You are on page 1of 32

2

Mother Tongue
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Pandiwa
Mother Tongue – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Pandiwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Alexis V. Dela Cruz
Editor: Marjorie M. Palomo, Donna S. Villanueva
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Mila D. Calma
Tagaguhit: Jovanni B. Belmonte
Tagalapat: Emmanuel S. Gimena Jr.

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Milagros M. Peñaflor, PhD
Edgar E. Garcia, MITE
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Mother Tongue
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Pandiwa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mother Tongue-Based
Multilingual Education – Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling tungkol sa Mga Pandiwa!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Mother Tongue-Based Multilingual Education
– Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Mga Pandiwa!

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

iv
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Sa modyul na ito ay mahuhubog ang iyong kamalayan sa


gramatika sa pagkilala ng mga salitang kilos na ginawa na.
Mapagyayaman mo rin ang iyong kakayahan sa pakikipagtalastasan
gamit ang angkop na aspekto ng pandiwang nararapat mong gamitin
alinsunod sa salitang pamanahon. (MT2GA-IIIa-c-2.3.2)

Narito ang mga layuning inaasahan mong makamit pagkatapos


ng mga aralin:
1. nakikilala ang mga pandiwa o salitang kilos;
2. natutukoy at nagagamit ang pandiwang nagsasaad ng kilos o
galaw na ginawa na o naganap na; at
3. nasasagot ang mga tanong ayon sa kuwento o tulang binasa.

6
Subukin

Panuto: Tulungan sina Clara at Lauro na marating ang kinalalagyan


ng mga laruan. Hanapin sa kahon at kopyahin ang mga pandiwa o
salitang kilos na dapat nilang gawin upang makuha ang mga ito.

bola lobo lumakad


mesa sombrero tumalon
manika tumakbo humakbang
lumundag gitara bag

7
Aralin

1 Ano ang Pandiwa?


Ang mga kilos ay bahagi ng ating pamumuhay sa araw-araw.
Maraming kilos ang iyong nagagawa mula sa paggising sa umaga
hanggang sa pagtulog sa gabi.
Sa aralin na ito, malalaman mo ang tawag sa mga salitang
nagsasaad ng kilos.

Balikan

Basahing mabuti ang mga hakbang upang masunod ang mga panuto.
Gawin ang mga ito sa sagutang-papel.
1. Kumuha ng malinis na papel at isulat ang iyong buong
pangalan.
2. Gumuhit ng hugis puso at isulat ang malaking titik A sa loob
nito.
3. Gumuhit ng tatlong maliliit na bilog.
4. Gumuhit ng isang linyang patayo at dalawang linyang pahiga.
5. Gumuhit ng malaking parihaba. Isulat sa loob nito ang pangalan
ng iyong guro.

8
Mga Tala para sa Guro
Alamin muna ang kakayahan sa pagbasa ng bata. Ipaalala ang
mga pamantayan sa pagbasa bago magsimula. Hawanin ang mga
balakid upang maging maayos ang daloy ng pagbasa. Tiyaking may
pang-unawa sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagsagot nang tama
sa mga tanong pagkatapos nito.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat
ang letra ng sagot sa sagutang-papel.
Unang araw ng pasukan. Biglang nagising si Nilo nang tumilaok
ang manok. Tumunog din ang kanyang orasan. Naghilamos agad siya
sa lababo. Kumain siya ng masarap na almusal kasabay ang alagang
pusa. May sinangag na kanin, itlog at piniritong tuyo. Uminom siya
ng mainit na gatas. Naligo siya at nagbihis ng uniporme. Naglakad
siya papuntang paaralan.

1. Sino ang papasok sa paaralan?


a. Kiko b. Lino c. Milo d. Nilo

2. Bakit siya biglang nagising?

9
a. dahil tumahol ang aso
b. dahil ginising siya ng Nanay
c. dahil tumilaok ang manok
d. dahil tumunog ang telepono
3. Ano ang una nyang ginawa pagkagising?
a. Naligo sa banyo.
b. Nagsepilyo ng ngipin.
c. Nagligpit ng pinaghigaan.
d. Naghilamos siya sa lababo.
4. Ano ang kanyang kinaing almusal?
a. sinangag na kanin, itlog at piniritong tuyo
b. sinangag, hotdog at itlog
c. kanin, tuyo at hotdog
d. tinapay at itlog
5. Paano siya pumunta sa paaralan?
a. naglakad
b. tumakbo
c. sumakay ng bus
d. sumakay ng traysikel

10
Suriin

May mga salita na nagpapahayag ng kilos o galaw. Ito ay


tinatawag na pandiwa o salitang kilos. Ang mga kilos ay maaaring
gawa ng tao, bagay o hayop. Ang mga salitang nagising, tumilaok,
tumunog, naghilamos, kumain, uminom, naligo, nagbihis at naglakad
ay mga halimbawa ng pandiwa.

