop sa Almusal, tangahalian at hapunan.

Halimbawa ng Pagkain sa Almusal o Agahan


Inumin (gatas, kape, mainit na tsokolate)
Pagkain (Kanin, Tinapay, mga kakanin –Carbohydrates)
Ulam ( Manok, baka, baboy, isda-Protina)
Gulay (Bitamina at Mineral) at
Prutas (saging, papaya, mansanas, dalanghita)
Ang Menu ay isang listahan ng mga pagkain sa isang kainan.
Ito ay maaring menu sa almusal, tanghalian o hapunan ayon sa
gabay ng wastong pagkain.
MGA PAGSASANAY

Hanapin sa Crossword Puzzle ang sampung (10) napag-aralang


salik sa pagbabalak ng pagkain ng mag-anak. Maaring ito ay
nakasulat ng pahalang, patayo o pahilis.

G Y P K B A D Y E T
U K A A L A M A N L
L K N X M E D K S A
A A A C E R A G U G
N L N B N D M A S A
G I A S U G I W T Y
W N M R R U N A A N
T A P T R G G I N G
C N A Y E H T N S P
V G L U A J A D I A
B A A N S Y O F Y N
H N T K E P I G A A
N R Y R E S L P I H
R R A M T T Y A B O
D A M I R T A N E N

PAGLALAHAT

Anu-ano mga Salik sa pagbabalak ng Pagkain ng mag-anak?

________________________________________________________________
______________________________________________.
PAGPAPAHALAGA

Ang mag-anak na Dela Cruz ay may inaasahang darating na


bisita galing sa ibang bansa bukas. Alam ng mag-anak na ang
darating na bisita ay isang muslim. Kaya dali dali nilang inalam
kung ano ang pwede at bawal kainin ng isang muslim.
Sinigurado ng mag-anak na Dela Cruz na ang pagkain na
ihahanda nila sa bisita ay naayon sa pananampalataya at
paniniwala ng muslim nilang bisita. Kaya naghanda sila ng mga
pagkaing Halal, tulad ng manok, gulay at isda. Dumating ang
araw ng pagdating ng bisita ng mag-anak na Dela Cruz at
masayang nakisabay sa pagkain nila.
Anong ugali ang pinakita ng mag-anak na Dela Cruz sa kanilang
bisita?
Tama ba ang ginawa ng pamilya Dela Cruz sa inihaing pagkain
nila sa kanilang bisita? Bakit?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Piliin ang letra ng ang sagot. Isulat ang sagot sa patlang


a. Kaalaman sa lulutuin o resepi
b. Lagay ng panahon
c. Panahon ng paghahanda
d. Kabuuan ng mag-anak
e. Gulang at uri ng gawain
f. Badyet ng mag-anak
_____1. Dito nakasalalay ang halagang iniuukol sa pamimili ng
pagkain at uri ng pagkain. Kahit na maliit ang kita,
mahalaga pa ring pumiling masustansiyang pagkain.
_____2. Dami ng taong bumubuo dito
_____3. Masarap kumain ng may sabaw at mainit sa panahon ng
tag-lamig, kung panahon naman ng tag-init mainam
kumain ng malalamig na meryenda.
_____4. Subukan muna ang resipi sa kaunting sangkap upang
malaman kung masusunod ang nais gayahing resipi.
_____5. Maglaan ng sapat na oras sa pagluluto ng pagkain kung
ito ay palalambutin o kailangang ibabad

SUSI SA PAGWAWASTO

10. BUDGET
9. SUSTANSIYA
8. RESEPI
7. MENU
6. LAGAY NG PANAHON X-EKIS 5. MALI 5.
5. KABUUAN X-EKIS 4. TAMA 4.
4. KAALAMAN /-TSEK 3. TAMA 3.
3. PANANAMPALATAYA /-TSEK 2. MALI 2.
2. GULANG /-TSEK 1. TAMA 1.
1. KALINANGAN
Paunang Pagsubok BALIK-ARAL
Pagsasanay
Sanggunian
Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera.
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 - Patnubay ng Guro.
DepEd Complex,Meralco Avenue, Pasig City:Vibal Group,Inc.,2015

Ana B. Ventura, Evelyn d. Deliarte


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan, batayang aklat
sa Edukasyong pantahanan at pangkabuhayan, Adriana Publishing Co.
Inc, 2006

PAGKILALA

EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMDS)
Tagalapat

NAME
Naglapat Ng Video

NAME
Video Editor

NAME
Tagapagsuri Ng Video

Gary B. Valerio
Gurong Tagapag-Ugnay

Helen C. Jagmis
Punong Guro

Sofia J. Papio
Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Pasig City

Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Telephone No.: (632) 8641-8885

Email Address: divisionofpasig@gmail.com

You might also like