You are on page 1of 22

2

Health
Unang Markahan – Modyul 2:
Kahalagahan Ng Tama At Balanseng
Pagkain
Health – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Matalakay ang kahalagahan ng tama at balanseng pagkain.
(H2N-Ib-6)
- Natatalakay ang kahalagahang naidudulot ng pagkain.(H2N-Icd-7)

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: May Bernadeth R. Cuzon


Editor: Amelia F. Bulaong
Tagasuri: Jocelyn DR. Canlas
Neil Omar B. Gamos
Tagaguhit: Mary Rose G. Ga
Tagalapat: Melissa M. Santiago

Tagapamahala
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Fatima M. Punongbayan
Arnelia R. Trajano, PhD
Salvador B. Lozano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng _______________________________

Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Health
Unang Markahan – Modyul 2:
Kahalagahan Ng Tama At Balanseng
Pagkain
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health – Ikalawang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahalagahan ng
Balanse at Tamang Pagkain!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Health – Ikalawang Baitang ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kahalagahan ng Balanse at Tamang

ii
Pagkain!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin
mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin
kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iv
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi sa Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

v
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay naghanda ng mga gawaing makatutulong


upang:
1. Matalakay ang kahalagahan ng tama at balanseng pagkain.
(H2N-Ib-6)

2. Natatalakay ang kahalagahang naidudulot ng pagkain.(H2N-


Icd-7)

vi
Subukin

Iguhit sa kuwaderno ang mga larawan pagkatapos ay kulayan ng


dilaw ang pagkaing magpapalusog sa iyo.

Aralin Mahalagang Tungkulin ng

1
1 Balanseng Pagkain

Mahalaga ang tungkulin ng pagkain sa ating katawan. Kaya


nararapat na maging maingat sa pagpili ng ating kakainin. May mga
pagkaing hindi nakabubuti sa kalusugan.
Alamin natin ang kahalagahan ng balanseng pagkain na ating
kakainin araw-araw. Narito ang mga halimbawa ng pangkat ng
pagkain na kinakailangan ng ating katawan.

Pangkat ng Pakain na Kailangan ng Ating Katawan

A. Tagapagbigay ng Lakas (Carbohydrates) GO FOODS


Ang mga ito ang pangunahing pinagkukunan ng lakas ng ating
katawan.

Mga Pagkaing mayaman sa Carbohydrates


Kanin, mais , tinapay, kakanin (suman, biko, palitaw,
maha) Pansit (miki, bihon, kanton)

B. Tagapagbuo ng katawan (Protein) GROW FOODS


Ang protina ay kinakailangan sa pagbuo at pagkumpuni sa
himaymay ng katawan pagbuo ng utak at iba pang bahagi ng katawan
upang ang mga ito ay manatiling nasa mabuting kalagayan.
Pinalalakas din nito ang resistensya.

Mga Pagkaing mayaman sa Proteins


 Isda at iba pang lamang dagat.
 Karne tulad ng baboy, manok, baka.
 Itlog at gatas
C. Tagapagsaayos ng takbo ng Katawan (Vitamins and Minerals)
GLOW FOODS

2
Tinutulungan nito ang wastong galaw ng katawan sa pamamagitan
ng pagsasaayos sa pagtunaw at pamamahagi ng pagkain sa iba’t ibang
bahagi ng katawan

Mga Pagkaing mayaman sa Vitamins and Minerals

1. Mga luntian at dilaw na gulay


2. Prutas

Balikan

Punan ang patlang ng tatlong bagay na dapat gawin upang


makamit ang mabuting kalusugan . Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Ang kalusugan ay makakamit sa pamamagitan ng


______________, ______________ at _________________.

3
Mga Tala para sa Guro
Ang kaalaman sa tama at balanseng pagkain ay
nararapat linangin upang higit na maging malusog ang
mga batang mag-aaral.

