0% found this document useful (0 votes)
864 views16 pages

Final Grade 2 Health Module 2

Ang dokumento ay tungkol sa food pyramid na naglalarawan ng mga pagkain na dapat kainin ayon sa kanilang antas sa pyramid upang magkaroon ng balanseng nutrisyon. Inilalarawan nito ang bawat antas ng pyramid at ang mga pagkain na kabilang dito.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
864 views16 pages

Final Grade 2 Health Module 2

Ang dokumento ay tungkol sa food pyramid na naglalarawan ng mga pagkain na dapat kainin ayon sa kanilang antas sa pyramid upang magkaroon ng balanseng nutrisyon. Inilalarawan nito ang bawat antas ng pyramid at ang mga pagkain na kabilang dito.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Ju

MAPEH 2
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH
Health 2 – Ikalawang Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: Food Pyramid
Pangalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jonah Ruth C. Inocencio


Editors:
Tagasuri:
• Nilalaman: Junilda S. Eslera/Rubelyn G. Liza A. Alvarez, EPS -
Dela Cruz/Chona H. Vergara/Rolan L. Science/STEM/SSP
Toche Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
• Wika: Abegail C. Calimag/Melanie C. Mathematics, ABM
Reyes Joselito E. Calios, EPS -
• Teknikal: Emerson M. Embernate English/SPFL/GAS
Tagaguhit: Jonah Ruth C. Inocencio Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz/Edison P. Filipino/GAS/Piling Larang
Clet/ Psalm David Go/ Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Vernette R. Ortiz Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Management Team: MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Librada L. Agon, EdD, EPS
OIC-Schools Division Superintendent EPP/TLE/TVL/TVE
Carolina T. Rivera, CESE Dulce O. Santos, PhD, EPS
Assistant Schools Division Superintendent Kindergarten/MTB-MLE
Manuel A. Laguerta, EdD Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS -
Chief, Curriculum Implementation Division Special Education Program
Victor M. Javeña, EdD Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Chief, School Governance and Operations
Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
MAPEH 2
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Food Pyramid
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health 2 ng Modyul 2 para sa
araling Food Pyramid!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob ng kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Health 2 Modyul ukol sa Food Pyramid!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat


bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.


MGA INAASAHAN
Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay
inaasahan na:
• naipaliliwanag ang kahalagahan ng
balanseng pagkain;
• nalalaman ang bumubuo sa food pyramid at
• naisasagawa ang mga balanseng pagkain.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Lagyan ng tsek (✔) sa tabi ng bilang
kung nagpapakita ng balanseng
pagkain at ekis (✘) naman kung hindi.
_____ 1. Sinisigurado ni Aling Nene na may
makakaing gulay at prutas ang
kanyang mga anak bago pumasok sa
eskuwela.
_____ 2. Kumakain si Trina ng keyk tuwing
umaga.
_____ 3. Magiging malusog ang isang bata kung
araw-araw siyang umiinom ng gatas.
_____ 4. Puro karne ng baboy at baka lang ang
hilig kainin ni Ron.
_____ 5. Paborito ni Lyka ang kamatis dahil
naniniwala siyang pampaganda ito ng
kutis.

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2
BALIK-ARAL
Ang wastong nutrisyon ay ang pagkakaroon ng
balanseng pagkain o diyeta na binubuo ng mga
pagkaing mula sa tatlong pangunahing pangkat.
Mga pagkaing nagbibigay lakas (Go foods), mga
pagkaing nagpapalaki ng kalamnan (Grow
foods) at mga pagkaing kumokontrol sa mga
proseso ng katawan (Glow foods).
Tanong:
1. Ano-ano ang tatlong pangunahing pangkat
ng pagkain?
2. Paano ito nakatutulong sa isang batang
katulad mo?

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2
ARALIN

Food Pyramid

Calories
(Matatamis at matatabang pagkain)

Calcium
protina

Bitamina at mineral

Carbohydrates

https://www.flickr.com

Ang food pyramid ay isang hugis tatsulok na


gabay para sa ating nutrisyon na hinati sa iba’t
ibang bahagi na may antas upang ipakita ang
inirerekomendang paggamit para sa bawat grupo
ng pagkain. Ang balanseng pagkain o diyeta ay
nagpapakita ng tamang proporsiyon mula sa iba’t-
ibang kategorya ng pagkain.
3

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2
May mga bahagi na naghahati sa tamang
nutrisyon o pagbabalanse ng ating pagkain;

https://www.flickr.com

Ang unang antas ay naglalaman ng


carbohydrates na pangunahing pinagkukunan ng
enerhiya na ginagamit ng katawan sa pagharap sa
pang – araw – araw na gawain. Halimbawa sa mga
ito ay tinapay, kanin, pasta, crackers at mais.

https://www.flickr.com

Ang ikalawang antas ay ang mga prutas at


gulay na nagpapalakas ng resistensiya, suporta sa
normal na paglaki at development. Ito rin ang
tumutulong sa mga cells at organs para sa
kanilang mga gawain. Halimbawa sa mga ito ay
malunggay, talbos ng kamote, alugbati,
ampalaya, talong, okra, kalabasa, bayabas,
mangga at iba pang klase ng mga gulay at
prutas.

