You are on page 1of 24

2

MTB-MLE
Unang Markahan – Modyul 17:
Pagsasalita Tungkol sa Kilalang
Tao, Lugar o Pangyayari Gamit
ang Salitang Kilos
at Salitang Naglalarawan
MTB-MLE – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 17: Pagsasalita Tungkol sa Kilalang Tao, Lugar o
Pangyayari Gamit ang Salitang Kilos
at Salitang Naglalarawan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marlyn O. Maghanay
Editor: Elena V. Almario, Nerissa D. De Jesus, Marie Ann C. Ligsay PhD
Tagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy, Arnold A. Montemayor
Tagaguhit: Marlyn O. Maghanay
Tagalapat: Cristina T. Fangon, Edeliza T. Manalaysay
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Merlinda T. Tablan EdD
Ellen C. Macaraeg EdD
Elena V. Almario

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ___________________________


Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

MTB-MLE
Unang Markahan – Modyul 17:
Pagsasalita Tungkol sa Kilalang
Tao, Lugar o Pangyayari Gamit
ang Salitang Kilos
at Salitang Naglalarawan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 2 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pagsasalita Tungkol sa Kilalang Tao, Lugar o Pangyayari Gamit
ang Salitang Kilos at Salitang Naglalarawan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral


sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita


ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong


o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 2 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pagsasalita Tungkol sa Kilalang Tao, Lugar o Pangyayari Gamit
ang Salitang Kilos at Salitang Naglalarawan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral

iii
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at

iv
mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa


o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa

v
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga


gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang


pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung


tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro
o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o

vi
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsasalita
tungkol sa mga kilalalang tao, lugar o pangyayari gamit ang salitang
nagsasaad ng kilos at salitang naglalarawan.
MT2OL-Ig-h- 1.4

Subukin

Panuto: Bilugan ang salitang naglalarawan at ikahon naman ang


salitang nagsasaad ng kilos sa bawat pangungusap.

1. Malamig ang klima sa Baguio.


2. Namili kami ng mga gamit sa malaking mall
3. Tayo ay mamasyal sa Boracay.
4. Tumakbo si Lydia de Vega sa Luneta.
5. Mataas ang krus ng Mt. Samat.

Aralin Pagsasalita Tungkol sa Kilalang Tao,

1 Lugar o Pangyayari Gamit ang Salitang


Kilos at Salitang Naglalarawan

1
Mas lubos mong mauunawaan ang isang teksto kung makikilala
mo ang mga salitang ginamit dito. Tulad na lamang kung ang salita ay
naglalarawan o kung ito ba ay nagsasaad ng kilos.

Balikan

Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng ngalan ng tao, lugar,


bagay, hayop at pangyayari na kilala sa inyong lugar.

Tao Lugar Bagay Hayop Pangyayari

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento at unawain, bigyang-pansin ang


mga salitang may salangguhit.

Ang Masayang Pamilya

2
Ang aming pamilya ay masaya. Lagi kaming nagtutulungan lalo
na sa mga gawaing-bahay. May mga nakatalaga sa aming mag-igib,
maglinis ng bakuran, magdilig ng halaman at maglaba katulong ni
nanay. Sabay-sabay kaming kumakain at nagdarasal. Mabait ang
aming ina at ama. Tuwing araw ng Linggo nagsisimba kami at sama-
samang namamasyal sa malaking Mall at pagkatapos naman ay
kakain kami ng masarap na meryenda.

Suriin
Ang kuwento na iyong binasa ay may mga salitang kilos na
ginamit at mga salitang naglalarawan. Balikan mo muli ang kuwento
may makikita kang salitang may salangguhit. Iyan ang mga salitang
nagpapahayag ng kilos at mga salitang naglalarawan.

Sige nga tingnan ko kung naintindihan ang kuwento na ating


binasa. Bigkasin mo nga ang mga salitang may salungguhit na iyong
nakikita at isulat nang maayos sa sagutang papel.

Salitang Kilos Salitang Naglalarawan

3
Mga Tala para sa Guro
Ang aralin ito ay matututunan mong
makapagsalita tungkol sa kilalang tao, lugar, o

Pagyamanin

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Bilugan ang
mga salitang kilos at guhitan naman ang salitang naglalarawan
tungkol sa kilalang tao, lugar at pangyayari.

1. Si Sarah Geronimo ay magaling sa pag-awit.


2. Ang kapistahan ng Nazareno sa Quiapo ay dinudumog ng
maraming tao.
3. Kumain sa masarap na restoran si Mayor Francis.
4. Ang mga mag-aaral ay kumain sa “Wetland Park” kasama ang
kanilang mabait na guro.

4
5. Natakot ang mahiyaing si Wena sa kumakalat na COVID 19.

Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Bigkasin ang salitang kilos ng bawat larawan at sabihin
kung anong salitang naglalarawan dito.

lumalangoy naglalaro

tumatakbo naglilinis

5
kumakanta

Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Bilugan ang salitang naglalarawan at ikahon ang salitang


kilos.

1. Ang Luneta ay magandang pasyalan.


2. Si Anne Curtis ay magaling na umarte.
3. Nanood ako sa telebisyon ng “Ang Probinsyano.”
4. Nalungkot ang mga tao sa pagsasara ng ABS-CBN.
5. Nagbigay ng tulong sa mga tao ang mga opisyal ng barangay.

Pinatnubayang Pagtatasa 2

Panuto: Isulat sa patlang ang SN kung ang salitang may


salungguhit ay Salitang Naglalarawan at SK kung ang salitang may
salungguhit ay Salitang Kilos.