Tuklasin

Mobile Lebin
ni: May Bernadeth R. Cuzon

Si Lebin ay nasa ikalawang baitang ngunit hindi pa rin niya alam


asikasuhin ang kanyang sarili at ang higit na nakababahala sa lahat ay
ang pagiging mapili niya sa pagkain. Ayaw niya ng gulay, isda at

4
prutas. Tanging pritong hotdog lamang ang nais niyang kainin dahil
ito raw ay mabilis ubusin, lagi kasi siyang nagmamadali para
makapaglaro na ng paborito niyang mobile games. Laro dito, laro
doon. Maghapon, magdamag kahit siya man ay mapuyat.
Mula sa bintana ng
silid-tulugan ni Lebin,
matatanaw ang
malaking puno ng
Katmon kung saan
naninirahan ang isang
grupo ng mga engkanto,
na binging-bingi na sa
pasaway na bata. Sila ay
ang mag-asawang duwende, kapre, tikbalang at ang magandang
diwata. “Anak, bakit mo itinapon ang ulam na gulay”? tanong ng Ina
ni Lebin.“Ayoko nga kasi! Hindi masarap! Ayoko rin ng papaya!
sigaw ni Lebin habang akmang ihahagis ang prutas sa bintana”.
Sumusobra na ang batang iyan,” bulalas ni tikbalang.
“Oo nga, naawa na ako sa kanyang Ina,” malumanay na sagot ng
diwata.
“Kailangan nating gumawa ng paraan para malaman niya ang
kahalagahan ng pagkain,” suhestiyon ni kapre. Habang malalim na
nag-iisip ang mag-asawang duwende, nagkasundo ang mga engkanto
sa isang plano. Sila ay magpapakita kay Lebin upang turuan siya ng
aral.
“Boom! Oh! Yan! Takbo! Paulit-ulit na sigaw ni Lebin habang
mahigpit na hawak ang kanyang cellphone at gigil na gigil sa
pagpindot. “Lebin, pumasok ka na mahuhuli ka na sa klase!,”
mahinahong bigkas ng kanyang Ina habang si Lebin ay dumadabog na
naglalakad papasok sa paaralan na hindi alintana ang inihandang
mangga at suman na pabaon sa kanya. Pagkagaling sa klase sa halip
na magpalit ng damit, agad niyang hinawakan ang kanyang cellphone
at naglaro.

5
Boom! malakas na
pagsabog ang kanyang
nadinig at makapal na
usok ang bumalot sa
kanyang silid. Unti-unti
niyang nakita ang mga
nilalang mula sa nilalaro
niyang mobile games.
Nagkaroon ito ng
buhay na tulad ng mga karakter at gawain sa larong kanyang
kinahuhumalingan. Takot na takot si Lebin. Nasisira na ang mga
kagamitan sa loob ng kanyang silid-tulugan dahil dito nag-aalala siya
na marinig at malaman ng kanyang Ina ang nagaganap sa kanyang
silid.
“Tumigil na kayo! Alis!, hindi siya pinansin ng mga nilalang
kaya’t nagawa niyang sumigaw muli.
“Hindi ko na kayo lalaruin, susunod na ako kay Ina. Kakain na
ako ng masusustansyang pagkain na pinaghirapang ihanda para sa
akin. Sa nadinig, biglang huminto ang mga ito at nakangiting
humarap sa kanya at sabay-sabay nilang sinabi, “Magaling, iyan ang
tama
mong gawin. Mula ngayon
ay huwag mo nang uulitin
ang nakagawian mong
maling gawain”. Dahil dito,
namulat ang kanyang isipan
na ang mga pangyayari pala
ay bunga lamang ng

kanyang kathang isip dala ng lipas gutom. Simula noon ay kinakain


na niya ang lahat ng pagkaing inihahanda ng kanyang Ina batay sa
Filipino Food Pyramid, na kanyang natutunan sa leksiyon sa paaralan.

6
1. Sino ang pangunahing tauhan ng kuwento?
a. Debin b. Kebin c.Lebin

2. Ano ang paborito niyang gawin?


a. maglaro ng luksong baka
b. mag bisikleta
c. maglaro ng mobile games

3. Anong importanteng leksyon ang natutuhan ni


Lebin?
a. unahin ang pagkain ng masustansiyang
pagkain
b. huwag sigawan ang magulang
c. masarap maglaro maghapon at magdamag

4. Bakit mahalagang gamitin ang Food Pyramid?


a. nakatutulong sa pagpapalusog ng katawan
b. nakapagpapatalas ng isipan
c. nakatitibay ng ngipin
5. Paano niya nalaman ang kahalagahang naidudulot
ng wastong pagkain?
a. ipinaliwanag ng kanyang ina
b. sinabi ng kanyang kamag-aral
c. batay sa kanyang kathang isip

Suriin

Mahalagang kumain ng tama at balanseng pagkain


sapagkat:

 Napapanatili nito ang sigla at lakas ng katawan.