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2
https://www.flickr.com

Ang sumunod na mga antas naman ay binubuo


ng mga produkto ng gatas at mga pagkaing
sagana sa protina. Ang mga pagkaing
bumubuo rito ay nagbibigay ng lakas at tumutulong
sa paggalaw ng katawan. Kasama rito ang keso,
gatas, karne, manok, isda, dry beans, itlog at mani.

https://www.flickr.com

Ang pinakamataas na bahagi naman ng tatsulok


na ito ay ang mga taba, langis at matatamis. Ito ay
nagbibigay ng mga calories na may kaunti o walang
bitamina at mineral. Ilan sa mga halimbawa ay
langis, margarin, soft drinks, kendi at mga
panghimagas o matatamis na pagkain.
Maliban sa pagsunod sa food pyramid, hindi pa
rin dapat mawala ang ehersisyo, maayos na tulog,
at personal na kalinisan sa katawan at paligid para
sa malusog na pamumuhay.

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2
MGA PAGSASANAY

Panuto: Piliin ang mga larawan ng mga


pagkaing bumubuo sa food pyramid.
Ilagay ito sa tamang bahagi.

Calories
(Matatamis at matatabang
na pagkain)

Protina

Calcium

Bitamina at
Mineral

Carbohydrates

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2
https://ht.healthy-food-near-me.com https://hygienicmeat.com

a. kanin b. manok

https://www.publicdomainpictures.net https://www.flickr.com

c. gatas d. prutas

https://www.flickr.com https://www.maxpixel.net

e. gulay f. kendi

PAGLALAHAT

Tandaan:
1. Ang food pyramid ay
_________________________________________
2. Dapat bang sundin ang mga pagkaing
nasa Food Pyramid? Bakit?
__________________________________________
7

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung


ang sumusunod na sitwasyon ay tama
at malungkot na mukha ( ) naman
kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa
patlang.

_____ 1. Maraming kanin at taba ang kinakain ng


mga bata upang sila ay maging
malusog.
_____ 2. Mas magandang balanse ang pagkain
na may gulay at prutas para sa sapat
na nutrisyon ng ating katawan.
_____ 3. Uminom ng 6 hanggang 8 baso ng tubig
araw-araw.
_____ 4. Damihan ang pagkain ng glow foods
araw-araw.
_____ 5. Ang pagkain ng matamis araw-araw ay
nakatutulong para maging malusog.

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang mga


pangungusap. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang ______ pyramid ay isang tatsulok na
hinati sa iba’t ibang bahagi upang ipakita
ang mga pangkat at antas ng pagkain.
A. wasto C. nutrisyon
B. food D. Pangkat
2. Alin sa mga sumusunod ang makikita sa
ibabang bahagi ng food pyramid?

A. B. C. D.

3. Ilang baso ng tubig ang dapat inumin


araw- araw?
A. 2-3 basong C. 1-2 basong
tubig tubig
B. 3-5 basong D. 6-8 basong
tubig tubig

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2
4. Ayon sa food pyramid, alin dito ang sagana
sa bitamina at mineral.
A. pinya C. burger
B. chips D. hotdog
5. Bukod sa pagsunod sa food pyramid, ano pa
ang dapat gawin upang maging malusog?
A. mag-ehersisyo
B. matulog nang maaga
C. maging malinis sa katawan
D. lahat ng nabanggit

SUSI SA PAGWAWASTO

10

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2
SANGGUNIAN
Disinfecting Bathroom.
https://www.microfiberwholesale.com/info/wp-
content/uploads/2020/03/Disinfecting-Bathroom.jpg
Gumaru, Michael. “Kids (7-12yrs Old).” FNRI Website. Accessed
July 17, 2021. https://www.fnri.dost.gov.ph
/index.php/tools-and-standard/nutritional-guide-
pyramid/28-nutrition-statistic/nutritional-guide-pyramid/77-kids-7-12yrs-
old.
Katherine 'Chingboo' Laud Working at Pacheco Subd. “Nutrition
Ppt Sample.” SlideShare. Accessed July 17, 2021.
https://www.slide.net/ChingbooLaud/Nutrition-ppt-sample.
“Amazing Cliparts Collections.” Clipart personal collection - Clipart
Art. Accessed July 17, 2021.
https://clipartart.com/categories/transparent-background-black-and-
white- apple-clipart.html.

Food Pyramid.
https://www.flickr.com/photos/118895729@N03/13210215923
Broiler Chicken Meat. https://www.maxpixel.net/Broiler-Chicken-Meat-
1140
Milk Cartoon.
https://www.publicdomainpictures.net/en/view
image.php?image=118101&picture=milk-carton
Free photo Twist Tasty Treat Sweets Candy Wrapper - Max Pixel.
Accessed July 18, 2021/Twist-Tasty-Treat-Sweets-Candy-Wrapper-
151399.

nèj, Val. “Ki Jan Yo Kwit Diri Friyabl: Règ La Senk-Dwèt.” Healthy
Food Near Me, February 28, 2021. https://ht.healthy-food-near-
me.com/how-to-cook-crumbly-rice-the-five-finger-rule/.

Fresh Chicken Meat. https://hygienicmeat.com/product/fresh-


chicken-meat/

11

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_2

You might also like