Pagyamanin

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Isaayos ang mga letra
upang mabuo ang pandiwa o salitang kilos na ginagawa ng mga bata.
Isulat ang sagot sa papel.

(g a n b a a s b a) (n u g s u l a s t a)

11
(t a l o n m u t a) (t u n a u t l o g)

(m a k a u k o k t)

12
Isaisip

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Piliin ang sagot sa
loob ng mga lobo. Kapag kumpleto na, awitin ito sa tono ng Sitsiritsit.
Sabayan ng kilos na mababanggit habang inaawit.
Awit ng Pandiwa
ni Alexis V. Dela Cruz kilos

galaw
Ang _____ ay salitang ______ o _______.
Ito’y inyong tandaan, isaisip ang natutuhan. pandiwa

Sumulat, tumula, bumasa, bumilang


Gumuhit at umawit, isakilos mga pandiwa!

13
Isagawa

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga mababasang pandiwa mula


sa grupo ng mga salita sa ibaba.

guro parke tumayo simbahan


kumanta mesa pusa kalye
baso Pasko tumawa unan
kawali sumigaw tumalon saging
bumulong palengke anak isda

Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang () kung ang salitang may
salungguhit ay pandiwa at ekis (X) kung hindi.
1. Umaakyat ng puno ang unggoy.
2. Itinapon ni Celia ang mga basura.
3. Hinabol ni Mario ang magnanakaw.
4. Magbubuhat ng mga kahon ang lalaki.
5. Ang mga regalo ay binuksan ng mga bata.

Karagdagang Gawain

14
Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang angkop na salita upang
mabuo ang mga pangungusap. Isulat ito sa sagutang-papel. Maaari rin
itong basahin o sabihin sa iyong kasama sa bahay.

(Pangalan)
Ako ay si _________________________. (Edad)
Ako ay _________
taong gulang na.

magsulat magbasa magbilang


magmaneho magtrabaho

Kaya ko nang ________________________. Kaya ko na ring


__________________________________. Kaya ko nang
_________________________________mag-isa.

15
Aralin

2 Pandiwang Naganap

May mga kilos na tapos mo nang gawin sa nagdaang oras o


panahon kaya hindi na maibabalik pa. Hindi mo na ito puwedeng
baguhin dahil nakaraan na.
Sa araling ito, tatalakayin ang mga salitang kilos na naganap na
o ginawa na gayundin ang mga salitang pamanahong gamit sa mga
pandiwang ito.

Balikan

Panuto: Basahin ang talaarawan o diary ni Ming-ming. Hanapin ang


mga salitang-kilos. Isulat ang mga ito sa sagutang-papel.

Talaarawan ni Ming-Ming
Marso 13, 2020

Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon habang sinusulat ko


ito. Pangalawang beses ko nang sumakay ng eroplano. Hindi ko
man kasama ang mga kaibigan ko, ikukuwento ko na lang lahat
sa kanila ang mga karanasan ko. Matutulog na lang muna ako sa
buong byahe. Sabik na akong makita silang muli.

16
Kung nakilala mo ang mga pandiwa mula sa talaarawan ni
Ming-ming. Binabati kita sapagkat nakahanda ka na sa susunod
na aralin.

Mga Tala para sa Guro


Ipaalala sa bata ang tamang paraan ng pagbasa ng isang usapan
o dayalogo. Ipabasa ito nang may wastong ekspresyon, diin at
intonasyon. Ipaunawa rin ang pagkakaiba ng katotohanan at
imahinasyon sa mga kuwento.

17
Tuklasin

Panuto: Sa tulong ng mga kasama sa bahay, sabay-sabay na basahin


ang usapan ng mga hayop.
Ang Sorpresa para kay Ming-ming
ni Alexis V. Dela Cruz
Abala ang magkakaibigang Atoy Aso, Boyong Baka, Kara
Kambing, at Babsi Baboy para sa nalalapit na pag-uwi ng kaibigang
pusang si Ming-ming.

Handa na ba ang lahat? Lalabas na si


Ming-ming ng ospital.