7
 Nakatutulong upang maiwasan ang sakit.
 Napapanatili nito ang talas ng ating memorya.
 Napagaganda nito ang ating balat.
 Napapaganda nito ang ating tulog.

Pagyamanin

Piliin sa hanay A ang letra ng tamang pangalan ng mga larawan


sa hanay B. Sagutan ito sa iyong kwaderno.

Hanay A Hanay B

a.
1. puso ng saging burger

b.
2. Malunggay pandesal

c.
3. Veggie kwek-kwek

d.
4. Kangkong chips

8
e.
5. Tiyesa ice cream

Tayahin 1

Isulat sa patlang ang salitang Opo kung maganda sa katawan


ang mga pagkain at Hindi po kung hindi. Isulat ito sa kwaderno.
_____1. mansanitas _____6. fishball
_____2. candies _____7. isda
_____3. kalyos _____8. itlog
_____4. Gatas ng kalabaw _____9. softdrinks
_____5. kanin _____10. Sapote

Tayahin 2

Kumpletuhin ang listahan ng mga pangalan ng pagkaing


kabilang sa nakasaad na uri. Gawin ito sa kwaderno.
Mga Butil Prutas at Gulay Isda at Karne
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

9
Isaisip

Piliin sa kahon ang tamang salita sa patlang. Isulat ito sa


kwaderno.

malusog sangkap wastong pagkain


buhay makaya

Ang pagkain ang pinakaimportanteng (1)___________ ng ating (2)


________, sa (3) __________ nanggagaling ang ating lakas upang(4)
______________ng gumawa ng mga bagay ito rin ang susi para
makaiwas sa pagkakasakit at pagkakaroon ng (5) ____________ na
pangangatawan.

Isagawa

Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay naglalarawan ng


kabutihang naidudulot ng pagkain. At ekis ( x ) naman kung hindi.
Gawin ito sa iyong kwaderno.

Ang pagkain ay nagbibigay ng sigla at lakas sa


katawan.
Ang pagkain ang pundasyon upang maging
malusog.

10
Nagpapatalas ng ating memorya.
Pinapahina ang ating immune system.
Napapanatili ang tamang timbang.
Nagpapaganda ng ating kutis.

Karagdagang Gawain

Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay tamang


gawin at isulat ang salitang MALI kung hindi nararapat gawin.
Sagutan ito sa inyong kwaderno.

_____ 1. Ang pagkain ng mais, kamote at gabi ay


nakapagbibigay lakas.
_____ 2. Mainam sa buto at ngipin ang kape.
_____ 3. Walang bitamina ang prutas at gulay.
_____ 4. Mayaman sa protina ang monggo, taho at gatas.
_____ 5. Masarap kumain ng candy sa almusal.

11
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN PAGYAMANIN TAYAHIN 1


1. OPO
2. HINDI PO
3. Opo
4. OPO
5. OPO
6. HINDI PO
7. OPO
8. OPO
9. HINDI PO
Balikan 10.OPO
Guro ang
TAYAHIN 2
magwawasto
Guro ang
ISAGAWA magwawasto
1. /
2. /
TUKLASIN 3. / Karagdagang
1. C 4. x Gawain
5. /
2. C 1. Tama
3. A ISAISIP 2. Mali
4. A 1.SANGKAP 3.Mali
2.BUHAY
5. C 4. Tama
3.WASTONG
PAGKAIN 5.Mali
4.MAKAYA
5.MALUSOG

12
Sanggunian

“Building a Better World for and with Children.” Save the


Children. Accessed October 25, 2019.
http://www.savethechildren.org.ph/.

Department of Education. "K To 12 Most Essential Learning


Competencies With Corresponding CG Codes". Pasig City:
Department of Education Central Office, 2020

“Convention on the Rights of the Child.” UNICEF.


Accessed October 13, 2019.
https://www.unicef.org/child-rights-convention.

“Home: GOVPH.” Official Gazette of the Republic of the


Philippines. Accessed October 25, 2019.
https://www.officialgazette.gov.ph/.

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like