____1. Masipag ang Mayor ng Lungsod ng Balanga.

____2. Nanatili sa bahay ang mga tao dahil sa COVID-19.

____3. Matiyaga sa pagbabantay ang mga frontliners.

6
____4. Ang mga pulis ang nagbabawal lumabas sa mga tao.

____5. Malaki ang bahay ni Coco Martin.

Malayang Pagsasanay 1

Panuto: Ibigay ang angkop na larawan sa hanay A sa mga salita


sa hanay B. Pagdugtungin ito.

A B

1. a. malinis

2. b. magaling

3. c. maayos

4. d. matulin

7
5. e. madami

Malayang Pagtatasa 1

Panuto: Basahin ang mga salitang kilos o salitang


naglalarawan. Gamitin ito sa pagbuo ng pangungusap tungkol sa
kilalang tao, lugar at pangyayari.

1. nagbabasa
2. masipag
3. mataas
4. nagdarasal
5. malawak

Malayang Pagsasanay 2

Panuto: Basahin nang wasto ang mga pangungusap. Tukuyin


ang ginamit na salitang kilos o salitang naglalarawan.

1. Ang Bataan Riser ay naglalaro ng basketbol.

2. Nagalit si Pangulong Duterte sa mga taong lumabag sa batas.

3. Mataas ang lipad ng mga ibon.

4. Ang simbahan ng Balanga ay malaki.

5. Naglalakad ang mga tao kapag may prusisyon.


Malayang Pagtatasa 2

8
Panuto: Kilalanin ang salitang kilos o salitang naglalarawan na
ginamit sa pangungusap. Lagyan ng () kung ito ay salitang kilos at
(×) naman kung ito ay salitang naglalarawan.

______1. Madalas kami manuod “It’s Showtime”.


______2. Namasyal kami sa Morong noong Linggo.
______3. Si Kathryn Bernardo ay mabait.
______4. Kumakain kami ng gulay araw-araw.
______5. Mahusay na boksingero si Manny Pacquiao.

Isaisip
Ang salitang kilos ay salitang nagsasaad o nagpapakita ng kilos
o galaw na ginagamit sa pagsasalita sa mga kilalang tao, lugar, o
pangyayari.
Ang salitang naglalarawan ay ginagamit sa paglalarawan ng tao,
bagay, hayop, lugar at pangyayari lalo na kung nais nating ilarawan
ang mga ito.

Isagawa

Panuto: Tingnan ang bawat larawan. Tukuyin ang salitang


kilos at salitang naglalarawan dito.

9
1. 2.

3. 4.

5.

10
Tayahin

Panuto: Bilugan ang salitang naglalarawan at ikahon naman ang


salitang nagsasaad ng kilos sa bawat pangungusap.
1. Si Kris Aquino ay maalaga sa kanyang mga anak.
2. Namasyal ang mga bata sa Manila Zoo.
3. Si Angel Locsin ay palaging tumutulong sa mahihirap.
4. Mapalad ang taong naniniwala sa Diyos.
5. Isulat ang iyong pangalan sa malinis na papel.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sipiin ang sakitang kilos o salitang naglalarawan na


ginamit sa pangungusap.

1. Dumalo si Gov. Abet sa pagpupulong.


2. Mahusay ang mga mag-aaral sa ikalawang baiting.
3. Si John Loyd Cruz ay sikat na artista.
4. Malamig ang tubig sa Sibul.
5. Malawak ang pasyalan sa Doña Francisca.

Susi sa Pagwawasto

11
Subukin Balikan Suriin
Bilugan(naglalarawan) (Suriin at itama ang mga Salitang May Kilos
1.Malamig halimbawang ibinigay ng 1. maglaba
2.Malaking mga mag-aaral) 2. maglinis
5.mataas 3. magdilig
Ikahon(kilos) 4. kumakain
2.namili 5. nagdarasal
3.mamasyal 6. nagsisimba
4.tumakbo 7. namamasyal
8. nagtutulungan
Salitang Naglalarawan
1. masaya
2. mabait
3. Malaki
4. masarap
Pagyamanin
Pinatnubayang Pinatnubayang Pagtatasa Pinatnubayang Pinatnubayang Pagtatasa
Pagsasanay1 1 Pagsasanay 2 2
May bilog (Suriin at itama ang May bilog 1. SN
1. pag-awit sinabi na salitang 1. maganda 2. SK
2.dinudumog naglalarawan sa bawat 2. magaling 3. SN
3.kumain larawan na may 5.nagbigay 4. SK
4.kumain salitang kilos) May kahon 5. SN
5.natakot 3. nanood
4. pagsasara
May guhit
1.magaling
2.maraming
3.masarap
4.mabait
5.mahiyain
Malayang Pagsasanay 1 Malayang Pagtatasa 1 Malayang Pagsasanay 2 Malayang Pagtatasa 2
1. d (Suriin at itama ang 1. naglalaro 1. 
2. a binuong pangungusap 2. nagalit 2. 
3. c na may salitang 3. mataas 3. ×
4. b naglalarawan at 4. malaki 4. 
5. e salitang kilos) 5. naglalakad 5. ×

Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain


(Suriin at pakinggan ang Biligan (Naglalarawan) 1. Dumalo
sagot ng mag-aaral) 1.maalaga 2. Mahusay
4.mapalad 3. Sikat
5.malinis 4. Malamig
Ikahon (Kilos) 5. malawak
2.namasyal
3.tumutulong

12
Sanggunian
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-
Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education
Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-
Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education
Patnubay ng Guro sa Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be
Contributor. 2020. "Most Essential Learning Competencies
(MELC) KG to Grade 12 SY 2020-2021". Deped Click.
https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential-learning-
competencies.html.

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like