Oo kaibigang Atoy. Bigla na lang kasi


siyang nagkasakit pero buti na lang
magaling na siya. Nalinis na namin
kahapon ang bahay niya.

Nagsabit naman kami ng mga lobo at


banderitas kanina sa may gate nila.

18
Bumili na rin kami kaninang umaga
ng mga paborito niyang pagkain.

Nagsulat ako ng tula kagabi para sa kanya.


Sana ay huwag na ulit syang magkakasakit
para makapaglaro na tayo muli.

Sana matuwa siya sa mga sorpresa natin.


Gumuhit naman ako noong isang araw
ng malaking larawan nya. Sana
magustuhan niya iyon.

May ibibigay rin akong kard para sa


kaniyang pagbabalik. Sinabi ko roon na
lagi tayong nagdarasal para sa kaniya.

Mabuti pala kung ganon. Sa tingin ko ay


handa na tayo para sorpresahin siya. Sana
mapasaya natin ang kaibigang Ming-ming.

19
Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa dayalogo. Isulat sa isang
sagutang-papel.
1. Tungkol saan ang usapan ng mga hayop?
a. sorpresa kay Atoy Aso
b. sorpresa kay Ming-ming
c. sorpresa kay Babsi Baboy
d. sorpresa kay Kara Kambing
2. Ano ang paghahandang ginawa ni Boyong Baka para sa
pagbabalik ni Ming-ming?
a. naglinis ng bahay
b. nagsabit ng banderitas
c. bumili ng pagkain
d. nagsulat ng tula
3. Ano naman ang ginawa ni Kara Kambing?
a. nagsabit ng banderitas
b. bumili ng pagkain
c. nagsulat ng tula
d. gumuhit ng larawan
4. Sino ang may ibibigay na kard para kay Ming-Ming?
a. Atoy Aso
b. Boyong Baka
c. Babsi Baboy
d. Kara Kambing
5. Kailan nagsulat ng tula si Atoy Aso para kay Ming-ming?
a. kahapon
b. kagabi
c. kaninang umaga
d. noong isang araw

20
Suriin

Mapapansin sa mga pangungusap sa itaas na ang mga kilos ay


tapos na o nangyari na dahil sa mga salitang kahapon, kanina,
kaninang umaga, noong isang araw at kagabi. Ito ay mga pandiwang
ginawa na o naganap na.
Ang nalinis, nagsabit, bumili, nagsulat at gumuhit ay mga
halimbawa ng pandiwang naganap.
May mga panlapi o katagang ikinakabit sa mga salita. Ang mga
panlapi ay maaaring ilagay sa unahan, gitna o hulihan ng salita.
Gumamit ng mga panlaping na-, nag- at –um upang mabuo ang
mga pandiwang ito.
Panlapi Salitang - ugat Pandiwa
na linis nalinis
nag sabit nagsabit
um bili bumili
nag sulat nagsulat
um guhit gumuhit

21
Pagyamanin

Panuto: Punan ng angkop na pandiwa ang mga patlang. Isulat ang


letra sa sagutang-papel.
1. Ako ay ____________ kagabi bago matulog.
a. dasal c. nagdarasal
b. nagdasal d. magdarasal
2. Ako ay ____________ ng kamay kanina bago kumain.
a. hugas
b. naghugas
c. naghuhugas
d. maghuhugas
3. Ako ay ____________ ng pinagkainan kahapon pagkatapos
kumain.
a. ligpit
b. nagligpit
c. nagliligpit
d. magliligpit
4. Ako ay ____________ noong isang araw pagkatapos maglaro.
a. tulog
b. natulog
c. natutulog
d. matutulog
5. Ako ay ____________ ng sahig kaninang umaga sa loob ng
bahay.
a. lampaso
b. naglampaso
c. naglalampaso
d. maglalampaso

Isaisip

22
Panuto: Buuin ang maikling tula. Piliin ang angkop na salita sa loob
ng kahon at isulat ito sa sagutang-papel. Tulain din ito sa harap ng
kasama sa bahay.

pandiwa na- nag-


um- in-. nakaraan

Ang Pandiwang Naganap


ni Alexis V. Dela Cruz

Ang ______ ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw.


May tiyak na gamit ayon sa panahon o araw.
May ginawa na o naganap na ang kilos din.
May ginamit na panlaping __ at __, __ at __

Mga salitang pamanahon tulad ng kahapon.


Pati na rin ang kagabi, _________ at noon.
Mga hudyat para sa naganap na o nagawang aksyon.
Laging tatandaan may pandiwa ayon sa panahon.

23
Isagawa

Panuto: Sina Liza at Miko ay galing sa paaralan. Bago sila


makarating sa kanilang bahay ay marami silang gusaling madadaanan.
Sagutin ang mga tanong sa bawat istasyon upang makadaan sila at
makarating sa kanilang bahay. Isulat ang angkop na pandiwa sa
sagutang-papel upang mabuo ang mga pangungusap.

1. (Nagsimba, Nagsisimba, Magsisimba) si Helen sa simbahan ng


Quiapo noong Linggo.

2. Si Mina ang (kumain, kumakain, kakain) ng natirang


prutas sa basket kanina.
3. (Dinalaw, Dinadalaw, Dadalawin) namin si
Lolo sa ospital noong nakaraang buwan.

4. Si Aling Martha ang (bumili, bumibili, bibili)


kagabi sa palengke ng mga ulam nating
isda at karne.

5.(Nagbigay,
Nagbibigay, Magbibigay) sila ng mga
lobo sa mga bata kahapon.

Tayahin

24
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. ___________ si Alice ng mga plato noong nakaraang araw.


a. Naghugas c. Maghuhugas
b. Naghuhugas d. Hugas
2. Ang ate ang ___________ ng mga damit sa labas kaninang
umaga.
a. nagsasampay c. magsasampay
b. nagsampay d. sampay
3. Ang bata ay ___________ sa sahig kagabi.
a. hihiga c. humihiga
b. humiga d. higa
4. Si Nene ay ___________ diyan kanina.
a. umuupo c. umupo
b. uupo d. upo
5. ___________ kami kagabi sa altar.
a. Nagdasal c. Magdarasal
b. Nagdarasal d. dasal

25
Karagdagang Gawain

Panuto: Piliin mula sa kahon ang angkop na pandiwang naganap na


upang mabuo ang mga pangungusap. Basahin at ikuwento ito sa mga
kasama sa bahay.

naglaro nabasag lumapit


narinig huminto

(1) ang magkakaibigan ng bola sa labas ng bahay ni


Mang Kardo kanina. Bigla na lang may (2) na malakas na
tunog. (3) pala ang salamin ng bintana. Napasigaw nang
malakas ang matanda sa gulat. (4) sa paglalaro ang mga
bata sa takot. (5) sa kanila si Mang Kardo at humingi sila
ng paumanhin.

26
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1
Subukin Tuklasin Isagawa
lumakad 1. d tumayo
tumalon 2. c kumanta
tumakbo 3. d tumawa
4. a
humakbang tumalon
5. a
lumundag Pagyamanin sumigaw
1. nagbabasa bumulong
Balikan 2. nagsusulat
1. (pangalan ng bata) 3. tumatalon Tayahin
2. A 4. natutulog 1.  4. X
3. ooo 5. kumakatok 2.  5. X
4. |__ __ Isaisip 3. 
5. (pangalan ng guro) Ang pandiwa ay salitang kilos o
Karagdagang Gawain
galaw
magsulat, magbasa, magbilang

Aralin 2
Balikan Isagawa
sinusulat, sumakay, 1. nagsimba
ikukuwento, matutulog, makita 2. kumain
Tuklasin 3. dinalaw
4. bumili
1. b
5. nagbigay
2. a
3. a Tayahin
4. c 1. a
5. b 2. b
Pagyamanin 3. b
4. c
1. b
5. a
2. b
3. b Karagdagang Gawain
4. b 1. naglaro
5. b 2. narinig
3. nabasag
Isaisip 4. huminto
pandiwa 5. lumapit
na-, nag-, um- at in-.
nakaraan

27
Sanggunian
2016. K to 12 Curriculum Guide. Mother Tongue. Department of
Education.

Bamba N. D., et al., 2014. Mother Tongue-Based Multilingual


Education 3. (Kagamitan ng Mag-aaral). Department of
Education.

Bamba N. D., et al. 2015. Mother Tongue Based Multilingual


Education 2. (Patnubay ng Guro). Department of Education.

Urbien-Salvatus, Grace et. al., 2013. Mother Tongue Based


Multilingual Education 2. (Kagamitan ng Mag-aaral).
Department of Education.

Urbien-Salvatus, Grace et. al., 2013. Mother Tongue Based


Multilingual Education 2. (Patnubay ng Guro). Department of
Education.

28
29
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like